Chapter Two

1234 Words
(FRANCHESKA) Nasa loob ako ng kotse ko. Kasama ko si Aldred. Tanaw namin ang Pre-school kung saan teacher ang nobya ni Harvey, Recess marahil kaya maraming bata ang naglalaro sa labas. Nasa labas rin si Mariel at kasalukuyang dinidilligan ang mini garden. Infairness, kahit ako ay nabibighani sa kanya. Pang ideal woman talaga. Bagay nga siya kay Harvey. "Siya ang aakitin mo, Aldred" Hindi umiimik ang katabi. "Aldred!" Nakatitig pa rin siya sa labas ng bintana. Partikular kay Mariel. Siniko ko siya sa inis ko. Mukhang pati siya ay nabibighani rin yata sa ganda ng nobya ni Harvey. "Ano nga sabi mo?" Tila tauhan naman si Aldred. "Ang sabi ko, siya ang aakitin mo!" "Good! Mukhang mag-e-enjoy ako sa misyon kong ito. She's so beautiful and perfect." I rolled my eyes. "Ano'ng maganda sa kanya? Eww! Tingnan mo, parang tsokalate ang balat niya. Ang dry din ng buhok niya." Napamaang si Aldred ngunit hindi na umangal pa. Subukan lang niya, mag-go-goodbye siya sa sa one hudred thousand niya. "Kailan natin uumpisahan?" "Ikaw ang bahala. Obligasyon mo kumalap ng impormasyon tungkol sa kanya." "No problem." "So tayo na?" "No." Ngumisi si Aldred. "Balak kong ngayon na umpisahan ang plano natin." "How?" Nanlaki ang mata ko. Kumindat siya sa'kin. "Watch me." Bumababa siya sa kotse. Tumawid sa kalsada papunta sa maliit na Pre-school. Bilib din talaga ako sa guts niya. Talagang pumasok siya. Nakita kong may sumalubong sa kanya na isang bata. Niyakap siya. Wait, sino ang bata? Nakita kong kinausap na niya si Mariel. Kahit malayo itong kinaroroonan ko ay nakikita kong malawak na ngiti ng hitad. Halatang nag swoon sa kagwapuhan ni Aldred. How dare her! Kung ako lang na may boyfriend na katulad ni Harvey ay hindi na ako makikipagngitian ng ganyan sa ibang lalake. Hindi ako titingin sa iba. Ngayon, pa nga lang na hindi naman kami ay umiikot na ang mundo ko sa kanya. Gagawin ko ba naman ang ganitong kasamaan. Ano ba ang kulang sa'kin at kung bakit hindi ako magustuhan ni Harvey? Kasing puti naman ako ng labanos. Beauty titlist din naman ako. Yes, I'm the Binibining Pilipinas 4th runner up last year. Ayon nga sa iba ay hindi ko deserve ang spot. Binili raw ng magulang ko ang judges. Well, inggit lang sila dahil wala silang Daddy na bilyonaryo. At saka hindi man ako gaanong kaganda ay dalang-dalako naman ang sarili ko. Nag-uumapaw ang confidence level ko. Isa pa, malakas ang s*x appeal ko. Nakita ko na pabalik na si Aldred. Malapad ang ngsisi. "Alright," tuwang-tuwa na palatak niya. "What?" "I think, mag-e-enjoy ako sa misyon na ito." "Good! Pag-igihan mo." Ngumisi rin ako. "Siya nga pala, sino iyong batang yumakap sa'yo?" "Believe it or not, Cheska. Pamangkin ko ang batang iyon. Mukhang umaayon sa'tin ang lahat. Minsan ko ng hinatid ang pamangkin ko dito at nagsisisi ako na hindi ko man lang na meet ang teacher niya. Wew! Diyosa!" "Diyosa? Ang panget-panget niya!" "Okay. Mas maganda ka sa kanya para walang gulo." "Mabuti at alam mo." "So?" "Anong so?" Ngumisi si Aldredd. "Nakita niyang sumakay ako sa kotse na ito. Pang impress din ito sa kanya Kaya pahihiramin mo ako dapa. One month lang, solve na ang problema mo!" "What?!" Kabibili ko lang ng luxury car na ito! "So it's a no? Sige, I'm out to this scheme." "Alright, I have three luxury car pa naman e. Basta usapan, one month lang ha? Pinaandar ko na ang kotse. Sa sulok ng mata ko ay nakita kong tumitingin pa si Aldred sa side mirror. Ngumisi ako. Mukhang interesado siya sa girlfriend ni Harvey. Gusto kong pumalakpak sa tuwa. Umaayon talaga sa'kin ang lahat. Binaba ko sa isang Restaurant si Aldred. Binigyan ko siya ng pangkain. Ako naman ay dumaan muna sa wine shop para bumili. Yayain ko mag-celebrate si Harvey. For his engagement. And my soon to be victory.. Pumasok ako sa building ng company namin na ma maaliwalas na ang mukha. Ngumingiti pa ako sa mga nakakasalubong na mga empleyado. For sure, tatawagin na naman nila akong baliw patalikod. Kanina lang halos pinagsakluban ako ng langit at lupa sa hitsura ko. Ngayon, alive na alive na naman ako. Lukaret talaga ako, 'di ba? "Harvey, come to my office," sabi ko nang makasalubong si Harvey na may hawak-hawak na mga folder. "Pero Ma'am, kailangan ako ni Sir Franco sa meeting," sagot. "N problem. Ako bahala kay Daddy." "Pero Ma'am - " "Walang pero-pero!" Nagmartsa na ako papunta sa office ko. Nang makapasok ako sa office ay kaagad akong nataranta. Actually, may mini bar ako sa office ko. Pero sinadya ko pa rin talaga bumili ng wine na nakakalasing kaagad. It's not that na mahilig ako uminom. In fact, I hate the taste of an alcohol. Pero as what I observed kasi sa mga excutive offices katulad sa Daddy ko. May pile of wine or mini bar. And it's really looks luxurious for me. Nilagyan ko ng wine ang dalawang wineglass. At binaba ang glass blinds na de remote. Gusto kong solemn ang celebration namin ni Harvey. Ayaw ko na parang live show na nakikita kami sa labas ng office ko. At para makompleto ang lahat ay hinubad ko ang coat ko para makita ang bodycon dress ko na hapit na hapit at na detalye ang bawat kurba ng katawan ko. Nalantad rin ang mala-labanos kong kutis. Parehong half chinese ang parents ko kaya naman ko ang kaputian ko sa kanila. Gusto kong mapikon. Lumipas na ang sampong minuto ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng office si Harvey. I-dial ko na sana ang numero niya pero timing naman na pumasok siya. As usual nalaglag na naman ang panga niya nang makita ang alindog ko. Natulala na naman siya for a split second. 'Yan ang hindi ko maintindihan sa kanya. Sigurado naman kasi ako na may epekto ako sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya para magustuhan ako. Or maybe, wala talaga siyang damdamin sa'kin. Imahinasyon ko lang na affected siya sa presensya ko. Sa totoo lang, masama ang loob ko kay Harvey. Walang utang na loob. Pinaaral siya ng Daddy ko. Ginawa pang assistant. Sumasahod ng higit na mas malaki. But he still have the nerve to reject me! Ano ang ipagmamalaki niya? Ang diyosa niyang girlfriend? I can be like that if pupunta lang ako sa South Korea at magpa-plastic surgery! Hindi naman sa panget ako. Pero may ma-e-enhance pa ang beauty ko. Iyon nga lang ay hindi ako papayagan ng magulang ko. Minsan na nila akong binantaan na they will disown me kung ginawa ko nga ang bagay na iyan. Lumapit ako kay Harvey. "Let's celebrate," "For what?" "For your near wedding." Tumawa si Harvey. "Matagal pa iyon, five months pa." "Yes, five months. Marami pang pwedeng mangyari. Pwede pa kayong maghiwalay." "That will never, Cheska." Let's see. "Allow me to this for the last time, Harvey," sabi ko na yumakap sa beywang niya. Sinandal ko ang pisngi ko sa dibdib niya. Ilang minuto na ganoon lang ang posisyon namin. Medyo nasaktan ako dahil wala siyang kakilos-kilos. Naririnig k lang ang mabigat na buntong-hininga niya. "Cheska..." anas niya. Naramdaman ko na lang na hinaplos niya ako sa buhok. "I know you're not okay right now. Pero alam ko makaka-move on ka rin. Makakahanap ka rin ng bago mong kawiwilihang lalake. And I'm praying that he will love you unconditionally." "Kawiwilahan?" Kumunot-noo ako. Bumitaw ako sa kanya "Do you think I consider you as a toy? Harvey, totoong gusto kita!" "Alright! Alright," sabi ni Harvey na tila ba isa akong bata na pinapatahan niya sa trantrums. "I'm saying that someday. You'll find your own Prince Charming." "No, ikaw lang ang mamahalin ko!" "Cheska, I'm sorry but I am already someone's Prince Charming. Kumirot ang puso niya sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD