Prologue

502 Words
Prologue "Mr. Del Fuego isang pagkakataon pa. Pangako babayaran ko ang utang ko sa inyo." Pinagpapawisang wika ng matandang lalaki. Paminsan minsan ay pinupunasan niya ang kanyang butil  butil na pawis. Napataas ang kilay ng lalaking tinawag na Mr. Del fuego pagkatapos ay kinuha ang isang folder at inabot iyon sa matanda. "Alam mo ba magkano ang pagkakautang mo sa akin at sa kumpanya?" Tanong ng binata bago kinuha ang kopita na may lamang alak at bahagyang sumimsim doon. Sa nangangatal na kamay ay binuksan ng matandang lalaki ang folder at mas lalong nanginig ang kanyang kamay. "Limampung milyon. Limampung milyon ang pagkakautang mo at wala pa ang interes diyan." "K-Kung gusto mo ay ibibigay ko sa iyo ang titulo ng lupa at bahay namin. Alam ko na hindi iyon sapat pero unti unti kitang babayaran." Nauutal na wika ng matanda bago binalik sa mesa ang folder. Umiling ang binata at bahagyang natawa. Isang sarkastikong tawa. "I doubt it kung aabot ng  kalahati ng utang mo ang bahay at lupa mo Mr. Valdez." May halong insultong wika nito. "Alam ko na hindi sapat iyon ngunit kung bibigyan mo ako ng isa pang pagkakataon ay mababayaran ko ang utang ko." Namamag-asang wika ng matanda. "I am a business man Mr. Valdez at hindi ako nag iinvest sa isang negosyong matatalo ako sa bandang huli." Wika ng binata bago muling binuksan ang drawer ng kanyang mesa at kinuha doon ang isang larawan. "Kahit ano gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Halos lumuhod na wika ng matanda. "We can talk about it Mr. Valdez. Madali akong kausap." Anito at inabot ang larawan sa matanda na ikinalaki ng mata nito. Mabilis na tumaas ang kanyang dugo at nawala ang kaninang  mapagkumbabang pagkatao nito. Mahigpit niyang hinawakan ang larawan at mabilis na sumiklab ang galit sa kanyang mukha. "Kakalimutan ko ang utang mo sa akin kapalit ng anak mo." Balewalang wika nito na nagpatayo sa matanda mula sa pagkakaupo. "Not my daughter!" Halos maisigaw niya na ikinailing ng binata. Nagkibit balikat ito. "It was a decent proposal Mr. Valdez. I will marry your daughter kapalit ng utang mo. You will benefit from it." Balewalang wika nito na nagpasingkit sa mata ng matanda. "She's my only daughter at hindi siya isang bagay na pwede kong ipagpalit!" Wika nito sa matigas na tinig. Tila gusto niyang sugurin ang binata at suntukin ito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Nagdilim ang paningin ng binata at tumayo. "Kung gayon ay mag-umpisa na kayong magbalot at lumayas sa bahay ninyo. You cannot bring anything aside from your clothes. Kulang pa ang kabayarang iyon sa utang mo Mr. Valdez. Kahit magtago ka pa ay mahahanap at mahahanap kita." Wika ng binata at mabilis na tinungo ang pinto ngunit mabilis ding napahinto sa narinig. "Why do you want to marry my daughter. Hindi pa kayo nagkikita at nakakasiguro akong wala kang dam-" "Its none of your business Mr. Valdez. Your daughter or nothing at all." Kinuyom ng matanda ang kanyang kamao. Habang ang binata naman ay lihim na napangiti. Business is business. And what he wants he gets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD