bc

Broken Promises (Agreement Series 3)

book_age18+
4.8K
FOLLOW
48.3K
READ
possessive
contract marriage
pregnant
goodgirl
dare to love and hate
drama
tragedy
sweet
bxg
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Rated SPG18

For fifteen years, I believed that you will keep all your promises. But when you came back, you didn't even recognize me and at the same time as if everything was nothing to you. All of it was just broken promises.

Kaya mo bang mag antay nang matagal para sa taong nangako sayo na babalikan ka niya at pakakasalan sa kanyang pagbabalik?

Paano kung umabot na ito ng Fifteen years? Kaya mo pa bang antayin ang taong iyon at umaasa sa mga pangako niya at mananatiling mamahalin siya ng ganoong katagal?

Iyon ang pangako na inantay ni Herrah, sa kababata at nobyo niyang si Luiene Casvello Zandulga, pinanghawakan niya ang pangakong iyon at naniwala siya na babalikan nga siya ni Cas, kahit umabot na iyon ng fifteen years. Subalit sa pagbabalik ni Cas, wala itong tinupad sa pangako at ang masama, hindi na siya kilala ng binata. Hindi nawalan kaagad ng pag asa si Herrah, ayaw niyang masayang ang fifteen years na pag aantay niya sa binata sa mga pangako nito sa kanya. Kaya gumawa siya ng paraan para ipaalala kay Cas, ang lahat. Subalit, isang katotohanan ang sumambulat sa kanya. Na nakikilala pala talaga siya ni Cas, at hindi siya nito nakakalimutan!

Pero galit ito sa kanya sa hindi niya malaman na dahilan at ipinamukha pa nito na anak lang naman siya ng tauhan ng pamilya ng binata at tauhan lang din siya, kaya hindi sila nababagay.Nasayang ang Fifteen years na pag aantay niya na tutuparin ng binata ang pangako nito at ang kasunduan nila ng mga bata pa sila. Nagtiwala siya kay Cas, na tutuparin nito ang mga pangako at nag antay pa siya ng matagal para sa lalaki.

Dapat na nga bang sumuko si Herrah at kalimutan si Cas at ituoon sa iba ang pagmamahal niya o dapat hindi pa siya mawalan ng pag asa para matupad ang pangako nila sa isa't-isa? Paano kung kahit siya wala na talagang nararamdaman kay Cas, tanging dahil pinanghawakan niya lang talaga ang pangako nito, kaya akala niya mahal pa rin niya ito? Paano nga kung mapasakanya nga si Cas, pero hindi naman na siya ang mahal nito at may iba na itong mahal?

chap-preview
Free preview
Prologue
"WILL you promise me that you'll wait for me and marry me soon? "Oo Cas, promise mag aantay ako sa panahong na babalik ka at magpapakasal na tayo." Napangiti si Cas, sa kanya at niyakap siya nito. "I love you so much and no one can change my feelings for you." "Promise 'yan, ha." "Oo at ito, oh," may inilabas itong isang maliit na kahon at napahanga siya sa nakita niyang binuksan ni Cas, na maliit na kaheta ng kahon. Dalawang kulay silver na sing sing ang laman niyon na napakaganda at may itinuro si Cas sa loob ng isang sing sing."Nandito ang initial ng mga pangalan natin L is for my name and H is for your name. Do you like it mahal? "Oo, gustong gusto ko." Isinuot ni Cas, ang isa sa kanya at ang isa naman ay ibinigay niya kay Herrah. "Put it on for me," utos ni Cas, kaya kinuha niya ang sing sing at isinuot kay Cas. May inilabas na naman itong puting papel," and this is our wedding agreement at dapat itago natin bawat isa nito to prove na may pinangako tayo sa isa't-isa. At assurance rin ito para walang makalimot sa atin, sa pangako natin. Parang kagaya ng ginagawa ni Daddy pag nakikipag-deal siya for his business, we need to sign these two papers. Okay lang sayo mahal? "Oo," nakangiti niyang tugon. I, Luiene Casvello Zandulga, fifteen years old, take this vow to my love Herrah Buena, fourteen years old, that someday in our right age, we will marry and grow old together. Kahit pa maraming babaeng dumating hinding hindi ko kakalimutan ang pangako ko kay Herrah at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya, ano man ang mangyari. Kahit pa magkalayo kami nang mahabang panahon, magkikita at magkikita pa rin kami para tuparin ang pangako naming sa isa't isa at magpakasal kami. I will promise in my life that I will love Herrah Buena, forever, till death do us part and until eternity. Hindi mawala ang ngiti niya sa mga labi, kinikilig siya nang sobra sa lahat ng narinig mula kay Cas. Kumuha ng ball pen si Cas at pinirmahan ang nasa ibabaw ng buong pangalan nito sa ibaba at ibinigay kay Herrah ang papel. Pinirmahan niya rin ang ibabaw ng buong pangalan niya saka inabot ni Cas, ang isang papel. "Read before we sign it," utos ulit ni Cas sa kanya. I, Herrah Buena, fourteen years old, take this vow to my love Luiene Casvello Zandulga, fifteen years old, that someday in our right age, we will marry and grow old together. Kahit pa maraming lalaking dumating, hinding hindi ko kakalimutan ang pangako ko kay Luiene at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya, ano man ang mangyari. Kahit pa magkalayo kami ng mahabang panahon, magkikita at magkikita pa rin kami para tuparin ang pangako naming sa isa't isa at magpakasal kami. I will promise in my life that I will love Luiene Casvello Zandulga, forever, till death do us part and until eternity. Nakita niya ang ligaya sa mukha ni Cas at niyakap siya nito nang mahigpit. "Lagi mong tatandaan. Mahal na mahal kita at aalis man ako to study abroad, promise, babalik ako rito para matuloy ang pangarap natin na pagpapakasal." Gusto niyang maiyak, pero pinigilan niya lang ang mga luha niya na tuluyang bumagsak, ayaw niya kasing mag alala si Cas at baka hindi na ito tumuloy pa sa pag alis. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang ni Cas, ang mag aral ito sa abroad ng College. Ayaw niyang maging sagabal sa pangarap ng magulang ni Cas, sa anak nila. Mabait ang mga magulang ni Cas at wala ang mga itong naging pagtutol sa relasyon nilang dalawa kahit pa isa lang siyang anak ng isa sa trabahador sa vegetable farm ng pamilya ng pamilya ni Cas. Kaya ayaw niyang maging makasarili para sa nararamdaman niya. Alam niya naman na mahal na mahal siya ni Cas at may tiwala siya dito na tutuparin nito ang pangako sa kanya at sa huli sila rin ang magkakatuluyan sa tamang panahon. "Oo Cas, laging 'yan ang tatandaan ko at aantayin kita hanggang sa bumalik ka sa akin at tuparin mo ang pangako mo sa akin. Mahal na mahal din kita." Nakatitig ito sa mukha niya at punong puno ng emosyon. Niyakap siya nang mahigpit ni Cas at doon na tumulo ang luha niya, hindi na niya ito napigilan pa. Ang mapalayo sa taong mahal niya ay sobrang nakakalungkot, pero kakayanin at mag aantay siya kay Cas, hanggang sa bumalik ito at balikan siya nito para tuparin nila ang pangako sa isa't isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
512.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

His Property

read
947.0K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook