Hero Ng Buhay

1098 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- "Uhu! Uhu! Uhu!" ang pag-uubo ko at pagsusuka noong nanumbalik muli ang aking malay. Nasa aplaya na ako, nakatihaya, habol-habol pa ang paghinga. At ang di ko inaasahang bumulaga sa aking mga mata ay si Rigor. Wala siyang damit pang-itaas at ang suot niyang shorts ay basang-basa. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. Nasa harap ko ang taong hinahanap ko at siya pa itong naging tagapagligtas ng buhay ko. Pakiramdam ko tuloy ay lalong sumikip ang aking dibdib, hindi makatingin sa kanya sa sobrang hiya. "O-ok ka na?" ang tanong niya, kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pag-alala. Tumango lang ako sabay balikwas at naupo sa batuhan, nakayuko dahil sa magkahalong sakit ng ilong, lalamunan, tiyan, at pagkahilo. Hindi pa rin ako makapagsalita, naalipin pa ng sobrang nerbiyos ang buo kong katawan sa nangyari, dagdagan pa na hayun, ang mismong taong dahilan pa ng pagkaturete ng utak ko ay siya pa palang nagligtas sa akin. Parang pinaglaruan ba ako ng pagkakataon. Nilunod muna ako at pagkatapos, ipinakita na sa akin ang taong hinahanap-hanap ko. Kakaasar! "Magbihis ka!" sambit niya habang inihagis sa akin ang aking shorts, t-shirt at brief na pinulot niya sa batuhang parte ng aplaya. Dali-dali akong tumayo at tumalikod, isinuot ang aking damit. At noong maisuot ko na ito nakita kong naglakad na pala siya patungo sa direksyon ng bahay kubo na nasa di kalayuan lang. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad na parang walang seryosong nangyari. Inaayos niya ang mga niyog na nagkalat sa harap ng kubo. Sumunod ako at naupo sa isang bangko na gawa ng kawayan, nakaharap sa kanya. "S-salamat ha?" ang may pag-aalangan kong sabi. "Kung hindi dahil sa iyo, tuluyan na akong nalunod." "Ok lang iyon. Kahit papaano nalaman kong marunong ka rin palang magsalita." Ang may halong pang-aasar niyang sagot. Napangiti ako ng hilaw. "Marunong naman talaga akong magsalita e." ang sagot kong may bahid napagkairita. "Oo naman. Narinig ko na e. Pero ngayon ko lang nalaman. Kung hindi ka pa nalunod, hindi ko malaman na nakakapagsalita ka pala." Napa-"Amff!" naman ako sa narinig. Feeling ko kasi, may galit o tampo siya sa akin. "N-nahihiya ako sa iyo e..." pag-aalangan kong pag-amin. "Hah???" ang expression niya, nagulat. "Nahihiya ka sa akin? Sa hitsura at katayuan mong iyan? Nahihiya ka pa sa akin?" sabay tawa na parang nang-aasar. "T-totoo tol... nahihiya talaga ako sa iyo." "Sa akin talaga? Sa katayuan kong ito? Ako pa nga itong dapat mahiya sa iyo eh. Kasi..." napahinto siya sandali na parang may bahid na lungkot sa kanyang mukha "...mas nakakaangat kayo sa buhay, gwapo ka naman, at higit sa lahat, palaging nangunguna ang pangalan sa honor's list sa school. Samantalang ako, heto, tingnan mo, kumakayod, mahirap pa sa daga ang pamilya, at higit sa lahat, puro katarantaduhan ang laman ng bungo." Dugtong niya at natawa rin sa huli niyang sinabi. Natawa na rin ako. "Woi, sobra ka naman. Pinababa mo masyado ang sarili mo." Ang sagot ko. Idugtong ko pa sanang "Ang gwapo-gwapo mo nga e, maraming nagka-crush sa iyo d'yan..." Ngunit hindi ko na itinuloy ito. Baka maging obvious na. "Totoo naman e. Kung ikaw nga, nahihiya pa sa ganyan, paano na lang ako? Di ba? E, kung ganoon, dapat pala hindi kita kikibuin, nakakahiya kasi." "Sabagay, may punto siya" sa isip ko lang. Kaya ang naisagot ko na lang ay, "S-sige na nga, hindi na ako mahihiya pa sa iyo." Kitang-kita ko naman ang biglang pagsaya sa mukha nya. "Hayan... dapat ganyan! Para ako, mabuhayan din ng loob!" Napangiti na lang ako. Kinikilig ba. Inspired... "At sa susunod huwag kang maligo sa parteng iyan kapag wala kang kasama at lalo na't hindi ka pala marunong lumangoy!" "Opo." ang sagot ko. Parang unti-unting nawala na ang hiya ko sa kanya. "Ang sarap pala niyang kausap" sa isip ko lang. "At kung gusto mo, turuan pa kitang lumangoy e..." "T-talaga? Sige, gusto ko iyan, tol!" "Sige, i-schedule natin iyan at may trabaho pa ako e. Sige tol, at may aakyatin pa akong mga puno ha? Iwanan muna kita dito. Hintayin mo ako?" Tanong niya na para bang ayaw din niyang iwanan ko siya. "S-sandali. Gusto mong ikukuha kita ng shorts sa bahay, ibigay ko sa iyo upang tuyong shorts na ang maisusuot mo?" "Huwag na tol! Nakakahiya! Dito ka na lang, hintayin mo akong matapos sa pag-akyat." "Anong nakakahiya? Kulang pa iyan sa ginawa mong pagsagip sa buhay ko. Ikaw ang hero ko tol..." "Hahahaha! Hero pa talaga. Sige na nga, bahala ka!" At iyon, umuwi akong naalipin ang utak sa sobrang kaligayahan. Kumuha ako ng short pants at nagdala na rin ng t-shirt, at sinamahan pa ng brief. Sobrang tuwa ni Rigor noong makita ng dala ko. Noong madukot na niya mula sa plastic ang mga ito, sinusuri pa niya ng maigi. "Salamat talaga ng marami tol... tamang-tama, dala-dalawa na lang ang natitirang shorts ko, pareho pang butas-butas. Atsaka sa t-shirt na rin, puro luma na kasi ang mga t-shirts ko. Thank you tol!" sambit niya na halos abot-tainga ang ngiti. "Mayroon pa d'yan sa loob ng plastic." Sabi ko noong hindi niya napansin ang brief. Kaya sinilip niya muli at noong makita ang isang brief, tawa siya ng tawa. "Dalawa na ang brief ko! Yeheeyyy!" sigaw niya. "Huh! Isa lang ang brief mo?" ang gulat kong tanong. "Oo tol. May araw na wala, may araw na mayroon" sabay tawa ng malakas. "Ngayon nga, wala e. Bukas pa ako magbi-brief!" "Hahahahahaha!" sabay kaming nagtatawanan. Ewan. Malisyosong bagay tuloy ang naglaro sa utak ko sa sinabi niyang iyon. Nakiliti, nalibugan. Pero syempre, hindi ako nagpahalata. Sa buong araw na iyon, halos hindi na kami maawat sa pagkukwentuhan. At habang ginagawa niya ang pag-aakyat ng niyog, ako naman sa baba ang taga-kolekta ng mga nailaglag nang bunga. Sobrang saya ko sa tagpo naming iyon. Iyon ang simula ng pagkakaibigan namin ni Rigor. Hindi lang magkaibigan, naging mag-best friends pa. Masasabi kong swak na swak kami sa isa't-isa. Tama nga siguro ang sinabi nilang opposite poles attract. Mahiyain ako; siya ay madaldal ngunit kapag siya ang kasama ko, nawawala ang pagkamahiyain ko. Sa klase, maganda ang performance ko samantalang siya ay medyo mahina. Ngunit sa aking pagto-tutor sa kanya, umangat ang mga grades niya. Sobrang naging close kami sa isa't-isa at walang araw na hindi kami magkasama; sa eskwelahan, sa paliligo, sa pag-aakyat niya ng niyog, kahit saan. At lahat ng bagay ay sini-share namin sa isa't-isa; pagkain, baon, kahit ano. At ang isang bagay na hindi ko malimutan ay ang pagturo niya sa akin ng paglangoy. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD