CHAPTER 2

1873 Words
May 28, 2018 Ang araw ng kinahihintay ko. Fiesta samin! Kaya sobrang saya ko kasi makakain na naman ako ng masarap, nakakasawa na ang beykcen, steyk and salmen haha. Medyo abala ang parents ko sa mga bisita nila. Abala din ako sa pag se-serve ng Berding Kabayo sa mga kaibigan kong tambay dito samin. "Marami pa tayong uubusin." Sabi ko sa kanila. "Hahaha ngapaka bangad ingnguwens mo tangaga Marngengen." Asar nung isang tambay na halos isang ngipin nalang ang natira. Ang sabi nya po sakin ay "napaka bad influence mo talaga Marceline." Pasensya na pero mahirap talagang kausap ang isang to. "Wow! Nahiya naman ako sayo bungi!" Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na sya. "Please bungi wag ka ng magsalita, nahihirapan na akong e translate sa mga readers ko." Dagdag ko pa. "Ngenger?" Reader po yan. Wag nyo na pansinin. Nakakahilo na nga ang kabayo mas mahihilo pa kayo sa mga words niya. Ilang oras din kaming nagtagayan at lahat kami tawa lang ng tawa. "Hahahaha naalala mo ba yung!?ano! Yun bang ano." Tawang tawa ni Pedro. "Kung tapusin mo kaya yang sinasabi mo para naman ma share mo yang kaligayan mo dyan!" Sabi ko sa kanya saka nag shot ng alak. "Ige ah hu na mangag kwengho." Sabat naman ni Bungi. Agad ko naman siyang pinalo gamit ang pamaypay na ngayon ko lang nakita. San kaya galing 'to? Wow! Magic! "Hahaha hindi nyo ba naalala yung nakakatawang pangyayari hahaha." "Ano nga!!" Inis ko ng tanong sa kanya. "Yung nag tre-treasure hunting tayo yun pala, tae hunting hahaha. Akala natin may treasure dun sa isang imburnal, yun pala puro tae. Hahahahaha." Halakhak niya pa ng todo at tinaasan ko lang siya ng kilay hanggang sa umubo na sya dahil sa pagkahalakhak. "TB na yan! Patingin ka na." At dun na nga tumawa ang iba pa naming kasama. "Hahaha iba ka talaga Marceline. Siguro tomboy ka nuh? Kasi lage kang nakikipag inuman samin." Sabi pa nung isang tambay na kalbo at lumabas na ang tyan dahil sa laki. "Kasi pag may alak may balak. May balak kaya ako sa inyo.. balak na PATAYIN!! Bwahahahaha." At napahalakhak na ulit kami. Hay nako! Weirdo na siguro ako kasi tambay yung kinakaibigan ko. Pero wala namang masama sa tambay haha. Maya-maya ay napansin kong bumagsak na ang mga katagay ko, kaya ginising ko sila isa isa. "Ang we-weaakk nyo!! Gumising kayo! Walang matutulog!" Pero hindi na sila kumilos kaya naman ay pumasok na ako sa loob at dumerecho sa kwarto ko. Walang challenge naman ng mga tambay na 'yun ohhh! ****** *Phone ringing* Bakit ang ingay natutulog ang tao dito, sino bang pesteng taong tumatawag ngayon? Mapapatay ko talaga ito! |Sino ba to??!!! What the hell??!!!| |excuse me?| Bigla akong napabangon at napamulat ng mata, agad kong tinignan ang pangalan na naka registered sa phone ko. Carmel-HR Anak ng!!! |excuse me what did you say awhile ago?| |I mean what a well! I've been waiting for your calls actually. Haha| |ok! I just want to remind you that you have an interview around 9am| Napatingin ako sa side table dito sa kwarto ko at mas lalong napamulat ang mata ko at nataranta ako dahil alas 8 na pala. |sige po nandyan napo ako mamaya. I mean I will be there soon| |ok! See you later Ms. Dela Victoria| Nagmadali na akong bumangon at naligo wala ng sabon sabon pa, ehh madudumihan rin naman ako. Wahaha! Pagdating ko sa Company ay marami din nakapila sa lobby at nag hihintay na tatawagin para sa interview. Sana makapasok ako. Para naman magka color yung lovelife ko Lord! Please Lord! Dinggin nyo na po ang panalangin ko. Nagmamaakawa napo ako sa inyo. "Ms. Dela Victoria, Marceline" "Yes Lord! Este! Yes ma'am." Pinagtinginan naman ako nung iba at pinagtawanan kaya tinignan ko silang masama. At agad ng sumunod sa HR na tumawag sakin. "Goodmorning please take a seat." Agad ko namang hinablot ang swivel chair sa harapan ko at komportableng umupo dito. "Okay! Welcome to WBPO company. My name is Carmel from HR team. So what do you know about BPO ms. Dela Victoria." Tanong niya sakin with matching eye contact pa, nakaka intimidate naman yung tingin niya. Napalunok ako bago ako sumagot. "BPO is abbreviated as Business Process Outsourcing.  When a company wants its non-core work to be done by an expert at cheaper costs then they outsource their work to other country, which is called Business Process Outsourcing.  The outsourcing is generally made between two countries." Sagot ko tapos ngumiti ako sa kanya. "Why do you see BPO as your career?" "BPO has always been a career choice for me as you are exposed to a new field, which gives you an opportunity to grow and develop your personality and communication skills.  The recent survey also tells the fast growth of this industry." Pagkatapos ng interview ay nakahinga na ako ng maluwag. Sana naman hindi nya napansin ang bad breath ko haha. Paglabas ko sa room kung saan kami nag one on one interview ni Carmel ay agad kong inamoy ang hininga ko, well hindi naman mabaho infairness kahit nakalimutan kong mag toothbrush   Nakalimutan kong nasa labas na ako kaya tinignan nila ako ng weird look! Walang basagan ng trip mga Tsong!!! Ang bilin ni Carmel sakin ay tatawagan lang daw nila ako kung makapasa ako dun sa written exam at interview. Kaya agad akong lumabas ng recruitment area at naka amoy na ulit ng polluted air. "Sa wakas!!!!!" Sigaw ko dun sa labas, again pinagtitinginan na naman nila ako pero Kevs bahala sila sa buhay nila basta ako, maganda ako. Namasyal naman ako sa mall para mawala ang kabagut ko. Nagtingin tingin ako ng mga sapatos para may bago naman sakin bukod sa bagong gupit. Nung magbabayad na sana ako ay kumulo ang dugo ko dahil sa babaeng nag insert ng linya, langhiya to ahhh!! "Excuse me ms. Ako ang nauna dito." Pagtapik ko sa likod niya, tinignan niya naman ako na parang wala lang at agad ng inabot ang bayad dun sa cashier. Leche lang!!!! Hinayaan ko nalang siya kasi baka natatae lang kaya nagmadaling bumayad. Bwesit na nilalang!!! May araw ka rin sakin. Pagkatapos kong mag shopping ay naisipan kong kumain since nagugutom na din ako. "Marceline!!!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na nilingon kasi hindi naman ako assumera gaya ng iba dyan. "Marceline!!!" Nagmadali akong maglakad kasi hindi ko alam kung bakit mas lalong lumalakas ang pagtawag ng pangalan ko. Hindi kaya konsensya ko pang yun? Konsensya? Konsensya? Ikaw ba 'yan? Nakalimutan ko wala nga pala akong konsensya. Napaharap ako nung may humigit sakin "Marceline!! Kanina pa kita tinatawag bakit ba ang snob mo!" Ahhh! So ako pala talaga ang tinawag niya, akala ko pa naman guni-guni ko lang yun. "Hindi ako snob. Bingi lang ako at maganda ako!" Sabay snob sa kanya. "Sino ba kasama mo dito?" Tanong niya sakin na ngayon ay magkasabay na kami maglakad. "Ako lang mag isa hindi mo ba nakita?" Pagtataray ko pa. "Bakit ba ang maldita mo talaga ha! Anyway samahan mo naman ako sa National bookstore please." "Kaya nga ako mag isang namasyal para walang asungot pero ngayon ito ka na." Sabay irap. "Alam mo kulang nalang luluwa ang mata mo sa kakaikot nyan." "Wala kang pake!" "Sige na please." At dahil sa kakulitan ng kaibigan ko pumayag na lang ako. Hindi ko pa pala pinakilala sayo ang kaibigan kong 'to. Siya si Queen! Wag kayong mag assume na mayaman siya kasi mahirap lang yan! Haha mga hampas lupa! Joke lang! Sinasaniban na yata ako ni Senyora Santibanez. "San ka na ba nagtratrabaho Marceline?" Tanong niya, nandito kami ngayon sa garden part ng mall. "Oppps! Bawal mag tanong ng personal question!" Sagot ko sa kanya. "Marceline parang nag aaway yata yung mag jowa dun ohhh." Panimula ni Queen. Agad ko namang tinignan ang tinutukoy niya. Dalawang babae na nag aaway at talagang mapapansin mong tumataas na ang kanilang boses dahil pinagtitinginan na din sila ng iba. "Ano kaba! Baka gutom lang yung isang babae pero walang budget yung isa kaya nagalit." Sagot ko sa kanya. "Grabe gumala ka ng mall tapos wala kang dalang pera?" Sabi niya. "Oo gaya mo! Wala ka rin namang pera diba." Pang asar ko sa kanya at ngumiti naman siya. "Alam mo yan ang gusto ko sayo ehh! Masyado kang maraming alam at napaka insultador mo at alaskador at mapa--" pinutol ko ang susunod niyang sasabihin kasi naiingayan na ako sa kanya. "Nagsasabi lang ng totoo. Pasensya na kung honest ako." "You are a cheater Kristelle!!!!" Sigaw nung isang babae na naka glasses. Yung Kristelle naman na tinutukoy niya ay nag walk out kasama ang isang lalake. Hindi na pinansin nung babaeng naiwan ang mga echuserang froglets at tinignan niya lang ng masama habang lumalayo ang dalawang kaalitan niya. "Kawawa naman nuh!" Sabi ni Queen. Umalis na din si broken-hearted girl na umiiyak parin. "Ganun na talaga ang panahon ngayon. Uso ang reserba. Para kung hindi nag work out ang isa meron ka pang isang maintenance mo sa mga bagay na magdadala sayo sa langit." Sabi ko kay Queen at nag up and down pa ng kilay ko. Tinignan naman niya ako ng weirdo look. "Nakarelate ka siguro nuh? May reserba ka din gaya ni Kristelle." "Tyak may reserba din yung broken-hearted girl." "Hahahaha bilib talaga ako sa pagka judgmental mo. Walang nakakapantay." Agad ko syang pinalo ng pamaypay na nasa gilid na inuupuan ko. Napa aray naman sya. Teka???!!! Bakit sa twing gusto kong mamalo bakit dumadating ang pamaypay nato! Ang weird! Agad ko namang tinapon yung pamaypay sa may fountain. Buti nalang walang nakakita. Hihi! Pagkatapos naming mag shopping ay umuwi na kami. Para makapagpahinga na ako sa araw na'to. Bigla nalang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad ito. "Hello this is Carmel from WBPO! Congratulations you passed the written and the interview. Please be there tomorrow morning for your orientation." Napalaki ang aking mata dahil hindi ako mapakapaniwala. My ghaaad!! Buti nalang talaga binigyan ko siya ng 10k para makapasa ako. "Are you still there?" "Ahhh yes meym! Thank you! Bye!" Saka binaba na ang phone. Hahaha wait for me Kaylee. Pag nakita mo na ako I'm sure ma iinlove ka agad sakin. Hindi ako makatulog dahil sa nalaman ko kaya nag ** muna ako at habang nag scro-scroll down ay agad akong bumalik sa previous page dahil may naka caught ng attention ko.          Yan ang nakita kong post ni Kaylee. Oh my!!!! Mas lalo yatang tumaas ang kumpyansa ko na makukuha ko talaga sya. Oh yeah! Oh yeah! Ohhh ohhhh ohhh yeah! Sabay sayaw ng hiphop. Bumukas naman ang pinto at nakita kong nagtataka si mudrabells sa pinanggagawa ko. "Shabu pa more!" Sabi ni mudrabells. "Mader dear! Hindi na nuh! Mahirap na ipakulong ako ni Du30. Wala na kayong magandang anak!" Sabi ko at nag napa meywang pa na parang sumali sa Bb. Pilipinas. "Hay! Naku ang baliw mo talaga! Anyway kumain na tayo nandyan na ang daddy mo." "Yes mudrabells susunod ako pagkatapos kong sumayaw." At lumabas na siya ng kwarto ko. At pinagpatuloy ko lang ang pagsasayaw ko. Pagkatapos ng kabaliwan ko ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta ng dining area namin. Naabutan kong nakaupo na sila Mader and Pader Dear. Lumapit ako kay Pader dear at binigyan siya ng halik sa pisngi. "Hi Pader Dear how was your work?" "Tumigil ka nga sa pagtawag sakin nyan." Reklamo niya. Napa pout nalang ako. "Ikaw? How was your work?!" Balik tanong nya sakin. Tumigil muna ako sa pagsubo ng kanin para sagutin siya. "Ayos lang dad! Na employed ako sa inaplyan kong trabaho." Proud kong share sa kanila. "Mabuti kung ganun." Plain niyang sagot. "Congrats anak! Mag ipon ka!" Sabi naman ni Mader dear. "Sure mom! Para maka travel naman tayo." Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ang aming katulong at isa isa na kaming pumasok sa mga kwarto namin. Sobrang saya ko sa araw na'to. Thank you so much Lord! Labyu poo! >>>>>>Nothing Follows
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD