Chapter 4: Isly

3756 Words
Napasandal agad ako sa pinto pagkasara na pagkasara ko dito. Ni hindi ako sigurado kung bakit ako kinakabahan kay Luis ng ganito. Dahil ba palagi syang galit tuwing nakikita nya ako? Dahil ba sa malakas na boses nya tuwing kinakausap nya ako? O dahil sa kakaibang mga tinging ibinibigay nya sa akin? Yun bang minsan galit sya. Minsan naiinis. Pero may isang klase ng tingin syang ibinibigay na nagpapasikip ng dibdib ko at nagpapawala sa hininga ko. Yun ba parang inaarok nya yung kaloob-looban ko. Nakakakaba. Parang nagkakahinala na syang nagpapanggap lang ako lalo at halos nakahubad ako kaninang makita nya ako. Mabuti na lang at naisipan kong hanggang dibdib ko ang takpan ng tuwalya sa katawan ko. Kung bakit kasi walang sariling banyo itong kuwartong ibinigay nila sa akin kaya kinakailangan ko pa ang lumabas kapag naiihi ako o maliligo. Sinaway ko ang sarili ko sa pagrereklamo ko. I should not do that lalo na at nakikitira lang ako. Dapat magpasalamat pa ako kasi may matitirahan ako habang nag-iisip ako ng paraan para makapunta sa hotel kung nasaan si Yellie. Liningon ko muna ang pintuan at tiniyak na nakalock ito bago ako naglakad papunta sa kama. Iginala ko ang mga mata ko sa kuwartong tutulugan ko. Napakaliit nito kumpara sa kuwarto ko sa San Francisco. Kahoy ang pader at wala pang pintura. May nakalagay na mga pictures ng mga basketball starts sa paligid. May isang malaking closet na lininis ni Nanay kanina para daw may paglagyan ako ng mga gamit ko. Yup. Nakiki-nanay na rin ako. Yun kasi ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Mabait sya gaya ng mga kapatid nya kaya naman magaan ang loob ko sa kanila. Even her husband, Tatay Omeng is nice to me. And lalo na si Jang-jang. She's such a sweet girl at napapayag pa nga nya ako na tawagin nyang Mama. Everybody's friendly towards me. Well, except Luis. Can't blame him though. He was hurt because of me. Naglakad ako papunta sa kama. Isang sulyap muna ang ginawa ko sa may bintana at nang makita kong sarado iyon ay inalis ko na ang nakabalot sa katawan ko na tuwalya. Napailing ako nang kuhanin ko na ang damit at panloob na naghihintay sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mapailing habang isinusot ko ang damit na duster daw ang pangalan at ang panty. I can't help but blush nang tuluyan ko nang maisuot itong So-en panty. Nakakatawa na nakakainis. Who would've thought na ang simpleng pustahan lang namin ni Yellie ang magdadala sa akin sa magulong sitwasyon na ito? Sumandal ako sa headboard at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. I admit, kahit na napakagulo ng sitwasyon ko ngayon, it made me feel excited. Needed. It made my boring life alive. Nagkaroon ito ng thrill, ng something to look forward to. Nakakahiya mang sabihin pero sa buong buhay ko, pakiramdam ko nakakulong ako. Noong nasa Japan pa ako, Papa never let me out of our grounds without him or a platoon of bodyguards. He always told me that I needed to be protected kahit alam naman nya na kaya kong protektahan ang sarili ko. Kahit nga sa mismong bahay namin ay may bodyguard ako na sunod nang sunod sa akin. Homeschooled din ako kaya naman lalo pa akong naging mapaghanap ng makakasama. Lalo pa akong naghangad ng buhay outside the confines of our house. When we rescued Uya from his r****t, I got so excited. I thought finally, may makakasama na akong lumabas. I-discover ang buhay outside. I had a lot of plans back then. I even thought Uya could make Papa let me go outside freely. But it didn't happen. Uya got depressed because of what he has been through. And he concentrated in learning to defend himself. Ni hindi kami nagkakakuwentuhan ng matagal. Until he decided to go back in Martenei, hindi nangyari yung mga plano ko. That was why when Daddy arrived, naging close ako sa kanya. He told me a lot of stories about living and talking with other people. I love listening to his adventures in dealing with different people and situations. Nainggit ako sa kalayaan nya. I even hoped that he can make Papa realize that he must trust me enough to let me out once in a while para naman maexperience ko ang mamuhay ng malaya. Makapunta sa iba't-ibang lugar at makihalubilo sa iba't-ibang tao. But that also didn't happen. Until I got to know that he became under Papa's mercy too. When Papa died, kahit sobrang nasaktan ako sa pagkawala nya, may umusbong na kaunting pag-asa sa akin that finally matutupad na ang pinapangarap kong adventure. Sadly, it was limited. Oo nga at nakapag-aral na ako sa isang school at nakakilala ng ibang tao, parang limitado pa rin ang kilos ko. Pakiramdam ko, lagi pa rin nilang alam ang bawat kilos ko. I can't even go to a certain place alone. Dapat may kasama ako lagi. I feel bad na may namumuong pagrerebelde sa puso ko. I love Daddy. I love Tetey as well. But when the Mafia has started stalking me, lalo silang humigpit sa akin. Miracle na ngang matatawag yung pagpayag nilang sumama ako kay Yellie dito sa Pilipinas. Yeah. Natatakot at nag-aalala sila para sa akin pero can't they trust me? Is that fear enough to hinder my life? To limit it? They've started to act like Papa already. And I started feeling na nasasakal na naman ako. I knew that deep inside of me, bukod sa pagbawi sa naging kasalanan ko sa kapahamakang dinala ko kay Luis, may isa pang reason kung bakit pinili ko ang manatili dito. Freedom. Gusto kong maexperience kahit minsan lang sa buhay ko ang maging malaya. Yung walang nagbabantay sa bawat kilos ko. Yung walang naglilimit sa lugar na pupuntahan ko. Yung walang nagdidikta sa dapat na ikilos ko. I know that sobrang pag-aalala ang mararamdaman nila Daddy kapag nalaman nilang nawawala ako pero may nangungulit sa isip ko na kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. Kahit sandali lang o limitadong oras lang ay matikman ko naman ang maging malaya. I also want to accomplish something too. I admit, naiinggit ako sa pamilyang meron ako ngayon. Daddy is a great surgeon. Tatay and Kuya Jai are both great businessmen. And Uya has proven that he can be what he want to be. Eh ako? Anong napatunayan ko na? Wala. Wala pa. That's why kapag magkakasama kaming lima, I feel out of place and alienated. Kapag nagkukwento sila ng mga accomplishments nila, nanliliit ako. I don't understand my self sometimes. I love them and they love me pero naiinsecure ako sa kanila. I feel useless. I feel out of place. And it hurts to admit but sometimes I feel like I don't belong. I feel na kulang yung achievements ko sa school kumpara sa mga achievements nila. I know that I'm still young. Marami pa akong mapapatunayan sa pagdaan ng panahon pero I was also thinking na hanggang nasa poder nila ako, wala akong mapapatunayan. I should've been independent from them already. But Dad, didn't let me. Ayaw nya akong mamuhay ng mag-isa o malayo sa kanya. And I don't have the heart to say 'no' to him. Maybe because walang chance. Pero dumating na yung chance na hinihintay ko. Kapalaran na ang nagdesisyon para sa akin. Ito na yung chance na mapatunayan ko naman sa sarili ko na kaya ko ang mag-isa at kaya ko ang mag-adjust sa pamumuhay ng iba. Ito na yung opportunity. Kapag pinalampas ko pa ito, hindi na ito mauulit. At kapag naranasan ko na, kapag kontento na ako ay ako mismo ang tatawag kay Dad para magpasundo. Alam ko na malalagot ako sa kanilang lahat but it'll be worth it. Mapagkakatiwalaan at mababait naman ang pamilyang Guillermo sa akin. My mind was overflowing with a lot of new things. Para akong preso na nakawala sa pagkakabilanggo buong buhay ko. I can't wait to experience everything that's new to me. I can't help but to savor new things and information. Nakakatawa, nakakatakot, nakakatuwa. Yung mga animals na nakikita ko lang sa Google, nakikita ko na in real life. I can't wait na mahawakan silang lahat. Iba din yung gaan ng hangin dito sa lugar nila. May amoy dahil sa mga animals pero kaya ko namang pagtiisan. And their food? They're all delicious. Iba din yung flavor sa dila ko. Nung dinner nga kanina, I wanted to eat more kaya lang nakakahiya lalo na nung nakangiti nilang pinapanuod yung pagkain ko. Sana lang di nila ako paalisin agad kapag marami akong nakakain sa food nila. Itong room na kinaroroonan ko? Malayo ito sa room ko sa house ni Tetey. Walang aircon, walang TV, walang sariling bathroom tapos isa lang yung ilaw. Walang paint yung walls. Pinuno lang ng posters. Pandalawahan yung bed pero matigas yung kutson. Hindi rin carpeted yung floor. Napakasimple pero nakakatuwa. Nang matuyo na ang buhok ko ay inayos ko yung mosquito net na nasa ulunan ng kama. Itinuro sa akin ni Nanay kung paano ikabit yun kanina. This is like sleeping in a tent inside your room. Nang maayos ko na ang pagkakaipit ng net sa mga unan ay nahiga na ako. Marami ako natutunang bagay sa maikling panahon ko dito. And I know, mas marami pa akong matututunan. Things that I would never learn in school or in any other place. And I'm excited for them. Really excited to learn them. My mind was going over a lot of things until it focused on Luis. He's so masungit. He's so snob. He's a jerk. An asshole. And it was so easy for him to curse and say bad stuff to other people. Yet, he's handsome. His body has muscles at the right places. And he's as tall as Tetey. I don't know why he hates me so much. Nanay said Luis hates pretty women coz he was hurt by one of them in the past. But not all pretty women are bad. And not all who are not are good. And judgment should not come from what the eyes can see or what the ears can hear. And I'm gonna prove him that. Gusto kong maovercome nya yung mga maling pananaw nya that pretty women are deceivers, liars and users. And maybe, sya rin yung binigay ng kapalaran na misyon para sa akin. Sya yung magagamit ko para mapatunayan ko yung sarili ko. That I can really accomplish something on my own. I'll change him to a brand new Luis. Yung mabait at hindi judgmental. And at the end, pareho kaming may benefit sa pagpasok ko sa buhay nya. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa malalakas ng tilaok ng mga manok. I smiled as I listened to them. Para silang nagkoconcert. Natawa pa ako nang may isang manok na pumiyok sa kanyang pagtilaok. Bumangon ako at nagstretch. Inayos ko muna ang higaan ko at bago ako lumabas ay inabot ang tuwalya nang hindi sinasadya ay may masipa ako sa ilalim ng kama. Yumuko ako at tinignan yun. It looks like a giant cup. Hinila ko ito at tinitigan. Ano na nga ang pangalan ng malaking tasa na ito? Ali---? Nora...? Alinora. Parang name ng girl. Sabi ni Nanay, dito daw ako iihi para hindi na ako pupunta pa sa banyo kapag naiihi ako in the middle of the night. Pero dahil diretso ang tulog ko, hindi ko rin nagamit. Isa pa, I can't imagine my self peeing in a giant cup. That's so... Gross. Muli ko itong ibinalik sa ilalim ng kama. Mukhang tulog pa ang lahat kaya hindi muna ako nagsuot ng bra na may palamang panty. Kami lang naman ni Luis ang narito sa taas ng house. I think he's still sleeping kaya safe pa ako. I carefully opened the door. Walang ingay akong naglakad papunta sa banyo nang bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas si Luis mula rito na... Nakatapis lang ng tuwalya. Nagkagulatan pa kami ngunit walang imik kaming nagkatitigan. Nakita ko ang pagbaba ng kanyang mga mata sa aking dibdib kaya naman pinagkrus ko ang mga braso ko sa may dibdib ko. Nung mag-angat na sya ng tingin ay nakataas na yung isang side ng lips nya. When he started walking towards me, naramdaman ko ang paninigas ng mga binti ko. I swallowed the lump in my throat as I see him getting nearer. Kitang-kita ko ang maganda at perpekto nyang katawan. Naaamoy ko ang shampoo at sabon na ginamit nya. At nang nasa tapat ko na sya ay lalo pa akong nanigas. Inilapit nya ang bibig nya sa may tenga ko tapos ay bumulong sya sa akin. "Pasas lang ba ang nakasabit dyan sa dibdib mo?" Magkadikit ang mga kilay ko syang liningon. What did he just tell me? I didn't understand any of the words he said. He smirked at me. And before walking away, I heard him utter a word. "Flat." Sinusundan ko pa rin sya ng tingin habang naglalakad sya palayo. Bumaba ang mga mata ko sa may pwet nya. Pinanuod ko ang mabining paggalaw ng mga ito sunod sa paglalakad nya. He has such fine ass. Malalaki. Malalaman. Nakakatuwang pisilin. When he finally got inside his room, saka ko binalikan yung huling salita na sinabi nya. He said 'flat'. What the hell is he pertaining too? Akmang maglalakad na ako nang matigilan ako. Napatingin ako sa mga braso ko na magkakrus pa sa may dibdib ko. What the hell...?! Was he pertaing to my chest when he said 'flat'?! What an asshole! Tss. Tinatarayan at sinusungitan nya ako and yet he's checking on my bod?! What a jerk! Napailing na lang ako at dumiretso na sa banyo para maglinis ng katawan. Nung bumaba ako ay may mabahong amoy na sumalubong sa akin. It's super smelly at hindi ko kinaya yung amoy kaya tinakpan ng palad ko ang ilong ko. "Oh, Isly! Gising ka na pala! Come, let's breakfast!" Masayang tawag sa akin ni Auntie Sita. Sinalubong nya ako at hinila patungo sa kitchen. "Ow, nandito na pala ang bisita nating spokening dollars!" Masayang bati sa akin ni Tatay Omeng kaya natutuwa akong ngumiti sa kanya. Inalis ko na ang takip ko sa ilong ko kahit na mas lumakas at tumapang yung mabahong amoy. Titiisin ko na lang kasi parang balewala naman sa kanila yung amoy na naaamoy ko. Pinaupo ako ni Auntie sa inupuan ko kagabi. Nang makaupo na ako ay nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ng taong nasa harap ko. Ngumisi sya sa akin pagkatapos nyang sulyapan ang dibdib ko. "Hindi ka na flat ah." Pang-iinis nya sa akin. Imbes na patulan ang patutsada nya ay sinimangutan ko na lang sya. Napalingon ako sa parating na si Nanay Mila na may hawak ng platong umuusok. Kasunod nya si Auntie na may hawak na plato ng kanin. Napatitig ako sa platong ilinagay ni Nanay sa gitna ng mesa. Anliliit na fried fish! At sila pala yung naaamoy ko kanina. "Isly, tuyo ang tawag sa mga yan. Masarap yan para sa almusal." Nanay said. I smiled at her bago ko sila pinanuod na maglagay ng umuusok na kanin sa mga plates nila. Kumuha din sila ng tigdalawa silang fried fish. At nagulat ako nung kamay nila ang gamit nila as they started eating. "Masarap kumain ng nagkakamay lang, Isly. Tikman mo yang tuyo. Mabaho sya pero masarap lalo na kapag isinawsaw mo sa suka tapos mainit ang kanin!" Pang-eenggayo sa akin ni Auntie. Sya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko at ng fried fish. Tapos naglagay din sya ng vinegar sa platito at ilinagay yun sa harap ko. Isa-isa ko muna silang tinignan bago ko yinuko ang food sa harap ko. Since sarap na sarap sila sa pagkain, I thought na masarap nga siguro yung tuyo. Hinawakan ko yung buntot nito at itinaas. Oh, the poor fish! Pinaliguan ko ng vinegar yung ulo ng kawawang isda at pagkatapos ay kinagat ito. Napapapikit pa ang isang mata ko habang ngumunguya dahil sa asim ng vinegar at maalat na lasa ng tuyo. It was crunchy kaya nakatutuwa yung tunog na naririnig ko habang nginunguya ko yung ulo ng tuyo. Nang malunok ko ito ay napatingin ako sa katapat kong si Luis. Nakanganga syang nakatingin sa akin na parang namamangha. I looked at Nanay, Tatay Omeng and Auntie at ganun din ang tingin nila sa akin. "B-bakit po?" Kinakabahan kong tanong sa kanila habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang mga mukha. "Diyos Mio, Isly! Hindi kinakain ang ulo ng tuyo!" Pananaway sa akin ni Nanay. "Hindi po? Pero sarap naman po. Asim lang." Pagrarason ko. Nagulat pa ako nang maghalakhakan sila. At ang magaling na Luis ang pinakamalakas ang tawa. Nakakainis. "Aray ko! Sumakit yung sugat ko katatawa sayo!" Nakangiwi sya ngunit natatawa. He looks like a dork right now. "Isly, anak, ganito ang pagkain ng tuyo." Auntie showed me what to take from the poor fried fish. Isinawsaw nya ito sa vinegar at tinabunan ng kanin. Nagulat ako nang isubo nya sa akin iyon. "Sarap, di ba?" Tanong nya sa akin. Tumango ako sa kanya. Masarap na sya dahil naghahalo na sa loob ng bibig ko ang asim at alat ng tuyo sa tamis ng mainit-init na kanin. After that tinuruan nya ako to eat with my hand. Nagpaparinig pa si Luis na wag ko daw itaas yung pinky ko pero kapag linilingon ko sya, nakangiti naman sya ng nakakaloko. But overall, nabusog naman ako sa breakfast namin. Uminom din ako ng cow's milk na may flavor kaya tuwang-tuwa ako. When we went out of the house, huminga ako ng malalim. The air has a certain smell pero fresh sya para sa akin. Itinuro nina Nanay yung farm nila and I was amazed. Anluwang kasi ng tinataniman nila. She explained to me na marami daw nagwowork sa kanila at malapit na ang anihan ng palay. Then we went to their poultry. Andaming chicken! Magkahiwalay yung mga white ang color sa mga brown, orange ang kulay. We gathered their eggs. Nakakatuwa na nakakadiri kasi dirty yung mga eggs. Nung sinabi nga ni Auntie na poop ng chicken yung dirt na nakadikit sa eggs ay muntik ko pang mabitawan yung eggs na hawak ko. When we got back at the house, gising na si Jang-jang at nakakain na rin ng breakfast. Sumama sya sa amin when we went sa isang part ng farm kung saan may nakatanim na mga gulay. Tuwang-tuwa ako when I helped in harvesting eggplants, tomatoes, squash and a lot more. Sabi ni Auntie may bumibili daw ng mga yun tapos ibinebenta sa market. An hour before lunch time, we were back at the house again. While Jang-jang was watching cartoons sa TV doon sa living room, Auntie called me sa kitchen. She was holding a brown chicken. "Halika, Isly! Tulungan mo ako dito!" Agad naman akong lumapit sa kanya. I was curious kung ano ang gagawin nya sa chicken. "Hawakan mo ito." Iniabot nya sa akin ang manok. Pinagdikit nya ang pakpak ng manok at ipinahawak sa isang kamay ko. Damang-dama ko ang init na galing sa chicken kahit na sa mga pakpak nya lang ako nakahawak. Yung magkadikit namang mga paa nito ay pinahawak sa isa pang kamay ko. "Auntie, ano gawin mo?" Kinakabahan kong tanong when she plucked some feathers sa leeg ng manok. She looked at me and creepily smiled before replying. "Magtitinola tayo." .... Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng palayan. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa hawakan ng katamtamang laki ng kalderong bitbit ng isang kamay ko. Sa isa naman ay basket na may mga plato. "Pangaldawen!" Auntie Sita screamed. She was walking towards the men na nasa ilalim ng lilim ng malaking puno ng manga. There are almost 20 of them. May dalawang lalaki na sumalubong sa akin at tinulungan ako sa mga bitbit ko. They shyly smiled at me. I tried to smile back but I failed kaya nagyuko na lang ako ng ulo. I watched them gather around the food we brought. They were laughing as they enjoyed the tinola Auntie cooked. They were also speaking very louldy in Ilocano which I do not understand until all of them looked at me. Some of them have nasty smiles on their faces but some have sympathy in their smiles. Nagyuko ako ng ulo at naglakad palayo. Pumunta ako sa kabilang puno na may kaunting lilim. May sampung minuto na ako doon nang may marinig akong tumawag sa akin. Liningon ko ito at nakita ko si Luis na papalapit. "You don't have to feel bad that you helped butcher those chicken." Nagulat man ako sa pag-i-English nya pero hindi pa rin maalis yung bigat ng dibdib ko. "I feel like I murdered them." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Yup. We didn't just kill one chicken. I helped murder three chickens! "Pero may silbi naman ang pagpatay sa kanila. Naging ulam natin sila." Pagpapaliwanag nya. "I don't want them to become my food." Mahinang sabi ko. I don't want to eat that tinola especially so that I helped Auntie in butchering those chickens. "Isly, dito sa probinsya, bawal ang maarte sa pagkain. Kung ano ang nakahain ay yun ang kailangan mong kainin. Kung makokonsensya ka sa bawat manok na kakatayin at sa bawat itlog nilang iyong kakainin, mamamatay ka sa gutom. Nakatitiyak ako na sang lupalop ka man galing, kumakain ka rin ng karne ng baboy at manok. Isly, hindi nahuhulog ang mga iyon mula sa langit. Kinakatay din ang mga hayop na iyon para may kainin ang mga tao. Naranasan mo lang ang ginagawa ng mga matador o ordinaryong tao sa kanila para may maipakain sa pamilya nila. It's just a cycle kaya wag ka nang mag-inarte dyan. Kung ayaw mong makisabay sa amin, dun ka na lang sa bahay kumain. Wag kang mapili sa ulam. Mamamatay ka sa gutom." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tinalikuran nya na ako at bumalik sa mga kasama nya. Hindi ko man naintindihan ang ilan sa mga sinabi nya, alam ko na pinangaralan nya ako. I sighed. Tama sya. Kung gusto kong magtagal dito, I have to do what they do, eat what they eat, and survive how they survive. If uunahin ko ang mga nakagawian ko na, wala akong magiging puwesto sa lugar na ito at sa buhay nila. At kapag nangyari iyon, hindi ko na makakamit pa ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD