Chapter 1. Yesha Kwon

1580 Words
"Alright class, dismissed" Sa wakas makakauwi na rin. dahil sabado na bukas makakapag aral pa ako ng mabuti at makakapagshopping pa kami nila steff kasama ang mga kaibigan ko. Teka makapunta nga muna sa cafeteria bigla ako nagutom -__- bago ang lahat magpapakilala muna ako sa inyo ako nga pala si Yesha Kwon "Ice" ang tawag nila sakin kasi pinanganak ako sa korea at yung time na yun umuulan ng snow.. half korean half filipina ako. 18yrs old na ako ngayon at nag aaral sa University of *** ******. Simple lang naman ako pero maganda at may pagka lokaloka minsan, matalino? Hihihi. charot! pero yun ang sabi ng mga prof ko matalino daw ako.. Andito na ako ngayon sa cafeteria at may nakita ako'ng tao na hindi ko na gugustuhin pang makita. Psh! Ang lalaking ubod ng yabang at wala sya'ng ginawa kungdi bully'hin ako at sirain ang araw ko. Ang lalaking kinaiinisan ko ay walang iba kung di si "Denver Blake Lim" sayang pa naman siya gwapo sana kaso nung nagsabog ng kasamaan ang Diyos sinalo niyang lahat.. Buti nalang at hindi ganun si Shawn Dela Cruz.. Siya lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa paningin ko.. super crush na crush ko kaya siya. Ayie.. Nung nagsabog ang Diyos ng kagwapuhan at kabaitan sa mundo sinalo nya lahat.. kyaah! ang gwapo niya talaga lumingon siya sakin ^__^ "Easy! Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na ako paka titigan pa at baka matunaw ako!" Biglang nagising ang diwa ko sa isang boses na nagsalita.. hindi ko na pala namalayan na nakatitig pala ako kung san sila nakapwesto sa kanilang tambayan. Yung mala- cloud 9 na feeling para'ng naging delubyo ng marinig ko'ng magsalita yang mayabang na si Blake.. T-teka ano nga ulit sinabi nya? sinamaan ko lang siya ng tingin sabay sabing. "Wag kang Feeling hindi ikaw ang tinitignan ko. ang kapal mo talaga!" sabay irap ko rito. Grabe ang kapal niya ah! "Eh kanina pa kita nikikita na nakatitig ka sa akin, sige nga kung hindi ka sa akin nakatingin sino ang tinitignan mo?" sabay ngisi niya ng nakakaloko.. Bigla ako'ng nakaramdam ng pagkahiya na naging dahilan ng pagka-pula ng mukha ko. hindi pwedeng malaman ni Shawn na siya ang tinitignan ko.. "See! ako naman talaga yung tinignan mo. Ano bakit hindi ka makapagsalita dyan? Alam mo Ice kung gusto mo ko pwede mo naman sabihin sa akin ng hindi ka na mahirapang pagmasdan ako araw-araw!" sabay nagtawanan ang mga kasama ni blake habang nakatingin lang sakin si Shawn. Langya naman! ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun -__- "Hoy! kung ikaw rin lang naman ang magugustuhan ko, hindi bale nalang! maka alis na nga!" Wala na, ok na sana ang araw ko kaso sinira nanaman ng Blake na yan. Makauwi na nga lang! Nang makarating ako sa bahay sinalubong ako ni yaya at nakita ko sila Daddy at Mommy sa sala na may bisitang kausap. "Anak andyan ka na pala! halika rito at batiin mo sila tito Dave at tita Veronica mo!" Sabi ni Dad Kahit hindi ko sila kilala lumapit sa kanila at para batiin at halikan sila sa pisngi. "Mom, punta po muna ako sa room ko magbibihis lang po muna ako." Paalam ko sa kanila "Sige anak." "Siya nga pala balae kelan ba gaganapin ang kasal ng----" Hindi ko na narinig yung sinsabi ni Tita Veronica---Teka kasal? sino naman ang ikakasal? at bakit balae tawag ni tita Veronica? Hay! hayaan na nga. Dali-dali akong pumunta sa study table ko para i-open ang f******k ko, isa isa ko sila tinignan pati profile ng mga kaibigan ko, syempre para i-like ang mga post nila. hanggang sa i-check ko ang profile ni Shawn. "Grabe! bago nanaman DP nya? ang gwapo talaga" ^__^ Ini-like ko yung picture niya at mag co-coment na sana ako ng may nabasa ako sa mga nag comment sa kanya at ang sabi.. "Hi Handsome I Miss You!" Ang mga ngiti ko sa mukha napalitan ng pagka inis at selos, Hmp. "I miss you mo mukha mo!" sabay logout sa f******k ko at deretso higa sa kama ko.. ___________ February 8.. Yesha's POV Pag dilat ko palang nakangiti na agad ako sabay sabing; "Good Morning Earth." ^__^ Sabay inat ko dumiretso ako sa aking banyo para gawin ko ang Daily Routine ko at para makapag ready na rin sa pag pasok. Pagka baba ko sa hagdan at nagtungo sa kusina para mag almusal nakita ko sila Mommy, Daddy at kuya na naguusap sa hapag kainan, binati ko sila at umupo para kumain "Anak, Pwede bang wag ka na pumasok sa 13 at 14!" Nagulat ako sa sinabi ni Daddy sakin. "Dad bakit hindi po ako papasok? ano po meron?" "Anak makinig ka sa sasabihin namin." Singit ni Mommy. "Anak tutal 18 ka na naman kya napag pasyahan namin ng Daddy mo at si Tito Dave mo na i-aarranged Marriage namin kayo sa isa't isa." Huh!? Ano? Kasal Agad? "But Mom alam nyo naman na I'm still NBSB (No Boyfriend Since Birth) bakit nyo ako ipakakasal sa tao'ng di ko naman mahal?" Mangiyak ngiyak na sabi ko kila mom at dad. "Anak! makinig ka muna sakin." Sabi ni Daddy "Anak bago namatay ang lolo mo napagpasyahan namin nila tito Dave mo na i-merge ang Company natin sa kanila noon para sa magiging future niyo ng kuya mo, pero kailangan ka namin ipakasal para makuha ng anak nila ang mamanahin niya galing sa lolo nya." Anak alam ko hindi ka masaya sa naging desisyon namin pero, ito lang ang tanging paraan para makuha mo rin ang mamanahin mo sa lolo mo." Dugtong pa niya "Daddy! Mahirap yang pinagagawa niyo hindi niyo ba ako naisip? paano kung masama ang ugali nya? paano kung babaero? basta Dad ayoko magpakasal sa hindi ko mahal." Apila ko "Bunso mabait naman siya at mabuti siyang anak sa mga magulang nya. promise magkakasundo kayo nun balang araw!" singit ni kuya.. "Ano ba kasalan ko sa inyo bakit niyo ako ginaganito? ayoko magpakasal sa hindi ko mahal!" Sigaw ko. "Shut up Yesha! My decission is final, end of conversation." Sagot ni Dad "Mamaya may dinner date tayo together with the Lim Family." "Lim? tama ba narinig ko Dad? Lim Family?!" Sabi ko "Yes anak." wika ni mami.. "Bakit anak na-meet mo na ba anak nila?" "Hindi pa po mom." Bigla kong naisip si Blake, kasi Lim ang apelyido non. 'Hay! Huwag naman sana siya." sabi ko sa isip ko. "Anak bakit may problema ka ba?" "Huh? wala po mom may naalala lang po ako." "Sino naalala mo bunso? baka si Shawn nanaman yan!" Singit ni kuya "Kuya!" sigaw ko. "H-hindi kaya siya." Apila ko. "Sige kung hindi siya at sino naman?" Sabi niya na may halong pang aasar. "Wala kaya kuya basta wala ka na dun." sabay irap ko sa kanya. Napa ngisi naman ng nakakaloko si kuya. Siya pala ang nakakatanda kong kapatid, siya si Yuan Kown, drummer siya sa isang sikat na banda dalawa lang kami magkapatid kaya malapit ang loob namin at wala kaming secret sa isa't isa. "Anak umuwi ka ng maaga kasi may dinner meeting tayo sa Fiancé mo para makilala mo na din siya!" sabi ni Mommy. Napabuntong hininga nalang ako, wala naman ako magagawa kailangan ko sumunod sa kanila kahit ayaw ko at ayaw ko ma disappointed sila Mommy at Daddy sa akin. "Sige po Mom papasok na ako." Sabi ko kay mom at tungo na lamang ang binigay ko kila kuya at Dad. _______ Nang nakarating na ako sa school sinalubong ako ng mga kaibigan kong sila Steff, Chloe, at Era. "Girl anyare? parang Biyernes santo yang mukha mo?" Sabi ni Steff "Oo nga ang ganda ganda kaya ng umaga ngayon" sabay nguso naman ni Era "Best sino ka-Date mo sa Feb. 14?" wika ni Chloe. Sa pagkakasabi ni Chloe na Feb 14, dun na tuluyang tumulo ang aking mga luha na ikinagulat iyon ng aking mga kaibigan. "Ice what's wrong?" sabi ni Steff "Sissy much better if dalin muna natin sa cafeteria si Ice" pag aya ni Era, Nang nakarating na kami sa cafeteria inalalayan ako ng mga kaibigan ko na umupo at pinapakalma nila ang aking sarili.. "Are you okay now sissy? can you please tell us kung bakit ka umiiyak?" Sabi ni Chloe Hindi ko na kayang itago ito kaya sasabihin ko na sa kanila. "Kasi si Dad inarranged marriage ako sa taong di ko pa nakikilala at hindi ko mahal!" Sabi ko "WHAT?!" Gulat na gulat sila sa sinabi ko at ang mga mukha nila'y napalitan ng lungkot. "Sissy nauna ka lang pero darating ang araw i-aarraged marraige din kami ng mga magulang namin" sabi ni steff "Hay, unfair ang life natin diba? Ganito ba talaga ang papel natin sa buhay, isinilang tayo para lang iarranged sa taong di naman natin minamahal." Sabi naman ni Era "Wala tayong magagawa we need to obey and follow our parents they want, so sino naman yang fiancé mo Ice?" Pag iintriga ni Chloe "Yun na nga, hindi ko pa nga kilala basta ang sabi anak sila nila Tito Dave at Tita Veronica Lim." matamlay kong sagot Sa pagkakasabi ko ng "Lim" biglang napalingon silang tatlo sakin, "OH EM.. di kaya si ano yan?" wika ni Era Na gets ko na agad yung gusto niya sabihin. "No! Huwag naman sana siya, madami namang Lim sa mundo diba? Wika ko. "Well let's see!" "Gosh! kung si blake iyan. Aba! daig mo pa nanalo sa lo---" "Shut up steff!" Awat ni chloe "Alam niyo namang aso't pusa yang sila sissy at blake at kung si Blake nga yung mapapangasawa ni Ice hindi ba magulo yun? Madaming humahanga kay Blake baka i-bash at saktan lang siya ng mga taga hanga ni Blake pag nalaman nila na ikakasal siya kay Yesha at isa pa babaero yang si Blake!" Mahabang paliwanag ni Chloe "Sa Feb 14, daw ang kasal ko, kayo lang ang invited sa sakal este kasal ko ah." Sabi ko "Mamayang gabi may Family Gathering kami." Dugtong ko pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD