bc

Protecting the President's Daughter

book_age16+
2.2K
FOLLOW
11.2K
READ
forbidden
arrogant
drama
sweet
bxg
kicking
disappearance
enimies to lovers
bodyguard
seductive
like
intro-logo
Blurb

[TAGLISH/ONGOING]

In a world of deception, ploys, and betrayal, a forbidden love blossoms between two pawns.

One, a lonely young girl with an influential father. The other, a brave soldier of the law and a puppet of the higher-ups. How will they survive the twists and turns their already chaotic lives turned to just because their fates crossed?

Meet Bellissima 'Bella' Amaryllis Jimenez—the spoiled daughter of the President and Captain Gavin Fieron—a dedicated Captain of the Presidential Security Group. Two completely different people from two completely different walks of life yet somehow became a very compatible couple, fated to a life-long romance. Of course, with a s**t ton of obstacles.

First installment of the [Women of Manila] series.

chap-preview
Free preview
Prologue
[Please note that this scene happened later in the story.]  "Bella Amaryllis Jimenez, the nation's princess, will officially be back home after months of being hospitalized and bedridden overseas, presidential spokesperson Ali De Leon said on a press-briefing earlier today in the Malacañang Palace."  Nasa telebisyon ang mukha ng tinaguriang prinsesa ng bansa habang inilalathala ng isang tagapagbalita ang kasalukuyang balita ukol sa kaniya. Sa harap ng telebisyon ay isang binatang seryosong nakatitig at buhos ang buong atensyon sa ibinabalita. Alertong-alerto ang kaniyang mga tainga at tila ang tanging naririnig lang ay ang boses ng tagapagbalita at ang sinasabi nito.  "She will reportedly land tomorrow at noon, giving us no further details. Meanwhile, the netizens are flooding her with positive messages, with her name even trending on Twitter today with over 100 thousand tweets."  Sunod na ipinakita nito ay ang mga sinasabi ng tao sa iba't ibang social media platform, kung saan karamihan ay natutuwa sa kaniyang pagbabalik. Dahan-dahang napasandal sa inuupuang sofa ang binata, hindi napansin ang maliit na ngiting kumurba sa kaniyang labi.  "Everyone from every part of the nation is celebrating her royal return. Some are even holding feasts in celebration and sending the Malacañang palace gifts for her. The tragic accident a few months ago had shaken the nation and delivered her straight to the ICU, but now that she's back, the sky over the country seemed to have brightened up."  Tahimik niyang tinitigan ang litrato ng babaeng muling ipinakita sa telebisyon, muling kinakabisado ang bawat angulo ng kaniyang mukha, isang bagay na kahit kaila'y hindi niya pagsasawaang gawin. Kung dati'y malapitan at totohanan niya pang matititigan ang mala-diyosa nitong mukha, ngayo'y mukhang hanggang sa telebisyon niya na lang iyon mapagmamasdan. But of course, fate had other plans.  Dagliang bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang magulat sa malalakas na katok mula sa kaniyang pinto, ngunit napabuntonghininga na lang rin nang makita kung sino ang nambubulabog sa kaniya ngayong disoras ng gabi. Tamad siyang tumayo mula sa sofa at pinagbuksan ng pinto ang bisita kuno.  "Gavin, my friend!"  Habang malapad ang ngiti at umaambang yumakap, sinamaan niya ng tingin ang kaibigang laging punong-puno ng enerhiya. Dulot ng nakakapanindig balahibong tingin, mabilis na ibinaba ng kaniyang kaibigan ang mga kamay at nahihiyang kumamot sa batok.  "Sabi ko nga walang yakapan." He awkwardly chuckled, obviously intimidated from his simple gesture. Wyatt, his friend and close comrade, shamelessly entered his condo unit.  "What do you want?"  Pinagmasdan niya si Wyatt nang buksan nito ang ref niya at walang pagdadalawang isip na bumunot ng tubig.  "Painom muna 'ko, pare. Naihi ako kanina noong kausap ko si Commander, eh. Nauhaw tuloy ako," he complained as he chugged a big bottled water.  Kumunot ang noo ni Gavin nang marinigang litaniya ng kaibigan. "The Commander? Why would he talk to you?"  He dramatically placed his hand on his chest as he faked a hurt expression. "Aray naman! Malamang ako kakausapin niya, wala ka eh! 'Di ba ako second-in-command? Utak naman, pare..."  Gavin grabbed a pillow and threw it at him, to which he expertly avoided. Natatawang umupo si Wyatt sa sofa at niyakap ang binato niyang unan.  "Alam mo ba pinag-usapan ka namin..."  Kahit napipikon, umupo si Gavin sa katabing sofa at nagngingitngit ang mga kilay na tumingin sa kaniya. Wyatt, who knows his friend to only open his mouth for necessary purposes, took that as a cue to continue.  "Ang sabi, kailangan ka na raw ulit sa PSG. Balik ka na raw sa dati mong pwesto. Astig 'di ba?!" He excitedly threw him the pillow.  He effortlessly threw it back to him, getting confused even more. "Why?"  Natahimik si Wyatt. Tinitigan muna siya nito, tila may hinahanap sa mata niya bago bumuntong-hininga. "Alam mo naman na balita 'di ba? Babalik na siya?"  Matagal bago pumroseso sa utak ni Gavin ang mangyayari. Ilang sandali siyang natahimik, tinatanggi ang dahilang namumuo sa kaniyang utak, bago niya nakitang tumango-tango si Wyatt, tila alam na ang nasa isip niya.  "Na-assign ulit tayo sa kaniya, pare..." Dahan-dahang batid nito.  Gavin licked his lower lip before he frustratedly combed his hair. "Fuck."  Tahimik siyang pinagmamasdan ni Wyatt, ramdam ang pakikisimpatya nito. Napairap siya at sinamaan ito ng tingin.  "What?!"  He defensively put his hands up. "Naaawa ako sa puso mo, mukhang mapapadalas ulit pagbilis ng t***k niyan," natatawa niyang biro.  "Shut the f**k up."  Ang mahinang pagtawa ni Wyatt ay lumakas nang lumakas, habang lumala rin nang lumala ang inis niya para sa mapang-asar na kaibigan.  "Mukhang mapapadalas ulit cold showers mo, pare." He snorted. "Ayos lang 'yan. Nakapagdahilan naman ako sa Commander kanina, ako pa ba?"  He expectantly looked at Wyatt. "That better not be something scandalous, you motherfuck—"  "Sabi ko wala na sa kondisyon ang katawan mo para sumabak ulit sa matinding misyon—"  Gavin rolled his eyes at Wyatt's lame excuse. He just waved his hand and sighed. "That's f*****g lame. Besides, it's fine. I'm moving on."  Tinaasan siya ng kilay ni Wyatt at duda siyang tinitigan. "Weh? Nakalimutan mo yatang iniyakan mo siya noong isang gabi lang sa bar. 'Wag ako, pare." He hissed at him and threw him another throw pillow.  "Oh, 'wag pikon," he chuckled. "Balik unit captain ka na bukas. Buti naman dahil magtitino na ulit 'yung mga bata sa unit natin, sus. Kapag sa 'kin napaka-aangas tapos sa'yo—"  He ignored his rant and went on to ask. "What's the schedule for tomorrow?"  "Escort the president's daughter."  Napangisi si Wyatt nang makita ang pagbabago sa ekspresyon ng kaibigan. Tumayo siya at natatawang tinapik sa balikat si Gavin.  "Goodluck, pare."  The following day, he was already fully-uniformed, with his pockets equipped with firearms and weapons. Blanko ang mukha niya nang titigan ang sarili sa salamin, inaayos ang kwelyo ng uniporme. Napabuntong-hininga siya nang dumaan sa isip niya ang mukha ng babaeng makikita niya muli ngayon, matapos ng ilang buwang pagkakalipad sa ibang bansa.  After stealing a quick glance at the picture frame on his bedside table, he threw his shades on and left his condo, ready to strengthen the walls around his heart again. This was just like how they first met, but now she probably has more hate than before. She'll probably punch him in the face, like how she gets physical when she's mad, then cry afterward because she's a crybaby.  He has already memorized her, and now when he's trying to forget, he comes back to her—carrying double the pain. Pabigat nang pabigat ang loob ni Gavin habang palapit siya nang palapit sa Malacañang palace kung nasa'n ang kanilang headquarters. He parked outside and met his unit in their quarters, with all of them fully-uniformed as well.  Humahangos na pumila sa tapat niya ang mga kasamahan, ang lahat ay diretsong-diretso ang mga likod, mata, ang mukha, habang nakasaludo sa kaniya.  "Good morning," he simply greeted.  "Good morning, Sir!" They yelled in unison. Napatingin siya kay Wyatt na kabilang sa nasa unahang pila, nakasaludo rin at diretso ang tingin, ngunit may nakasilip na ngiti sa labi.  Gavin nodded, his ears blessed with a title he's never heard for months. Finally, he's back.  "At ease."  Bumaba ang mga saludo nila, at napahingalay ang mga balikat. Sumilip rin ang mga ngiti sa kaniyang ibang mga kasamahan, ang iba'y malapit sa kaniya at nakasama niya na ng ilang taon.  "Welcome back, Captain." Rios tapped his back as he neared the team. Naghiwa-hiwalay na rin ang mga nasa pila kanina para tapusin ang pag-aayos nila. It was still dawn and the president's daughter's plane lands at noon so they have plenty of time to waste.  "Na-miss ka namin, sobrang naging busy kami sa VP nitong mga nakaraang linggo! Grabe, ang aarte!" Exclaimed Diane, the only female in their unit.  "Sobrang sakit ng ulo sa dami ng reklamo! Mas okay pa si Miss Bella—" Napa-igik ang isa pa nilang kasama nang batukan ito ni Rios. Sinamaan siya nito ng tingin bago patagong nginuso ang tahimik na si Gavin.  "Try to read the room." Inirapan ito ni Diane.  "Sorry naman..."  Gavin cleared his throat. "Assemble outside in 5 minutes," he announced then looked at Wyatt. "Where are the cruisers?"  Lumabas silang dalawa at inihanda ang mga sasakyang gagamitin.  "Saan siya?" Wyatt asked.  "She'll go with me, you, Rios, and Diane. We'll be in the middle of the convoy," he coldly replied, ignoring Wyatt's scrutinizing stare.  "Sure ka? Final na 'yan, pare?"  He glared at Wyatt. "Can you stop?"  Napahagikgik siya at umiling-iling. "Nagtatanong lang, eh. Bakit pikon?"  Inignora niya ang maingay na kaibigan at nagpatuloy sa pag-uusisa sa mga gagamiting sasakyan. Nang matapos ang limang minutong pabuya, muling pumila ang unit sa labas ng Malacañang, karamihan ay nakasuot ng shades panangga sa maliwanag na araw.  Gavin stood in front of them, his hands behind him and his eyes surveying each member. "Sub-unit Beta will be deployed five minutes before the rest gets on the road for them to be settled in their locations. Sub-units Alpha, Gamma and Epsilon will travel by land with the president's daughter while sub-unit Delta will be in the helicopter to guard above."  "Copy, Sir!"  He nodded.  "Presidential Security Group Unit A, always remember..." he started, while the rest followed. "Integrity, Service, Excellence!"  He turned his back, putting on his shades as he felt pride warm his heart. Napakasarap balikan ang trabahong nagbigay ng kakaibang saya sa kaniya, kasama ang mga kaibigang nakasama niya sa lahat ng problema at kasiyahan. Now he goes back, to the person that sent him to the different levels of both euphoria and melancholy that he never knew even existed.  He could've pursued his feelings, but he couldn't because a whole country was against them. And even she was unsure of what she feels, so how could he fight when he knows he'll never win? Mabuti at bumalik ang malaking parte ng kaniyang buhay na nawala sa kaniya, ngunit kaakibat ng pagbabalik no'n ay ang mismong taong naglugmok sa kaniya sa ibaba. Will he be able to face her again? After everything that his love for her did to his life? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.9K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

YOU'RE MINE

read
894.4K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

POSSESIVE MINE

read
972.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook