Chapter 3 Meet The Family

1236 Words
Yesha's POV "Mom, bakit ko pa kailangang isuot ito? Okay lang po sa akin yung simple dress." Sabi ko may Mom Hay masyado naman kasinh daring tong damit na ito at may slit pa sa gilid, tapos hanggang hita lang yung haba niya. "Ang iksi naman nito Mom at kailangan pa talaga naka make up pa ako?" reklamo ko. Grabe talaga! pero infairness ganda ko ngayon. Hahaha!. Biglang may kumatok sa pinto at biglang sumilip si Dad. "Hon, di pa ba kayo tapos?malalate na tayo!" sabi ni Dad. "Sige pababa na kami, ang ganda ng Baby ko diba?" sabi ni Mom "Oo kamukha mo talaga siya hon, parehas kayong maganda. hintayin nalang namin kayo sa baba" wika ni Dad.. ________ *Venue* Blake's POV "Ang tagal naman nila. ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako." Reklamo ko. -__- Ano ba kasi gagawin ko dito, pwede naman sila- sila nalang ang magplano, ganun din naman. ikakasal pa din ako. Tss! makapag banyo nga muna. "Mom punta lang ako sa restroom." Paalam ko. Third Person's POV Nakarating na sa venue ang pamilya Kwon. agad na nag paalam si Ice na pupunta lang sa sasakyan kasi naiwan niya yung pouch na dala niya. Habang nasa comfort room naman si Blake, Tinwagan niya si Miggy para sabihin kung anong mga kaganapan sa gathering ng pamilya niya. Nang makalabas na si Blake galing sa restroom, dali- dali siyang pumunta sa dinning table ng kanyang magulang.  Habang papalapit siya ng papalapit tila'y nagtataka ang binata at nalilito siya sa mga nakikita nya. "Yuan? Ano ginagawa mo dito?" Pagtatakang tanong ni Blake Pero ngiti lang ang sinagot ni Yuan sa kanya. "Sorry po hirap kasi hanapin yung pouch sa----" "IKAW?!" "ANO GINAGAWA MO DITO?!" "WAG MO SABIHING----" sabay nilang sabi at nakaturo sa isat isa. "Oh! Magkakilala pala kayo?" Sabi ng mommy ni Yesha "See I told you, Magkakasundo agad sila!" Sabay singit ng mommy ni Blake. "Ano pa hinihintay nyo maupo na kayo dyan!" Sabi ng Daddy ni Blake. Habang pinag-uusapan ng mga magulang nila ang tungkol sa kasal. Sila Blake at Ice ay walang tigil sa pag girian at pagbubulungan. "Bakit ba sa dinami dami ng babae, bakit ikaw pa?" Pabulong niyang sabi kay Yesha "Akala mo naman gusto ko ito! Pagka minamalas ka nga naman. Psh!" Apil ni Yesha "Ano sabi mo? ako malas? sa gwapo kong ito malas? Tss! baka hiniling mo pa nga sa magulang mo na ako nalang ang maging asawa mo, diba?" Sagot niya "Sinasabi ko na nga ba may gusto ka talag sa akin." Dugtong pa niya. "Nababaliw ka na ba? Ako magkakagusto sa mayabang na katulad mo? in your dreams." Sabay irap niya sa binata "At hindi ko ito hiniling sa magulang ko. kung alam ko lang na ikaw edi sana pumatol nalang ako sa aso!" Dugtong din niya. "Aso? So! hinahalintulad mo ako sa aso? Yung ibang babae dyan nagkakandarapa sakin. tapos ako sasabihan mo lang na aso? the f*ck." Pikon na sabi ni Blake "Wala akong sinabing aso ka pero, pwede n rin! hahaha." Sagot ni Yesha at tumawa siya ng tumawa na lalong ikinapikon ni Blake. "Anong sabi mo?" Pagalit niyang sabi. "Ang cute nga eh diba puppy? hehe." "Don't call me that HINDI ako ASO!" Madiin niyang sabi. "EHEM!" Tikhim ng daddy ni Ice. "Nakikinig ba kayong dalawa?!" Sabi naman ng Daddy ni Blake. "Dad, kelangan ko ba talaga magpakasal? At ikaw namam Yuan, may alam ka na pala bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?!" Sabi ni Blake. "Pre, wala ako magawa pag sinabi ko sayo iyan baka magalit ka" wika ni Yuan "Anak alam namin na hindi ito kadali pero sana naman isipin niyo yung mamanahin niyo sa mga lolo niyo." "February 14 ang kasal niyo,  sa isang pastor muna kayo magpapakasal tutal 19 pa lang si Yesha at ikaw din Blake. Kaya pilitin nyo magkasundo" sabi ng Daddy ni Ice. "Ganito na lang, Bibigyan namin kayo ng 1 1/2 year kung hindi niyo matutunang mahalin ang isat isa,  magde-divorce nalang kayo. pero kung matutunan niyong mahalin ang isat isa magpapakasal ulit kayo. malinaw ba sa inyo?" Sabi ng mommy ni Blake "Deal yan mga anak, kaya simula bukas hatid sundo ka na ni Blake para magkakilala kayong mabuti ni Yesha. kami na ang bahala mag-ayos sa kasal niyo." Sabi ng Mommy ni Yesha. "Oh pano balae na tawagan natin?!" sabi ng mommy ni Blake sa magulang ni Yesha. ___________ Kinabukasan.. February 9 Yesha's POV "Hatid sundo ni Blake? may sarili akong sasakyan bakit kelangan ko pa mag pahatid sundo?" Reklamo ko. Naku naman, ano na sasabihin sakin ng mga chakang fans ni Blake, jusko! end of the world na ba kaya pinaparusahan na ako? Biglang may kumatok sa pinto. "Ice andyan na si Blake, lumabas ka na dyan!" sabi ni kuya. "Ayan na pababa na." Sabi ko Tss! araw araw nalang ba masisira araw ko sa lalaking yun? Pagbaba ko nakita ko agad ang pag mumukha niyang nakabusangot. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng makita ako. "Hello! ang tagal mo naman baka ma late pa tayo." "Tita at Tito, mauna na po kami!" Paalam ni Blake sabay ngiti kela Mom at Dad. Hay, Ang plastic niya! -__- ________ Wala kaming imikan habang nasa biyahe kami hanggang sa malapit lapit na kami sa school bigla na lang niya ito iprinero ng malakas kaya nauntog ako sa may dashboard ng kotse. "Aray!" Reklamo ko. "Hoy! makinig ka nga sa akin, huwag mo ipagsasabi yung tungkol sa kasal, at pwede ba huwag kang lalapit sakin pag nasa school tayo. And lastly araw araw dito ka bababa para wala makakita satin. Maliwanag?!" sabi ng mayabang na mukha namang tuta. "Huwag ka feeling! ano kala mo sa akin proud ako na ikaw yung mapapangasawa ko?! nagpapatawa ka ba? At huwag mo ako ma hoy hoy diyan dahil may pangalan ako." Reklamo ko "Bakit gusto ko ba sumabay sayo at makita yang pagmumukha mong mukhang ewan?" Dugtong ko pa. "Ano sabi mo-----" "Argh! dyan ka na nga!" -__- Grabe kapal ng mukha niya. Nang makababa na ako sa kotse ng mayabang na iyon. nagsimula na akong maglakad at bigla niyang iniharurot ng mabilis yung kotse niya bagay na ikinagulat ko kaya lahat ng dala kong libro ay nahulog sa kalsada. Habang pinupulot ko isa isa ang mga libro may isang lalaki na tumulong sakin at pinulot din ang mga libro na naka kalat sa kalsada. Pagka abot niya sakin ng libro, doon ko lang namukhaan kung sino yung tumulong sakin. "Next time mag-iingat ka na." Sabay alis niya din agad. "T-Thank you!" Nauutal kong sabi. Ngiti lang ang sinagot niya at tuluyan na siyang umalis. kyaah! Ang gwapo ni Shawn atleast hindi na nasira ng tuluyan ang araw ko ^__^ ________ Nang nakarating ako sa school, agad naman akong hinatak ng aking mga kaibigan para magpakwento kung ano ang nangyari sa gathering kagabi. "Ang mga kaibigan ko talaga hindi magpapahuli sa balita." Sabi ko nalang sa sarili ko. "Sissy! Ano nangyari sa gathering? Dali na magkwento ka na?" Pag pupumilit ni Era "Sino ang fiancé mo? Gwapo ba? Ano itsura?" Sabi ni Steff na kinikilig pa sabay yugyog sa katawan ko "Sissy ipakilala mo kami sa husband to be mo! Kyahh!" Sabi naman ni Chloe at sabay sabay silang tumili. "Naku huwag niyo nang pangarapin kasi kilala niyo na kung sino siya" sabi ko sabay bugtong hininga. "Don't tell me si Blake nga?" sabi ni Chloe "Geez! It's that true? magiging Mrs. Lim ka na?" Kinikilig na sabi ni Era. "Oo ang malas ko diba? sa dinami dami ng lalaki sa mundo bakit doon pa sa mayabang na iyon." "Pwede naman kay Shawn" Sabi ko na may halong panghihinayang. "Sira! gwapo din naman si Blake para ka ngang nanalo sa lotto!" wika ni Steff. "Nanalo ka dyan, Nalugi kamo!" Sagot ko "Halika na nga magstart na yung class natin need ko pa magreview para sa quiz natin." Dugtong ko pa __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD