bc

Derick Almabis, The Austere CEO

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
dominant
powerful
independent
confident
drama
comedy
sweet
serious
intersex
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

By hook or by crook, she has to get Derick Almabis, CEO, Most - sought bachelor in town, the disciplinarian, and the perfect one. What more can you ask for? Nasa kanya na ang lahat na gugustuhin ng isang babae. She had been friend-zoned for so long. And now she was threatened by the presence of Patty Benitez in his life who he had just known recently. Asias Top Model na kinuha nito para sa commercial ng hotel na pagmamay - ari ng mga Almabis. Nawalan na ito ng panahon sa kanya. Nalipat nang lahat kay Patty. Hindi ba't nakakainis naman talaga yun? She already turned 25 pero bokya pa rin. NBSB pa rin sa kahihintay kay Derick. She made a tricky plot upang makuha si Derick. A plot she'll regret in the end.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
         Napaawang ang bibig ni Venice nang makitang lalapat ang daliri ni Sky sa cupcakes na ginawa niya for Derick. Naku, ayaw niyang masira ang presentation ng mga ito. Excited pa naman siyang dalhin sa opisina ng kaibigan ang mga nasabing cupcakes. She hardly perfected the cupcakes.           "Sky!" sigaw niya sa assistant store manager niya sa pastry shop and resto which she named D' Flavors na pag - aari niya. Her shop operates two years ago pagkatapos niyang maka graduate ng BSc in Culinary Arts with specialization in Bakery & Pastry Art Management sa unibersidad kung saan din nagtapos si Derick ng Business Administration and Management.          Natigilan namang napatingin sa kanya si Sky. "What?" nagugulumihanang tanong nito sa kanya. Agad na kinuha at inilayo niya ang mga cupcakes kay Sky.          Itinirik nito ang mga mata na mukhang naintindihan na ang aktuwasyon niya. "Now, I know. It's for Derick Almabis s***h the Austere CEO of Almabis chains of hotel, the most - sought-after bachelor in town. Again and again. Hindi pa ba nagsasawa si Derick sa mga cakes and pastries mo?"         Nangingiting nagkibit - balikat si Venice. "No." matigas na sabi niya."He said lahat ng niluluto at binibake ko, masarap. And he's craving for more."         Tumaas ang kilay ni Sky. "Really? Buti na lang hindi siya tumataba sa mga pinakakain mo. Sure ka ba na walang gayuma iyan?"         Pinandilatan niya ang kaibigan. "Hell, no. Wala."         "Okay, sinabi mo. Mukha naman ngang wala. Kasi hindi tumatalab eh." Anitong may paghagikhik pa matapos sabihin iyon sa kanya. Kinuha nito ang dry towel at pinunasan ang glass diplay nila. "Paano ka ba naman niya kasi  mapapansin, dinaig mo pa ang isang girlfriend minus commitment di ba?"         Natigilan si Venice sa pag aayos ng  mga cupcakes sa kahon. Kunot - noong nilingon niya si Sky. They've been friends since college. So since magkaibigan sila, naging malapit na rin ito sa bestfriend niyang si Derick.          "Kapag may kailangan siya, agad kang nagreresponse. Daig mo pa ang DRRM rescuer sis. Sa dinarami rami naman ng mga nagpapahiwatig sa iyo, wala ka man lang pinapansin. NBSB ka na at the age of 22 sa sa kahihintay sa kanya. Habang siya, nakailang girlfriends na ba siya? 2? 3?"         Nang matapos maikahon ang mga cupcakes ay itinabi niya ito sa isang safe na lugar at hinarap ang kaibigan nakaupo na ngayon sa stool katapat ng cash register since absent ang isa sa mga cashiers nilang si Honeylette. "In time Sky, mare realize din niya na ako talaga ang babaeng para sa kanya. I've been with him since time immemorial. I've been with him almost all his life. Mapapagod din siya sa pakikipagrelasyon sa iba Sky. Mark my word." May conviction na pagkakasabi niya kay Sky bago tuluyang pumunta sa work area.         "Whatever!" narinig pa niyang sigaw ni Sky na mukhang hindi naniniwala sa kanya. ************                  "Venice!"naiinis na sabi ni Derick sa kanya. "What do you think you're doing? Pinuno mo na naman picture mo ang sss ko. Why don't you use your own account? Kahit yung mga hindi magaganda, pinost mo pa rin. Are you nuts? Kulang na lang palitan mo na rin ang pangalan ko ng pangalan mo."         Naihilamos nito ang mga kamay sa mukha nang wala sa oras.          Because she had control over the account, nagagawa niya ang gusto niyang gawin. She knows the username and the password of his sss account. Nagagawa niya i screen ang mga friends nito. At dahil sinasala niya, ina unfriend niya ang mga alam niyang nagpapa cute lang. So almost 80 percent ng female friends ni Derick are their relatives and common friends. Kaunting kaunti lang talaga ang female friends nito. Kapag may mga nagmessage na sa palagay niya ay nagpi flirt lang, deleteeeeee message agad siya. Dinaig pa niya ang guard ng Barangay Ginebra San Miguel. Ngayon lang yan.. mamaya okay na rin ang binata. For so many years they had been together, sanay na ito sa kanya.          Napahagikhik naman si Venice sa narinig na litanya ng kaibigan. "Why? Ayaw mo nun, may maganda namang naliligaw sa sss Wall mo?"         "Venice Dionne Medina, idelete mo yung last two photos." anito sa madilim na mukha at madiing tinig.         Binistahan niya ang last two photos na sinasabi nito. "Why?" Nagtatakang sambit niya. "I looked pretty there."         "Your dress looks revealing there. Bakit ba kinulang na naman yata sa tela ang damit mo?" iritableng saad ni Derick. Nauubos na ang pasensiyang inihilig nito ang ulo sa headrest ng couch na kinauupuan.         "What? I was just wearing a pencil-cut skirt and body-hugging blouse." paliwanag niya sa binata.          Nagmulat ito ng mata at tumingin nang matalim sa kanya. "You're showing too much skin."         Napangiti siya nang makitang nakatingin ito sa larawan niya. Actually hindi naman talaga revealing ang suot niya. Well, her bestfriend Derick here is just so conservative. Kita lamang ng kaunti ang cleavage niya at hindi naman ganoon kaiksi ang pencil-cut skirt niya, nagsasalubong na agad ang kilay.         "Grabe ka naman. Hindi naman. Disente naman ang suot  ko." Defensive na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang sumiksik sa couch na kinauupuan nito at isinandig ang ulo sa balikat ng binata.         "Just do what I say, okay." Derick said in a demanding voice.          "Okay, fine. Sinabi mo eh." aniyang hindi na nakipagtalo pa kay Derick. She tapped the pictures and deleted them right away.         

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook