bc

My Boss, His Daddy (Boss Series #1)

book_age16+
20.3K
FOLLOW
162.4K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
second chance
pregnant
CEO
drama
sweet
city
lies
like
intro-logo
Blurb

Hindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam naman niya sa sarili niya niya na may ibubuga rin siya.

Pero lahat ng iyon ay bigla na lamang nagbago ng dumating ang dalawang kalalakihan na ni minsan kahit sa panaginip niya ay hindi niya inakalang darating sa kanya. Paano niya haharapin ang mga panibagong bukas sa kaalaman na hindi na siya nag-iisa? Handa ba siyang harapin ang responsibilidad na naatang sa balikat niya o pabayaan na lamang dahil alam niyang hindi ito sa kanya?

chap-preview
Free preview
BOSS • 1
Alisson took a deep breath before stepping out of the elevator. Hindi niya malaman kung bakit at anong dahilan ng kabang nararamdaman niya sa mga sandaling ito samantalang halos araw-araw naman siyang pumapasok sa opisinang pinagtatrabahuhan niya. She's been a secretary to Mr. Wilson Stanfield for almost three years now. At aaminin niya na sa loob ng tatlong taon na iyon ay kilalang-kilala na niya ang matandang CEO ng kompanyang kanyang pinapasukan. Hindi na ito iba sa kanya kagaya ng hindi na rin siya iba rito. Parang anak siya kung ituring ng matanda kahit pa mayroon naman itong dalawang anak. Minsan pa nga ay hindi maiwasan na pag-isipan siya ng masama ng kanyang mga katrabaho dahil sa pagiging malapit niya sa matanda. Maraming balita at tsismis ang kumakalat na kabit daw siya nito at kaya hindi siya magawang palitan bilang sekretarya nito ay dahil sa may lihim silang relasyon which is not true at all. Ewan ba niya kung saan nagmula ang tsismis na iyon pero mismong si Mr. Stanfield na ang nagsabi sa kanya na huwag na lamang iyong pansinin lalo pa't alam naman niya sa sarili niya na walang katotohanan iyon. "Ateng!" Wala sa sariling napasinghap siya ng malakas dahil sa gulat mula sa pagsulpot na iyon ng katrabaho at kaibigan niyang si Rose. Basta na lamang kasi itong lumabas mula sa kung saan habang binabaybay niya ang pasilyo papunta sa kanyang cubicle. "Ginulat mo na naman ako!" Nangungusong reklamo niya na tinawanan nito sabay ng mahinang paghampas sa kanyang braso. "Sus! Ang sabihin mo, magugulatin ka talaga, Ali." Umasim ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi naman siya natural na magugulatin. Ngayon lang talaga dahil nga kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. "Hindi noh. Baka ikaw. Teka.." She stopped from walking and faced her friend who is now obviously idling about something. "Bakit nandito ka pa? 'Di ba dapat nasa sayong cubicle ka na? Magra-rounds na si Sir." Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita ang ilan pang mga katrabaho na wala pa sa kani-kanilang cubicles. Napahinga siya ng malalim. Paniguradong mapapagalitan na naman ang mga ito ng kanilang boss. "Iyon na nga, ateng. Kaya sinalubong na kita." Kumunot ang noo niya sa boses nitong parang kinikilig na hindi niya mawari. "May good news at bad news ako para sayo. Unahin ko na ang bad news, ha?" Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Bad news, bumaba na sa pwesto si Mr. Stanfield. Good news, iyong gwapong anak niya ang pumalit sa kanyang pwesto. Ang saya 'di ba?" Lumapit ito sa kanya saka niyugyog ang kanyang braso. "Omg ateng! Mas lalo akong gaganahan na magtrabaho kung araw-araw kong makikita 'yung bago nating boss!" Kinikilig pa nitong tili. Samantalang siya sa kabilang banda ay literal na natigilan. Kung bumaba na sa pwesto ang matandang Stanfield, ibig sabihin, wala na siyang trabaho? Napahawak siya sa kanyang sentido dahil sa pagdagsa ng reyalisasyon sa kanya. Ngayon na bago na ang boss nila, malaki talaga ang posibilidad na matanggal siya bilang sekretarya. Bakit biglaan naman yata? Bakit walang nabanggit sa kanya si Mr. Wilson tungkol sa pagbaba nito sa pwesto? Bakit hindi man lamang siya nito inabisuhan para naman nakapaghanda siya at nakapaghanap siya kaagad ng bagong malilipatan na trabaho? "Hoy ateng! Natulala ka na dyan! Hindi ka ba happy?" Umiling lamang siya dito at wala sa sariling nagpatuloy ng paglalakad papunta sa kanyang cubicle. Nang makarating ay nanghihinang napaupo siya sa kanyang silya saka yumukyok sa kanyang working table. Umaga pa lamang pero daig pa niya ang dalawampung beses na nagpabalik-balik sa pag-akyat-baba sa hagdanan. She suddenly felt weak and tired because of that news. "Uy, Ali. Nandito ka na pala?" Nag-angat siya ng tingin ng marinig ang boses ng katrabaho rin niya na si Jiro. "Pinapasabi ni Sir Stanfield na kapag dumating ka raw, pumunta ka kaagad sa opisina niya." Sinong Sir Stanfield kaya? The old one or the young one? "Bakit raw?" The guy shrug his shoulders. He also lean forward at her cubicle. "Hindi ko lang sigurado. Gusto mo ba itanong ko muna?" Automatic na sumama ang tingin niya sa lalaki lalo na ng ngumisi ito sa naging reaksyon niya. "Ha.ha.ha. nakakatawa, Jiro." Kapag ganitong namomroblema na siya sa laki ng posibilidad na mawalan siya ng trabaho, wala siya sa mood na makipagbiruan. He extend his right arm and his hand landed on her cheek as he pinched it lightly. "Ikaw naman, pinapatawa lang kita. Ang seryoso mo masyado. Chill lang, Ali." She shrug off the man's hand as she stood up and walk straight to their boss' office which is just 10 steps away from her cubicle. May ilang minuto na rin yata siyang nakatayo lamang at nakatitig sa pinto ng opisina ng kanyang boss. She's having a second thought if she's going to come in straight or knock first. Hindi niya kasi alam kung sino na ang nasa loob ng kwartong iyon. Kung ang dati ba nilang boss o iyong bago na. "Ali, hindi 'yan bubukas ng mag-isa. Try mo kayang kumatok tapos i-pull down ang lever handle?" Naglagay siya ng note sa kanyang utak na babatukan niya ng sampu mamaya si Jiro sa lakas nitong mang-asar sa kanya. Huminga siya ng malalim bago tuluyang kumatok at itulak ang pinto pabukas. Agad na dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ng opisinang kinaroroonan niya at ang mabango nitong amoy. The room is a spacious and classy one, na hindi mo aakalaing opisina ito. Mas mukhang eleganteng living room ito sa isang napakagarang mansyon. Although the color was a combination of white and maroon, which blended together perfectly, the room was almost half-empty. Hindi dahil sa inalis na ang gamit doon kundi talagang ganoon na ang set-up niyon mula pa ng magsimula siyang magtrabaho dito. A big working table of the CEO, two chairs in front of it, a maroon-striped couch set on the left wing of the room, an electronic entertainment set at the right and a mini-pantry at the outmost left side. Mayroon pa roong isang pinto na hindi niya alam kung para saan dahil ni minsan ay hindi pa niya napapasok iyon sa tagal niyang pagtatrabaho bilang sekretarya sa matandang Stanfield. At mukhang wala na siyang pagkakataon na malaman pa iyon dahil may hinala na siya kung bakit ipinatawag siya kaagad ng kanyang boss. Mukhang maki-kick out na siya at anumang oras ay mapapabilang na siya sa libu-libong jobless sa bansa. "Sir?" She decided to call out the man when she noticed that no one is inside the office. Akala ba niya ay ipinatatawag siya? Nasaan na ito kung gayon? O baka naman hindi talaga? Pinagtripan lang siya ng walang magawa sa buhay na Jiro na iyon? Humanda talaga siya mamaya! Lalabas na sana siya ng bigla namang magbukas iyong pinto na tinutukoy niya at iluwa niyon ang matandang ngayon ay kababakasan ng napakalawak na ngiti sa mukha na para bang ang saya-saya nito sa kung anumang nagaganap. "Oh, there you are, Ms. Rios!" Anito ng mapansin siyang nakatayo malapit sa may pinto. "Kanina ka pa ba dyan?" She smiled at the old man as she shook her head. "Hindi naman po, sir. Kapapasok ko lang din po." Magalang niyang sagot saka naglakad palapit dito. Ng ilang metro na lamang ay tumigil siya sa paglalakad ng mapansin na hindi ito nag-iisa sa kwartong nilabasan nito. Marahang naglakad palabas ang isang matangkad at matipuno ang pangangatawang lalaki, suot ang kulay itim na amerikano, kagaya ng suot ni Mr. Wilson, habang nakapamulsa at diretsong nakatingin sa gawi niya. Her heart began to sank heavily when she met the guy's intense gaze. Pakiramdam niya ay pinanindigan siya ng balahibo sa kanyang batok dahil sa klase ng tingin na ibinabato nito sa kanya sa mga oras na ito. And even she would want to look away, avoid his fiery gaze, she just can't. Parang daig pa niya ang nahipnotismo sa gwapong lalaki, na alam niya at may ideya na siya kung sino. "Well, Ms. Rios, I know you already heard the news about my sudden stepping out as the Stanfield Corp., CEO." She snapped back to reality when she heard the old Stanfield talking. "Y-yes sir. Nabanggit na po sa akin ni Rose." Oh great! Did she just stammer in front of the two Stanfield man? Great. Really. Tumangu-tango naman ang una saka nagmuwestra na mas lumapit pa siya sa kinatatayuan ng mga ito. Atubili man ay lumapit na rin siya kesa naman mapahiya ito sa anak. "So, if that's the case then, I would like you to meet my son, Jade William Stanfield, the new CEO of Stanfield Corp., and your new boss. You'll be working with him from now on, Alisson." Masigla at malawak ang mga ngiting hayag nito na ikinagulat niya. Saglit pa siyang nakatayo lamang doon at nakatingin sa matanda na para bang nagsalita ito ng ibang lenggwahe na hindi niya maintindihan bago siya sunud-sunod na napakurap at nagpapalit-palit ng tingin sa mag-amang ngayon ay nakatingin lamang din sa kanya gamit ang magkaibang ekspresyon. Ang matanda ay nakangiti, samantalang ang anak naman nito ay seryosong nakamasid sa kanya. "Totoo po? Bakit... akala ko... 'Di ba..." She heaved a deep breath to pull herself together before speaking up again. "Akala ko po aalisin niyo na ako sa trabaho. Kasi—" Pumitik ito sa hangin, indikasyon na pinapatigil siya nito sa pagsasalita at sa kung ano pa man ang mga sasabihin niya sana. "Hija, how can I fire someone as responsible and credible like you? As a matter of fact, I referred you to my son because you're the best secretary in town, and we both know that." Napayuko siya doon. She know, she's been praised just now. At nahihiya siya dahil sa mismong dating CEO nanggaling ang mga papuring iyon. "So, that makes me your boss from now on, Ms. Rios." Daig pa niya ang binuhusan ng isang baldeng yelo ng sa wakas ay marinig na ang baritonong boses na pagmamay-ari ng gwapong nilalang na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. Kung gwapo na ang buong kabuuan nito para sa kanya, pati sa boses nito, nagagwapuhan rin siya. The man has a perfect 'adonis type'look. Mula sa mga mata nitong parang nangungusap kung tumingin, ang ilong na animo'y hinulma para sa perpekto nitong tangos at iyong mamula-mula nitong labi na talagang makaagaw pansin. And those stubbles around his jaw that makes him more noticeable and manly. She's just speechless. May ganito pala kaperpektong mukha ng nilalang? Iyong tipong kahit balbas-sarado siya, ang linis pa rin niyang tingnan. Kagalang-galang pa rin, kumbaga. Hindi kagaya niyong mga kapit-bahay niyang ang lakas maka-balbas, mukha namang mga mandurugas. "Y-yes sir. Congratulations and welcome." She said while composing herself to her normal act. Bahagya lang itong tumango sa kanya saka agad na nagbaling ng tingin sa amang hindi pa rin mapuknat-puknat ang ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Dad? Still not moving yet? Mom's waiting outside." Doon lang ito parang natauhan. "Oo nga pala! Wiliana is outside." The old man look at her again. "Alisson, ikaw na ang bahala dito sa anak ko." Bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat. She nod at the old man as she gave him a smile of assurance. Mabilis rin itong lumabas at nawala sa kanyang paningin. At ng mapagtanto niya na sila na lamang dalawa ng bago niyang boss ang nandito sa loob ng malawak na opisina ay dinagsa siya ng libong kaba sa kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan. Maybe because his strong presence is enough to make her system in panic? Or she's attracted to him the moment she laid an eye at him inside that room? She cleared her throat to ease the growing awkward ambiance between them. Nakatingin lang kasi ito sa kanya na para bang ang lalim ng iniisip. "Uhh sir? Mauna na po ako. If you need anything, there's an intercom on your table connected to mine. Just press it, and i'll be here right away." Bahagya siyang yumukod tanda ng pagbibigay-galang dito bago tumalikod at nag-umpisa ng maglakad patungo sa pinto. "Alisson, I want you and all the staffs inside the conference room in five minutes. That's my first order." Napapikit siya kasabay ng paglabi sa naging utos na iyon ng lalak i. Why did she even expect that this guy is a nice one? Ilang beses na niya itong nakasalamuha noon at wala pa rin itong pinagbago. He's the same rude Jade William Stanfield she knew. And she knew, right there and then, her job will be as tough as she could imagine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Payment of Debt

read
88.1K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.2K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
425.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.3K
bc

The Sex Web

read
133.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook