Chapter 3

1213 Words
Nasa elevator na sila noon ni Klyv para bumalik na sana sa party nang bigla itong umuga at tumigil iyon ng saktong nasa third floor na sila-kung saan naroroon ang event area. Napasigaw si Vassyleen nang ma-out-of-balance siya. Mabuti na lang at maagap si Klyv. Sa pagkabigla ay napakapit siya sa batok ng binata at sa kakamadali naman nitong alalayan siya ay napayapos ito sa beywang niya. Ilang sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Pakiramdam ni Vassyleen ay nalulunod siya sa kulay asul nitong mga mata. Hindi rin niya mapigilan ang pagdagundong ng kaniyang puso. Napapikit siya nang aktong iangat ni Klyv ang kamay papunta sa kaniyang mukha. Naramdaman niya ang masuyo nitong paghawi sa iilang buhok na tumatabing dito. "Sayang ang magandang view kung natatakpan lang." Nag-ipon muna ng lakas ang dalaga bago inilayo ang katawan kay Klyv. Pero hindi iyon nakatulong dahil patuloy pa rin sa pangangatog ang kaniyang tuhod kaya napasandal na lamang siya sa salamin. Marahil ay napansin ni Klyv ang pagkailang niya kaya medyo lumayo ito ng kaunti at sinubukang pindot-pindutin ang mga button ng elevator. Pero sa malas ay hindi iyon nakatulong para makalabas sila doon. "Mukhang nagkaroon ng mechanical error." Anito kapagkuwan. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang binata na sumandal na rin sa salamin. Nagtataka siya kung bakit relaks na relaks lang ito at hindi nababahala sa kanilang situwasyon. Hindi siya nakatiis na hindi ito nakawan ng tingin. Noon lang napansin ni Vassyleen na nakabukas na pala ang ilang butones sa itaas ng polo ni Klyv. Pinilit niyang iiwas ang paningin. Ngunit natukso pa rin siyang 'silipin' ang nasa loob ng damit na iyon. And heck, he has a perfect chest! Na para bang ang sarap-sarap magpakulong doon. Bumaba pa kaunti ang mga mata ni Vassyleen at pilit na 'binubuksan' ang ilan pang natitirang butones. Ngunit nakaramdam siya bigla ng hiya sa sarili nang mapagtanto ang ginagawa. But this man is such a magnet that she couldn't take her eyes off his body-all of him exactly. Habang pinagpipiyestahan ang matipunong dibdib ni Klyv ay pinapaypayan ni Vassyleen ang kaniyang sarili upang bawasan ang init na nararamdaman ng kaniyang katawan. "This is the first time I feel much flattered when someone's-precisely gorgeous woman-is enticingly looking at my body." Narinig niyang wika ni Klyv sa suwabeng boses, na nagpagising sa nahihibang niyang diwa. Namumula ang pisnging nag-angat siya ng ulo. Lalong naging tensiyonado ang puso ni Vassyleen sa malisyosong ngiting nakasilay sa napaka-sexy nitong mga labi. "I hope pumasa sa standard mo ang mga nakita mo." Panunudyo sa kaniya ni Klyv. "L-loko ka talaga..." ani Vassyleen bago nagpakawala ng plastik na ngiti. Tuluyan na niyang inalis ang mga mata sa mukha ng binata at itinuon kunwari sa pintuan ng elevator. "Di ba may cellphone ka? Baka may puwede kang tawagan sa labas na makakatulong sa'tin dito." Pag-iiba niya ng usapan habang hindi pa rin tumitingin dito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Klyv bago nagsalita." Okey, I'll try. Minsan kasi walang signal dito, eh." Sinubukan nga nitong mag-dial ng numero. At itinaas pa sa ere ang cellphone sa pagbabakasakaling may mahagilap doon na signal. "Pasensiya ka na, ha. Pero wala talaga, eh." "Paano tayo makakalabas dito?" "Huwag kang mag-alala dahil pagkatapos ng party ay sigurado namang dito rin dadaan lahat ng mga bisita." Nabahala ang puso ni Vassyleen-este siya pala. Hindi niya alam kung paano pa makisama sa Adonis na ito sa loob ng mga susunod na sandali. "Matatagalan tayo rito?" Nagkibit ito ng balikat. "Parang ganon na nga." Kapagkuwa'y naghubad ito ng sapatos at sumalampak sa sahig. Napakurap si Vassyleen. Another simplicity of him that attracts her. Sa paraan kasi ng pagkilos ni Klyv ay parang hindi ito aware na kagalang-galang itong tao. "May naisip ako para hindi tayo mainip. While waiting for someone who could rescue us here." Anito. Nadagdagan ang pagkailang ng dalaga nang bumaba ang tingin ni Klyv. Patay malisya tuloy niyang naiunat pababa ang may kaigsiang cocktail dress na suot niya, sa pag-aakalang pinagmamasdan ng binata ang kaniyang mga hita. Para lang mapahiya nang muli itong magsalita. "Oh, I'm sorry! Nakalimutan kong nakatakong ka pala." Anito na may paghanga sa mga mata. "A-anong ginagawa mo?" "Okey lang ba kung tulungan kitang tanggalin ang mga sandals mo? Ang taas-taas pa naman ng mga takong, nakakapanghinayang lang na mabahiran ng varicose vein ang makikinis at may magagandang hugis na pares ng binti mo." Darn! Why do you have to be this kind to him, Vassyleen? Saway niya sa sarili. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit hindi niya maramdamang nababastos siya sa ginagawa ni Klyv sa kaniya. She could either give him a slap for that malicious look in his face. Pero ewan, inisip na lang niya na hindi na siya teenager para mag-react ng ganon. "Kung ayaw mo, bubuhatin na lang kita. Basta hindi ako papayag na magdamag kang tatayo diyan." Desididong saad ni Klyv. "Sira ka talaga..." aniya sa pagitan ng namumula niyang pisngi. "Sige na nga. Wala naman kasi sa mukha mo ang magpatalo, eh." "Mabuti at alam mo." Biro nito bago maingat na hinawakan ang paa niya. Pakiramdam ni Vassyleen ay siya si Cinderella ng mga oras na 'yon. Napapikit siya nang sumayad sa balat niya ang kamay ni Klyv. Tila nanunuot sa kaniyang katawan ang init na hatid non. Sinubukan niyang pakalmahin ang mga tuhod na nag-uumpisa ng mangatog. "S-salamat." Dahan-dahan niyang inunat-unat ang mga paa na noon lang niya naramdaman ang pangangalay. Ang buong-akala ni Vassyleen ay aalis na ito sa harapan niya. Pero ginulat siya ng mainit na kamay na dumampi sa paa niya. "See? Kanina ka pa pala nangangawit pero hindi mo sinasabi sa'kin." Saka masuyong minasahe ang dalawa niyang paa. Nagiginhawaan siyang suminghap matapos hilutin ni Klyv ang mga paa niya. "Salamat ulit." Tumayo ito sa harapan niya."Alam mo, magagasgas ang salitang 'thank you' kapag ako ang kasama mo." "Bakit?" "Kasi ipinananganak akong maginoo, eh." "Puro ka talaga kalokohan." Natatawa niyang sagot. "Eh ano pala ang sinasabi ng iba kapag may ginagawa kang mabuti?" "Minsan tumatanggap ako ng mga simple compliments tulad ng guwapo, macho, charming...pero kung galing sa'yo." Nag-isip ito kunwari habang nakahawak sa baba. "Puwede na kahit matipid na ngiti. Bonus na lang 'yon sa pagtulong ko sa isang napakagandang dilag na tulad mo." "Basketball player ka ba?" Idinaan na lang ni Vassyleen sa biro ang tuwang nararamdaman. His aquatic eyes enticingly sparkled. "Bakit!? "Kasi ang galing mong mambola!" Ani Vassyleen sabay tawa. "Nice shoot!" Natutuwang bulalas ng binata na mukhang naaliw sa kaniya. "Kahit medyo gasgas na ang banat na 'yan." Maya-maya ay sumalampak ulit ito sa sahig. Nagtaka pa siya nang ilatag nito ang panyo. Iniabot nito sa kaniya ang kamay. "C'mon, join me here. Medyo matagal pa bago matapos ang party." Sabay tingin sa mamahalin nitong wristwatch. Napatitig ang dalaga sa nakalahad nitong kamay at sa nang-aanyaya nitong mga mata. Pinagsalikop muna niya ang dalawang palad upang bawasan ang panlalamig bago kumapit sa kamay ng binata. Maingat siya nitong inalalayan paupo sa panyong nakalatag. "Okey lang ba kung tanggalin na natin 'yang blazer sa balikat mo? Bukod kasi sa mainit na..." pambibitin nito. "Ay mas agresibo ang mga mata ko kapag nakakakita ng magagandang legs, kaysa makikinis na balikat." "Sigurado ka bang hindi ka basketbolista?" Biro niya rito para burahin ang pagkailang na nararamdaman. Tumawa ito sabay haplos sa batok nito. "Kota na ba ako sa kakornihan ko?" "Medyo." Lalong lumawak ang ngiti ni Vassyleen nang umakto itong sini-zipper-an ang bibig. LADY J.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD