CHAPTER 1 AND 2

2533 Words
#Duplikado UNO     “Grabe no... Ang pangit niya talaga sobra.”   “Saan bang planeta siya nanggaling?”   “Kung bakit ba naman kasi nagpapapasok ng pangit dito sa school.”   “Rare specie na ang ganyan... hindi na magtatagal sa earth.”   “Alien siguro siya... Naku lagot tayo! Malapit na nila tayong ma-invade dahil nandito na ang leader.”     Napapahinga na lamang ako nang malalim habang naglalakad sa hallway. Bawat malagpasan kong mga estudyante, ako ang pinag-uusapan at nilalait.     Pasok sa tenga... labas sa kaliwa. Ganyan ang lagi kong ginagawa sa tuwing maririnig ko ang mga panlalait nila. Wala rin naman kasi akong magagawa para pigilan sila, gusto ko mang lumaban pero hindi sapat ang lakas ng katawan ko para labanan silang lahat.     Hindi normal ang buhay ko... dahil sa pangit ako.     Sa araw-araw na pagpasok ko sa school, ganyan ang laging senaryo. Nakasanayan ko na nga pero nung una, tumatakbo pa ako sa cr at doon iiyak dahil sobrang sakit sa pakiramdam, ngayon naman ay nasasaktan pa rin naman ako pero masasabi kong na-immune na ako dahil hindi na ganun kasakit kagaya ng dati.     Kahit man lang sana average ang itsura ko, ok na sa akin. Masaya na ako.     Minsan naitanong ko sa aking sarili. Bakit ba kasi naging pangit ako? Pakiramdam ko kasi, ang laki ng kasalanan ko sa tuwing nakikita nila ako. Hindi ko naman ito ginusto pero kung makapanghusga sila, akala mo ako na ang pinaka-demonyo na makasalanan sa lahat.     Hinihiling ko nga sana na naging bobo ako basta hindi lang ako pangit kasi aminin man natin na sa lipunang ating ginagalawan, mas mahalaga ang pisikal kaysa sa talino at buti ng kalooban. Oo, mahalaga rin naman ang kabutihan ng loob at talino pero alam niyo naman na kapag pangit ka, hindi nakikita ang loob, kumbaga sa libro, pabalat lang ang hinuhusgahan at hindi ang nasa loob na nilalaman nito unless kung gugustuhing mabasa.     Muli akong napabuntong-hininga. Patuloy lamang akong naglalakad kasabay ng patuloy rin na panghuhusga.     Masasabi kong ako na siguro ang pinakamalas na tao sa mundo... Bakit? Una, pangit ako, pangalawa, mahirap pa... kundi dahil sa scholarship na meron ako, hindi ako makakapag-aral ng kolehiyo at wala akong allowance na pangtustos ko sa pangaraw-araw na gastusin, pangatlo... nag-iisa lamang ako sa buhay, wala akong kapatid o kaibigan man lang at wala na rin akong mga magulang. Maaga kasi silang kinuha sa akin ng nasa Itaas. Mabuti na nga lang at may libreng dorm ang school na ito para sa mga kagaya kong wala ring tirahan.     Hindi ito ang buhay na pinangarap ko... Kung mabubuhay ulit ako, gusto ko sa ibang katauhan na, sa ibang buhay na... sa perpektong buhay.     Oo nga pala, ako si Rhaven Christian Tolentino, 19 years old. Taking BS Education at nasa ikaapat na taon na ako. Konti na lang, gagraduate na ako at makakaalis na rin ako dito.     Tinatanong niyo ba kung bakit BS Education ang kinuha kong kurso? Kung oo, sige sasagutin ko... Kasi sa propesyon na ito, walang diskriminasyon, kapag lisensyadong guro na, makakapasok na sa trabaho kahit na ako pa ang pinaka-pangit na nilalang sa mundo. Siguro may konting diskriminasyon pa rin pero hindi kasi gaya ng ibang trabaho, ang pagiging guro ay hindi tumitingin sa itsura kundi sa galing lalo na sa pagtuturo.     Hay! Grabe ko ibaba ang sarili ko no? Bakit? Alangan namang itaas ko pa ang sarili ko e pangit nga ako. Sobra ang kapangitan. Ayoko mang ibaba pero sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin, nakakapambaba talaga ng self esteem.     Huminto ako sa paglalakad, napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip ang magkabilang braso habang nakatayo at nakasandal sa pader. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing makikita ko siya, ganyan lagi ang ayos niya. Kailanman naman ay hindi siya lumapit sa akin, siguro nandidiri siya.     Umiwas ako nang tingin sa kanya, aminado ako na sobrang gwapo niya sa aking paningin. Kumbaga, milya-milya ang lamang ng kagwapuhan niya. Ang mestiso at kinis pa hindi kagaya ko na kailangan ko pa yatang buhusan ng harina at mantikilya ang buong katawan ko para magmukhang maputi at moisturize ang balat. Natawa naman ako, hindi kaya tinapay ang kalabasan ko?     By the way, ‘yung nakatingin sa akin kanina... Siya si Jerold Lim. May lahing intsik, halata naman sa kanyang mga singkit na mata pero sa pagkakaalam ko ay may lahi rin siyang pinoy dahil sa kanyang ina na isang Pilipino. Kasing edad ko at BSHRM naman ang kinukuha niyang kurso at graduating na rin. Sikat na sikat ‘yan dito sa school dahil sa varsity rin siya ng basketball, sa tangkad niya, hindi malayo. Gwapo rin kaya hindi malayong pagkaguluhan ng mga babae at bading.     Aminado naman ako na nagka-crush ako sa kanya. Kung hindi niyo kasi naitatanong, bisexual ako pero mas lamang ang pagkagusto ko sa lalaki. Lalaki pa rin naman akong pumorma at kumilos kaya hindi rin ako halata.     Crush ko man siya pero hindi ko siya pinangarap. Alam niyo na kung bakit. Sa totoo lang, wala pa akong nakakarelasyon o experience man lang, sa itsura kong ito, magkakaroon pa ba? Hindi na ako umaasa, baka nga mamatay na akong kamay lang lagi ang kasama ko sa pagpaparaos.     Muli akong naglakad paliko, hindi ko na siya muling tiningnan. Narating ko ang isang lugar na wala masyadong tao, hindi kasi puntahan ito ng mga estudyante sa kadahilanang may multo daw dito, e ano naman kung may multo? Tsk! Hindi naman kasi ako takot sa multo, mas takot pa ako sa buhay, sa panghuhusga nila.     Naupo ako sa hagdan. Inilabas ko mula sa bulsa ang cellphone kong kasing luma na ng 3310 pero maayos naman. Touch screen ito a pero lumang-luma na nga. Napangiti ako nang makita ko ang picture niya na naka wallpaper sa phone ko. Sa tuwing nakikita ko ang picture niya, sumasaya ako.     Pangarap ko kasing maging siya... pangarap na sa tingin ko kahit kailan, hindi matutupad.     Siya si Alexander Tan, isang sikat na modelo at endorser ng iba’t-ibang produkto dito sa Pilipinas. Sobrang gwapo niya at ang tangkad pa. Ang kinis ng kanyang balat na parang kahit butlig man lamang ay hindi tinubuan.     Bilang public figure ay alam ng lahat ang buhay niya, siyempre pati na rin ako ay alam na alam ko.    Isa siyang bisexual, inamin naman niya iyon sa isang interview niya. May asawa na nga siya at lalaki iyon, kapareho niyang gwapo at mayaman dahil negosyante, nagpakasal sila sa states. Half Filipino at half chinese. Ang tangkad niya ay 6.1, hindi mabalbon, wala ngang buhok sa katawan kundi sa ulo lang. Makinis ang mestisong balat. Mahilig siya sa mga masasabaw na pagkain. Galing rin siya sa isang mayamang pamilya at nagtapos sa kursong fine arts. Paborito niyang kulay ang red, black at white, mahilig din siyang magbasa. Bago siya nag-asawa, lima ang naging karelasyon niya, dalawang lalaki at dalawang babae, panghuli ang asawa na niya ngayon. Kahit ang birthday niya ay alam ko at sa kasalukuyan, 20 years old na siya. Hindi siya aktor, modelo at endorser lamang siya pero may mga nag-ooffer sa kanya, tinatanggihan lamang niya dahil ayaw niya sigurong umarte sa harap ng camera. Marami na rin naman siyang napatunayan sa modelling dahil nagkaka-awards siya at sa trabaho niyang iyon, mas dumami ang pera niya, kaya siguro ayaw na rin niyang maging aktor dahil sa modelling pa lang, sapat na ang kinikita niyang pera. Sobrang swerte niya sa buhay, kabaligtaran ng buhay ko.     Ang dami kong alam sa kanya no? Siyempre fan niya ako e.     Hindi ko pa man siya nakikita ng personal pero masasabi kong sobrang gwapo niya. Siya ang paborito kong modelo at ang sabi ko nga, pangarap kong maging siya. Hindi naman masamang mangarap lalo na sa kagaya kong hindi rin naman masyadong umaasa na matutupad. Masakit daw kasi ang umasa ng sobra.     Marami akong litrato niya dito sa phone... Minsan nga, hindi ko maiwasang pagparausan ang mga pictures niya na naka-brief lamang siya. Endorser rin kasi siya ng brief. ‘Yung bukol kasi, ang laki at bakat na bakat pa, laging nakataas at nakapaling sa kaliwa. Tao lang rin naman ako at kahit pangit ako, nagnanasa pa rin naman ako sa iba.     Napabuntong-hininga ako. Sa buong araw ko dito sa school, ang pagtingin sa litrato niya ang siyang nagpapasaya sa akin. Siguro nga masasabi kong crush ko rin siya kasi hindi naman ako magkakaganito kung hindi di ba?     Bigla kong tinago ang phone ko sa bulsa nang makarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdan. Napatingin ako at nakita kong pababa si Jerold na hindi naman tumingin sa akin at tuloy-tuloy lamang na bumaba hanggang sa mawala siya sa paningin ko.     Napabuntong-hininga ako. Medyo nagulat ako sa kanya a. Kung saan-saan na lang kasi siya sumusulpot.     Tumayo na lamang ako mula sa inuupuan ko at umalis na sa lugar na iyon.     #Duplikado DOS     Natapos ang lahat ng klase ko at ngayon ay palabas ako ng school, may kailangan kasi akong bilhin na gamit sa labas.     Hindi ako tumitingin sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Ayan na naman kasi sila sa kanilang mga mapanghusgang tingin at matatalim na salita. Ayoko man silang pansinin pero hindi ko maiwasan dahil nasa mundo ko pa rin naman sila.     Sa wakas ay nakalabas na rin ako ng school. Kaagad akong pumunta sa waiting shed para mag-abang ng masasakyan papuntang mall.     Naabutan ko sa waiting shed si Jerold, nakatayo siya doon at may earphone sa tenga. Nakatingin siya sa kung saan.     Malaya ko siyang napagmasdan, gwapo nga siya, kung ikukumpara ko ang kagwapuhan nila ni Alexander, pantay sila. Mas mataas nga lang para sa akin si Alex dahil na rin sa kilala itong tao at may nasabi na sa buhay habang si Jerold, estudyante although may sinabi rin naman ito sa buhay. Kumbaga, si Alex kasi, may mga nagawa na sa sarili niyang paa habang si Jerold, wala pa.     Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil tumingin siya sa akin. Baka mamaya ay kung ano pa ang isipin niya. Naririnig ko kasi sa iba na suplado daw ito, wala nga akong nababalitaan na naging girlfriend nito sa school kahit na ang daming gustong lumandi sa kanya.     Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas nang t***k ng aking puso. Mula sa periphial vision ko, nakikita ko siyang nakatingin pa rin sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi pa niya iniiwas iyon. Gusto niya bang makakita ng exotic kaya tinitingnan niya ako? Hay! Ewan ko!     Napahinga ako nang malalim. Ang tagal naman kasi na may humintong jeep para makaalis na ako.   Sa wakas ay may huminto ring jeep. Agad-agad akong lumapit pero nakipag-unahan sa akin ang damuho na lalaki kaya mas nauna siyang sumakay, sumunod na lamang ako.     Isa na lang ang bakanteng upuan ng jeep kasi puno na, ang bakante na iyon ay sa tabi ni Jerold. Kaysa naman maghintay pa ako ng panibagong jeep, napilitan na lamang akong sumakay at tumabi ng upo sa kanya.     Kahit sa labas ng school, may mga mapanghusga pa rin. Kahit na tingin lang, nakakasakit sila ng damdamin. Sanay man ako pero may puso pa rin naman ako na nasasaktan dahil sa mga ginagawa nila.     Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala naman kasi akong magagawa, alangan namang bulagin ko sila isa-isa para lang hindi na nila ako makita at mahusgahan, edi nakulong pa ako.     “Don’t mind them.” Nagulat ako sa sinabi nitong katabi ko. Nilamig nga ako dahil sa ang cold ng boses niya.     Sandali akong napatingin sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Umiwas rin kaagad.     Nagkakadikit ang aming mga braso kaya ramdam ko ang tigas nun. Nagkikiskisan pa nga lalo na at umaandar na ang jeep.     Malaki rin naman ang pangangatawan ni Jerold, bunga ng pagiging basketball player niya.     Mabuti na lamang at matindi ang kapit ng kamay ko sa handrail ng jeep dahil kundi, nasubsub ako, bigla ba naman kasing huminto ang jeep.     Napatingin ako kay Jerold. Ang tigas ng katawan a, hindi man lamang natinag sa pagkakaupo niya kahit hindi siya nakahawak sa handrail.     Ilang minuto ang lumipas at huminto na ang jeep sa tapat ng mall. Naunang bumaba sa akin si Jerold. Ano naman kayang gagawin niya sa mall mag-isa?     Bumaba na rin ako ng jeep.     Nauuna siya sa akin maglakad kaya nakikita ko kung saan siya pupunta. Pumasok siya sa mall, pumasok din ako. Oy! Hindi ako sumusunod sa kanya a, e dito rin ang punta ko e anong magagawa ko?     Nakita ko siyang papasok sa bookstore... anong gagawin niya diyan? Ewan ko ba pero napapaisip ako. Doon din kasi ako pupunta at hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ako kasi nandun din siya.     Sa huli ay nagpasya na lamang akong pumasok din sa bookstore, pinuntahan ang estante ng bibilhin ko at kumuha ako kaagad saka dumiretso sa counter.     Habang nag-iintay ako ng turn ko sa pagbabayad, hinahanap siya ng mga mata ko pero hindi ko na siya nakita. Baka nasa pinakatagong sulok siya.     Pero nagulat na lamang ako nang pagtingin ko sa likod ko, nandun siya! Nakapila na rin pala siya. Hala!     Tiningnan ko siya. May hawak siyang libro na mukhang bibilihin niya. Ang kapal nga nun e.     Napatingin siya sa akin. Walang emosyong tingin. Umiwas ako.   Sa paligid naman, kinikilig ang mga babae habang nakatingin sa kanya. Ang mga babae nga naman, porket gwapo, kinakikiligan na. Ito namang isa, walang pakiealam.     Sa wakas ay nakapagbayad na rin ako. Nagmamadali akong lumabas sa bookstore dala ang binili ko at sa mismong mall para makauwi na kaagad sa dorm.     Mabuti na lamang at may masasakyan na kaagad kaya sumakay na ako. Naghihintay pa ito ng mga pasahero dahil hindi pa napupuno pero konti na lang.     Nagulat na naman ako dahil nakita ko siya, sumakay siya at sa tabi ko pa pumwesto. Sandali lang din pala siya sa mall? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sinusundan niya ako.     Ok... assuming at ang kapal ng mukha ko sa sinabi kong iyon. Sa pangit kong ito? Susundan ako ng isang gwapong nilalang na katulad niya?     Ilang sandali lamang ay umandar na ang jeep dahil puno na. Mahangin na dahil gabi kaya naman ang sarap sa pakiramdam. Humahalo pa sa hangin na nalalanghap ko ang pabangong gamit ni Jerold. Infairness, ang bango ng lalaking ito.     “Baka naman maubos na ‘yung pabango ko dahil sa kakalanghap mo.” Bulong niyang sabi sa akin. As usual, cold ang boses pero maganda sa pandinig kasi ang lalim at ang laki.     Kaagad akong napatingin sa kanya saka pinandilatan pa siya ng mga mata ko.     “Excuse me?” tanong ko.     Pero siya, mukhang walang narinig. Nakatingin lamang siya sa kawalan habang nakasapak pa rin sa tenga niya ang ear phone.   Sinamaan ko na lamang siya nang tingin saka umiwas. Grabe a, nainis ako don, sa sinabi niya kasi pakiramdam kong tingin ko sa kanya, gwapong-gwapo ako sa kanya.     “Para po!” sigaw ko dahil malapit na sa tapat ng school.     Huminto naman ang jeep sa mismong tapat. Kaagad akong bumaba at thanks God, hindi na siya bumaba. Mukhang pauwi na talaga siya sa bahay nila.     Napabuntong-hininga ako. Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng inis na naramdaman ko toward sa kanya ay may bahagi pa rin sa akin na masaya.     Napailing-iling ako. Kung ano-anong naiisip at nararamdaman ko. Tsk!     Pumasok na nga ako sa school at tinungo ang dorm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD