bc

Still Holding On

book_age18+
568
FOLLOW
3.9K
READ
revenge
possessive
second chance
dominant
drama
bxg
heavy
office/work place
surrender
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

This story contains strong language, graphic s*x scenes, violence, and situations intended for mature readers and is not suitable for the minor or very young age.

--Anong pakiramdamn na ikaw naman ngayon ang nasa mababang estado ng buhay at ako na inapi niyo ang nasa itaas?

-Kael/Klay-

Ilang-taon na dala-dala ni Maddie ang konsensiya sa kasalanang nagawa niya kay Kael, ang lalaking minahal at pinag-alayan niya ng lahat-lahat. Hinihiling na sana naging maligaya na si Kael sa buhay nito kahit pa sinira niya ito noon.

But they meet again, and Kael wants revenge on her. Maddie agreed, not because she had to take their house and land that Kael had bought, and she needed to pay for the money he gave to operate on her son. Maddie still loves Kael, and she still holds on, how she feels about him. She's not hoping that Kael and her will last longer. Maddie is contented to make Kael happy to avenge her even though he will dump him in the end.

Nakakasama man niya si Kael ay sa paningin ni Klay ay isa lang siyang tauhan na nagpapainit sa kama nito at tanging paghihiganti lang ang nais nito sa kaniya, na hindi katulad niya na dahil sa pagmamahal kaya siya nananatiling nasa tabi ng binata.

chap-preview
Free preview
Prologue
KINAKABAHAN si Maddie habang lumalabas siya sa club na pinagtatrabahuan at tumungo sa parking kung nasaan ang isang land rover jaguar na kotse, na nakaparada sa parking ng club at nandoon ang taong kailangan niyang kausapin para humiling na huwag nitong tuluyang kunin ang bahay at lupa nila. Iyon na lang ang natitirang ari-arian ng namayapang mga magulang at para makiusap na bigyan pa siya ng panahon para mabayaran ang halaga ng pagkakabili nito sa bahay at lupa nila o hindi kaya ay magtrabaho siya sa taong bumili nito. Lahat ay gagawin ni Maddie, hindi lang mawala sa kaniya ang bahay at lupa dahil iyon na lang ang natitirang ari-arian na mula sa pinaghirapan ng mga magulang niya saka doon din siya lumaki at napakaraming magagadang alaala doon mula sa pagkabata niya kasama ang mga magulang at kapatid. Binenta ng Kuya niya ang bahay sa may-ari ng club na si Simon at nabaon pa sila sa utang kay Simon, dahil sa nakakatandang kapatid kaya napilitan siyang magtrabaho sa club nito para unti-unting bayaran ang mga utang ng kapatid. Pero hindi niya inaasahan na ibibenta ni Simon sa iba ang bahay at lupa nila dahil ang katwiran nito, ay matatagalan pa siyang mabayaran sa pagtatrabaho niya sa club ang perang binayad nito noon sa kapatid nang ibenta iyon. Ang sabi ni Simon, ay maari naman niyang kausapin ang bumili ng bahay at lupa niya na si Mr. Conrado. Mayaman daw ang lalaking iyon at may mabuting puso dahil tumutulong sa mga kapus-palad at ang sabi pa, ay nakausap na nito si Mr. Conrado at makikipag-usap daw ito sa kaniya. Ngayong gabi nga ang schedule na binigay ni Mr. Conrado at sa mamahaling kotse nito na sa parking ng club lang pinarada. Mamahalin ang kotse at hindi talaga maitatago na talagang napakayaman ang may-ari niyon na makakausap niya. Ang hiling lang ni Maddie ay sana pumayag ito sa pakiusap niya at mabawi na niya ang titulo ng bahay at lupa. Nakalapit na siya sa kotse at tinted ang mga salamin ng sasakyan kaya hindi niya makita kung sino ang nasa loob. Bumuntonghininga na muna si Maddie bago niya kinatok ang salaming bintana ng kotse at bumukas iyon kaso madilim sa loob ng kotse at tanging nakikita niya lang ang ang bulto ng katawan ng nasa driver seat. “Get in,” utos ng nasa loob ng kotse na ikinagulat niya. Ang lamig kami ng boses nito at punong-puno rin ng awtoridad. “If you want us to talk about getting your land and house, you have to get in my car. I will not be the one to adjust to the person who wants to beg me to take the property I have already bought,” sabi pa nito dahilan para makadama ng hiya si Maddie. “O-opo,” tugon niya saka pumasok sa kotse at sinara iyon. Hindi naman siguro gagawa nang hindi maganda sa kaniya si Mr. Conrado dahil ang alam niya ay respetadong tao ito, na may iniingatang magandang pangalan. Bumukas ang ilaw na nagpasilaw pa kay Maddie at napapikit siya saglit pero mayamaya ay napamulat siya saka tumingin kay Mr. Conrado. “Nice to see you again, Madison Koronadal,” malamig na bati sa kaniya ni Mr. Conrado. Napaawang ang labi ni Maddie sa gulat nang makilala ang taong kaharap niya ngayon at hindi makapaniwala na maghaharap silang muli matapos nang huli nilang pagkikita. “K-Kael!” bulalas niya. Ngumisi si Mr. Conrado pero hindi masaya ang mga mata nito at tingin niya ay puno ng poot iyon mula sa kaniya. “Kael? That’s what you called the nerd man back then. Do you think that should still be what you call me to this day?” nang-uuyam na tanong nito sa kaniya. Napakagat ng labi si Maddie at mabilis na tumibok ang puso niya dahil muli na naman niyang nakita ang lalakeng unang niyang minahal at ang lalaking hindi pa niya kailan man nakakalimutan. “I-ikaw si Mr. Conrado? Paano nangyari iyon?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Can't you believe that the nerd guy you once met, who you teased, played with, and hurt, is the man in front of you who now owns your house and land?” balik na tanong sa kaniya ni Mr. Conrado. Hindi nagawang magsalita ni Maddie dahil muli, ay nakaramdam siya ng sakit dahil sa ginawa niyang pagkakamali sa taong kaharap ngayon. Pero ibang-iba na ang kaharap sa Kael na nakilala niya at mas naging guwapo at maganda ang pangangatawan nito. Mukhang kompiyansa na rin ito sa sarili, na hindi katulad noon na mahiyain at mas palaging nag-aaral kaysa mag-ayos ng sarili. Guwapo naman si Kael noon pa man subalit hindi kapansin-pansin dahil sa mga simpleng pananamit at nakasalamin pa. Hindi rin kalakihan ang katawan ni Kael noon hindi katulad ngayon, na mukhang alaga sa gym at kitang-kita sa suot nitong tuxedo na fit dito. “Are you done checking me?” tanong sa kaniya ni Mr. Conrado na ikinagulat niya. “H-hindi kita—“ Napakagat si Maddie ng labi para pigilan ang sarili na makapagsalita nang hindi naaayon. Ngayon, ang dahilan kung bakit sila nagkita ay para pakiusapan itong huwag kunin ang bahay at lupa nila at hihiling siya rito na bigyan ng panahon para mabayaran ang perang pinangbili nito sa ari-arian nila. “G-gusto kong pag-usapan ang ‘tungkol sa bahay at lupa namin,” umpisa niya. “Nakikiusap ako, Mr. Condrado, bigyan mo ako nang panahon para makapag-ipon at mabayaran ko—“ “The house and land are worth ten million. If I give you time to pay that money and get the house and land back to you, when will you pay me?” putol ni Mr. Conrad sa sasabihin sana niya. Nanlaki ang mga mata ni Maddie sa laki ng halagang binanggit nito subalit hindi siya maaring sumuko dahil napakahalaga ng bahay na iyon sa kaniya at sa mga magulang niya. “Hindi ko alam pero nangangako ako sa’yo na babayaran ko iyon. Please, napakahalaga ng bahay na iyon sa akin dahil iyon na lang ang natitirang alaala na mayroon ako sa mga magulang ko,” pakiusap niya. “Is that house really important to you and you can do everything to avoid losing it?” seryosong tanong ni Mr. Conrado sa kaniya. “O-oo. Basta kaya ko. K-kahit pa magtrabaho ako ng dalawang beses, kahit pa tatlong beses sa isang araw para lang mabayaran ka, ay gagawin ko,” tugon niya at nagkaroon siya bigla ng pag-asa. “Gusto kong magtrabaho ka sa akin,” tugon ni Mr. Conrado. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Kael. Ang plano niya kasi nang malaman na si Kael pala si Mr. Conrado, ay magdadagdag na lang siya ng trabaho at bayaran ito kahit ilang-taon pa ang lumipas pero hindi iyong magtatrabaho siya mismo sa lalaking kaharap. Sa tingin ni Maddie, ay hindi niya kakayanin na makaharap ang lalaking ito araw-araw. Sa pitong taon ngang hindi niya nakita si Kael, ay palaging kinukotkot siya ng konsensiya dahil sa mga sa hindi magandang nagawa niya noon dito. Paano pa kaya kapag maging boss niya ito at araw-araw na makikita. “But the job I'm going to offer you is different. I don't think you'll have any trouble because I'm sure you are used to that work. Marami naman na sigurong lalaking nakakuha ng katawan mo lalo pa at sa club na iyan, ay pagbibigay ng aliw ang isa sa ginagawa ng mga babaeng nagtatrabaho,” anito na mas ikinagulat niya. “Anong trabaho iyang sinasabi mo?” “I want you to become one of my women that will give me pleasure, and you will be my slave too for just one year,” tugon ni Mr. Conrado sa kaniya. “And your house and land will be yours again, plus the big money that I will give you after your job with me. Hindi ka naman na lugi dahil mababawi mo na ang ari-arian mo at may malaki ka pang pera. “Kung tutuusin ay sobra na nga iyon sa katulad mong babae, na alam ko naman na marami nang gumamit. But I will be kind to you because we have something together, and I was the first man, who got your body back then,” nakangiting sabi ni Mr. Condrado sa kaniya. Dahil sa narinig na insulto sa kaniya ng kaharap ay hindi napigilan ni Maddie ang galit na nadarama at nasampal niya ito sa pisngi na dahilan para mamula iyon. “B*tch!” gigil na sabi ni Mr. Conrado at hinablot ang braso niya dahilan para mapaiki siya. “I didn't give you the right to slap me! You f*cking wh*re!” Hinila siya ni Mr. Conrado nang buong lakas at maalab na hinalikan. Mapagparusa ang halik na iyon at nalasahan na lang niya ang dugo mula sa labi saka naramdaman niya ang kamay nitong mapangahas na ipinasok sa suot niyang pencil cut na palda kaya nagpapalag na siya at nagsisigaw. Nang makawala siya kay Mr. Conrado ay kaagad niyang binuksan ang pinto ng kotse saka nagmamadaling tumakbo palabas. Hinihingal at tumutulo na ang luha ni Maddie nang makatakbo siya sa likod ng club at nanghihinang napaupo sa sementadong sahig. Kahit may mga katabi siyang basura, ay hindi niya iyon alintana dahil ang tanging iniintindi niya ay ang sakit na nadarama mula sa puso niya na matagal nang nakatago mula roon at hindi kailan man gumaling. Ang laki ng pagbabago ni Kael, hindi na ito ang kilala niyang malambing, nirerespeto at mahal na mahal siya at dahil iyon sa mga nagawa niya, na naging matinding dagok sa binata at naging dahilan kaya nagbago ito nang tuluyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook