bc

Mamasan

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
time-travel
fated
independent
confident
inspirational
student
tragedy
bxb
heavy
another world
like
intro-logo
Blurb

Nasa dapithapon na ng kanyang buhay si Rebie o Lola Bebe sa kanyang pinakamamahal na apo sa pamangkin at mga butihing kapitbahay.

Masasabi na rin na madami na siyang napagdaanan sa kanyang mahabang buhay na umabot sa edad na nobenta. Wala man siyang sariling pamilya, hindi naman siya lubusang nag-iisa sa buhay.

Kasama niya ang kaniyang minamahal na apo na kinupkop niya at pinalaki nang buong pagmamahal matapos ang isang masaklap na aksidente na kumitil sa mga magulang nito noong bata pa lamang si Seolla.

Kung tutuusin ay wala na dapat siyang hilingin pa sa kaniyang mahaba at komportableng buhay. Madami siyang naipong pera noong nag-abroad siya at may apo siyang handa siyang alalayan ngayong nalalapit na ang kanyang pamamahinga.

Pero meron pa rin siyang dinadala na kahilingan na pilit niyang itinatago sa kanyang nasaktang puso ngunit ngayong nanghihina na hindi lang ang kaniyang katawan kundi pati na rin ang kanyang kalooban, muling nagpaparamdam ang masasakit na alaala ng mga nagdaang dekada sa kaniyang isipan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hay Lola Bebe! Ayan ka na naman eh! Para ka talagang sirang cd!” sigaw sa akin ng aking apo habang pinapayuhan ko siya. “Bata ka talaga! Ikaw na nga binibigyan ng tips ikaw pa’ng matapang!” balik kong hiyaw habang bumababa ako sa hagdanan ng aming bahay. Bawat hakbang ay masakit na para sa aking balakang at tuhod. Bawat araw talaga ay tumatanda ako. Wala na ang dating lakas at sigla ng aking katawan. Aba’y kahit pagbaba sa hagdan ay hinahapo na ako! Nakita ko ang apo ko na nagsusuklay ng buhok habang naghahain ng pagkain sa mesa para sa aming dalawa. Bagamat maingay at makulit, hindi naman siya pabaya sa akin. Alam na ng aking dalagita na ako’y humihina nang humihina sa bawat pag-ikot ng mga kamay ng orasan. “Lola Bebe kain na! Sayang naman kung lalamig ito! Minsan na nga lang ako nagluto hindi mo pa matitikman habang mainit pa,” yakag ni Seolla. Napangiti naman ako sa aking apo at pinilit ang aking marurupok na buto na magmadali para saluhan siya. “Ayan Lola Bebe. Kain na ha? Aayusin ko pa ‘yung pagbabayad ng diploma ko kaya bibilisan ko pagkain.” “Hala sya sige. Kumusta na nga pala kayo ni Skye?” singit kong tanong. “Lola talaga! Kakaiba ka promise!” inis na sagot sa ‘kin ni Seolla. Umiling lang ako nang mabilis, “Seolla, graduate ka na ng college! Dapat magka-boyfriend ka na! Gusto mo bang tumandang dalaga tulad ko?!” “Hindi ko pa sure Lola pero bet ko ‘yang status mo! Old Maid...” Tumawa ako nang malakas, “Sira ka talaga! Hala sya! Umalis ka na at sagutin mo na si Skye. Mabait na bata yon! I’m sure liligaya ka! Bonus na at magandang lalaki pa. Win na win ka apo!” Napakamot na lang si Seolla at mabilis na tumayo at humalik sa aking kulubot na pisngi. “Be back home for dinner Lola!” “Gusto ko mamaya kayo na ni Skye!” hiyaw ko sa apo kong lumabas ng pinto. Biglang sumilip ulit si Seolla at nagbelat sa akin sabay kaway. Umiiling-iling ako habang inililigpit ang aming pinagkainan at naghanda ng pagkain ng aking alagang pusa. “Mamasan, eto na pagkain mo,” sabi ko sa aking pusang itim at puti ang kulay. Meron syang tatlong anak na nakisalo sa kanya. Nagwaliswalis ako ng kaunti at naglaba ng mga basahan. Pagkatapos nito ay pumanhik muli ako sa bahay at nagdayag na ng aming pinagkainan. Tumingin ako sa palibot ng aming bahay at bumuntonghininga. Inunat-unat ko ang aking kubang likod at umupo sa sofa. Binuhay ko ang t.v at nanuod ng balita. Ganito na lang ako lagi, dalawang dekada na ang nakakalipas matapos kong mag-retire bilang columnist at talk show host. Bagamat matanda na ay bakas pa rin ang kagandahang minsan kong ikinabuhay noong kabataan ko pa. Simula ng mamatay sa aksidente ang mga magulang ni Seolla, labindalawang taon na ang nakakaraan, ay ako na ang nag-alaga sa apo ko sa pamangkin. Mabait siya at masunurin. Pero namana yata niya sa akin ang pagiging matabil at matalas ang dila. Desidido sya tulad ng kanyang ama na pamangkin ko at kasingganda niya ang kanyang ina. Subalit parang naipasa ko yata sa kanya ang sumpa ko sa pag-ibig at propesyon. Mas binibigyan niya ng halaga ang clubs at academics subalit wala siyang naging boyfriend ni minsan. Ang aking masaklap na nakaraan na ayaw ko ng balikan hangga’t maaari. Ayaw kong maubos niya ang kanyang panahon sa trabaho. Nais kong magkaroon siya ng masayang pamilya nang hindi sya tumanda nang nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako sa pag-iisip. Nang magising ako ay maggagabi na at nakabalik na pala si Seolla galing school. Mukhang nakapagsaing na ito at nagluluto na ng ulam. “Lola Bebe, iniwan mong bukas t.v! Ba’t diyan ka na naman inabot ng antok! Mas masarap matulog sa kama Lola! Natanda ka na talaga!” sabi ni Seolla habang inaalalayan nya akong lumakad papuntang mesa. “Hay apo. Natanda na nga. Tumandang walang tinandaan kamo. Kamusta? Kayo na ni Skye?” mabilis kong tanong sa kanya habang naghahain sya. Umiling ito at sumimangot, “Hindi Lola. Never. As in N-E-V-E-R.” Huminga ako nang malalim at hinaplos ko ang magandang buhok ni Seolla. Mahaba ito at tuwid ngunit kulot sa dulo. Parehong-pareho sa buhok ko nang kabataan ko pa. Ngayon, puti na ang aking noo’y magandang buhok. Nawala na ang dating kislap ng buhay. “Seolla, apo, pwede pagkatapos nating kumain magduyan tayo?” malambing kong tanong sa kanya. Ngumiti ito at yumakap sa akin, “Sureness Lola. Maganda ngayon at walang ulap, madaming bituin at kabilugan ng buwan. Pero baka mahumugan ka?” “Hindi, apo. May ikukuwento ako sayo’ng love story,” sabi ko habang binibilisan ko ang pagkain. Ngumisi ito at tumaas ang kanang kilay, “Weh. Baka isa na naman ‘yang ”at sinipa ni Cinderella ang kanyang walangya at pangit na stepmother at stepsisters at nabasag sa pagmumukha nila ang glass slippers niya. The End.” Umiling lang ako at ngumiti, “Hindi apo, true to life love story ito.” “Wow, love story mo kaya yan Lola?” “Oo, love story ko Seolla...” sabi ko habang malungkot akong ngumiti at tumingin kay Mamasan na nakatitig sa akin. Nagtakip ng bibig ang aking apo at tumingin sakin. Excited ang nakikita kong reaction nya. Ni minsan ay hindi ko inuulit ni kinukuwento sa iba ang aking nakaraang buhay pagibig. Hangat maari ayaw ko ng maalala, pero kailangan malaman ng aking apo. Nang hindi na niya maulit ang pagkakamaling nagawa ko na noon. Kinuha ni Seolla ang aking balabal at sabay kaming lumabas ng bahay at pumunta sa bakanteng lote na katabi ng bahay namin. Isa itong hardin na inalagaan ng aking ina at may isang duyan doon. May nakasalubong kaming isang binatang bakas ang dugong banyaga. Bagamat lamang ang pagkapilipino ay makikita ang tangos ng ilong at haba ng malalantik na pilik mata maging ang mala-gatas na kutis. “Lola Bebe mano po,” bati nito sa akin sabay kuha sa aking kamay at idinikit ito sa noo niya. “Ay kaawaan ka ng Diyos Skye. Aba’y kakulay mo ang Daddy mo! Pero ang mukha mo ay sa Lolo mo! Ganyan na ganyan din siyang maglakad! Parang papalarin lagi ng hangin,” sabi ko sabay ngiti sa mabait na bata. Ngumiti ito at kinamot ang likod ng ulo sabay tingin kay Seolla na nilalaro ang mga anak ni Mamasan na sumunod samin. “Skye, hijo, gusto ko sa simbahan ha? Ayaw ko sa huwes! Pag-ipunan mo nang magarbo! Basta dapat madami handa pero konti ang bisita para busog lahat at may bitbit pa pauwi!” paalala ko dito at tumango naman ito ng mabilis. “Sabi n’yo po, Lola, e. Masusunod po.” Humarap samin si Seolla at sumimangot, “Tungkol saan naman ‘yang simba-simbahan na pinag-uusapan n’yo?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook