EPISODE 1 AND 2

2521 Words
#ThatGuy EPISODE 1     “Ma… alis na ho ako…” pagpapaalam ko kay Mama sabay halik sa kanyang cheeks. Hindi ko maitatanggi na may pagka-mama’s boy ako at hindi ko rin naman iyon ikinakahiya.     Napatingin sa akin si Mama habang nakaupo ito sa sofa dito sa living room ng may kalakihan naming bahay na hanggang ikalawang palapag at kumpleto sa gamit. Napangiti ito.     “Ingat ka anak… Oo nga pala, pinapasabi ng papa mo na bukas na raw niya ibibigay ang allowance for next week…”     Napatango na lamang ako sabay tipid na ngiti. Si Papa talaga, hanggang Sabado ba naman, nagtatrabaho pa rin? Mabuti pa si Mama, weekends ay nandito na siya sa bahay at nagpapahinga hindi kagaya noon na katulad ni Papa, at siyempre, masaya ako dahil nakakasama ko siya pero si papa, tuwing linggo na nga lang nandito sa bahay at nakakasama dahil sa busy rin sa trabaho, minsan pa ay pumapasok pa rin ito kapag linggo. Ganun kasipag si Papa kahit na may mga tao naman kami para magbantay at humalili sa mga trabaho nila Mama at papa ay hindi pa rin nila pinapabayaan ang negosyo.     Pagkalabas ko ng bahay, sandaling huminto muna ako at tumayo ng tuwid sabay langhap ng sariwang hangin. Sariwa ang hangin rito sa amin dahil na rin sa napapalibutan kami ng mga puno’t-halaman na itinanim mismo ni Mama nung mga panahong nagpahinga siya ng matagal sa trabaho. Sa ngayon, may hardinero kami na nagngangalang Fred na siyang nag-aalaga sa mga halaman ni Mama.     Pagkatapos kong lumanghap ng sariwang hangin, nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa garage ng bahay namin, kaagad kong pinuntahan si Baby M. Pangalan ‘yan ng motor ko. Siyempre, kailangan na may pangalan ito dahil bukod kay Hellsea, si Baby M ang isa sa baby na inaalagaan ko. May katagalan na rin ang motor kong ito kaya marami na rin kaming pinagsamahan kaya naman may sentimental value na rin sa akin ito. Ito kaya ang kauna-unahan kong nabili mula sa ipon ko habang nag-aaral ako.     Kaagad kong sinakyan si Baby M at pinaandar ang makina. Sinuot ko ang helmet ko, Inayos ko rin muna ang pagkakasukbit ng maliit kong bagpack sa aking balikat at ang uniform ko bago pinatakbo ang motor ko papuntang eskwelahan na medyo malayo-layo rin dito. - - - - - - - -- - - - - - -   Kaagad ko nang inihinto ang takbo ni Baby M ng makarating ako rito sa parking lot ng school ng biglang makarinig naman ako ng tila umuubo sa bandang likruran ko kaya napatingin naman ako. Nakita ko lang naman sa hindi kalayuan nang hinintuan ko ang lalaking kinaiinisan ko na mukhang naubo yata dahil sa usok na nanggagaling kay Baby M. Bahagya akong natawa dahil sa nakita kong itsura niya. Pinatay ko muna ang makina ng motor saka bumaba mula roon. Tinanggal ang helmet na suot ko at inilagay sa compartment ng motor ko bago ako muli tumingin kay Timothy na medyo hindi na umuubo.     “Ano? Masarap bang makalanghap ng usok?” maangas kong tanong kay Timothy.     Tumingin sa akin si Timothy. Inayos nito ang salamin sa suot. Alam ko naman na kilala niya ako.     Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang sa akin na tila parang may kinakabisadong kung ano sa mukha ko.     Patuloy lamang itong nakatingin… mali… titig sa akin. Nakipagtitigan na rin ako sa kanya. Nanghahamon ang tingin ko pero iyong tingin niya, hindi ko maintidihan. Basta, iyong tingin niya kasi, parang wala kang emosyon na makikita. Pero aminado ako na nagandahan ako sa mga mata niya. Black na black kasi at parang palaging naluluha dahil ang shiny. Basta ganun.     Gwapo nga ang mokong pero mas gwapo pa rin ako. Maikli ang gupit ng buhok na undercut at itim na itim ang kulay na bumagay sa pagiging mestiso nito. Chinito ang mga mata, may katangusan ang ilong, at may kanipisan ang mamula-mulang labi. Kung titingnan mo ito, para itong isang koreano pero sa tingin ko, wala naman itong lahing koreano.     At ewan ko sa sarili ko kung bakit… ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Ewan ko kung bakit parang mayroon akong naramdamang kakaiba sa pakikipagtitigan sa kanya. Ewan ko talaga, hindi ko maintindihan dahil alam ko naman sa sarili ko na kaya  ko siya pero… ah basta!     “Sa susunod pare… palinisan mo naman ang tambusto ng motor mo… Mabuti na lang at wala akong hika dahil kung meron man… baka naging mamamatay tao ka na…” narinig kong sabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakita ko siyang naglalakad na palapit… ay hindi pala, naglalakad siya patungo sa direksyon ko ng hindi man lang tumingin sa akin at nilagpasan lang ako. Wow! May pagkamaangas pala ang nerd na iyon?   Pero bakit ba siya ganun magsalita? Laging ang hinahon, iyong tipong kahit galit na yata ito eh napakahinahon magsalita. Hay! Bakit pati ba iyon eh iniisip ko pa? Nakakainis talaga ang gagong iyon!   - - - - - - - -- - - - -     Hay! Ang boring talagang magturo ng professor na ito… Tsk! Tsk! Tsk!     Kasalukuyan akong nakaupo ng nakadekwatro sa loob ng classroom habang matiyaga kong pinapakinggan ang pinagsasabi ng boring kong professor sa Finance. Wala eh, kailangan makinig kahit na ayaw ko.     Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin kay Nerdy Timothy na seatmate ko. Tingnan mo itong taong ito, talagang kinig na kinig sa pinagsasabi ng prof. Hay! Mabuti pa siya at kahit papaano’y mukhang natututo siya.     Napatingin rin ako kay Hellsea na nasa ikatlong row ang upuan, sa bandang dulo. At nakaramdam ako ng inis. Imbes kasi na kay Prof na lang nakatingin si Beloved Hellsea, o di kaya ay sa akin… kay Timothy ito nakatingin at parang nagtwitwinkle pa ang mga mata. Napapailing na lang ako. Pucha talaga, inlove na inlove talaga ang taong mahal ko kay Timothy nerdy!     Muli akong napatingin kay Timothy the nerdy s***h genius looking s***h… ah tama na. Isang tanong ngayon ang naglalaro sa isipan ko na ewan ko kung gusto kong mabigyan ng kasagutan lalo na’t may kinalaman ang tanong kong ito sa bwisit na lalaking ito.     ‘Ano bang meron kang gago ka at napahulog mo sayo ang babaeng mahal ko?’   -END OF EPISODE 1-   #ThatGuy EPISODE 2     “I’m sorry...” malungkot na sambit ni Timothy habang nasa harapan niya at nakatayo ang mangiyak-mangiyak na si Hellsea. Kakatapos na naman nitong magtapat ng pag-ibig para rito na ilang beses na nitong ginawa. Narito sila sa tagong parte ng unibersidad.     Napabuntong-hininga si Timothy at tinitigan sa mga mata si Hellsea.     “Alam ng Diyos kung ilang beses kong sinubukan… Sinubukan na mahulog sayo at mahalin ka… pero… nabigo ako…”     “Bakit? Bakit ba kasi hindi mo magawang mahulog sa akin gaya ng pagkahulog ko sayo ng todo? Bakit ba kasi hindi mo ako magawang mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo? Lahat naman… ginawa ko… kulang na nga lang yata tumulay ako sa alambre, lumangoy ako sa pacific ocean o tumawid ako sa naglalagablab na apoy para mapatunayan sayo kung gaano kita kamahal…” tuluyan ng naiyak si Hellsea. Sa tuwing magtatapat siya kay Timothy, walang nagbago, lagi pa rin siyang nasasaktan. Ewan nga ba niya kung bakit sa kabila ng pagtanggi nito lagi sa pag-ibig niya sa tuwing magtatapat siya ay patuloy pa rin niya itong minamahal. Ewan ba niya sa puso niya, baliw na yata gaya niya.     Napayuko si Timothy. “I’m sorry…” malungkot na namang sabi nito. “Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mahulog sayo at mahalin ka… Ewan ko ba sa sarili ko… Maganda ka naman… Mabait… at higit sa lahat… mahal na mahal ako pero…” sabi pa nito at napabuntong-hininga. “Again… for the nth time… I’m sorry for hurting you like I always did… kahit na hindi ko naman sinasadya na saktan ka dahil ayoko naman talaga na nasasaktan ka pero… nagagawa ko pa rin… I’m sorry…”     Napatigil sa pagsasalita si Timothy ng maramdaman na lamang niyang idinampi ni Hellsea ang labi nito sa kanyang labi. Ramdam na ramdam nito ang lambot ng may kanipisan at mamula-mulang labi ni Hellsea.     Hindi gumalaw si Timothy kahit na pilit na iginagalaw ni Hellsea ang labi nito sa pamamagitan ng paghalik niya.     Bumitaw sa halik si Hellsea. Patuloy na lumuluha.     Tumitig si Timothy kay Hellsea. Puno ng awa para sa dalaga ang mga mata nito.     “I see you as a woman… a beautiful woman indeed… but…”     “You don’t see me as your love? Is that what you want to say…right?” madamdaming sabi ni Hellsea na patuloy na lumuluha.     Napaiwas ng tingin si Timothy. Ilang beses na niyang nasaktan si Hellsea ng hindi niya kagustuhan pero anong magagawa niya? Kahit na ayaw niyang masaktan ito ay wala naman siyang magagawa kundi ang masaktan ito sa pamamagitan ng pagtanggi niya sa inaalay nitong pag-ibig. Ayaw naman niyang i-grab ito gayung wala naman siyang nararamdaman para rito. Hindi siya iyong tipo ng tao na paasa… hindi siya iyong taong gagamitin niya iyong nararamdaman nung tao para sa kanya para sa pansarili niyang interes. Hindi siya ganung klase ng tao kaya mas nanaisin niya pang masaktan ito kesa naman paulit-ulit itong umasa sa kanya gayung wala namang patutunguhan ang lahat.     “I’m sorry Hellsea…”     “Please Timothy… give me a chance to prove my greatest love for you… I will do anything and everything just to make you fall in love with me… Kahit na ano, kahit na gaano katagal… basta magawa ko lang ang lahat… na mahalin mo rin ako… Please Timothy…” madamdaming sabi ni Hellsea sabay hawak sa kanang kamay ni Timothy.       Para akong nanunuod ng isang teleserye habang nakatayo ako rito malapit sa kinalulugaran nila. Napapakuyom ang magkabila kong kamao habang galit na galit akong nakatingin kay Timothy. Narinig ko ang lahat at sa totoo lang, magkahalong sakit at galit ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi hindi niya matanggap si Hellsea? Bakit ba kasi hindi nito magawang mahalin ang minamahal ko na ngayon ay nakikita kong nasasaktan ng dahil sa kanya? Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat, ay iyong nakikita kong nasasaktan si Hellsea dahil mas doble ang sakit na bumabalik sa akin.     Kahit papaano naman kasi ay natatanggap ko na sa sarili ko na kailanman ay hindi ako magagawang mahalin ni Hellsea kahit na anong effort ang gawin ko. Pero paano ko tuluyang matatanggap ang lahat kung patuloy ko pa rin na nakikitang nasasaktan siya ng dahil sa nerd na ‘yan? Bwisit lang eh.       “I’m sorry Hellsea… gaya nga ng sinabi ko kanina… sinubukan ko… ilang beses kong sinubukan para lang matumbasan ko ang pag-ibig na inaalay mo para sa akin pero… wala eh… kahit na pinipilit ko ang sarili ko…” sabi ni Timothy. “I appreciated you a lot… especially the love that you gave to me for almost years… I appreciate the efforts… but Please Hellsea… stop… I don’t want to hurt you again… I wish this will be the last…” sabi pa nito. Napabuntong-hininga. “Why don’t you try to find someone else? Someone that will love you like the way you did? I know Hellsea that you will find him soon… your beautiful… your smart… your talented, your kind… hindi na magiging mahirap…”   Nagulat na lamang sila Hellsea at Timothy ng biglang pumasok sa eksena si Calvin at biglang sinuntok ang huli sa mukha. Sa bandang gilid ng labi nito. Paupong natumba tuloy si Timothy sa lapag.     “Eh gago ka pala eh! Akala mo ba ganun lang kadaling maghanap ng bagong mamahalin? Kung ang magmove on nga, mahirap gawin… ang magmahal pa kaya ng iba gayong may laman pa ang puso?” galit na galit kong sabi habang nakatingin ang puno ng galit kong mga mata kay Timothy. Magkahalong inis at galit ang nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko mula sa gagong ito.     Napatingin si Timothy kay Calvin. Pinunasan nito ang gilid ng labi na may bahid na ng dugo pero hindi nito ininda ang sakit sa halip ay tipid itong napangiti. Parang hindi man lamang ito nagalit sa ginawa ni Calvin. Siguro, sa tingin niya, tama lamang na matanggap niya ang suntok na iyon dahil sa p*******t niya sa damdamin ni Hellsea.     “Anong ningingiti mo diyan? P*tang ina ka!” Akmang susugurin ko na sana muli si Timothy para makatanggap muli siya sa akin ng suntok ng maramdaman kong hinawakan ni Hellsea ang kaliwa kong braso para pigilan ako.     “Please Calvin! Labas ka rito kaya huwag ka ng manggulo pa…”     “Anong labas ako rito? Alam mo naman di ba na mahal na mahal kita at ayoko na nakikita kang nasasaktan lalo na ng gagong ‘yan!” sigaw na sabi ko.     Napatigil sa pagsasalita si Hellsea pero nanatiling nakakapit ang mga kamay nito sa braso ni Calvin para pigilan pa rin ito sa tangkang p*******t kay Timothy.     Muli akong napatingin kay Timothy.     “Gago ka! Bakit ba kasi hindi mo siya magawang mahalin? Matagal ka na niyang minamahal pero matagal mo na rin siyang paulit-ulit na nasasaktan!” sigaw kong sabi.   Tipid na napangiti si Timothy.     “Narinig mo naman siguro ang mga sinabi ko na sagot sa mga tanong mo sa akin ngayon… Napatunayan ko na kahit ano kasi ang gawin… to the point na halos gawin na ang lahat… hindi mo pa rin mapipilit ang isang bagay na gusto mong mangyari… na minsan… hindi kahit na gaano natin ipagpilitan ang isang bagay na umayon  sa ating kagustuhan… hinding-hindi pa rin ito mangyayari…” sabi nito na ikinagulat at ikinatulala ko. Napabuntong-hininga siya at dahan-dahang tumayo ng ayos. Nakipagtitigan sa akin. “I’m sorry for hurting the one you love… pinilit ko naman ang sarili ko eh… pinilit ko na mahulog at mahalin siya para hindi na siya masaktan ng dahil sa akin pero katulad nga ng sinabi ko… kahit na gustong-gusto ko na mahulog sa kanya… kahit na pinilit ko na ang sarili ko na mahulog sa kanya dahil sobra na siyang nasasaktan… wala… hindi nangyari ang kagustuhan ko at kagustuhan niya…” malungkot na sabi pa nito. “And I think… that’s why is… I don’t see myself now falling inlove with someone… I only see myself as a student… studying hard for my future and not for anything else…” sabi pa nito.     Hindi ako nakapagsalita. Parang natameme ako sa sinabi niya.     Tumingin si Timothy kay Hellsea. Tipid itong napangiti.     “I’m sorry for hurting you Hellsea… like what I said earlier… why don’t you try to look for someone better than me? Someone that will love and protect you… Someone like… him…” sabi ni Timothy sabay tingin sa akin.     Katulad ko, natulala lang rin si Hellsea sa mga sinabi ni Timothy.     Tipid na napangiti si Timothy.     “By the way… I have to go…” sabi nito sabay naglakad na ito palayo sa amin.     Naiwan kami ni Hellsea na parehong tulala. Pamaya-maya ay nagkatinginan kaming dalawa.     “Hellsea…”     Kaagad akong binitawan ni Hellsea at naglakad na rin palayo naman sa akin.     Malungkot akong nakatingin sa ngayon ay nakatalikod at naglalakad na si Hellsea. Napabuntong-hininga nga ako.   “Bakit pa kasi ang katulad niya ang minahal mo Hellsea na hindi naman pagmamahal ang isinusukli sayo kundi sakit? Bakit hindi na lang kasi ako ang minahal mo? Sa akin… sigurado kang hindi ka masasaktan dahil alam na alam mo na mahal na mahal kita at masusuklian ang pagmamahal na handa mong ialay…”   -END OF EPISODE 2-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD