bc

In The Arms of The Cursed Beast (Alphas of Remorse Book 4)

book_age16+
1.1K
FOLLOW
2.5K
READ
alpha
forbidden
fated
dominant
badboy
werewolves
betrayal
witchcraft
supernatural
reckless
like
intro-logo
Blurb

He's the feared stranger in our town, the man who never talked to anyone, the cursed beast they are hunting down.

And I am the stupid girl who fell in love with him and sworn to risk everything I have to help him.

Will my stupidity take me in the hands of the people who wants to kill him?

Or it'll just drag me more in the arms of the cursed beast I can never escape?

****

IN THE ARMS OF THE CURSED BEAST

Alphas of Remorse Series Book 4

Alexander Jace Quinnser of Tyrain's story

Date Started: April 26, 2017

Date Completed: May 18, 2017

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Bumagsak ang mga balikat ko matapos kong paulit-ulit na binasa ang nakasulat sa kapirasong papel na iniwan ni Ynigo sa locker ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Siguro kung wala si Noreen sa tabi ko, kanina pa ako umiyak. "Oh, anong sabi?" Nakahalukipkip niyang tanong at mukhang may ideya na sa laman ng sulat. Tinignan ko siya saka ako pilit na ngumiti. Iniling-iling ko ang ulo ko. "Break na raw kami..." Halos mabasag ang boses ko. Napairap si Noreen saka niya kinamot ang gilid ng kanyang ulo. "'Yan na nga bang sinasabi ko, Shan. Ang bilis mo kasing sinagot hindi ka tuloy sineryoso. Ang kulit mo naman kasi. Bakit ba kasi ang dali mong mahulog sa mga lalake? Kaunting kindat at pa-cute naiinlove ka na." Inis niyang sabi. Hindi ko na lang siya kinibo. Tama naman siya. Kaso hindi ko talaga napipigilan. Ang bilis kong mahulog kapag type ko. Ano bang mali sa akin? Abnormal ba ako kapag gano'n? Madalas akong pagalitan ni Noreen dahil seventeen na raw ako, ang tanga ko pa rin pagdating sa ganitong bagay. "Tara na nga lang, Shan. Ilibre mo na lang ako tutal tama naman ang prediction ko sa lovelife mo."  Untag niya saka hinila ako paalis ng locker room. Hindi na ako umangal. Dumiretso kami sa labas ng school at pumunta sa mga nagtitinda ng fishball. Si Noreen na ang pumili ng sa akin. Nang makabili na kami ng fishball ay naglakad kami pabalik ng campus saka tumambay sa isang bench malapit sa quadrangle. Walang gana ang bawat subo ko sa fishball. Panay ang pagpapakawala ko ng malalalim kong buntong hininga para mapigilan ko ang mga nagbabandya kong luha. Naramdaman ko ang mahinang pagkutos ni Noreen sa ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya ako kaagad ng kilay. "Umayos ka. Kasalanan mo rin, binigay-bigay mo 'yang lintik mong puso alam mo na ngang gago 'yon. Wala kang karapatang umiyak, ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong 'to Shantal Ferriols!" Singhal niya. May laman pang fishball na hindi pa nanguya ang bibig niya. Ngumuso na lang ako at uminom ng palamig. Tama naman si Noreen kahit na harsh siyang magsalita. Hindi siya ang tipo ng kaibigang isusugar-coat ang mga bagay para lang hindi ako masaktan. Ipapamukha niya pa sa akin ang mga mali ko para marealize kong hindi tama ang mga ginagawa ko. Ganoon siyang tao at kabaliktaran niya ako. Hindi ko nga kayang sabihin sa isang taong panget ang suot niya o kung may dumi ba siya sa mukha. "Kapag graduate natin ng senior high, gusto kong pumunta sa Remorse. Balita ko maraming magagandang university doon." Untag ko para maiba ang usapan. Nilunok niya ang laman ng bibig niya saka uminom ng palamig. "Shan, baka nakakalimutan mo ang mga bali-balita tungkol sa ilang syudad doon?" "Alam ko, Noreen pero ewan ko ba. I'm always drawn to that place. Parang may tumatawag sa'kin?" Pilit akong humalakhak. Napailing na lamang siya. "'Yang kabaliwan mo lang 'yon, sira." Tumawa siya at tuluyang nawala sa isip namin ang pakikipag-hiwalay ni Ynigo. "Hindi naman ako naniniwala sa mga kwento-kwento tungkol sa lugar na 'yon. Tignan mo ngang ang daming mayaman doon. Hindi katulad dito sa Himofilia. Nakakasawa na ang mga lugar dito. Hindi mo ba pangarap makaalis dito?" Untag ko saka isinubo ang natitirang fishball sa plastic cup ko. "Pangarap. Pero ayaw kong sa Remorse ako magpunta. Baka mamaya totoo ang mga kwento tungkol sa lugar na 'yon. Imbes na maging singer ako, maging pagkain ako ng halimaw." Tugon niya saka ininom ang kanyang palamig. Isinandal ko ang likod ko sa backrest ng bench saka ko pinagmasdan ang kumukulimlim nang kalangitan. "Basta ako, pupunta talaga ako ro'n kapag nakagraduate na ako. Kukulitin ko sila Papa na doon ako pag-aralin ng college." Nakangisi kong sabi. Napailing na lang si Noreen saka siya umayos ng upo gaya ko. "Goodluck sa bagay na 'yan eh saksakan ng pagiging istrikto ang mga magulang mo. Mahuli ka nga lang ng ilang minuto sa pag-uwi kulang nang magpasearch and rescue operation si Tito Larry." Natatawa niyang sabi. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Kung sabagay, mukha ngang imposibleng payagan ako pero gusto ko pa ring umasa. Inilabas ko ang folder kong may lamang mga pictures ng ilabg lugar sa Remorse. I've always been fascinated with the Magnison's Castle and Crescent's hidden cave in the middle of the forest. Pero ang pinakapaborito ko ay ang light house sa Tyrain. Noon pa man gusto ko nang mapuntahan iyon. Muli kong ibinalik sa bag ko ang folder saka ko inayos ito sa likod ko. Nilingon ko si Noreen. "Tara na, uwi na tayo." Untag ko saka tumayo. Nang tumayo na rin siya ay naglakad na kami papunta sa pinagparadahan ko ng sasakyan ko. Lumang kotse na ito ni Papa at hinayaan na niya akong gamitin 'to para siguradong nasa oras ako laging umuuwi. Wala akong magiging rason para magrasong wala akong masakyan. Malapit lang ang bahay nina Noreen at saktong doon din ang daan ko kaya naman palagi ko na siyang isinasabay. Kumaway siya sa akin bago siya tuluyang pumasok sa gate ng bahay nila. Mahina akong napamura nang makita ang matinding traffic sa downtown na mukhang dahil sa banggaan ng ilang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako. Ibwinelta ko ang sasakyan ko pabalik. Wala na akong choice. Sa kabilang daan na lang ako dadaan kahit na nakakatakot dumaan doon dahil napapaligiran ng kakahuyan ang kalsada. "I'll take you in my arms tonight, just me and you..." Mahina kong sinabayan ang kanta sa radyo habang binabagtas ko ang daan. Dumidilim na at nakakadagdag ang katahimikan ng lugar sa takot ko. Mayamaya'y parang may napansin akong kaluskos sa may kakahuyan. Napahinto ako sa pagkanta at kunot-noo kong pinasadahan ng tingin ang mga puno. Nang wala naman akong nakitang kakaiba ay muli ko na lang itinuon ang tingin ko sa daan pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalakeng nakatayo sa gitna ng daan. Kumalabog ang dibdib ko sa sobrang takot at bigla kong tinapakan ang brake pero huli na. Nakabulagta na ang lalake sa daan. Natataranta akobg lumabas ng sasakyan para daluhan siya. Hawak niya ang kanyang tagiliran habang mariing nakapikit ang kanyang mga mata. Lumuhod ako at hindi alam ang dapat gawin. "A-ayos ka lang ba?" Bigla niyang iminulat ang mga mata niya. Natulala ako nang matitigan ko siya. Medyo natatakpan ng itim na buhok niya sa harap ang mga mata niya pero nakikita ko ang pagiging medyo singkit ng mga ito. Ang tangos at ang ganda rin ng hulma ng ilong niya. Ang ibabang labi niya ay mas makapal kesa sa itaas. Ang kanyang kilay ay hindi makapal pero napakasungit. Para akong nakatitig sa isang supladong anghel... Umawang ang bibig ko at natulala akong lalo. Nabangga ko siya. Siya ang tumilapon pero ako ang tinamaan. Tinamaan sa kanya... Unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. Pilit niyang ibinangon ang katawan niya habang masamang nakatitig sa akin. "The f**k are you still doing?! Help me!" Singhal niya. His baritone voice brought me back to my senses. Napalunok ako at kaagad na tumayo saka ko siya tinulungang tumayo. Halos magwala ang dibdib ko nang mahigpit niyang hawakan ang kamay ko para roon kumuha ng suporta sa pagtayo. Iika-ika siyang naglakad papasok ng sasakyan ko. Pagkasara ko ng pinto sa driver's seat ay ibubwelta ko sana pabalik ng downtown ang sasakyan nang bigla siyang nagsalita. "Saan mo dadalhin ang sasakyan?!" Muntik na akong mapatalon sa takot. Matalim ang tingin niya sa akin ng itim na itim niyang mga mata at ang mga kilay niya ay halos magdugtong na. "Eh'di sa ospital. Saan pa ba?" Untag ko. "No. Don't you fuckin' take me back to that freaking town. Take me at the border." Inis niyang sabi pero nang makitang hindi ako nakakibo ay lalong nagdilim ang ekspresyong nakaguhit sa mukha niya. "NOW!" Sigaw niya. Tuluyan akong napatalon sa upuan ko at nasapo ang dibdib. Diyos ko, aatakihin ako sa puso sa lalakeng 'to. Kung makasigaw dinaig pa ang babaeng may dalaw. Hindi na ako nagsalita. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Habang nasa daan ay napansin ko ang tattoo sa kanang braso niya. Para itong anchor. Bahagyang kumunot ang noo ko. Kung tatantyahin parang dalawa o tatlong taon lang naman ang tanda niya sa'kin pero may tattoo na siya. Halata ring hindi siya taga-rito. May kakaiba sa kanya na hindi ko nakikita sa mga taga-Himofilia. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa tattoo niya ay tinaasan niya ako ng kilay. "The hell are you looking at?" Umirap ako saka sumimangot. Hindi na ako kumibo. Itinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa daan. Nakakabwisit. Siya na ngang tinutulungan, siya pa 'tong may ganang magsuplado. Pagdating ng border ay nauna na siyang bumaba. Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansin ang lakad niya. Diretso na ito na akala mo walang nangyari sa kanya kanina. Sa sobrang pagkagulat ko sa nakikita ay lumabas ako ng sasakyan at sinundan siyang maglakad palabas ng border pero nang mapansin niyang nakasunod ako ay huminto siya at tila galit akong hinarap. "You can leave me here." Seryoso niyang sabi. Hindi ako kumibo. Nagtataka ko lang siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa saka ako humakbang palapit sa kanya hanggang sa tuluyang mawala ang distansyang mayroon kami. Kunot noo kong nilislis ang damit niya dala ng sobrang pagtataka. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking pasang tila unti-unting naghihilom. Nabitiwan ko ang damit niya at kinakabahan akong napaatras palayo sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko nang tignan kong muli ang mukha niya. Ngayon ay makahulugan na ang tinging ipinupukol niya sa akin at may maliit na kurba ang gilid ng kanyang labi. Humalukipkip siya at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Lalong nagwala ang dibdib ko lalo na nang tumama ang likod ng binti ko sa hood ng sasakyan ko. Napalunok ako nang tuluyan siyang nakalapit sa akin hanggang sa tumama na ang kanyang mga tuhod sa mga binti ko. Mas matangkad siya sa akin ng halos isang dangkal kaya nakayuko siya sa akin. Nakakatakot siya kanina no'ng sinusungitan niya ako pero ngayon, mas natatakot ako sa ngising nakaguhit sa mga labi niya at sa makahulugang tinging ipinupukol niya sa takot na takot kong mga mata. "Didn't your parents tell you not to talk to strangers," he murmured. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ID ko. Bumaba ang tingin niya roon at lalong kumurba ang kanyang labi. "Shantal..." Tumaas ang kilay niya at muli niya akong tinitigan sa mga mata. Napalunok ako. Para nang nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa takot lalo na nang hawiin niya ang buhok ko dahilan para maexpose ang aking leeg. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang iyuko niya ang kanyang ulo sa tapat ng aking leeg. "I hate people who medles with somebody else's business, Shantal..." He murmured in a soft voice. His warm breath fanned my bare skin."And the moment you pulled my shirt up, you already medle with my business." He whispered right in front of my ear. Lalong nagwala ang dibdib ko. Para na akong mahihimatay lalo na nang mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. Nanlaki ang mga mata ko at kumawala ang matinis kong sigaw nang maramdaman ang dalawang matulis na bagay na unti-unting bumaon sa balat ko.  Tuluyang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Nang bitiwan niya ako'y halos bumagsak ako sa semento. Pilit akong kumuha ng suporta mula sa sasakyan ko. Takot na takot ko siyang tinignan. Nakakatakot ang galit na titig niya. "W-what are you?!" Garalgal na ang aking boses. Unti-unting lumabas ang kanyang mapuputi at perpektong mga ngipin. Muli siyang humakbang palapit sa akin. Rumagasa ang aking mga luha nang hawakan niya ang baba ko saka niya ako pilit ipinaharap sa kanya. Bumagsak ang tingin niya sa aking mga labi. Mayamaya'y unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa tuluyan niyang nahagkan ang mga labi ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa halik niya at bakit bigla na lang napanatag ang loob ko. Naipikit ko ang mga mata ko at ang mga tuhod ko ay tuluyang nanlambot. Nang maputol ang halik ay nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa aking baba at ang paglapit ng kanyang mukha sa aking tenga. "I'm the cursed beast...and you are now mine."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

NINONG II

read
619.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook