bc

Fearless, Fierce Love

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
badboy
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

Paano nga ba dapat mag-react kapag inaapi ka na? Siyempre, lalaban ka. Ipakikita mong matapang ka. At kahit anong mangyari, hinding-hindi ka magpapatalo kahit na kanino pa. Kahit siya pa ang pinakamayamang tao na kayang bilhin ang lahat ng bagay pati na ang pagkatao at buhay mo.

"Readers will encounter words that are not suitable for very young readers. Strong parental guidance is advice."

chap-preview
Free preview
Fearless, Fierce Love by Mar Mojica : Prologue
“Bitiwan mo 'ko! Ang kapal talaga ng mukha mo. Porke’t mayaman ka, akala mo mapasusunod mo na lahat ng tao? Hindi ako kagaya ng mga tuta mo na sunod-sunuran lang sa ‘yo. Hindi ako katulad ng mga babae mo na habol nang habol sayo!" Mas lalo ko yata siyang ginalit. Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata na nakatutok sa akin. Hindi niya binibitawan ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Mariin ang pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay. Sh*t! Wala bang ibang tao rito para ako'y tulungan? Sabagay kahit siguro magsisigaw ako ng saklolo ay walang tutulong sa akin dito. S’yempre, natatakot ang lahat sa kanya. Pero hindi ako. Hinding-hindi ako matatakot kahit na kaninoman. Lalo na at alam kong ako ang tama at nasa katuwiran. "Shut your mouth! Hindi ba talaga marunong tumigil 'yang bibig mo? Satsat nang satsat. Para kang sirang plaka. Paulit-ulit. Natotorete na ang utak ko sa ‘yo." Napapikit ako sa lakas ng pagkakasabi niya, sa tapat pa ng mukha ko mismo. Kaya heto na naman. Ramdam ko na naman ang pisngi ko sa malamig na pader rito sa loob ng locker room. Siguradong maraming nakaririnig sa amin ngayon. Kahit nakasarado ang kuwartong ito'y sigurado akong pinagpipiyestahan na naman kami ng lahat. Hinarap ko ulit ang mukha ko kay Kenneth. "Akala mo ba, titigil ako? Ah, ayaw mo pala ng maingay ha, puwes, mas lalo akong mag-iingay. Mayaman na mayabang, na maraming asungot sa buhay. Bastos na lalaking walang alam kundi ang mang-away. Sobrang plastik na niloloko pati ang sariling ama..." "Tumigil ka na sabi!" Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Pulang-pula siya sa galit. Ang mga ugat sa leeg niya ay talaga namang puputok na. Neknek niya! Hinding-hindi ako titigil. Lahat ng ayaw niya ay gagawin ko. Hindi ako patatalo sa mga lalaking kagaya niya. "Ibalik mo sa 'kin ang notebook ko! Kung gusto mong tumigil ako, tigilan mo rin ako. Bakit hindi ka bumili ng sarili mong notebook? Ang dami-dami mong pambili. Halos humiga ka na nga sa pera. Notebook lang, pinag-iinteresan mo pa! Lahat na lang kasi gusto mong makuha. Hindi lahat ng bagay ay puwede mo nang kunin dahil lang sa maimpluwensiya ka..." Napapikit ako nang bigla na naman niyang inilapit ang mukha sa akin. Pakiramdam ko ay sisigawan niya ako ng ubod lakas. Masyado yatang naparami ang sinabi ko. Notebook lang naman iyon. Pero kahit na! Ang notebook na iyon ay naglalaman ng mga nakatago kong damdamin. Mga galit at inis ko sa kanya. Mga salitang ako lang ang dapat makaalam. Saka wala siyang karapatang kunin ang hindi sa kanya. Kapag hinayaan ko siya, masasanay siyang lalo at iisipin niyang katulad din ako ng mga tutang palaging nakabuntot sa kanya. "Hindi ka ba talaga titigil? Ang daldal mo!" Halos magdikit na ang mga ilong namin nang sulyapan ko siya. Naamoy ko ang kanyang hininga. Hindi ko alam pero mas gusto kong pumikit na lang at hintayin ang mga sasabihin pa niya. Bumilis ang pintig ng aking puso at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Imposible namang natatakot ako sa kanya. Hindi ako kailanman matatakot kahit kanino. Pero parang sumikip ang aking dibdib. Kailangan kong ibuka ang aking bibig upang makahinga nang mas maayos. Nararamdaman ko pa rin ang mabilis at mainit niyang hininga sa mukha ko. "P-Pakawalan mo na 'ko..." Anak ng teteng! Boses ko ba talaga iyon? Bakit para akong dumadaing? Hindi ako makasigaw. Nasaan na ang boses ko? Bakit nanginginig itong lumabas sa bibig ko? s**t, this is not me! Itinagilid ko ang mukha ko upang makalayo sa kanya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tila nawawalan ako ng lakas. Ramdam ko ang matatalim niyang pagtitig sa akin. Nakababahala ang umaalon niyang dibdib. Madiin ang mga palad niyang tumali sa mga kamay ko. At naguguluhan ako sa kakaibang init sa katawan ko. Gumagapang sa aking batok pababa sa aking mga braso. "You wanted this kind of deal, Melissa Mantova. Gagawin ko sa ‘yo, gagawin mo rin sa 'kin. Malinaw iyon. Kapag inagaw ko ang notebook mo, ibig sabihin, kailangan mo ring mang-agaw ng kahit ano mula sa ‘kin..." Bumubulong ba siya sa mukha ko? Bakit dinig na dinig ko iyon at parang nare-replay pa sa utak ko? "A-Anong deal?" tanong ko na hindi pa rin makatingin sa kanya ng diretso. Saan pa ako titingin kundi sa sahig? "Ikaw ang nagsabi! Whatever you do to me, I'll do to you. I'm doing it to you now. Let's see if you can pay me back with this." Tama ba ang mga naririnig ko? Ang lambing ng boses niya. Nakakapanghina. Anong nangyayari sa taong ito at parang sinapian ng kung anong misteryo? Naramdaman kong bumitaw ang isang kamay niya mula sa akin. Dahilan kaya lumuwag ang pagkakahawak niya. Pero bago pa ako makawala ay idiniin na niya ang kanyang sarili sa katawan ko. Akala ko ay makatatakas na ako mula sa lamig ng pader na iyon. Saglit lamang pala at mararamdaman kong muli ang yelo sa likod ko. Naramdaman kong inilapit niya ang mukha sa gilid ng aking tainga. Napasinghap ako nang tumama ang kilabot sa aking buong katawan. "You're trembling. Marunong ka rin palang matakot,” anas niya. Nanginginig ako? Hindi! Hindi ito maaari. Matapang ako. Paanong tumiklop bigla ang tuhod ko? Hindi ko pwedeng ipakita sa taong ito —lalong-lalo na sa taong ito— na natatakot ako. May nalaglag na mga hibla ng buhok sa aking mukha nang gumalaw ako para tangkaing kumawala. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang ayusin niya iyon at ibinalik sa likod ng aking tainga. Para akong nakuryente. Ilang boltahe kaya itong nararamdaman ko at parang gusto ko nang mangisay sa kinatatayuan ko? Nagpakawala siya ng mahinang tawa. Nakita kong umiling-iling ang ulo niya. “I can’t believe this. Ken Hermoso is shaking because of a girl. And out of all the girls, why you?” Hindi ko siya maintindihan. Ako ba ang kinakausap niya o ang sarili niya? Ewan ko pero gusto kong makita ang reaksiyon ng mukha niya. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na tingnan siya. Kaya nagmulat ako at nagtama agad ang aming mga mata. Pinaglalaruan ako ng aking paningin. Ang isang Dean Kenneth Hermoso na parating nakasinghal sa akin, galit at namumuhi, ngayon ay may malungkot na mga mata. Nakatitig sa akin na parang nagmamakaawa. Naroon ang bahagyang pamumula ng kanyang paningin. May humaplos na pakiramdam sa aking dibdib kaya’t nakagat ko ang aking labi. Kanina lamang ay nag-uumapoy ang mga matang iyon. Kitang-kita ko ang talim ng kanyang mga titig. Kulang na lang ay sunugin niya ako nang buhay dahil sa galit. Ngayon ay parang maamong pusa ang aking nakikita. Isang pusang gusto kong alagaan at haplusin, ikulong at huwag pakawalan upang hindi maagaw pa sa akin ng iba. Mabilis ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko. Nagulat ako. Pero mas nagulat ako dahil ang bilis lang no'n. Parang kulang. Parang hindi pa sapat para sa akin na ganoon lang kabilis ang nangyari. Napaawang ang bibig ko. Nakatitig pa rin siya sa akin. "I've done it, Melissa. Now, I'm waiting for a kiss from you..." Anong ibig niyang sabihin? Gusto ba niyang halikan ko rin siya? First kiss ko 'to! Bakit kailangang sa ganitong sitwasyon? Pinangarap ko noon na ang magiging first kiss ko ay sa first boyfriend ko. Mangyayari iyon sa isang romantic na lugar. Magsasabihan kami ng I love you at I love you too. Anong nangyari sa pangarap ko? First kiss ngunit hindi ko naman boyfriend. Masahol pa nga sa kaaway ang turingan namin ng tarantulang ito. Romantic ba ang locker room? At nasaan na ang sweet love quotes na palagi kong nire-rehearse sa utak ko? "Damn it! Why of all people?" mariing bulong niya. Tama siya. Bakit sa lahat ng tao sa mundo ay siya pa ang nakaunang halik sa 'kin? “If you couldn’t do it your way, I’ll do it my way,” dugtong niya. Muli akong hinalikan ni Kenneth sa labi. Sa pagkakataong iyon ay hindi na mabilis. Nilalasahan niya ang aking bibig na nagpakawala ng libo-libong paru-paro sa aking paligid. Hindi ko na napigilan ang pagpikit. Mas ibinuka ko pa ang aking labi para mas maramdaman ang malambot niyang mga halik. Para akong idinuduyan. Ang sarap ng lasa ng kanyang halik. Naramdaman ko ang mahinang pagkagat niya sa ibaba kong labi. Ang paggapang ng kanyang kamay sa aking braso pataas ay nakakikiliti. Hinawakan niya ang aking batok at mas nailapit niya ang kanyang bibig sa akin. Nang pinakawalan niya ang labi ko ay naiangat ko ang aking ulo nang leeg ko naman ang kanyang hinalikan. Nagulat ako sa lumabas na boses mula sa aking bibig. Napadaing ako kung kaya't kinagat ko ang aking labi. He whispered, “Why are you doing this to me? I don't like being controlled by a girl…” ‘Wala akong ginagawa sa ‘yo. Ikaw ang marunong magkontrol sa lahat ng tao. Napasusunod mo sila sa lahat ng gusto mo.’ Gusto kong isagot sa kanya iyon pero alam kong kapag ibinuka ko ang aking bibig ay mga daing lamang ang lalabas dito. Bumaba ang kanyang mga halik. Hindi ko alam kung paanong ang mga kamay kong nakaposas sa kanyang kamay kanina ay nakayakap ngayon sa kanyang batok. Parang may sariling mga isip at awtomatikong yumakap ang mga ito sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa aking bibig. Naramdaman kong kinagat niya ng bahagya ang dulo ng aking dibdib. Ang isang kamay niya'y naglalaro sa kabila na marahang pumipiga. Mas lalong nangatog ang aking katawan. Gumagapang ang kakaibang init na ngayon ko lang naramdaman. Bumaba ang kanyang kamay habang nararamdaman ko ang mga kagat niya sa aking kanang dibdib. Naipasok niya ito sa loob ng aking blusa at muling umakyat. Hinawi niya ang telang tumatabing doon at buong palad niyang dinama ang isa sa pinakaiingat-ingatan ko. Napasinghap ako at tila nayanig ang buo kong pagkatao. Alam kong nanginginig ang mga tuhod ko. Kaunti na lang ay bibigay na ang mga ito. Nanghihina na talaga ako. "K-Ken..." lumabas mula sa aking bibig. Nakita kong nag-angat siya ng tingin sa akin. Parang nabigla siyang tumitig sa aking namumungay na mga mata. "That's the first time you’ve called my name, Melissa."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook