CHAPTER 1

2235 Words
๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Nakasalampak ang mukha ko sa table habang nakasabunot ang dalawang kamay ko sa buhok ko. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang mag-isip ng mga bagay na tungkol sa love! "Sesh, kailangan mong makabuo kahit synopsis lang ngayon araw, ano ka ba halos dalawang linggo na sayo ang project na 'yan tapos ni synopsis wala ka pang natatapos? Sesh? Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ng editor ko na si Ice habang humihigop ng ice coffee niya. Tumingin ako sa kaniya at napabusangot saka humarap sa laptop ko na halos kanina pa nakabukas at hindi ko nagagalaw dahil wala akong maisip na maisulat sa bagong genre ng story na gagawin ko. "Akala mo madali lang bumuo ng story? Sesh pagod na pagod na ko at sobrang tuyot na 'yung utak ko kakapiga ko sa kilig sa katawan ko kaso wala akong masimot dzai! Sabi naman sayo pang horror lang ang powers ko," paliwanag ko sa kaniya at muling tumingin sa laptop ko na halos blangko lang ang makikita mo. "Ay ipaliwanag mo kaya 'yan sa manager na'tin no? Nagsasawa na 'yung mga readers mo sa kakasigaw nila sa takot dahil sa mga libro mo kaya try mo naman silang lagyan ng kahit unting lambingan scene man lang," sagot niya na kinabanas ko. Eh saan nga ako kukuha ng inspiration kung ako mismo wala pang nararamdaman na kilig sa buong buhay ko. "Sesh kilala mo ko, college pa lang magkasama na tayo at alam mong wala akong naging maayos na relationship dahil sa mindset kong 'to," paliwanag ko sa kaniya at humarap lang siya sa'kin sabay salumbaba sa table. "Girl, alam ko! Alam ko ring kalbo ka noon at mukhang lalaki dahil sa katomboyan mo, pero remember na kwento mo noon nung high school ka nagkaroon ka ng crush at first love, ano ba ulit name nun? Si Liam tama?" Tanong niya sa'kin at muling inungkat ang masalimuot kong past. Bwiset din talaga 'tong babae na 'to eh. "Sige paalala mo pa! papahirapan kita sa pag e-edit mo ng story ko," pagbabanta ko sa kaniya sabay simangot at salumbaba rin sa table. "Hahaha, hindi ko kasi makalimutan 'yung kwento at picture mo noon nung bata ka pa, as in kalbo ka tapos mukha kang lalaki hahaha ang itim-itim mo pa hahaha!" Hala ang saya niya oh, sabunutan ko kaya ang isang 'to. "Kasalanan ko bang masarap maglaro noon sa initan kaya ako kinuto at kinalbo ng nanay ko noon? Tsk, kung alam ko lang makikilala ko si Liam that time baka hinayaan ko na lang na kutuhin ako kesa pagkamalan niya kong lalaki. Edi sana kahit friends meron kaming connection ngayon," napabuntong hininga ako at umarte na naiiyak sa harap niya para naman maawa siya sa kalagayan ng kaibigan niya. "Ay hindi mo ko madadaan sa papunas-punas effect mo sa mata mo sesh, bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang proposal sayo ni manager Nicole?" Muling tanong niya sa'kin at heto na naman tayo sa proposal na 'to. Gusto kasi nila ako patirahin sa dating unit ni manager Nicole kung saan pwede akong makahanap ng romance material sa nakatira doon sa katabing unit. Bali ang offer nila ay tumira ako sa isang unit na may kasamang lalaki, 'di ba bugaw na bugaw ang galawan ng mga ito para lang makapag-sulat ako ng bagong story na romance at makinabang rin sila sa kita ko. "Sesh naman kasi, pano kung panget pala 'yung nakatira sa kabilang unit? Pano kung may pamilya na o hindi kaya may jowa na rin? Hindi niyo ba na isip 'yun?" Tanong ko sa kaniya at humigop lang ulit siya sa ice coffee niya sabay tingin sa'kin. "Iyon nga kasi ang point, hindi naman purque titira ka doon eh jojowain mo na 'yung nakatira sa kabilang kwarto, ang goal mo dito ay makahanap ng romance material, like kilalanin mo 'yung guy or hindi kaya magtanong sa kaniya ng mga experience niya sa love. Mga ganung bagay lang hindi mo naman agad jojowain sesh," galit niyang paliwanag kaya napatahimik ako, oo nga no bakit hindi ko na isip 'yun? Ako ata itong jowang jowa na kaya pumapasok sa kokote ko 'yung mga idea na ganun. "Tandaan mo Jhustina hindi ka naman namin ibubugaw eh, ang goal na'tin dito ay maramdaman mo 'yung scene ng story na bubuoin na'tin okay?" Muli niyang tanong sabay taas ng folder na naglalaman ng plot ng story namin. Tumango na lang ako sa kaniya, minsan kasi nakakatakot ang mukha ng babaeng 'to paggalit. Muli kong kinuha 'yung folder at binasa ulit 'yung plot ng project namin, wala pang title 'to o kahit anong mga character background na kailangan ko para makapag-sulat ng bago nobela, ang mayroon lang dito ay 'yung pinaka idea namin sa gagawin naming novel romance. Ito ay 'yung may dalawang tao na natitira sa magkaibang unit na may isang pintuan na magdurugtong sa kanila. Idea talaga 'to ni manager Nicole dahil gusto niya raw na magkaroon ng love story 'yung unit na pinagawa nila ng partner niya noon. Bali sa kanila talaga ang building na iyon at 'yung unit na iyon ay pinasadya talaga nilang dalawa ng partner niya dati, lumipat lang sila dahil sa kinasal na sila at nakatira na sa iisang bahay. "Nag background check ba kayo doon sa lalaking nakatira sa kabila?" Tanong ko sa kaniya at umiling siya. "Hindi na raw kailangan dahil matagal na raw na upa 'yun doon saka kilala naman daw ni manager kaya safe ka doon sesh," paliwanag niya at tumango ako. "Ano iga-grab mo na ba? Isipin mo na lang rin na may libre rent ka for five months, tapos hindi ka naman pamamadaliin ni manager sa pagsusulat eh, i-feel mo muna 'yung moments at maghanap ka ng materials sa bago mong novel. Pero sana kahit synopsis mapasa mo sa'kin today," sabi niya sabay ngiti ng plastik sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako, hindi niya raw ako minamadali pero kung makangiti sa harap ko daig pa dimunyu kung magbalatkayo. "Alam mo ang plastik ng ngiti mo, mag break sana kayo ni Luis," biro ko sa kaniya at pinanlakihan niya ko ng mata. "Wow ha! Wag mong idamay ang perfect relationship namin ni Luis sa kamalasan mo sa love life mo no, puro ka kasi horror 'yan tuloy baka multo na rin ang the one mo, gino-ghost ka na." Aray ah! Medyo masakit at tapul sa bunbunan 'yun ang sakit. "Tsk, oo na akin na 'yung susi at titira na ko d'yan sa sinasabi niyong unit," iritable kong sabi sa kaniya at gumuhit na ang totoong ngiti niya sa mukha. "'Yan ang gusto ko sayo Jhustina hahahaha, grab mo na malay mo magustuhan mo rin 'yun nasa kabilang unit at makalimutan mo na 'yang si Liam," biro niya at pinanlakihan ko lang siya ng butas ng ilong at nag poker face sa harap niya. "Hindi ka ba titigil sa kakabanggit d'yan kay Liam?" Tanong ko sa kaniya at tumawa lang siya sabay kuha ng susi sa bulsa niya. Inabot niya sa'kin ang dalawa susi sabay ngiti nang malapad. "Eh pano ba naman hindi ko makalimutan 'yung kwento mo sa'kin noon tungkol sa kababata mong 'yan," sabi niya at hindi ko maiwasan na maasiwa at malungkot. Maasiwa kasi na alala ko na naman 'yung kadugyutan ko noong araw at malungkot naman kasi ang panget ng ending namin ng first love ko. "Pati mga past relationship mo damay dahil sa kaniya, wala man lang kasi kayong closure para makapag-move on ka," sabi niya at nagbuntong hininga na naman ako. Pang ilan ko na ba 'tong buntong hininga today? "Kala mo naman naging kami, best friend lang kami noon at akala niya lalaki ako," muling kong kwento sa kaniya at ito na naman ako muling na aalala 'yung sakit. "Yes alam ko, hindi naman purque best friend lang kayo hindi mo na kailangan ng closure, tignan mo nga sarili mo ngayon parang nasa past ka pa rin kasi hindi mo makalimutan," paliwanag niya na medyo masakit dahil totoo at tamang tama sa'kin. Pakiramdam ko nga ako na lang 'tong na iwan sa nakaraan dahil hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako sa pagkakaibigan naming dalawa. Tanda ko noon bata pa lang ako nung lumipat sila sa lugar namin, mayamang pamilya sila at mahahalata mong anak mayaman siya dahil na iiba ang kulay niya saming lahat. 'Yung wavy niyang buhok na color brown, 'yung mga mata niya na super cute at color brown rin lalo na pag natatamaan ng liwanag mula sa araw, 'yung kutis at balat niya na sobrang puti na akala mo talaga naliligo sa gatas tapos 'yung mga ngiti niya na dahilan ng pagkahulog ko sa kaniya. Iyon 'yung mga memories na hanggang ngayon nasa utak ko pa rin, hindi ko siya makalimutan kasi siguro siya 'yung first love ko at siya 'yung nag pa-realize sa'kin na hindi ako tomboy. Gusgusin kasi ako noong bata ako at panay ang laro sa arawan, kalbo rin ako noon dahil sa nagkaroon ako ng maraming kuto at kinalbo ni nanay. Hindi mo mahahalatang babae ako dahil panay ang laro ko kasama ng mga kapit-bahay kong lalaki at hindi ako mahilig sa mga cute na bagay at laruan. Pero nung dumating siya na hilig na ko sa cute na lalaki charot. "Nginingiti-ngiti mo d'yan girl?" Tanong niya at napanguso ako. "Syempre si Liam," sagot ko at hindi na nag deny pa. "Luh landi eh, hindi naman krinash back," sabi niya at unti na lang talaga ibabato ko na 'yung laptop ko sa kaniya. "Oo na hindi na, sayang lang talaga hindi ko naman kasi akalain na lalaki tingin niya sa'kin noon, akala ko talaga alam niyang babae o tomboy lang ako," sabi ko at bahagyan siyang humagikhik, tignan mo 'tong animal na 'to nag da-drama na nga eh tatawanan ka pa. "Miske naman ako sesh nung nakita ko picture mo nung bata ka hanggang nung nag high school ka aakalain ko talagang lalaki ka kung hindi ko lang na pansin na nakapalda ka sa isang picture mo nung high school haha," paliwanag niya at hindi na nakatiis na tumawa. Sana pala hindi ko na pinakita sa kaniya 'yung mga picture na 'yun, lakas mang-asar eh. "Hindi ko kasi pinapahaba buhok ko noon dahil nga takot ako magkakuto ulit tas kasali pa ko sa CAT namin noon sa school kaya lagi talaga akong maitim," sabi ko sa kaniya at pinunasan niya ang luha niya na dulot ng kakatawa. "Nakakaloka rin naman 'yang si Liam mo, bakit hindi niya nalaman na babae ka eh ang tagal niyong magkasama?" Tanong niya at humalukipkip ako saka nagpaliwanag. "Magkaiba kami ng school, nasa private all boys school siya noon, samantalang ako public tapos nagkikita lang kami tuwing uwian doon sa secret hide out namin kasi nga ayaw ng mama niyang nakikipaglaro siya sa'min," kwento ko at hindi mapigilan mapangiti tuwing na aalala ko ang mga nakaraan naming dalawa. "Iyon lang, dapat kasi nagsuot ka man lang ng palda kahit once lang," sabi niya at napatawa ako. "Ayoko nga, mga laro namin noon takbuhan at lagi kami umaakyat sa bakod nila tuwing tatakas siya baka masilip niya pa kipay ko." Humagalpak siya ng tawa kaya pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng cafe. "Hahahahaha gagu!" Pinatigil ko siya at napatakip siya sa bibig niya sabay bulong. "Gaga ka kasi hahaha sabagay may point, iyan tuloy nung nalaman niyang babae ka feeling betrayed ang lolo mo," sabi niya at hindi ko maiwasang mapasimangot. "Para namang sinasadya kong ilihim sa kaniya tsk, maraming lang talaga nakisawsaw noong high school na kami dahil marami na rin nakaka-crush sa kaniya, iyon tuloy binaliktad ako tas sinabi ng tsimosang kapit-bahay namin na kaya siguro hindi ko sinasabi kay Liam na babae ako ay para hindi 'to mailang sa'kin at para lagi ko makasama si Liam," napabuntong hininga na lang kaming dalawa at sumalumbaba sa table nang sabay. "Hayaan mo na 'yan, kung tutuosin parang away bata na lang 'yan sa edad mo ngayon. Baka nga pag nagkita kayo ni Liam pagtawanan niyo na lang 'yung past niyo," sabi niya sa'kin. "Sana nga ganun eh, kaso ang tanong pano kami magkikita ni hindi ko nga mahanap 'yung f******k niya or baka nga limot niya na ko ngayon," sagot ko sabay higop sa kape ko. "Sabagay, ang laki rin ng pinagbago ng itsura mo eh, buti na lang natuto ka maligo no?" Sinamaan ko siyang ng tingin at sinara na ang laptop kong hindi ko naman na gagamit. "Bwisit ka! Tsk, puntahan ko na nga 'yung unit na sinasabi mo at maglilipat na ko ng kakaunting gamit ko tutal patapos na rin 'yung rent ko doon sa unit ko ngayon," sabi ko sa kaniya at ngumiti-ngiti sa harap ko. "Yan very good, galingan mong kumuha ng idea sa ka-room-mate mo ah! Good luck Jhustina!" Inirapan ko siya at tumayo na. Nagpaalam na ko sa kaniya at sumakay sa taxi papunta sa dating unit ko, kumuha ako ng mga importanteng gamit ko doon na una kong isasama sa paglipat ko. Nang makapag-ayos ako ay dali kong pinuntahan ang address na binigay sa'kin ni Ice at tumambad sa'kin ang isang simpleng building. Pumasok ako doon at huminga nang malalim. "Okay Jhustine Kim Lugen, ito na 'yun." Napalunok ako at pumasok na sa loob ng building kung saan ako magsisimula ng panibagong yugto ng kwento ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD