bc

Lost in the Fire (SPG)

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
sex
family
mistress
drama
bxg
betrayal
cheating
tortured
wife
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

RATED 18+ NOT SUITABLE FOR YOUNG AND MINOR READERS. READ AT YOUR OWN RISK.

Perfect. Iyan ang paglalarawan ng mga tao sa buhay ni Donna. Having a wealthy and handsome husband, a luxurious lifestyle, and a happy family are the things that make Donna's life perfect in everyone's eyes.

Little did anyone know, kabaliktaran ang totoong buhay ni Donna kasama ang asawa niya. All that an outsider could see are masks, a facade to cover the bad side. She's not happy with him at all. The small family they created is not perfect. Mayaman at may magandang mukha nga ang asawa ni Donna, ngunit, salungat naman ang ugali nito. Yet, she doesn't have a choice but to stay for their child. Iindahin niya ang lahat para sa kapakanan at maayos na kinabukasan ng kanyang anak.

Ano ang mangyayari kung makakahanap si Donna ng comfort sa isang estranghero na kalaunan ay malalaman niya na dumaan sa kaparehong sitwasyon? Will she let herself be lost in the fire and leave her husband? Or will she stay for the sake of her child? Ano ba ang mas matimbang? Ang pagmamahal sa anak o ang pusong nananabik ng kalayaan?

chap-preview
Free preview
LITF 00
“What the hell, Lenard? Hindi ka na ba talaga nahihiya kahit para sa anak man lang natin?” sigaw ni Donna nang naabutan ang kanyang asawa sa living area. Kanina pa ito hinihintay ni Donna na makauwi. Wala na nga siyang tulog sa kakahintay kay Lenard dahil sa pag-aalala na baka may nangyari nang masama rito, lalo pa’t lagpas hatinggabi na. Kaya agad-agad siyang lumabas ng masters’ bedroom nang may marinig siyang sasakyan na pumarada sa labas ng bahay at kalaunan ay ang pagbubukas ng main door. Ngunit, hindi niya inasahan ang nasaksihan niya. Akala niya ay nagbago na ito matapos ang naging maayos na usapan nila sa nakaraang linggo. May kasama na naman itong babae na nakahiga na sa sofa habang si Lenard ay nakapatong sa ibabaw nito. Ang mga labi nito ay tila hindi nagpapaawat sa isa’t isa. Ibang babae na naman ito na dinala ni Lenard sa pamamahay nila mismo. Napatigil sa paghahalikan si Lenard at ang kasama nitong babae. Bahagya itong lumingon sa kanya. Hindi mawari ni Donna kung ano itong emosyon na bumabalot sa mga mata ng kanyang asawa. Ngunit sigurado siya sa isang bagay, nakainom na naman ito. At nagdala na naman ito ng babae sa bahay nila. “Pwede ba, Donna? Umalis ka na lang rito. Bumalik ka na sa kwarto. Istorbo ka sa ginagawa namin.” Binawi ni Lenard ang tingin nito’t sinubsob ang mukha sa pagitan ng dalawang hinaharap ng babae. Narinig pa ni Donna ang malandi na pagbungisngis ng babae. Nasundan pa ito ng mahabang pag-ungol na tila ba nasasarapan ito sa pagpapakasawa ni Lenard sa cleavage nito at ang paglamas nito sa dalawa nitong pinagmamalaki na dibdib. “Ahh. . . Yes, Lenard. Ganyan nga. Ang galing mo talaga. . .” himig ng babae na hindi pa rin alam ni Donna kung ano ang pangalan nito. At may gana pa itong umungol sa harapan mismo ng lalaki na kinakalantari nito. Marahil ay dahil sa nakapikit na ang babae kaya hindi na nito nakita si Donna. Pero impossible naman na hindi siya nito narinig. “Ano ba, Lenard? Ganyan na ba kayo ka walanghiya? Hindi mo na marespeto ang pamamahay na ‘to? Naisip mo ba na maari kayong marinig ng anak natin at magising siya, ha?” Tinulak ni Donna si Lenard palayo sa babae. Hinawakan naman ni Donna sa braso ang babae. Hinila at kinaladkad niya ito papunta sa main door. “What the f**k? Ouch! Bitawan mo nga ako.” Pilit na binabawi ng babae ang braso nito. “At ikaw namang babae ka, alam mo na ngang pamilyado si Lenard, hindi ka pa rin ngapigil ng kakatihan mo. At ang lakas pa talaga ng loob mo na rito kayo sa bahay namin magpakasawa.” Dinuro ni Donna ang babae. At saka pabalibag na binitawan ang braso nito. Tumama pa ito sa doorframe. Sumama ang tingin ng babae kay Donna. “You b***h! Anong karapatan mo para saktan mo ako?” Hinimas nito ang parte ng braso nito na tumama sa doorframe at ang parte na mahigpit na hinawakan ni Donna. Tiningnan nito si Donna mula ulo pababa sa paa. Natawa ito nang mapakla na tila nan-iinsulto. “No wonder humahanap na ng kapalit sa ‘yo si Lenard. Lusyang ka na. Panget na nga ang mukha mo, panget pa ang katawan mo. Wala man lang kakurba-kurba. Wala ka rin nito.” Binida ng babae ang nagmamalaki nitong dibdib. Sinampal ni Donna ang babae. “What the f**k is your problem, b***h? Nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit anong gawin mo, hindi ka na babalikan ni Lenard.” Hindi na nakapagpigil pa si Donna. Sinabunutan na niya ang babae. “Puta kang babae ka. Ako pa talaga ang b***h sa ating dalawa? Ikaw nga itong makati at hayok na hayok mapasukan ng lalaki na may asawa. At hindi ka pa nahiya na dito ka dinala sa bahay mismo ng asawa niya.” “You b***h! Hindi mo na asawa si Lenard. Iiwan ka rin niya.” Humawak na rin ang babae sa buhok ni Donna. Ngunit hindi nagpatinag si Donna. Dinala niya ang babae sa labas ng kanilang bahay. “Donna! That’s enough! Sinasaktan mo na si Samantha.” Pumagitna si Lenard. Tinatanggal ni Lenard ang mahigpit na pagkakakapit ni Donna sa buhok ng babae na tinawag nitong Samantha. Nagtagumpay si Lenard sa paglalayo ng dalawang babae mula sa isa’t isa. Napaatras si Donna nang tinulak siya ni Lenard. Hindi makapaniwala si Donna sa ginawang ito ni Lenard sa kanya. Masama niyang tinapunan ng tingin si Lenard. Kinakampihan ng asawa niya ang haliparot na babae. Tila sinasaksak siya ng libo-libong kutsilyo nang pinangangalandakan pa ng babae ang pagyakap ni Lenard. May pag-aalaga ang bawat haplos ni Lenard kay Samantha. “Okay ka lang, Sam?” “Akala ko ba ayos na tayo, Lenard? Nag-usap na tayo. . . Bakit naging ganito na naman?” pigil ang boses na tanong ni Donna. Hindi niya lubos malakasan ang kanyang boses dahil baka magising ang natutulog nilang anak. Malalalim na ang naging paghinga ni Donna upang mapigilan ang kanyang sarili na mapaluha at mapahikbi. Kailangan niyang lakasan ang loob niya sa harap ng babae ng asawa niya. Tumalima si Lenard. Hinarap nito si Donna. “Oo, Donna. Nag-usap na tayo. Pero wala naman akong sinabi na mamahalin kita, Donna. Alam mo na simula’t sapul pa lang ay hindi na kita mahal. Kahit kinasal pa tayo, hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo ‘yan.” “P-Pero may anak tayo, Lenard. Isipin mo naman siya. Kahit para sa kanya man lang, Lenard. Para sa kapakanan ng anak natin. Hindi ako naniniwala na hindi mo ako minahal. . .” Narinig ni Donna ang pagtawa ni Samantha. “Come on, b***h. Tanggapin mo na lang na wala ka lang kay Lenard. Ako ang gusto ni Lenard, at hindi ikaw. Hindi ba, hon?” malandi pa nitong tanong kay Lenard. Hindi ito sinagot ni Lenard. “Isang pagkakamali lang iyon, Donna. At wala akong pakialam sa ‘yo. Kung gusto mo umalis na, malaya kang makakaalis sa pamamahay na ‘to.” Isang malakas na sampal ang tumama kay Lenard. “Hindi ako ang aalis dito. Ang babae mo ang aalis dito, Lenard. Ako ang may karapatan dito. At nagkasundo na tayo na hinding-hindi ka magdadala ng babae rito sa bahay.” “Kung ‘yan lang pala ang pinuputok mo, huwag ka mag-alala. Ito na ang huli na magdadala ako rito. Pero huwag ka umasa na magiging sa ‘yo lang ako. Papel lang ang meron tayo, Donna. Sa papel lang tayo may relasyon,” sambit ni Lenard. Hinapit nito si Samantha at lumabas ng bahay. Naiwan si Donna na nakatayo sa tapat ng main door. Tanging ang pagsunod ng tingin na lamang ang nagawa niya habang sumasakay sa kotse ang asawa niya kasama ang babae nito at tuluyan nang umalis. Napadausdos si Donna sa sahig nang bumigat ang buo niyang pakiramdam. Nag-unahan na ring lumabas ang patak ng mga luha sa kanyang mga mata. Wala na siyang maunawaan sa nangyayari sa pagitan nilang mag-asawa. Maayos at masaya naman silang dalawa ni Lenard sa simula. Ngunit, hindi niya mawari kung ano ang nangyari at humantong sila sa ganito sa paglaki na ng kanilang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook