bc

He's Naughty, I'm Nice

book_age18+
3.2K
FOLLOW
15.7K
READ
one-night stand
self-improved
comedy
sweet
bxg
humorous
slice of life
virgin
friends with benefits
role-play
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG. COMPLETE!)

Throw in a nice young lady who's brokenhearted and a naughty guy. Result? A chaotic mixture.

Lahat naman tayo ay may nagagawang kagagahan kapag nalaman natin na niloko tayo ng taong mahal natin. In Maia Amaris' case, she just foolishly decided to throw herself at her former bully with the thought of giving him her virginity. Imbes na tanggihan siya, Soren Kai offered a deal she cannot refuse. Her virginity in exchange of being his first heartbreak.

They made a list of 'Naughty and Nice', bawat naughty things na gagawin nila ay tatapatan niya ng nice. It's just an agreement of convenience, a deal to just feel pleasure from each other. Ngunit bakit parang nagiging totoo na?

chap-preview
Free preview
Prologue
"It's not you it's me." ang pagdadahilan noon sa akin ni Jason nang makipaghiwalay siya matapos ang anim na buwan.  "Mahal kita, pero mas mahal ko na siya." ang mga salitang isinampal sa akin noon ni Mark matapos naman ang isang taong pagiging kami.  Tapos ngayong akala ko ay makakamtan ko na ang forever ko. Nang inakala kong siya na dahil malapit na kaming mag-dalawang taon. Pero ano? Nahuli ko siyang may katalik sa condo niya. Ang masama pa? Transgender ang katalik niya.  At ano ang mga salita niya nang mahuli ko siya? Ito lang naman, "Pasensya na. Lalaki lang ako, Maia. May pangangailangan ako na hindi mo kayang punan dahil sa kaartehan mo. Kasal muna bago k*na? P***, baka puti na ang mga mata ko noon at puro sapot na iyang p*** mo. " Hiniwalayan niya ako dahil sa pagtanggi ko sa pangangalabit niya. Kasalanan ko pa na makati siyang nilalang? Putik siya. Ginawan pa niya ng dahilan ang panloloko niya.  Kaya ngayon ay tulala akong naglalakad at walang direksyon ang mga paa. Mabigat ang bawat paghakbang at dibdib dahil sa muling pagkabigo sa pag-ibig.  Ganoon ba talaga ka-importante ang s*x sa isang relasyon at iniiwan ako dahil lang sa hindi ko pumapayag? Kasalanan ko ba na iyon ang pananaw ko bilang isang babae? Hindi ba puwedeng tuhugin na lang muna nila ang palasingsingan ko bago ako? Ang sabihin mo, talaga lang hindi nila ako mahal kaya hindi sila makapaghintay.  Napahinto ako sa paglalakad at pagsipa sa bato bago napatingin sa bandang kaliwa ko kung nasaan ang ilog. Lumapit ako roon at tumingin sa baba. Malalim kaya ito? Mas magiging ayos ba ang lahat kung tumalon na lang ako?  "Malalim iyan." Napapitlag ako nang may magsalita at napasibangot nang makita ang mortal kong kaaway na si Soren Kai Venturina. Palubog na ang buwan pero tila kumikislap ang hikaw nito sa tenga at kilay. Badboy na badboy ang hitsura nito na nadagdagan pa ng style ng buhok nitong mullet.  Akala mo naman ay bagay sa kaniya.  "Pa'no mo nalaman? Nakatalon ka na?" pagsusungit ko sa kaniya bago muling itinuon ang tingin sa kulay putik na tubig.  "Tanga. Sa hitsura pa lang ay malalim na. At tignan mo nga ang kulay na kulay tae? Imaginin mo na lang kung ilang libong tao na ang tumae diyan."  Sa sinabi ni Soren Kai ay napangiwi ako at nanginig nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Tumabi siya sa akin sabay patong ng dalawang braso sa tulay.  "Ano ba ang balak mo? Balak mo na bang tapusin ang buhay mo? Sus, ayos lang iyan. Pangit ka man pero may magmamahal din sa'yo." pang-aasar niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At tignan mo 'yung kulay mo at kulay ng putik? Baka hindi ka na makita diyan." dagdag pa niya sabay tawa ng malakas.  Sa inis ay sinuntok niya ito sa braso at ang kaninang nararamdamang sakit sa dibdib ay napalitan na ng asar. "Gag* ka. Kung mambubuwisit ka lang ay lumayas ka sa paningin ko." Sa nakapatong na braso ay ipinatong niya ang baba niya roon bago tumingin sa kaniya habang hinihimas ang labi. "Seryoso ako, Maia Amaris. Kapag tumalon ka diyan, akala mo ba ay makikita ka pa? Kung makikita ka man, baka kasing laki mo na ang balyena dahil lumobo ka na. Papahirapan mo pa ang sarili mo. Ako na lang ang papatay sa'yo pero... baka sa sarap kita patayin." nakangisi at nakakaloko niyang saad.  "Hinding-hindi ako papatol sa'yo, ano? God knows kung ilang babae na ang ikinama mong hindot ka." nakairap kong pagtataray sa kaniya sabay layo sa tulay at nakahalukipkip na muling naglakad.  "Uy, pinag-isipan niya." pahabol niyang tukso at napailing na lang ako nang marinig ko ang mga yabag niyang sumusunod. "Choosy ka pa ba? Ang pogi ko kaya tapos plain ka lang. Naks, parang storya sa pocketbook, ano?" "Heh." singhal ko sa kaniya at binilisan ang paglalakad.  "Bakit ba biyernes santo na naman ang mukha mo? Hulaan ko, nakipag-break sa'yo ang mukhang kurimaw mong boyfriend, ano?" Sa sinabi ni Soren ay napahinto ako sa paglalakad para linungin siya. "Paano mo nalaman?"  Ngumisi siya at lumabas ang ngipin niyang pantay-pantay at ang maliit na biloy sa kanan niyang pisngi. "Hinulaan ko lang."  Kagaya ng madalas kong gawin noon pang mga bata kami hanggang ngayon na parehas na kaming nag-trabaho ay sinipa ko siya sa binti.  "Punyemas ka talaga kahit kailan." Muli na akong naglakad palayo sa kaniya at inayos ang pagkakasukbit ng bag na hawak.  "Pang-ilang nobyo mo na ba iyang si Patrick? Dati ay si Jason at Mark ang nakipaghiwalay sa'yo, hindi ba? Alam mo kung bakit? Kasi masiyado kang mabait at ibinibigay mo sa kanila ang lahat at wala ka na halos itira sa sarili mo." Hindi lahat, dahil ang kaisa-isang bagay na hindi ko ibinibigay ang nagiging dahilan kung bakit nila ako iniiwan. Sagot ko sa kaniya sa aking isipan. Nagsisisi ako na nai-kuwento ko sa kaniya ang lahat noong lasing ako. "May offer ako sa'yo, Maia Amaris."  Napabuga na lang ako ng hangin. "Ano naman iyon, Soren Kai?"  Mula nang maging frenemy kami ay nakagawian na naming tawagin ang isa't-isa sa aming buong pangalan. Ewan ko ba, never naman kaming naging close pero dahil magkapitbahay kami ay alam niya halos lahat ng bagay tungkol sa akin.  "Let's date and I will give you the honor of being my first heartache." At halos lumuwa na ang mga mata ko sa sinabi niya. Putspa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
135.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
28.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.9K
bc

A Night With My Professor

read
499.0K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
610.0K
bc

The Young Master's Maid

read
750.1K
bc

Love Donor

read
87.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook