chapter 2

1663 Words
MISSION FAILED. "So, can I take you as my fiancee, hm?" Tanong ni Kalous sa akin na may nangunguhulugan pang ngisi sa mukha. Sa totoo lang, sarap basagin ang mukha nito. Lalo na kapag nakangisi siyang ganyan, parang ano, eh. Ah, basta! Tinalikuran ko siya pero nahuli niya ang isang braso ko para pigilan ako. "Hey, what do you think where are you going?" tanong pa niya. Tinapunan ko siya ng isang matalim na tingin. "Babalik na ako sa suite ko." malamig kong sagot. "The party isn't over yet, Tarrah." he said. "Baka magalit na naman ang angkong mo kapag nawala ka sa engagement na ito." Napangiwi ako. Marahas kong binawi ang braso ko. "Eh di i-engage mo sarili mo. As if naman papatulan kita bilang fiancé ko." tinalikuran ko siya't humakbang na ako palayo sa kaniya. Ang akala ko ay susunod pa siya sa pero buti nalang ay hindi na. Atleast, nakahinga ako ng maluwag. Wala nang sagabal. Nakabalik na ako sa suite ko. Agad ko hinubad ang leather jacket at pinatong iyon sa taas ng kama. Naghubad din ako ng sapatos. Mas komportable ako kung nakayapak lang ako. Humiga ako sa at nakipagtitigan sa kisame. Naging frustrated ako nang nalaman kong si Kalous ang papakasalan ko. Talagang tinago ng pamilya ko ang rebelasyon na iyon! Pambihira, ano ba kasing mayroon sa mga Hochengco at gustong gusto ni angkong na pakasalan ko ang isa sa mga apo ni Eufemia Ho?! Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok. Mabilis akong bumangon. Napakunot ng noo. Nagtataka kung sino ang nasa labas. Maybe my cousin Keisha? Or angkong? I rolled my eyes. Baka naman balak nilang sermonan ako dahil sa suot ko, well, wala akong pakialam. This is my life at karapatan ko kung anong gusto kong mangyari sa katawan ko! So in the end, I open the door. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa aking harap ang taong hindi ko inaasahan. It's not Keisha either angkong. It's Kalous! "What are you doing here? Papaano mo nalaman ang room number ko?" sa halip ay iyan pa ang bungad ko sa kaniya. "Wala naman sigurong masama kung mag-aalala ako sa fiancee ko..." sabi niya habang pinapasadahan niya ako ng tingin. He offer me a small smile. "Hot..." Bigla akong naalarma sa huling sinabi niya. "Manyakol!" hindi ko mapigilang sigawan siya. Humalakhak siya at nagpakawala ng hakbang palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. He successfully invade my suite! Siya din ang nagsara ng pinto. Bigla ako ginapangan ng kaba sa aking puso. Oh my, anong gagawin niya?! "A-anong ginagawa mo?!" Singhal ko pa. "Oh my moon, hindi ako manyak. Let say, this is my nature as a man. I'm juts being extra nice to someone who is extra attractive. I'm just comfortable with-" "Shut up, Kalous!" sigaw ko ulit. "Ngayon, alam ko na kung bakit ayaw ko sa iyo." "Now I know why I want you to be my wife, Tarrah." patuloy pa rin siyang lumapit sa akin at bigla niya akong niyapos sa bewang nang walang kahirap-hirap! "Kahit ayaw mo sa akin, gugustuhin pa rin kita..." Tila tumindig ang balahibo ko sa huli niyang mga salita. Anong bang problema ng lalaking ito?! - Tumigil ang sasakyan ko sa garahe ng mansyon ni angkong. I turn off the engine. Lumabas ako at isinabit ko ang bag ko sa aking balikat habang papasok ako na sinalubong ako ng iilang kasambahay. "Kanina ka pa po niya kayo hinihintay, Ms. Tarrah." sabi nila sa akin. "Thank you." sagot ko sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko patungo sa Library kung nasaan din ang office niya. Hinahanda ko ang aking sarili sa anumang sermon niya sa akin. Hays, kailan kaya matatapos ito? Kumatok ako ng tatlong beses at rinig ko ang utos niya na pumasok ako. Pinihit ko ang doorknob at marahan ko iyon itinulak. Bumungad si angkong na kasalukuyang nagbabasa ng iilang dokyumento habang nakasandal siya sa kaniyang desk. Napukaw ko ang kaniyang atensyon sabay inilapag niya ang mga papel sa desk. "Angkong..." Humalukipkip siya at seryoso ang mukha. Heto na, magsisimula na nga siya. Get ready, Tarrah! "Bakit ganoon ang suot mo kahapon sa party, Tarrah? Huwag mong sabihing nagrerebelde ka na naman?" Napalunok ako't umiwas ng tingin. Pinili kong daluhan ang sofa at umupo doon. Trying to act cool again infront of him! "You didn't give me an idea kung sino ang fiancé ko, malay ko bang..." "Our business with Ho are not yet done, Tarrah. I will set them as our major asset and major stockholder. Kung hindi man kayo nagkatuluyan ni Finlay, still there's another Ho who will marry you." mariin niyang sabi. My fist clenched. "Ano ba talagang pakay mo sa mga Ho, angkong?" "You knew from the start I and Joselito are good friends..." "Okay sana kung gawin mo nalang stockholder, pero bakit kailangan pa ng kasal? Angkong, I'm still twenty eight for Pete's sake! Wala pa sa isip ko na mag-asawa. I'm still wanted to explore the world!" hindi ko mapigilan ang sarili kong sagutin siya. "Nalulugi na ang kompanya, Tarrah!" nagawa na niyang sumigaw na dahilan para matigilan ako.  "W-what..." "Yes, Tarrah! What everything you heard is true! And I want you to do this as a favor!" Napalunok ako. Wala akong makapang salita para sagutin iyon. Dumapo ang tingin ko sa sahig. Parang ayaw tanggapin ang sistema ko na nalulugi na ang kompanya namin! Ito pala ang agenda ni angkong para igiit niya na pakasalan ko ang isa sa mga apo ni Eufemia Ho. She just agreed to save our company pero ang kapalit ay matali ako sa kanila? "Please, Tarrah. Ikaw nalang ang makakatulong sa akin. Para maisalba pa natin ang kompanya. If your really care about this, just do it." he said. Mariin akong pumikit. Lihim ko kinagat ang aking labi. Tumayo ako at yumuko. "So all I need to do is sacrifice, right, angkong?" I asked. "Tarrah..." Isasakripisyo ko ang kalayaan ko para lang isalba ang kompanya na pinaghirapan ng mga lolo ko sa tuhod... Kung mahahayaan ko lang itong malugi, hindi na namin alam kung saan kami pupulutin nito. "Bakit hindi ninyo agad sinabi sa akin ito dati pa?" "I don't want you to be worried." "But I am part of this family, angkong. Alam din ba nina mama at papa tungkol dito?" Tumango siya habang hawak niya ang magkabilang gilid ng kaniyang labi. "Yes, in fact, your parents are still looking to save this situation..." "Please excuse me," Malamig kong sabi at nilagpasan ko siya hanggang sa tagumpay akong nakaalis sa opisina niya. Kinuyom ko ang aking kamao. Kainis. Inis na inis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay ipinamigay lang ako nang basta-basta. This is one of my reason why I hate this family! Kailangan mong maging sunud-sunuran! Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako lumabas mula sa elevator. Papunta ako sa opisina niya. Kahit wala akong appointment sa kaniya, wala akong pakialam. Dahil importante ang sasabihin ko sa kaniya. Wala akong personal phone number niya, kaya personal ko nga talaga siyang haharapin. "May I ask if Mr. Kalous Ho is available at this moment?" Tanong ko sa sekretarya nito mismo. "Kakatapos lang po niya sa meeting, Miss...?" Mapait akong ngumiti. "Tarrah Ongpauco. Pakisabi, kailangan ko siyang makausap. This is a serious matter, please." Tumango ito. "Wait lang po, Miss Tarrah. Tatanungin ko lang po si sir." "Thank you." Wala pang isang minuto ay bumalik sa akin ang sekretarya ni Kalous. Sinabi niya sa akin na pwede na daw ito makausap at hindi na busy. So pwede na akong pumasok. Muli ako nagpasalamat sa babae bago ako tuluyang nakatapak sa mismong opisina nito. "Wow, binista ako ng fiancee ko. What brings you here, my moon?" nakangiting salubong niya sa akin nang nasa loob na ako. Malamig akong nakatingin sa kaniya. "Kailangan kitang makausap." mariin kong tugon. "Totoo bang nalulugi na ang kompanya namin at pumayag ang lola mo na isalba iyon pero ang kapalit ay magpapakasal ako sa iyo?" Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Humakbang pa siya palapit sa akin. Bumulabog na naman ang dibdib ko sa inakto niya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong napasandal sa pader. Ikinulong niya ako sa magkabilang gilid sa mapapagitan ng mga braso niya. "K-Kalous!" Suway ko sa kaniya. "Iyan din ang pagkasabi sa akin ni ahma. Both of our families are good friends." Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin na dahilan para manlaki ang mga mata ko. "At isa pa, kailangan kitang panagutan, hindi ba sinabi ko na sa iyo?" "Kahit hindi na kailangan. It's not a big deal!" "Para sa iyo, oo. Pero sa akin, malaking bagay na iyon, Tarrah." matigas niyang sambit. "Hinding hindi ako makakapayag na mababa ang tingin mo sa sarili mo." "B-bakit mo ba sinasabi ito?" "Aminin mo man o hindi, nasasaktan ka pa rin. Kahit anong tago mo, nakikita ko pa rin." namamaos niyang sabi. "Ito lang ang tanging alam kong paraan para iahon kita." Kumunot ang noo ko. Parang kakapusin ako ng hininga nang wala sa oras. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako nagpapagod o ano para hingalin. "K-Kalous..." Ang tanging lumabas sa aking bibig. "Sa oras na papayag ka sa kasalan na ito, sa iyo na ako, Tarrah." "I swear, Kalous Espen Ho, I am your nightmare dressed like a daydream." umiwas ako ng tingin. "I will be a burden in your life. Mapapahiya ka lang kapag nakilala mo kung sino ako." "I don't care, my moon. Gusto pa rin kita. If you don't know, my life is messy too but that night you came, you made it more messier. Ang tanging gawin mo lang, manatili ka lang sa akin, ako na ang bahala sa lahat." He touch my chin. Inangat niya iyon upang magtama ang mga mata namin. "Just yes, Tarrah." Napalunok ako. Nagkabuhol-buhol na ang isipan ko. Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa katinuan! "Y-yes..." Nanghihinang tugon ko. Kita ko ang pagngiti niya. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa mga labi ko! Parang tumigil ang t***k ng puso ko sa ginawa niya! Mas binigla niya ako! "You are now mine, alone, Tarrah. Buburahin ko lahat ng sakit at makakalimutan mo din siya. I promise you, no one will ever love you like I do, Tarrah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD