bc

HER OBSESSION (GxG)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
11.6K
READ
spy/agent
dark
badgirl
tomboy
kickass heroine
gxg
bold
city
like
intro-logo
Blurb

Nagtatrabaho si Alexis Javier sa isang club bilang star dancer nang mag-alok ng malaking halaga si Antonio Arzaga sa kanya. Magdadalawang-isip pa sana ang dalaga pero tinawagan siya ng katulong na pinasira na ang bahay nila ng may-ari ng lupa at nasa hospital pa ang lola niya kaya wala siyang choice kundi ang tanggapin ang pera galing kay Antonio Arzaga.

But this Senior Arzaga has twisted mind, cunning and evil. Tuso dahil siya ang master mind upang mapaalis ang pamilya ng dalaga sa lugar nila para makasiguradong mapalapit siya sa dalaga.

Nang malaman ng long lost mother ni Alexis na nagkataong isang lider ng isang organisasyon na kinabibilangan ng mga babaeng assassin ay ipinadala niya si Mitchelle Mondragon bilang bodyguard ng dalaga.

Dahil parating magkasama ay nagkaroon ng romantic feelings sa pagitan ng dalawa. Magkasamang kumakain habang magkahawak ang mga kamay kapag walang nakakakita; magkatabing nakahiga habang nanonood ng movies hanggang sa ang panonood ay nauuwi sa isang mainit na pagtatalik ng dalawa.

Maayos na sana ang set-up ng dalawa pero nalaman ni Arzaga ang itinatagong lihim ng dalawa kaya't dinakip niya si Alexis at handa na sanang gawin bilang isa sa mga koleksyon niya nang dumating si Mitchell at Athena para iligtas ang dalaga.

chap-preview
Free preview
ANG DANCER
ALEXIS JAVIER "Tuloy na po ako!" sigaw ko bago umalis dahil mahina na ang pandinig ng lolo at lola ko. Matanda na kasi kaya ganoon. Inihabilin ko na rin ang dalawang matanda sa dalagitang kinuha kong katulong para kung may trabaho ako ay may nagbabantay pa rin sa grandparents ko. 8:00 p.m. at sakto lang para pumasok sa trabaho ko. Isa akong dancer sa isang sikat na club. The club is exclusive for those millionaires and billionaires. Sa lugar namin ay walang nakakaalam sa tunay kong trabaho at maging ang lolo at lola na siyang nagpalaki sa akin ay hindi nila alam kung saan ko talaga kinukuha ang pera sa pang-araw-araw naming gastusin. Ang tanging alam lang nila ay isa akong call center agent. Mag-iisang taon na ako sa club at kahit gustuhin ko mang maghanap ng trabaho ay hindi ko na magawa dahil: Una, 2nd year high school lang ang natapos ko; Pangalawa, kapag naghanap ako ng panibagong trabaho ay may tatanggap ba sa akin? At ang panghuli kong rason at ang pinakadahilan ng pananatili ko sa LOTUS CLUB ay ang mismong pera na natatanggap ko araw-araw. Dahil ako ang numero uno na kinagigiliwan ng mga parokyano ng club ay malaki ang natatanggap kong pera araw-araw. But my identity is safe. May maskara ako habang nagsasayaw at hindi rin ako pumapayag na i-table ng kahit na sino. But believe it or not, sa kabila ng trabaho ko, I'm still a virgin. May nag-offer minsan ng milyon para maka-s*x ako pero hindi ako pumayag. Ayoko rin kasing malantad ang katauhan ko baka maging sanhi pa ng sama ng loob ng grandparents ko. May balak din naman akong umalis sa trabaho kong ito pero hindi pa ngayon. Nag-iipon pa ako para makabili ng bahay para maialis ko ang matatanda sa iskwater na kinalalagyan namin. Balak ko rin na magpatuloy sa pag-aaral para may mukha naman akong iharap sa karamihan. Pero hindi pa nga lang ngayon ang panahon. Oo nga't malaki ang kinikita ko sa club pero sakto lang sa maintenance ng grandparents ko at gastusin para maka-survive sa isang araw. "Miss, nandito na tayo," anunsyo ng taxi driver sa akin. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng isang mumurahing hotel dahil sa lalim ng iniisip ko. Kumuha ako ng pera at iniabot sa matandang driver. Binigyan ko na rin ng dalawang daan para sa tip. Malapit ang loob ko sa mga matatanda dahil sa mga grandaparents ko. Luminga-linga muna ako sa paligid bago tinalunton ang kaliwang bahagi ng daan kung nasaan ang Lotus Club. "At last you're here, sweetheart!" nakatiling saad sa akin ni Mamo-ang baklang handler ko and at the same time ay owner nitong club-nang makapasok na ako sa kwartong nakalaan lang sa akin. "Bakit?" "Kilala mo si Antonio Arzaga?" pambungad tanong niya sa akin. Antonio Arzaga? tanong ko sa isip ko. Napakunot ang noo ko dahil tila pamilyar sa akin ang pangalan ng lalaki. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon? "Ano kilala mo?" untag sa akin ni Mamo. Napailing ako bilang sagot. "Saang kweba ka ba naglalagi at hindi mo kilala si Señior Arzaga?" Napangiwi ako nang sabihin niya ang salitang Señior. Ibig lang kasing sabihin noon ay gurang na ito. "Ano ba kasi iyon, Mamo? Diretsahin mo na lang kaya ako," nakangiti kong saad sa bakla. Hindi ko siya makuhang tarayan hindi dahil siya ang employer kundi dahil mabait talaga siya at maunawain sa mga trabahante niya. "Gusto ka niyang ilabas, sweetheart." "Pero, Mamo, alam mo naman na hindi ako pumapayag sa ganyang set-up, hindi ba?" "Sweetheart, makinig ka sa akin." Inayos niya ang buhok ko matapos ay hinawakan ako sa kamay. "Sa totoo lang ay nanghihinayang ako sa iyo. You're only 20 at malayo pa ang mararating mo sa buhay. Malaki man ang kinikita nitong club dahil sa iyo ay ayaw ko naman na maburo ka sa uri ng trabahong mayroon ka ngayon. Senior Arzaga offered 50 million pesos para mailabas ka lang, sweetheart!" nanlalaki ang mga matang saad niya. Ako man ay halos malaglag ang panga dahil sa revelation ni Mamo. Mantakin mo, ilalabas lang ako pero handang magbayad ng 50 million?! Samantalang iyong gusto akong maka-s*x ay magbibigay lang ng dalawang milyon! Kumakalabog ang puso ko dahil sa laki ng perang makukuha ko kapag tinanggap ko ang offer! "N-nagbibiro ba kayo, Mamo? Hindi m-magandang biro iyan!" nauutal na saad ko dahil aaminin ko, nangangati akong sunggaban ang ganoon kalaking pera! "Of course not, sweetheart," maarteng sagot niya sa akin. "Hindi ba at sabi mo na gusto mong maipagpatuloy ang pag-aaral mo? Now is the time. Maaalis mo na rin sa maruming lugar na iyon ang mga oldies mo, sweetheart." Mas excited pa si Mamo kaysa sa akin base sa reaksyon niya. At alam ko kung bakit, dahil kahit 10% lang ang nasa kontrata namin na mapupunta sa kanya ay malaking halaga na rin iyo. "And, sweetheart, kahit singko na duling ay wala akong kukunin sa perang iyon kaya buo mong matatanggap ang singkuwenta milyones!" Dahil sa sinabi niya ay napaiyak ako at yumakap na sa kanya. "M-mamo, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung wala kayo. Maraming salamat!" sabi ko sa kabila ng paghikbi. "Asus naman. Nakikita ko kasi ang pagsusumikap mo kaya hanggang may maitutulong ako ay gagawin ko." Gumanti na rin siya ng yakap sa akin. "At isa pa, ang bataan ay 'wag isusuko, ha? Kahit pa sobrang gwapo ni Antonio Arzaga!" Kumalas ako sa kanya "Gwapo?" "Yes, sweetheart! At aminin ko man o hindi ay pinapainit niya ang katawan ko sa tuwing nakikita ko siya. Ohhhh!" Binuntutan niya ng pag-ungol kaya nagkatawanan kami. "Bet mo iyon, sweetheart, dahil siyam na taong gulang lang ang tanda sa iyo. Gwapo, mayaman, sikat, saan ka pa? Ano payag ka na?" "Hanggang kailan ba ang offer niya, Mamo?" "'Yan ang hindi ako sure, sweetheart. Bakit?" "Gusto ko muna kasing pag-isipan. Ang laking halaga kasi ng pinag-uusapan kaya nakakabahala ang intensyon," tapat kong sagot kay Mamo. Malaking pera, oo, pero ang kapalit ay ilalabas lang ako? Pabor sa akin iyon. Kaya lang bakit kailangan na umabot sa 50 million kung walang ibang intensyon? Napailing ako para iwaksi ang kabang biglang sumalakay sa dibdib ko. "Ikaw ang bahala. Nasa sa iyo parati ang desisyon, sweetheart. Pero hindi natin sigurado kung darating pa ang ganitong klaseng pagkakataon." Tinapik niya ang balikat ko. "Magbihis ka na at mag-ayos, malapit ka nang sumalang. May bago akong pinatahing damit at nasa wardrobe mo na. Babagay iyon sa iyo. Galingan mo at hayaan mo silang mamahang sa galing at alindog na taglay mo." He kissed my cheek before leaving the room. After 30 minutes ay nandito na nga ako sa stage suot ang kulay itim na coat na nakatakip sa katawan ko habang may kulay itim na maskara na nakatakip din sa mukha ko. Marahan akong nagpaikot-ikot sa pole habang iniindayog ang balakang ko sa saliw ng maharot na tugtugin. Gumiling-giling ako hanggang sa napalitan ng kulay pula ang ilaw na maliwanag kani-kanina lang. I faced the audience and started to unzip my coat at nang mahubad ay inihagis ko iyon sa kung saan at tumambad sa kanila ang kapiranggot na kulay pulang tela na nakakabit sa katawan ko. Tumalikod ako sa kanila at tumuwad at sinimulang paglakbayin ang kamay ko mula sa paa hanggang sa may dibdib ko. "More, baby!" Narinig ko na may sumigaw pero binalewala ko iyon. "For 300 thousand, remove your bra!" Tumayo ako nang tuwid at kinalas ang strap ng bra ko habang nakatalikod pa rin sa kanila. Nang hawak ko na ang bra ay inihagis ko iyon sa mga nanonood kaya nagsigawan ang lahat. Humarap akong umiindayog habang nakatakip ang buong braso ko sa dibdib kaya mas lalong nag-ingay ang crowd at tila mga halimaw na handa akong sunggaban sa oras na magkaroon sila ng pagkakataon. Sumisigaw sila ng malaking halaga kapalit ng pagtanggal sa natitirang tela sa katawan ko at ang tuluyang paglantad ng mga dibdib ko pero hindi ko na sila pinagbigyan. Hanggang doon lang ang kaya ko. Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao at tumigil ito sa isang sulok dahil sa isang taong umagaw ng atensyon ko. Isang babaeng maiksi ang buhok na may gothic look! Maputi, payat, magandang pumorma, may mga tattoo sa katawan and damn! Ang sexy nitong tingnan dahil sa tattoo nito sa mukha! At kahit naka-upo, sigurado akong matangkad ang babae. Halos mapaigtad pa ako nang kumindat siya sa akin kasabay ng pagtaas ng hawak niyang shot glass. Parang may naghahabulang daga sa puso ko dahil sa pagwawala nito at ang katawan ko! s**t! Bakit nagre-react ang katawan ko sa babae? Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang uminit ang pakiramdam ko sa kabila ng malamig na temperatura dito sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.7K
bc

The Sex Web

read
133.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

NINONG III

read
364.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
966.2K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.1K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook