Magdalena: Tukso ng Makasalanan ( Ikatlong Yugto)

1388 Words
By: Ritmo Y Syggrafeas Lalong nalulong si Marco sa ipinagbabawal na gamot. Tuluyang nawalan ng direksiyon ang kanyang buhay. Alak, droga at babae na lang umiikot ang kanyang pang-araw araw na buhay. Napilitan siyang bumalik sa pagiging suki ng matrona at bading. Tinagurian na siyang gripo ng masa dahil sa kong sinu-sino na lang ang kanyang sinasamahan. Ang dating pagiging patok niya sa mga parokyano na handang magwaldas ng limpak limpak na salapi para lamang makuha ang kanyang serbisyo ay biglang humina. Dahil sa ginagawa niyang pagpapasasa ng kanyang katawan sa kong sinu-sino na lang ay nagdulot sa pagkawala ng kanyang halaga sa kalakaran ng escort service. Napilitan siyang patusin ang mga matrona at bakla na humahada sa bagsak presyo na halaga. Ginagawa iyon lahat ni Marco dahil sa kanyang pagkalulong sa droga. Ang dating mga babae na nagkakandarapa na sumama sa kanya ay nawala. Hindi na siya tinatanggap sa mga bigating bar dahil hindi na siya mabenta sa mga parokyano. Habang si Magdalena naman ay tuluyang nakabawi sa kanyang pagkalugmok. Unti unting bumalik ang kanyang alindog. Simulang iwan siya ni Marco ay naging maganda ang kanyang kalagayan. Si Alberto na ang tumayong ama sa kanyang dalawang anak. Napaka-responsable ni Alberto sa pagbibigay ng kailangan ng kanyang dalawang pamangkin. Aminin man ni Magdalena o hindi sa kanyang sarili ay nagsimulang umusbong ang kakaibang damdamin sa kanyang puso. Damdamin na kanyang nararamdaman sa kapatid ng kanyang Mister. Sa kabila ng kabuhayan na mayroon si Alberto kahit minsan hindi siya nakadama ng pandidiri sa lalaki. Sa halip respeto at paghanga sa katangian ng lalaki. Sinalo niya ang responsibilidad na dapat ginagawa ng kanyang kapatid. Hanggang isang araw ay kausapin siya ni Luisa na bunsong kapatid nina Marco at Alberto. " Ate! Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo noong nakaraan? Masayang bungad ni Luisa sa kanyang hipag. 'Oo... naman! Matagal ko na nga'ng gustong itanong sayo kung kailan ako pwedeng makapagsimula. Saad ni Magdalena 'Tamang Tama Ate... Maraming talents ang pinaalis si Madam. Sumama ka mamaya sa akin pakilala kita kay Madam. Abot taengang ngiti ni Luisa habang kausap si Magdalena. 'Kaya lang Luisa, wala akong mapag-iwanan sa dalawang bata. Nalulungkot na pahayag ni Magdalena 'Sandali! kakausapin ko ang dalawang matanda.Total dito lang naman sila sa bahay. Sagot ni Luisa Kinausap ni Luisa ang kanyang magulang, pumayag ang dalawang matanda na sila muna mag-aalaga sa kanilang apo habang may pasok si Magdalena sa club. 'Pinahirap ni Luisa ng maikling bestida si Magdalena, litaw na litaw ang kanyang mahahabang biyas na pinarisan pa ng kanyang mala-porselanang kutis. Lumutang ang ganda ni Magdalena sa kanyang suot na damit. Maaga silang naghanda ni Luisa para pumasok sa club. Papaalis na silang dalawa ng magising si Alberto. Nakatapis lang ito ng tuwalyang puti na halatang maliligo. 'Oh! Ate Magda!... Nakabihis ka ata!... May pagkamanghang tanong ni Alberto. 'Nagpatulong ako kay Luisa na makapasok sa kanyang pinapasukan na club Alberto. Lumalaki na ang dalawang bata, nakakahiya naman na umasa lang kami sayo habambuhay. Seryosong paliwanag ni Magdalena. 'Ate! Alam mo ba ang mundo na pinapasok mo? Ang katulad namin ay pinangdidirian ng komunidad. Dignidad namin at pagkatao ang aming dinungisan. Handa ka na bang laitin at kutyain? Sa kalakarang ito ay walang puwang ang mahina!. Prangkang Pahayag ni Alberto 'Alam ko Alberto! Handa akong magsakripisyo alang alang sa aking mga anak. Hindi na bale ako ang magdusa! May sariling buhay ka Alberto, hindi pwedeng habambuhay ka matali sa responsibilidad mo sa aming mag-iina. Pahayag ni Magdalena. 'Hindi kita pipigilan Ate na magpakaina sa iyong mga anak. Pero pinapaalala ko lang sa iyo na kahit kailan hindi ko naisip na pabigat kayong mag-ina. Saad ni Alberto 'Alam ko naman iyon Alberto!... Laking pasasalamat ko sa iyo. Hayaan mo ng ako naman. Bigyan mong pagkakataon ang iyong sarili na maging binata muli. Saad ni Magdalena 'Basta! Mag-ingat ka lang Ate! Iba't ibang uri ng tao ang makakasalamuha mo. Maging matibay ka lang. Luisa!... Siguraduhin mo lang na ligtas si Ate Magdalena... Mananagot ka sa akin kapag may nangyaring masama sa kanya. Saad ni Alberto sa kapatid. 'Ai! Concern! Edie!... Kayo na!... Aminin mo na kasi Kuya! Type mo si Ate Magdalena noh!... Panunudyo ni Luisa sa kapatid. Napailing na lang si Alberto at tuluyan ng tinalikuran ang dalawa. 'Napapalakpak si Madam Bregit ng makita si Magdalena. 'Ai.... Iba.... Premiera Klase! Magiging Star ito!... Uulan ng Pera Mamaya!... Hala! Ayusan na ang Dyosa sa gabing ito para masipsip na niya ang mga salapi ng mga lalaking hayok sa Perlas ng Silanganan.... Sigaw ni Madam Bregit sa mga baklang naatasan na umayos sa mga talents. 'Mamayang gabi Magdalena! Magkakaroon ka ng solo performance! Huwag kang bibigay agad! Takamin mo muna sila! Kailangan na makasamal ka muna ng limpak limpak na salapi bago ka bumigay. The richest! Among all! Can Take you! But...! Not now! Bidding muna. Bilin ni Madam Bregit Kay Magdalena Sa gabing iyon naging Star of the Night si Magdalena. Umulan ng Pera habang sumasayaw siya sa entablado. Si Luisa naman abala sa pagtipon ng perang sinusuksuk sa mumunting tabing sa katawan ni Magdalena. Kagaya ng inaasahan ay dinumog si Magdalena ng mga mayayamang kostumet na nag-uunahan na ma-table siya ng gabing iyon. Hindi pumayag si Madam Bregit sa halip pinasayaw niya lang muli si Magdalena kapalit ang malaking halaga na bigay ng isang matandang negosyante. Sa unang gabi ni Magdalena ay kumita siya ng malaki. Hindi pa siya nakahawak ng ganoong halaga sa tanang buhay niya. Patas lumaban si Madam Bregit matapos niyang makuha ang bahagi niya sa kita ni Magdalena ay agad niyang binigay lahat sa kanya. Maraming babae na walang kinita sa gabing iyon. Hindi nag-atubili si Magdalena na ibigay ang Ikaapat na bahagi ng kanyang Kita para kanilang paghati-hatian. Lubos ang pasasalamat ng kanyang kasamahan dahil hindi magugutom ang pamilyang umaasa sa kanila. Agad nakuha ni Magdalena ang simpatiya ng kanyang kasamahan. Masaya silang naglakad pauwi na magkakasama. Lahat masaya dahil mayroon silang dala na maiuwi sa kanilang pamilya. Pagkauwi ay binilang ni Magdalena ang kanyang kinita. Umabot ng mahigit Isang daang libong piso. Iniabot niya ang sampung libo kay Luisa para mayroon naman itong pandagdag sa kinita. 'Ate! Ano ka ba! Pinaghirapan mo Yan! Okey na ako sa kinita ko. Pagtanggi ni Luisa 'Tanggapin mo na! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may maraming biyaya. Sobra sobra ito! Pagkakataon ko na para makabawi sa inyo. Pahayag ni Magdalena 'Tatanggapin ko to Ate! Pero ipambili ko ito ng kailangan natin sa bahay. Itabi mo ang kinita mo para may mahugot kayong mag-ina pagdating ng araw. Seryosong saad ni Luisa ' Nag-abot si Magdalena ng pera sa dalawang matanda. Sobrang saya nila dahil mayroon na silang pambili ng kanilang gamot. Niyaya nila si Alberto na lumabas para may katulong sila sa pagbabantay sa dalawang bata. Namili si Magdalena ng magagarang damit at nagpaayos sa mamahaling salon. Natulala si Alberto ng tuluyang matapos na ang pag-aayos kay Magdalena. 'Ate! Hindi man lang nanghinayang si Marco na pakawalan ka. Tanging salita na lumabas sa bibig ni Alberto. Napapalingon ang lahat ng tao na kanilang madadaanan sa mall. Inakala nila na mag-asawa sina Alberto at Magdalena. Lalo pa dahil tig-iisa silang nakahawak sa dalawang bata. Si Luisa naman ay bitbit ang mga pinamili nilang damit sa mall. Habang papalabas sila sa mall ay nagkataon na papasok din si Marco kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Napako si Marco sa kanyang kinatatayuan ng masilayan niya si Magdalena na posturang postura sa kanyang napakaseksing damit. Pinarisan pa ng kanyang bagong imahe na lalong nagpalutang sa kanyang kagandahan. Magkaayos naman si Alberto at kaibigan ng kanyang kapatid dahil palagi ang mga ito sa kanilang bahay ng maayos pa sila ni Marco. 'Pareng Albert! Kamusta!... Poging pogi pa rin... Luisa! Hello!... Bati ng mga kaibigan ni Marco sa kanyang dalawang kapatid. 'Teka! Pare!... Asawa mo? Huwag mong sabihin dalawa na ang anak mo. 'Putcha! Pareng Alberto! Napakaganda naman ng misis mo. Namamanghang pahayag ng mga kaibigan ni Marco. Napailing na lang si Alberto bago magsalita. 'Ano ba kayo Pare! Si Ate Magdalena yan' Inaanak niyo to!... Sige Pare Mauna na kami. 'Nabigla ang mga kaibigan ni Marco na si Magdalena ang babaeng kasa-kasama ni Alberto. Tinanaw na lang nila ang tatlo habang naglalakad palayo. 'Pare! Napakalaking Sayang!... Napailing na lang ang mga kaibigan ni Marco habang nagpatuloy sa paglalakad. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD