Chapter 2

1062 Words
Ninety percent of murders were committed by men. The Department of Justice statistic made sense to Jenan. Most men she knew weren't exactly creative thinkers. Of the 10 percent of murders committed by women, Jenan bet the vast majority of them were crimes of passion against boyfriends or husbands. And again, not a surprise. Nagtatalo ngayon ang utak ni Jenan kung papatayin ba niya ang kanyang ex-lover o hindi. Gusto kasi niyang mag pokus muna sa paghihigante niya kay Royet bago niya isusunod si Jarred. Dahil kahit dalawang taon na ang nakalipas hinding-hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtataksil sa kanila ni Jarred, his betrayal burned like acid in her heart. Pilit naman niyang iwinawaksi ang mga alalahaning iyon. Saka ina-adjust niyang mabuti ang pagkakalagay sa kanyang baril sa gitna ng kanyang dibdib. Kasalukayan kasi niyang binabaybay ang isang drainage pipe. Tsk, kadiri talaga, pero tiniis niya. Ito lang kasi ang sekretong madadaanan niya. Dalawang araw na siyang namalagi sa lugar na to, putting the final pieces of her plan in place. Umayon naman ang lahat sa plano niya, maliban nalang sa bawat hakbang niya ay maalala niya ang pait ng pagtataksil sa kanya ni Royet at nakuha pa siya nitong muntik patayin, pati na rin si Jarred na nakipagsabwatan nito, talagang kinamumuhian niya ito at hindi niya kailanman ito mapapatawad. Annoyed that her thoughts had slipped so easily to him again, she stared past the sewage to the pristine water of St. Thomas Harbor and counted the cruise liners. Tatlong cruise ship na ang nagpalit-palit sa pagdaong at ilang libong turista na rin ang bumaba mula sa mga barkong iyon. The ferry from Puerto Rico had landed on this less-scenic end of the harbor an hour earlier, pero ni anino ni Royet ay hindi niya nakita. Unless, kung dito rin dumaan ang hangal sa pipe na binaybay niya. Anumang oras nakahanda naman siya para labanan ito. Ilang buwan kaya niyang pinagplanuhan ang paghihigante kay Royet kahit nong nasa kulungan pa ito. The idea of coming face-to-face with Royet for the first time since that fateful day made her anxious. Hindi naman siya takot makaharap ito, ngunit may parte pa rin sa utak niya kung kaya ba niyang labanan ang isang lalaking may kakayahan ding patayin siya. Pero hindi. Hindi sa pagkakataong ito, kahit naturingan na itong isa sa mga mapanganib na tao sa buong mundo. Tuloy pa rin ang plano niya kahit anuman ang balakid na makasalubong niya. Ngunit napukaw lamang ang kanyang atensyon nang marinig niya ang paghagikhikan ng tatlong bata na naglalaro sa bandang seawall. Her heart sank. Hindi ito ang lugar na para sa kanila, hindi ngayon. Paano kung bigla nalang magpakita si Royet sa lugar? Magdadalawang-isip lang siyang itumba ito kung may mga bata sa paligid. Siguro taga rito ang mga bata na ito, mga blondy kasi ang buhok ng mga ito at may kayumangging mga balat na halatang palaging bilad sa araw. Mukhang malnourish din ang mga ito, kawawa naman. Madali lang kasi siya maawa lalo na sa mga bata. That's why she hated to shoo these children away. Ayaw niyang putulin ang pagsasaya ng mga ito. Siya lang naman itong sampid na biglang dumating sa lugar na to. Kumuha naman siya ng tatlong dolyares mula sa kanyang pitaka at linapitan ang mga naglalarong bata. Nang mapalingon ang mga ito sa direksyon niya, nakaplaster sa mga mukha nito ang matamis na ngiti. Inabot niya sa mga ito ang tig-iisang dolyar at malugod nilang tinanggap iyon sabay ng pasasalamat sa kanilang sariling lenggwahe. Itinuro naman niya sa mga ito ang isang ale na nagtitinda ng mga pagkain at seninyasan ang mga ito na bumili roon. Ngunit ang isang bata ay nagpaiwan at bigla nalang siya nitong niyakap ng mahigpit. Lumingon muna siya sa drainage pipe bago niya niyakap pabalik ang bata. At sa wakas, umalis din ito at sinundan ang mga kasamaham nitong bumibili ng pagkain. Jenan was free again to turn her attention back to pipe. Sana lang hindi niya nakaligtaan si Royet nong kausap niya ang mga bata, dahil back to start na naman ang plano niya. She heard a splash before she saw a swish of movement in the shadows. Kinapa niya agad ang baril na nilagay niya sa kanyang dibdib at hinugot iyon. Silencer ang kanyang baril kaya hindi ito lilikha ng ingay kung may patatamaan siya. Bingo! Pamilyar niya ang bulto ng lalaki na kalalabas lang sa pipe. Huh, naka hawaiian attire pa ang hangal. Saan kaya nanakaw nito ang mga kasuotang iyon? Sana lang buhay pa ang taong pinagnanakawan ng kasuotan nito. Saktong-sakto talaga ang pwesto niya sa kinaroroonan ni Royet, kung kakalabitin niya ngayon ang gatilyo hayan tumba talaga ito. Pero gusto muna niyang makasiguro na walang ibang taong madadamay. Kaya sa halip na kalabitin ang gatilyo, linapitan niya ito at tinutukan ng baril sa malapitan. "Hello Royet, long time no see." Natigilan ito at napalingon sa direksyon niya. "Ikaw?" His expression was stoic, like a man resigned to his fate. Mas humakbang pa siya papalapit rito habang nakatutok pa rin dito ang kanyang baril. "Inaasahan ko na ang pagkikita nating ito. Though I would've preferred it if you'd been a little bit more surprised, perhaps begged me to live." Napaismid ito. "Gusto ko pa naman sana kumain ng steak bago ako mamatay. Pero hindi naman natin makukuha ang lahat ng gugustohin natin, di ba?" Inilipat niya sa puso nito ang pagtutok sa baril. Akala niya madali lang ang pagkalabit sa gatilyo pag makaharap na niya ang taong ito, but it was harder than she'd expected. Yeah, Royet Moore deserved to die. She knew it. Karma knew it. Kaya hindi niya dapat paiiralin ngayon ang kahinaan niya bilang babae. Tatapusin na niya ito. Kakalabitin na sana niya ang gatilyo nang biglang umalingawngaw ang isang putok. At sabay sila ni Royet na napasandal sa magkabilang side ng pipe. Subalit mabilis na tumakbo si Royet papunta sa beach. Umalingawngaw ulit ang isa pang putok. s**t! Mukhang may kakampi ang hangal ah. Hindi ito maganda pero kailangan niyang habulin si Royet. Huminga muna siya ng malalim bago siya kumaripas ng takbo para habulin si Royet. Hindi pwedeng makawala na naman ang lalaking iyon. Mapanganib siyang tao kaya kailangan niyang mapuksa. So help her God, sana maabotan pa niya ito bago mahuli ang lahat. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD