bc

The Diary of Jane

book_age12+
659
FOLLOW
1.9K
READ
family
friends to lovers
goodgirl
student
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Some love stories started with a kiss.

Some started with a gamble or a bet.

But his story... their story, it all started with a diary.

chap-preview
Free preview
Kabanata I - Detention
"G-minor!" sigaw ni Damon habang nakatayo sa gitna ng classroom at ini-istrum ang hawak na gitara. Ginagaya lang niya ang pinag-uusapang linya doon sa korean nobelang 'Dream High 2. Tawanan naman ang mga kaklase niya kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng teacher nila. "Demon Ian S. Salvatorre!" "Yes Mam?" awtomatik niyang lingon dito kagaya ng awtomatik na pagtahimik ng klase. "What do you think you're doing inside my class?" "Just practicing my audition piece, while waiting for you Ma'am," painosente niyang sagot. Wala naman talaga siyang audition. Sa sulok ng kanyang mga mata,  nakita niya ang pigil na pagbungisngis ng mga kaklase niya. He can't help but smirk as well. "This is lecture time not your practice time Demon!" nanggagalaiting sigaw ng teacher. Napangiwi siya. Minu-murder na naman ni Ms. Guerra ang pangalan niya. "I know Mam, but you're kinda late so we thought there's no class anymore." Namula lalo ang teacher nila sa sinabi niya lalo na at nang inilibot nito ang tingin sa klase ay nakita nitong tumatango ang lahat. But since she's the teacher, and she's the higher up, she's supposed to be right. Walang kwenta ang ano mang rason for a teacher like Ms. Guerra.  "Late or not, still ... you're not supposed to play any musical instruments in my classroom Demon." "But Mam–" "No buts, Demon." "Mam, you're always saying my name incorrectly. I just want to correct you, it's Day-mon. Da- is pronounce as the like of Monday, like the day today." "Aba't-!"  "Not the way you say it which sounded with your dialect. Also, my surname isn't Salvatorre. That's my middle name. My surname is Salvacion, Mam." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umupo na siya sa pwesto niya. Napahawak sa batok niya si Ms. Guerra. Nakatayo lang siya doon sa mesa niya, humihinga nang malalim na tila ba pinapakalma ang sarili. Pagkaraan ay tinungo nito ang pwesto niya. She handed him a slip. Detention  "Sabi ko na nga ba e," bulong niya sa sarili. Ganoon naman itong mga teacher, hindi aamin ng pagkakamali, dinadaan pa sa detention ang pagganti. Tsss. Hindi na rin naman siya naninibago. Suki siya ng detention room. Iyon ay dahil most of the time, he voices out his opinion and reason out basta alam niyang may point siya. Iilan lang iyong dahilan sa away o bugbugan. Hindi naman sa basagulero siya, malas lang talaga siguro kaya lagi siyang nadadawit sa g**o. Detention's not bad at all. Nakakatulong pa nga iyon sa paglaki niya. Nakakatulog kasi siya doon. Hehe.  But not that day.  Nakatalungko siya doon sa upuan niya. He's too bored to even stare at the ticking clock so he looked outside just to see a girl. Nakaupo ito sa isang bench malapit doon. She was busy scribling something with some books and notebooks  beside her.  Maybe she's answering her homework, o di kaya may activity na kailangang sagutan, naisip niya. Nakita niya nang liparin ng hangin ang buhok nito. At tila hindi nito alam na kahit ilang beses pa nitong hawiin ang buhok nito pa-side at paipit sa tenga nito, ay liliparin at liliparin pa din ito ng hangin. Napangiti siya. And he found himself watching her every move and starring at her different expressions.  Iyong pagkunot ng noo o di kaya'y pagsimangot nito dahil siguro nahihirapang intindihin kung ano man ang ginagawa nito. Minsan, napapakamot pa ito ng ulo. Dahil doon ay magugulo ang alon-alon nitong buhok, pero aayusin din nito iyon pagkatapos. Iyong biglang pag clap or di kaya ay pag-snap ng fingers nito, giving him the idea na maybe, kung ano man ang hinaharap or sinasagutan  nito, she finally got it right. Hindi siya iyong tipong nakikialam sa buhay ng may buhay. Masyado na siyang busy sa sariling niyang buhay para mangialam pa. Hindi siya mahilig mag obserba ng mga tao sa paligid niya. Buhay nila iyon, wala siyang karaptang manghusga, bahala sila kung paano nila gustong mamuhay.  But he found himself doing it. Siguro nga ganun na siya ka-bored na pati isang lonesome, simple girl sa campus ay naging kaaliw-aliw sa kanya. Paano niya nasabing lonesome? Kasi kung friendly ito, dapat maingay nitong kasama ang mga kaibigan o kaklase habang ginagawa ang kung ano mang ginagawa nito. Kung friendly ka o gusto mo ng magiging kakaibiganin, hindi sa isang sulok ng campus ka tatambay mag-isa. Paano niya nasabing simple? She's in her uniform. Tamang sukat lang, hindi kagaya ng ibang ginawa ng mini skirt ang palda. Plus she wears no make up. Tanging silver na relo at earring lang din ang accesories nito. After some time ay dumating si Ms. Guerra kaya nawala ang pansin niya sa babaeng nasa labas. She shoved to him some papers. Andaming multiple choice na sasagutan. "Mam, ang dami naman po nito," reklamo niya.  "Either that or you make a 1000 words essay," she said habang matamang nakatingin sa kanya. "1000?! Grabe naman iyon Mam." Napakamot siya sa ulo dahil sa sinabi nito. Seryoso, may ganoon? Hindi ba dapat 100 to 200 words lang? "You decide Day-mon." She emphasized saying his name. Kasi correct na. Ayaw na din siguro nitong sumakit ang ulo dahil lang sa gusto niyang tama ang pagkaka-pronounce ng pangalan niya. Haha.  "Ah, ito na lang pong multiple choice ang sasagutan ko." If there's an easy way, why choose the hard one di ba? At hindi pa siya nababaliw para pahirapan ang sarili niya. "Just so you know Day-mon, if you failed that multiple choice, you're still gonna make that essay. So score at least half." Gusto niya ng batuhin ng wrecking ballpen ang teacher niya. Ang dugas grabe. Binigyan pa siya ng choices e alam naman nila parehong hindi siya makakapasa. He's not good in academics, aaminin niya. Pero hindi din siya ganoon ka bopols. His brain still functions normally, pero hindi sa bagay na hindi niya pa napag-aralan. Worse ay iyong hindi pang level nila. Tama ba namang bigyan siya ng ano ba ito, derivatives? Ano iyon? Napatingin siya kay Ms. Guerra with hopeless eyes. Napaka-childish nito para gawin sa kanya iyon. "Ibigay mo na lang sa'kin bukas ang sagot mo. You can take it home. And if ever you change your mind and decide for the essay, the topic should be about why students shouldn't bring amd play their musical instruments in a classroom,"  sabi ni Ms. Guerra as she pack her stuffs and leave. He sigh in annoyance. Looks like mapapagawa siya ng 1000 words essay ngayong gabi. And the topic, seryoso ba ito? Pinag-isipan ba talaga nito ang tanong? Napailing na lang siya as he grab his backpack to leave the detention room. Pagtingin niya sa bench, wala na ang babae. Hindi niya alam, pero for some reason ay may panghihinayang siyang naramdaman. At at the same time, lalong nadagdagan ang inis niya kay Ms. Guerra. He felt like he lost something, a chance maybe? He decided na lumapit sa bench na inupuan ng babae kanina. He saw an all pink, girly notebook sa lupa katabi noong bench. Dinampot niya ito and flip the cover to see kung ano ang pangalan ng may-ari. It could be the girl kanina. But it could also be anyone else. Walang pangalan. Instead ito ang bumungad sa kanya: June **, 20**   'Dear Diary,         First day of school ko today, like actual school. Naiintindihan mo ba ako? Alam mo ba iyong ibig kong sabihin?    Yup! After so many years of being home schooled, papasok na din ako sa real school! Kung saan maraming teachers, hindi lang si Mr. Irwins at Mrs.  Cuevas. Kung saan ang mga estudyante ay combination of girls and boys. Unlike nung kindergarten ako.    Excited and worried ako at the same time. I'm excited sa new environment, yes. But I'm also worried because I might be out of place. What if they won't like me? What if they're mean?     *Sigh* Tama na nga. I shouldn't be asking questions to you. I know you can't give me answers anyway. But I can assure you that I'm gonna tell you whatever will happen to me there. For now, I should be optimistic.   Until next time, J. Napakurap si Damon. Did he just stumbled upon someone's diary?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Professor's Wife

read
450.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook