bc

Husband For Hire Series: Peyton "Penny" Wise - The Commander Cash

book_age16+
1.5K
FOLLOW
6.5K
READ
contract marriage
dare to love and hate
CEO
comedy
sweet
transgender
humorous
lighthearted
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

(Tagalog/Taglish)

Chase Santos or famously known as Cherry, a sophisticated transwoman-- who's living an almost-perfect life with fame, wealth, numerous beauty pageant titles, and the supportive family and friends -- finally being pressured to aim for one thing she doesn't have. A stable love life.

She doesn’t want to be attached with someone again knowing her previous relationships she's been into.

And after a not so fruitful event her best friend s***h manager dragged her with, her will to take on the pressure her family and friends is giving her boosted because of the guy he met on that event. She needs to find a bogus husband in order to satisfy her peers.

Peyton “Penny” Wise, a transphobic CPA-Lawyer who's an heir of a big company. Without a choice, he reluctantly entered in to a contract with a total opposite of his preference.

And out of the blue, they will secretly fall for each other. How long does it take to suppress their sensual desires during the contract? Which one will they choose: the contract's terms or love?

chap-preview
Free preview
01
"For any reason, the new Miss Universe Queen cannot fulfill her duties, the first runner up will take over," the male pageant host said alongside with a suspenseful background music. Panandaliang tumahimik ang host na mas nagpakaba sa lahat ng taong nanunuod. Muli itong tumingin sa dalawang transgender woman na magkahawak ang mga kamay sa isa't-isa habang magkaharap. Both girls were smiling and moving their mouths as they congratulate themselves. No one knew who will clench the crown in this edition of the pageant. The last two standing were the girls to beat ever since the arrivals. At ngayon, sila nga ang natirang nakatayo sa gitna ng stage, naghihintay sa pinakahihintay nilang lahat na resulta. Either of them is fit for the crown. Pareho nilang pinamalas ang angking galing sa pagrampa, sa pagsagot at sa iba pang segment ng naturang patimpalak. The host checked the card in his hand again, double checking it before he moved the microphone closer to his mouth. He took a deep breath. "And your new Miss Universe Queen is..." Yumuko ang dalawang babae. Humigpit ang paghawak nila sa kanilang mga kamay kasabay ng malalalim na paghinga. "...is Miss Philippines! Cherry Santos from the Philippines is our new Miss Universe Queen," malakas at masiglang anunsyo ng host. Napatakip ng bibig si Cherry gamit ang dalawa niyang kamay. Ang kanyang mga mata ay nagsimula na ring lumawa ng luha ng kasiyahan. Naiiyak siya sa labis na kaligayahan na kanyang nakamit. It was her long-time dream - to be an international beauty pageant title holder. Although it was her dream to be an international title holder, never in her wildest dreams did it cross her mind that she would be one of the winners of the biggest and prestigious international pageant for transgender women like her. She's already contented to represent the Philippines in the said competition. Hindi alam ni Cherry kung ano ang magiging reaksiyon niya. She just simply stood on her spot. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pagyakap sa kanya ng kanyang first runner up na galing Thailand. It was a tight and genuine hug. There's no bitterness from the other contestant. Sa katunayan ay masaya rin ito na siya ang nanalo. "Congratulations, Cherry! You deserve it," bulong nito kay Cherry na hanggang ngayon ay hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Humagulgol lalo si Cherry sa kanyang narinig. The whole winning thing still didn't sink in to her. She's too overwhelmed to comprehend. "Thank you!" Cherry wiped the tears running on her cheeks. Ilang saglit pa ay kumalas na din ito sa pagyakap. Kasunod nito ang paglapit sa kanya ng outgoing queen sa naturang patimpalak. Sinuot sa kanya ang sash at binigyan siya nito ng isang malaking bouquet ng sariwa at magagandang bulaklak. Nang naayos na ang pagkakasabit ng sash sa balikat siya ay pumunta sa likod niya ito. Napapikit si Cherry nang ipatong na sa kanyang ulo ang korona. Finally, her dream came true. Ang makapagsuot ng international beauty pageant crown. Pagkatapos ay niyakap din siya ng sinundan niyang title holder, binati at bineso. "You may now take your first walk as the new Miss Universe Queen, Miss Philippines," the host said right after the outgoing queen exited gracefully. Sighing, Cherry stopped the video she was watching for the nth time. Nilingon niya ang cabinet kung saan nakalagay at naka-display ang napanalunan niyang sash at korona. Halos mag-iisang taon na simula nang siya ay manalo. And in three days, she will pass her national title to the new queen who will represent the Philippines on this year's edition of Miss Universe Queen. At sa loob ng apat ng buwan ay ipapasa na rin niya ang international title niya. "Ilang beses mo na na pinanuod ang crowning moment mo, Che?" tanong ng bagong sulpot na kaibigan niyang si Carlos. "Hindi ka pa rin nagsasawa na panuorin 'yan," dagdag pa nito. Umupo ito sa tabi niya. "Malamang hindi. Papanuorin ko ba ulit kung nagsasawa na ako? At saka alam mo naman na matagal ko rin itong pinangarap at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakamit ko ito," sagot ni Cherry dito. Nginitian niya ito at ang kanyang mga mata ay tila nakikita ang mga magagandang pangyayari sa nakalipas na taon sa kanyang buhay. "Ayan na naman 'yang tingin mo na 'yan, Che," komento ni Carlos. Tumayo ito at kinuha ang bag sa isang upuan na naglalaman ng mga gamit ni Cherry. "Tama na iyan, Cherry. Mali-late na tayo sa rehearsals. We must be there ahead of time. Tandaan mo ikaw ang reigning queen. You must be responsible with your actions and be a role model to the contestants and aspiring beauty queens just like you before," Carlos reminded. "Oo na. Ito na nga tatayo na ako," reklamo ni Cherry. Tumayo na rin siya't sinundan sa paglabas ang kaibigan niyang si Carlos. Naging natural na sa kanya ang maglakad na tila sasabak palagi sa intablado - graceful and sophisticated. Simula nang mag-training siya upang makamit ang national title ay hindi na nabago pa ang paglalakad niya. Tila isa na talaga siyang royalty. Halata sa mga galaw at kilos niya ang resulta ng ilang taong pagsasanay niya. She wasn't walking like this when she was still in her teenage years. "Kahit kailan talaga, ang bagal mo kumilos kung hindi kita binabantayan," ani Carlos nang makasakay na si Cherry sa kotse nito. Tinawanan lang ito ni Cherry. Wala naman siyang masasabi rito dahil ito ang totoo. Carlos is her best friend since they were kids. Ito na rin ang nagsilbing manager and personal assistant niya sa mga ganap niya bilang beauty queen dahil ito ang nakakakilala talaga sa kanya at may tiwala siya rito. Kahit saan man siya magpunta lalo na kung mga events ay kasama niya ito. Naging tahimik ang sampung minuto habang tinatahak nila ang daan patungo sa venue ng rehearsals para sa final coronation night. Tulalang nakatingin sa daan si Cherry. She still doesn’t have any plans once her reign finishes. It's like she already got what she really needed in life. She shrugged the thoughts away from her mind. Hindi pa niya dapat ito iniisip. She still have months left before she passes her title to another queen. Mas mabuti na isipin niya ito sa oras na naipasa na niya ang titulo. For now, she'll just enjoy what she has. "Alright. We're here, Che. Mauna ka na sa loob. I'll just park the car," ang pagkuha ng pansin na sambit ni Carlos kay Cherry. Agad na sinabit ni Cherry sa kanyang braso ang paborito niyang tote bag. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat kung saan siya nakaupo. Tiningnan niya si Carlos. "Sumunod ka agad sa loob. Mababatukan talaga kita kapag nakipagladian ka na naman sa oras ng trabaho," paalala niya. Akmang isasara na niya ang pinto nang magsalita si Carlos. "Nagseselos ka na naman," maloko nitong habol. "Asa ka naman. Kapatid lang tingin ko sa 'yo and you're not my type. Yuck," Cherry emphasized the last words like she's really disgusted with him. Ngunit, sa totoo, may ipagmamayabang din naman ang matalik niyang kaibigan pagdating sa hitsura. Malakas din ang s*x appeal nito kung kaya ay marami ring nagkakagusto rito. Pero wala pa siyang nababalitaan at naririnig na naging karelasyon nito, o magaling lang itong magtago. May mga pagkakataon pa nga na napagkakamalan sila na may relasyon sila sa isa't isa. Well, mayroon naman talaga. They're best of friends, almost like real siblings, but there's nothing more than that. Klaro ito sa pagitan nilang dalawa. Malakas na sinara agad ni Cherry ang pinto matapos niya itong sagutin. She stood regally with her eyes looking on the way she'll take. She, then, walked like nothing happened between them, never turning her head behind her. Narinig na lamang niya na umandar na ang sasakyan habang naglalakad siya sa sementadong walkway patungo sa malaking pinto na gawa sa salamin. Pagkapasok pa lamang niya ay inasikaso agad siya ng mga staff na nakatuka sa kanya. Pinaupo sa isang stool na nakaharap sa salamin na napapalibutan ng mga ilaw sa gilid. Cherry was only wearing light makeup, almost nothing to the point that it looks bare. Hindi na siya nag-abala sa pag-aayos ng sarili dahil may mga make-up artists naman na tutulong sa kanya pagdating niya rito. At ito nga ang ginagawa sa kanya ngayon. Kahit hindi na siya magsuot pa ng kolorete sa mukha ay stand out pa rin siya. She can turn heads in no time and effortlessly. Walang damit na hindi babagay sa kanya dahil nadadala niya ito ng maayos. Idagdag pa ang malakas niyang dating at magandang hugis ng katawan niya. Walang kahit na anong bahid ng p*********i ang katawan niya. It was just a matter of minutes when the make-up artist and hairstylist had finished their job with her. Pinatawag na siya sa backstage upang maghanda sa part niya. Even though it was just a rehearsal, she needed to look perfect in any way possible. Sa lahat ng events ay dapat presentable siya. Sakto ang pagdating ni Carlos sa loob ng silid nang patayo na si Cherry. "Ang tagal mo naman, Carlos. Nakipagladian ka na naman, ano?" "Hindi, ah. Sadyang nahirapan lang ako humanap ng space. Halos occupied na kasi lahat at may naka-park na sa usual spot kung saan ko pinaparada ang kotse," hinahabol ang hininga na pagpapaliwanag ni Carlos. Halata sa galaw ng balikat at dibdib nito na nagmamadali ito. For a second, Cherry gave him a scrutinizing look, examining him if he's telling the truth. "Okay. Sabi mo, eh," kibit ang balikat na sabi ni Cherry. Then, she handed him her bag. Alam na nito ang gagawin kung kaya't tinanggap nito ito nang walang pagtatanong. At sabay sila na naglakad palabas ng naturang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.5K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook