"Zion? Baby, wake up. Zion?"
I groaned when the knocks on the door followed by Mama's voice woke me up. I grabbed one of the pillows and put it above my head to muffle the sounds. I'm still so sleepy.
"Zion, gising na anak. We have visitors coming." Mama's voice got louder and I felt his hand caressing my back.
I removed the pillow from my head and squinted my eyes when the morning light hurt my eyes.
"Mama," I groggily called him. Napatigil siya sa ginagawa niyang paghaplos sa buhok ko and looked at me.
"Yes, baby?" malambing nyang tanong.
"L-love you," I told him.
I saw him teared up and that got me worried.
"Ma, w-why are you c-crying?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Suminghot muna siya at pinunasan ang basa niyang mga mata bago niya ako sinagot.
"I love you too, baby." He smiled at me kaya nakahinga ako nang maluwag. Yumakap ako sa kanya. It always worries me whenever he cries when I tell him I love him. Hindi naman umiiyak sina Daddy at ang mga kapatid ko kapag sila ang sinasabihan ko ng I love you.
"Ma, b-bakit i-iyak ka t-tuwing I t-tell you na l-love k-kita?" I stuttered. I talk funny I know. I try not to pero I grew up like this lalo na when I get emotional. Lalong nagkakabuhol-buhol ang dila ko. Hirap din akong magsalita ng mahahabang pangungusap.
Daddy said it's because I met an accident when I was still a baby. He said I almost died because of that accident. Na-trauma rin daw ako kaya ganito ako ngayon. Madaling mapagod, mahina, bulol, lampa, malabo ang mga mata, at makakalimutin.
"Seeing you wake up every morning is a gift, anak, lalo na tuwing sinasabi mong mahal mo ako," he whispered to me.
"Love mo a-ako k-kahit... a-a--aus--autistic ako?" Gulat siyang napahiwalay sa pagkakayakap sa akin nang marinig niya ang sinabi ko.
"Who told you that?" hulat niyang tanong. Aw, I forgot to tell him pala kahapon.
"Ma, sabi ng c-classmate ko k-kahapon, a-au-autistic daw a-ako. A-ano 'yun?" I asked him. Nanlaki ang mga mata niya and he closed his mouth tightly. Based from what I'm seeing, mukhang pinipigilan niya ang kanyang sarili na magsalita.
"Ma? A-ano 'yun?" pangungulit ko sa kanya.
"Anak, is that the reason kaya umuwing marumi ang uniform ni Azyra kahapon? Nakipag-away ba siya dahil sa sinabi ng kaklase mo sa'yo?" he asked. I shrugged my shoulders.
"I d-don't know po. K-kasi Jayden d-dragged me away na w-when my c-classmate t-told me t-that. T--tapos Azyra came na d-dirty na 'y-yung uniform niya," Tltila nagsusumbong kong kuwento.
"Kaya pala he was quiet when you three got home yesterday," sabi niya habang nakatingin siya sa malayo.
"Ma, a-ano ba 'y-yun?" It must be bad kaya siguro quiet nga si Azyra when he came to fetch us bago kami umuwi rito sa house. And I could remember nga na he barely talked to us when we were in the car.
"Wala 'yun, anak. 'Wag mo na lang pansin 'yung classmate mo kasi hindi niya alam yung condition mo. Hindi ka ganun. You're special. You're a gift from God for me and your daddy and even for Azyra and Jayden. You are our precious baby." Muli niya akong niyakap. Hindi naman ako tumanggi at yumakap na rin sa kanya. My Mama's arms are the safest and most comfortable place for me.
"Ma, d-don't call me 'baby' na. Ten na a-ako, eh," bulong ko. Lumayo siya sa akin at tinitigan niya ako sa mga mata.
"Kahit 100 years old ka na, ikaw pa rin ang baby ko at ang baby ng pamilyang ito, Zion. Always put it here." Itinuro nya 'yung heart ko.
"And here." Itinuro niya 'yung noo ko. Napahagikgik ako nang bumaba iyung daliri niya hanggang sa ilong ko at tinusok iyon.
Pagkatapos nun ay inaya niya na akong tumayo. Tinulungan niya akong ayusin ang higaan ko then pumunta na kami sa bathroom. He assisted me when I took a bath and nung nagbibihis na ako. I'm so slow but he patiently waited for me.
Nang makapag-ayos na ako ay bumaba na kami. I excitedly went down the stairs. I want to eat breakfast na para makapaglaro na kami ng brother and sister ko.
"Zion, be careful!" nag-aalalang warning ni Mama dahil sa mabilis at pagewang-gewang kong pagtakbo. Nung marinig ko ang tinig niya ay lalo akong na-excite. Mas lalo ko pang binilisan ang patakbong pagbaba ko sa hagdan hanggang sa...
"Oh, my God! Zion!" I heard Mama's scream as I fly up in the air.
"Got you!" malakas na sabi ng isang tinig ng lalaking nakasalo sa akin. Nakangangang tumingala ako sa kanya bago bumaba ang mga mata ko sa baba ng leeg niya. What's that black drawing below his neck?
"Oh, my God! Oh, my God!" I heard Mama's loud voice bago ako iniabot ng lalaki kay Mama na agad akong niyakap nang mahigpit.
"Oh, God. Thank God!" paulit-ulit niyang sambit habang buhat ako. Then I heard him say,
"Thanks, Zeke."
Ooh. Zeke pala ang name ng lalaking nakasalo sa akin.
"No biggies, Robby. Malikot na rin pala ang isang ito." Lumapit siya sa likod ni Mama kung saan ako nakaharap. Itinaas niya ang kamay niya at ihinaplos sa ulo ko.
"Oo. Simula nang matutong tumakbo, wala na akong ibang ginawa kundi ang habulin siya. Kadarating n'yo lang ba?" Mama faced him.
"Kaaakyat mo nga raw nung dumating kami sabi ni Ivory."
"You must be hungry. Tara na sa kusina." Mama walked towards our dining room habang buhat pa rin ako. Sumunod sa amin si Mr. Zeke.
"What was the commotion all about?" I heard Daddy's voice before seeing him. I squealed. Natatawa namang iniabot ako ni Mama kay Daddy. Yumakap naman ako agad sa kanya habang nakapulupot 'yung mga paa ko sa may bewang niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
"'Yang anak mo. Muntik nang mahulog sa hagdan sa sobrang excitement kanina. Mabuti na lang at nasalo siya ni Zeke," sumbong ni Mama kay Daddy.
Inilayo ako ni Daddy sa leeg niya at tinignan nang matiim.
"Zion, is that true?" Seryoso niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya then I heard him sigh.
"Anak, how many times did I tell you na 'wag kang tatakbo kapag nasa stairs ka? Gusto mo bang mahulog? Gusto mo bang mabagok 'yang ulo mo?" dahan-dahan niyang paninita sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"N-no! I d-don't wanna..." Iling ko sa kanya.
"Then don't do it again, okay? Do you wanna make Mama cry if something bad happend to you?" malambing na niyang tanong.
Umiling akong muli sabay tingin kay Mama.
"Don't w-wanna... S--sorry, Mama," I sincerly told him. Mama smiled at me and patted my head.
"Then don't do that again, okay?" I looked at Daddy and smiled.
"Okay."
"Promise?" Pinaglaro niya ang mga kilay niya kaya natawa ako.
"Promise."
....
"Zion!" Jayden screamed nang makarating kami sa dining table. Buhat-buhat pa rin ako ni Daddy.
"Look, oh. We have new friends." I looked at where she's pointing at nang maiupo na ako ni Daddy sa puwesto ko. There are two boys seating in front of me. Napapagitnaan sila nina Mr. Zeke at isa pang lalaki who's smiling at me.
"That's Akira and Kenji." Una niyang tinuro 'yung mas malaking bata. I looked at him and he has that weird smile plastered on his face. Then I looked at the younger one who smiled shyly at me.
"And that's your Tito Jai and Tito Zeke. Say hi to our visitors, anak," Mama said. Nahihiya akong ngumiti sa kanila.
"H-hi," tipid kong sabi sabay kaway sa kanila. Ngumiti silang lahat sa akin but Akira's smile is quite different. Parang he's smirking at me.
Jayden led the prayer tapos we started eating na.
"Mama, p-pancake, please?" I told Mama when I finished what's on my plate.
Naglagay naman agad si Mama ng isang pancake sa plato ko at hiniwa-hiwa na iyon para hindi na ako mahirapan.
"Mama? Why does he call his daddy 'mama'?" Akira asked all of a sudden.
"B-because he's m-my Mama." I replied to him. His brow went up.
"He's a guy. You should call him Dad or Papa," atribidong sagot nito pabalik.
"I don't w-wanna," sagot kong muli.
"Tss. That's why you're so lame." Nagulat ang lahat sa sinabi nya.
"Akira!" magkasabay na paninita sa kanya nina Tito Jai and Tito Zeke.
"But it's true. He's so lame." May bahid ng pang-aasar na sabi nito sa akin. Nagulat kami nang biglang may nagsaboy ng juice dito. Everybody shriked.
"Azyra!" sabay na sigaw nina Daddy at Mama sa kapatid ko. Napatingin ako sa kanya. Siya ba ang nagsaboy ng juice kay Akira?
"I'm not just gonna sit here and listen to your insults towards my brother!" matapang nitong sabi.
"I was just telling the truth!" Akira argued.
"Akira!" Galit nang tumayo si Tito Jai.
"Do it again and am gonna throw you out of our window!" matapang ulit na sagot ng kapatid ko.
"Azyra!" Daddy snapped. Hanggang sa nagsisigawan na silang lahat.
What's happening? Why is everybody shouting?
Dahil sa gulo ay nataranta na ako. Why are they angry at each other? Is it my fault? Napaiyak ako nang lalo pang lumakas ang pagsisigawan nila.
"Stop it! You're scaring my son!" Mama screamed at them saka ko naramdaman na binubuhat nya na ako. Agad akong yumakap sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-iyak sa balikat nya. Naglakad siya papunta sa sala at doon niya ako ipinaghele habang pinapatahan.
After a couple of minutes ay dumating si Tito Zeke.
"Is he alright?" nag-aalalang tanong nya kay Mama.
"Ayaw niyang nakakarinig ng sigawan. Natatakot siya," Mama explained as he held me tight.
"I'm sorry about what my son did. Ewan ko ba kung bakit ganun 'yung batang 'yun. Napakahilig mang-asar at mamikon. Believe me, Rob. Nang-aasar lang 'yun. He doesn't mean to insult Zion," pagpapakumbaba ni Tito Zeke. Naramdaman kong nakikihaplos na rin siya sa likuran ko.
"It's okay. Seven years old pa lang si Akira. I know he doesn't mean what he said."
"'Yun nga eh. 7 pa lang siya pero sobrang kulit, bully at maloko na." Nasa boses ni Tito Zeke ang pagrereklamo.
"Hindi na nakapagtataka 'yun. Kanino pa ba siya magmamana?" Nagkatawanan sila sa sinabi ni Mama.
"Lalo na ngayon, babalik na kami sa Pilipinas. Baka mas marami pa siyant matutunang kalokohan doon. Papa wants me to manage the university. Magtatayo din si Jai ng branch ng company namin doon."
Hindi ko na narinig ang sagot ni Mama. Inaantok na ako dahil sa panghehele niya sa akin kaya kusa nang pumikit ang mga mata ko para matulog.
...
"I'm sorry," buong pagpapakumbabang sabi sa akin ni Akira. Nilapitan niya ako habang naglalaro kami nina Jayden at Kenji rito sa malaking treehouse naming magkakapatid. Nasa trunk ng malaking puno 'yung pinasadyang treehouse namin. Dito kami madalas maglaro ng mga kakambal ko.
I looked at him. Mabait na mabait na 'yung itsura nya kumpara kanina. Tumingin ako sa likuran nya. Naroon si Azyra at pinapanuod ang pagso-sorry sa akin ni Akira. Kinausap daw silang dalawa nina Daddy at Tito Jai kanina sabi ni Jayden nung tinanong ko kung nasaan ang kapatid namin.
"You're f-forgiven," I told him at pagkatapos, I smiled at him and he smiled back.
"Anong nilalaro n'yo?" Nagulat at natuwa ako nang mag-Tagalog sya.
"B-bahay-bahayan." I happily said.
"Can I join?" Tumingin muna siya kay Azyra bago nagtanong.
"Sure!" masaya kong sagot.
Isang oras na kaming naglalaro nang umayaw si Akira.
"I'm bored. Can't we play someting else?" may pagkainip na sabi nya.
"Ano naman?" Azyra asked.
"Do you know how to play tagu-taguan?"
"Gusto!" masayang sagot ni Kenji na nakalimutan na ang hiya. He's the baby in our group kasi 5 pa lang sya.
"Taguan? What's that?" Jayden curiously asked.
"Hide and seek," Akira smugly replied.
"Ooh! I like that! Zion, do you like to play that, too?" concerned niyang tanong sa akin.
"Yeah!" I excitedly said. The last time na naglaro kami ng Hide and Seek, nakulong ako sa bathroom ng kuwarto nina Mama. It took them hours to find me. Alalang-alala sina Mama at Daddy kaya mula noon ayaw na nila kaming maglaro ng taguan.
"Ako taya!" Jayden declared. Pumunta siya sa loob ng treehouse at malakas na nagbilang. Nagsitakbuhan naman sina Azyra, Kenji at Akira kaya napatakbo na rin ako. I climbed up the stairs at tumakbo papunta sa room ko para magtago. Dumiretso ako sa may kalakihang closet ko at doon nagtago. I waited and waited until makarinig ako ng mga yapak na pumasok sa room ko. Lalo akong napasiksik sa closet nang marinig kong patungo ang mga yabag sa malapit sa pinagtataguan ko.
"Zion? Zion!" My head snapped. Parang boses ni Akira 'yun, ah?
I crept towards the closet door and slightly opened it. Nakita ko si Akira na palinga-linga hanggang sa mapatingin siya sa kinaroroonan ko. Ngumiti siya nang makita akong nakasilip.
"Found you!" He grinned as he walked towards the closet. Binuksan niya iyon at nakipagsiksikan sa akin sa loob.
"W-why are you h-hiding here with m-me?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Because I want to," sagot niya. Uutusan ko sana siyang lumabas para maghanap ng ibang mapagtataguan nang marinig ko ang tumatakbong mga yabag.
"Zion? Zion? Yuhoo!" It was Jayden. Lalo tuloy kaming nagsiksikan ni Akira at pinanuod ang paghahanap sa akin ni Jayden. I almost squealed when she looked at the closet where Akira and I are hiding. Agad na tinakpan ni Akira ang bibig ko nang makita niyang mapapasigaw na ako sa takot at excitement.
Jayden was just only three steps away from us when she heard someone called her name. Tumingin muna siya ulit sa kinaroroonan namin bago siya patakbong lumabas sa room ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang pakawalan na ni Akira ang bibig ko.
I was about to ask him why he did that when something cold brushed my lips. Nanlaki ang mga mata ko nang ngumisi sa akin si Akira pagkatapos niya akong halikan sa lips.
Then he declared in a loud voice...
"You're mine." After saying that, he giggled.