Chapter 2

1427 Words
  Hermione's Pov   Parang magic na bumalik lahat ng pagkahumaling ko kay Linc sa isang iglap lang, sa bawat araw excited na akong gumigising para pumasok sa school at maka-usap ito. Makita s'ya at makatawanan s'ya. Suddenly it feels like we became the best of friends. "Umamin ka nga, m.u na kayo ni Lincoln no?" Cassidy ask while munching on her chips. Nilingon ko ito at nginitian si Lincoln na nakaupo sa di kalayuang mesa sa cafeteria kasama ang mga kaibigan n'ya. "Hindi kami m.u. Magkaibigan lang kami," kumagat ako sa mansanas habang binubuklat ang ledger kung saan nakalagay ang mga spell na kakailanganin namin para sa booth ng aming section.  Marahan akong kinalabit ni Cassidy at nginuso ang nakatayo ng si Lincoln sa aming harap bitbit ang kaniyang sports bag. Pawisan pa nga ito dahil kakatapos lang ng training nila sa basketball. Sayang lang at hindi ako nakanuod kasi dumaan pa ako kay Prof Seigford para kunin ang mga spells.  Dahil nga bukas na ang foundation day wala ng naging klase para sa araw na 'to. Ang mga iba naming kaklase ang gumawa ng paraan para maging madilim ang aming classroom na gagamitin bilang venue sa aming booth.  "Maliligo lang ako saglit tapos sa classroom na lang tayo magkita," wika nito bago pasadahan ang buhok niyang medyo humaba na kaysa sa usual na hair length nito.   "O sige, tatapusin lang namin to," I smiled.  Ipinakita ko ang mansanas na kinakain ko.  Tumikhim si Cass dahilan para maputol ang pagtitigan namin."Sige na Linc maligo kana bago pa mabaliw si Hermione at maisipang sumama sayo sa cr," Cass kidded. Pasimple ko siyang siniko saka pekeng nginitian si Lincoln.   Being true to my words. Matapos kumain ay dumiretso na nga kami sa classroom ang bintana na dinadaanan ng sinag ng araw ay natatakpan na ng makakapal at eleganteng itim na kurtina kaya naman sobrang dilim na at kinailangan na naming iswitch ang ilaw para maayos ang mga kakailanganin namin. Its pass 4 in the afternoon when Lincoln arrived. Nakasuot s'ya ng puting v neck shirt, faded jeans at itim na jacket ng pumasok sa classroom.  "Hindi ba delikado ang gagawin n'yo?" Cassidy ask worriedly. Isa-isa kong binuksan ang mga garapon na may lamang iba't ibang kulay ng makintab na parang alikabok, this are the dust the magic spells complete. Bahagyang ibinababa ni Lincoln ang ledger at sumilip sa amin ni Cass. With so much confidence written on his face. "Nope, mababang uri ng spell lang naman ang icacast natin, it would last until five in the afternoon tomorrow tapos mawawala na," muli niyang ibinalik ang buong atensyon sa ledger habang naiwan ang atensyon ko sa maamo nitong mukha.  It seems like marami siyang alam sa sorcery, spells and magic at bilang isang dakilang fan ng fantasy ay mas lalo ko lang siyang nagugustuhan. Nakatayo lang kami ni Cass sa isang sulok habang naririnig siyang mag-cast ng iba't ibang spell at kabay no'n ayb isinasaboy nito sa ere ang mga glitter like dust. Parang iba't ibang kulay ng pixie dust ang itsura nito.  "Freslikan Aczominous'" he uttered. Bahagya akong napatakip sa 'king mata ng magliwanag ang paligid. Sinenyasan n'ya kami na iswitch off ang ilaw at tama nga s'ya pakiramdam ko nakikita ko face to face ang buong solar system.  Ang mga planeta ay umiikot din sa araw katulad ng sa totoong solar sytem. "Ang galing mo," rinig ko ang mahinang pagtikhim ni Cass at mariin na lang akong napapikit ng mapagtantong nakayakap na ako kay Linc agad akongg humiwalay sa kaniya at inayos ang blouse kong suot. "Sorry," I whispered. "Awkward," bulong din naman ni Cassidy habang kunwaring nakatingin sa replika ng solar system, ngumiti lang sa akin si Linc at ibinalik na rin nito ang buong atensyon n'ya sa replika ng solar system na ginawa.  ------------  "Goodluck sa 'tin," nakangiting sambit ko kay Lincoln kinabukasan habang binubuksan n'ya ang classroom namin. Dagsa ang nakapila sa aming booth karamihan sa kanila ay babae naisip ko tuloy na baka hindi talaga yung booth ang ipinunta nila kung 'di si Lincoln.  He is a campus heartthrob, for pete's sake! Baakit ba hindi ko naisip na kahit patambayin ko lang sa classroom si Lincoln ay dudumugin pa rin ng mga tao ang booth namin. I suddenly feel annoyed at that thought.  Crush ko lang naman s'ya pero gusto kong akin lang s'ya. Bawal na siyang magustuhan ng iba. Ang sarap isigaw na ako lang ang may karapatang magka-crush kay Lincoln! Gaya nga ng inisip ko noong una. Nagbigay s'ya ng konting information kung paano namin nabuo ang booth at ganoon din ang ginawa niyang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa  solar system. Halos paningkitan ko ng mata anh ahat ng babaeng lumalapit para makita raw ang booth namin. Sino bang niloloko nila?  "Annalize, nakapunta na rin naman ang mga teacher na titingin sa booth na 'tin baka pwedeng maglibot na ako?" I asked. Tumango s'ya at agad na naupo sa swivel chair na inalisan ko. Ang magaling na si Cass hindi ko rin makita, ni hindi n'ya nga sinasagot ang tawag ko ang babaeng 'yon talaga. "I'm not really interested with the other booths, wala rin akong pakialam sa mga program na nagaganap sa auditorium. I just can't stand seeing Lincoln flirting right infront of me. Baka di ako makapagpigil at bigla na lang akong magtransform at manlapa. I end up sitting on the grassfield. Halos  alas singko na ng hapon at hanggang alas syete pa kami rito kasi may fireworks pa mamaya bilang part ng closing ceremony para sa foundation day. "Nakakainis akala mo kung sinong pa-cold sa 'kin noong una kahit halos ipagsigawan ko ng gusto ko s'ya 'yon pala gustong-gusto rin na hinaharot s'ya," naiinis na bulong ko habang kinakalbo ang bermuda grass na kinauupuan ko. Isang pamilyar na pabango ang naamoy ko. I turn to look at my side only to see Lincoln sitting right behind me with a grin on his face. "Anong ginagawa mo rito? Tapos kana ba makipagharutan este magbigay ng info sa booth?" Halos kutusan ko ang sarili dahil sa nasabi ko. Tunog bitter parang naiimagine ko na may lumalabas na ampalaya sa bunganga ko nang sabihin ang mga salitang 'yon.  A moment of silence rise and its killing me. I swear. I was about to stand up  when suddenly cupped my face. Kaagad na nagwala ang puso ko sa distansya ng aming mukha. "Are you jealous?" He ask. Ilang beses pa akong napakurap-kurap bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa pisnge ko. "B-bakit naman ako magseselos? Wala naman ako'ng karapatan diba?" Agad akong nag-iwas ng tingin pero ramdam ko pa rin ang pag ngisi n'ya. "You are jealous," sabi niya na para bang siguradong-sigurado s'a sa kaniyang sinabi. Sinamaan ko s'ya ng tingin "Alam mo ang feelingero mo, hindi na kaya kita gusto!" Naitikom ko na lang ang bibig ko, punyeta selp ano na? Ipahiya mo pa ng sobra ang sarili mo. He smile at me. Iyong ngiting makalaglag puso, iyong ngiti na pwedeng maging sanhi ng heart attack ko o pagkabaliw. "So you did like me back then?" Gagong to eh kung batuhin ko kaya ulit sya ng bote ng gatorade? Halos alam ng lahat ng kaklase namin na gusto ko s'ya tas kunware hindi n'ya alam?  Argh such a jerk! Pumikit ako at muli siyang hinarap matapos mapakalma ang aking sarili. "Dati,"  I lied. Knowing that until now I still like him...its just that I don't want to feel rejected once more, pakiramdam ko kasi napaka-paasa ng lalaking to. 21st century men be like, gwapo, mayaman, athletic, gentleman at mabait tapos paasa, at mahilig ng mang-gago, I'm afraid Lincoln is one of them.  Muling namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Magsasalita na dapat ako ulit ng unahan n'ya ako. "You're annoyed when I'm hanging out with girls. I  can hear yout heart pounding rapidly when I'm around, you can't look straight in to my eye. Francella you still like me," malambing na samibit nito. Agad akong pinamulahan ng pisnge dahil sa sinabi n'ya what the actual f**k? Ganoon na ba talaga ka-obvious ang pagkagusto ko sa kaniya?  "Ang kapal mo rin—" "— I like you," pinutol n'ya ang sinasabi ko with his sudden confession, biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa mga fireworks na sumasabog sa langit at maging sa aking sikmura.   I fake a laugh.  Punyeta wag kang paasa please. "Huwag mo akong pagtripan malayo pa ang April Fool's Day masasapak kita Mr. Searre," I laugh once more. Hinuli n'ya ang aking kamay at pinagsiklop 'yon gamit ang kaniya. "Gusto kita matagal na, gustong-gusto," he whisper. Pakiramdam ko may kung anong kumiliti sa akin dahil sa sinabi n'ya.  Ilang beses pa akong kumurap baka kasi nag-iimagine lang ako. "Kung totoo nga na hindi mo na ako gusto, then I'll make you fall for me harder that you can't get over me." He said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD