Chapter 2

1746 Words
2. “O.k ka lang Tabitha?” alalang tanong ni Elyon sa akin. Pinahid ko ang aking mga luha at napatingin ako sa classmate ko na nakaupo sa hindi kalayuan sa akin. Kung hindi lang sana mag-papari ito, malamang kiniri ko na siya. Ang guwapo at ma-appeal. Pero devoted na siya kay God kaya “Amen” to that. Tumango ako at lumagok ulit ng 7up bago tumingin pabalik sa pinapanood kong movie. Titanic by James Cameron. Huhubels... namatay si Jack tapos sumunod si Rose after eighty years or so. Feels! Feels everywhere! “Ok lang ako Elyon. Don’t mind me, nanunuod lang ako ng film,” sagot ko sa kaniya while not removing my eyes from the screen of my tablet. Hindi na niya ako inimikan ulit. I figure bumalik na siya sa pagbabasa niya ng bible. Samantalang nilipat ko naman ang attention ko sa panunuod ng next movie on my playlist. The Notebook. -0- “Oo! Promise nakakaiyak siya. Try mo na yung Fault in Our Stars.” sabi sa akin ni Bea. Itinulak naman siya bigla ni Berna at excited na ngumiti sa akin, “No teh, mahina pa iyon! Try mo yung A Walk to Remember! I swear tutulo ang uhog mo!” “How about Furious 7? Maganda ang ending niya,” suggest naman ni Marieta. Nagulat ako ng bigla na lang pinagtulakan ni Eunice bigla ang tatlo niyang kaibigang at tumawa ng malakas, “Mga weaklings!” malakas niyang hiyaw sabay harap sa akin at ngumiti ng matamis, “Tabitha don’t listen to those fools. Listen to me and me alone. Watch Pearl Harbor.” Inilista ko din sa palad ko ang sinabi ni Eunice kasama ang suggestions nila Bea, Berna at Marieta. Nag-thank you ako sa kanilang apat at sinimulan ko nang i-download ang mga movies. Buti na lang lagi kong dala ang pocket wifi ko. By the time na recess na namin ay saktong tapos ng mga dinownload ko. Inilabas ko ang popcorn na binili ko at coke at nagsimula na akong manuod. A Walk To Remember ang inuna ko. “Why are you watching sad movies? You want to be sad or something?” Pamilyar na ang boses na iyon. Not to mention siya lang ang tuwid mag-english dito sa second year with matching accent pa. And to no surpise, nakita ko nga siya na nakatayo sa hindi kalayuan ko. Same outfit as always. “Pake mo? Gusto ko eh!” pabalang na sagot ko sabay subo ng popcorn. Hindi ko ba alam bakit niya ako kinukulit. I’ve got a feeling na nahalina siya sa angking ganda ko at aminado naman ako na maganda ako. Hindi siya sumagot pero naglabas ulit siya ng green apple galing sa bulsa ng jacket niya at ipinatong sa table ko bago umalis ulit quietly as usual. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Parang automatic na gumalaw ang kamay ko at kinuha ang green apple at kinagatan ko ito. -0- 3. Parang lutang pa din ang isip ko habang nagkaklase kami ngayon. Papatapos na ang period pero parang walang pumapasok na kung ano man sa utak ko. Nasobrahan ata ako sa movies kahapon. Wala ako sa mood talaga pumasok today. “That’s all for today. Prepare for a quiz tomorrow. You may all go,” sabi ng Social Studies teacher namin. As usual nauna na naman ang Eunice and Friends sa paglabas ng classroom followed by Rigel na mukhang makikisabay ata sa pagkain sa kanila. Magkabuntot naman sila Iggy at Ambo na parehong may kinakain na hotdog sa paglabas samantalang walang kamatayang siopao pa rin ang pinagsasaluhan nila Ezekiel at Lyshta. Elyon is... Elyon... Nakasubsob pa rin sa bible as usual habang hawak ang skyflakes at tubigan. Tinatamad akong pumunta sa restroom kaya nag-retouch na lang ako sa upuan ko para tipid sa time and hassle-free. I looked at my reflection and all I can see is perfection. LOL. Joke lang. Pero satisfied talaga ako sa appearance ko. Ang ganda ko kasi. Feeling fresh na ako after my ritual kaya masaya na akong lumabas ng room. Kaso masamang hangin agad ang nag-welcome sa akin. “Hi Babes! Labas naman tayo! C’mon!” God, si Harold na naman at ang kanyang hangin ng kayabangan. Nawala tuloy ang good mood ko! Bwisit talaga. Ngumiti ako ng plastic sa kanya at umiling, “Sorry James but I can’t really go. Sabi kasi sa horoscope ko, umiwas sa baka today. So yeah. See ya Jason!” Sinadya kong maliin ang pangalan niya dahil alam kong iyon ang kinaiinisan niya. Dali-dali na ulit akong bumaba ng hagdan. Nakita ko ulit si Rosa at Dikto sa gitna na magkaholding hands ulit. Pero this time mukhang naramdaman ata nilang dalawa ang presensya ko kaya saktong binitawan ni Rosa ang kamay ng jowa niya ng sasangat na sana ako. Mabilis akong nagpasalamat sa dalawa na mataipid na ngumiti sa akin bago nagholding hands ulit. Akala ko nakatakas na ako pero heto pa sila Paul at si Nelson ang isa sa mga manliligaw o naliligaw ko magkasunod lang na naglalakad papunta sa akin. May mga dala pang chocolates at bulaklak. Grabe bakit kailangan perfect attendance sila today kung kailan masama ang timplada ko? Heto ako pawis na pawis na sa pagtakbo. Leche, dapat pala hindi ko dinamihan ang baon kong pagkain. Ang bigat tuloy ng shoulder bag ko. Pero too late to turn back. It’s time for Plan B. -0- “That’s just so sad!” malakas kong exclaim na nagpalingon sa mga katabi kong tao na naka-upo sa café area ng Starbucks. “Sorry!” sambit ko sa kanila sabay tungo at balik sa pinapanuod ko na movie sa aking ever loyal na tablet while munching junk foods and sipping some espresso. Sumandal ako sa malambot na upuan at huminga ng malalim. Never ko pang ginawa ito pero ang saya pala. Now I know kung bakit madami ang naadik na estudyante sa pag-------- “Nag-cutting classes ka ano?!” Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tasa sa gulat. Paglingon ko sa tagiliran ko ay nakita ko si Rigel na nakangising nakangisi sa akin. “Rigel! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba pumasok?” gulat na tanong ko sa kanya. Umiling siya at nag-wag pa ng finger sa akin, “Nakalimutan mo na half-day lang talaga ang pasok ko Tabitha!” Napangiwi ako. Bakit ko nga pala nakalimutan na half-day lang ang pasok ng kumag na ito at paborito niyang tambayan ang mall pag wala siyang ginagawa. Hindi ako makaisip ng idadahilan sa kaniya pero bago pa ko makabuo ng matinong sentence ay may dinukot siya palabas ng kanyang bulsa. Isang maliit na brown bag na medyo gusot na ang iniabot niya sa akin. “Don’t worry Tabitha. Hindi kita isusumbong. Hinanap lang kita kasi may nagpapabigay niyan sa iyo. Pinalibre niya ako ng lunch kaya ginawa ko. Sige, ha? May pinabibili kasi si Eunice sa ‘kin eh!” Iyon lang at mabilis na din siyang lumabas ng café. Siguro dahil na din sa kape na ininom ko at junk foods na tinira ko ay hindi ma-process ng utak ko kung ano nga ba ang nangyari just know. All I know is pagkabukas ko ng binigay ni Rigel ay isang green apple ang laman noon. -0- 4. Buti na lang hindi nagsumbong si Rigel kahit kanino. Pero I swear na alam ng grupo nila Eunice ang pagka-cutting class ko kahapon dahil panay ang kindat at makahulugang ngiti nila sa akin sabay thumbs up pa. Just to be safe nilingon ko ulit ang pwesto ni Rigel only to find out na busy ito sa paghihilamos ng mukha niya at katawan. Really! Kung lagi mong makikita si Elyon na may hawak ng bible. Ganun din ang dalas ng beses na makikita mo si Rigel na may hawak ng bimpo at panay ang sponge bath. Mukha tuloy lagi siyang bagong ligo o naulanan. Itinuon ko ang paningin ko sa isang kumpol ng Xerox at notes na nakapatong sa table ko. Actually may quiz kami ngayon sa History. Major daw kaya busy ang lahat. Sila Ezekiel at Lyshta ay busy na nagtatanungan. Si Elyon ay nagrereview ng todo. Si Ambo ay busy din, sa pagtulog. Si Iggy ay naglalaro ng video games at ang kapatid niya na si Rigel ay busy sa pagtunganga. Sila Eunice, Berna at Marieta ay may kakaibang pinagkakaabalahan. Sa halip na mag-review. Busy sila sa pag-iisip kung paano makakapang cheat. Samantalang si Bea ay kampanteng nakaupo. Figures, siya ang pangalwa sa pinakamatalino sa klase namin. Ang iba pa naming classmates ay kanya-kanya din ng review techniques. May nagtatanungan, nagkwekwentuhan o nag-aayos ng cheating sheets. Napatingin ako sa mga notes na hawak ko. Kumpleto ang mga iyon at nandoon na lahat ang mga iquiquiz. I actually made an outline kung ano-ano yung mga importanteng facts and figures. It’s just, I want to try something new. Napatingin ako sa nakaubob na si Ambo at napangiti ako. Why not? -0- “Eunice?” “Thirty Eight po!” proud na sigaw niya ng tinawag ang name niya para sabihin ang kanyang score. Napataas ang kilay ng teacher namin pero hindi siya nag-react. Well, alam ko kung ano ang nasa isip ni Ma’am. Nakakapanghinala ang scores ni Eunice dahil kapareho din ng kila Berna at Marietta. I bet iisa lang sila ng sagot. “Tabitha?” “Four!” tugon ko agad. Napakunot ang noo ni Ma’am at tinanong ulit niya ang score ko. Sinabi ko ulit ang score ko this time, all smiles. Napatingin sa akin ang buong klase na parang hindi sila makapaniwala. Well ako naniniwala ako dahil hindi talaga ako nag-review. I just feel doing it for once. Something new diba? “What happened Ms. Abanilla? Are you not feeling well?” alalang tanong ni Ma’am. Umiling ako at ngumiti pa ng matamis, “No Ma’am. I just feel tired that’s all. Sorry for my score.” “There goes your perfect straight,” napapailing na tugon niya sa akin at sinulat na niya ang aking single digit score at pagkatapos ay nagpatuloy na ulit siya sa pag-lelesson hanggang sa maglabasan na kami. I quickly packed up my things dahil busy night ako ngayon. Madami akong movies na papanuorin at pagkain na titirahin. Naglalakad na ako palabas ng school gate ng makita ko ulit siya. As usual nakahoody at shades na naman siya. Nilalabhan kaya niya ang suot niya? Madami kaya siyang extra na damit? Hindi ko alam kung bakit pero automatic akong tumigil sa tapat niya. What’s wrong with me? Napangiti naman siya na nagpalabas ng dalawang malalalim na dimples at mula sa bulsa ng jacket niya ay naglabas siya ng green apple at maingat na itinapon niya papunta sa aking nakabukas at umalis ulit ng walang imik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD