Chapter 2

1211 Words
Chapter 2 Bigla akong napasinghap ng hapitin ako sa bewang ng lalaki. Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin ng diretso sa mukha ko. Otomatikong napakapit ako sa balikat niya habang nakatingin sa kanyang mukha. Nagsimula na kaming sumayaw at walang bumasag sa katahimakang namagitan sa amin. Hindi ko dinig ang mga bulungan ng mga tao. Ang tanging naririnig ko lang ay ang t***k ng puso ko. Sobrang lapit namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa mukha ko. "W-Who are you?" Mahinang tanong ko habang sinasalubong ang kanyang tingin. He has a mysterious dark eyes na tila ka hinihigop upang titigan ito. He has a sensual lips na kapag malapitan ay tila nang aakit na hagkan. Akala ko kanina ay gwapo na siya pero mas gwapo siya sa malapitan. Matangkad din siya sa akin at umabot lamang ako sa taas ng balikat niya and to mention na nakasuot pa ako ng heels. Paano kung wala akong heels baka saktong balikat niya lang ako. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko sa naisip ko. Kailan pa ako natutong maglarawan ng ganon sa isang lalaki? Tumaas ang kilay ng lalaki at bahagya ding umangat ang sulok ng kanyang labi. "Samantha Nicole Del Fuego." Wika niya na ikinakunot ng noo ko. "It's not Del Fuego. Valdez, Valdez ang apelido ko." Pagtatama ko sa kanya at akmang lalayo ngunit mas lalo niyang hinapit ang bewang ko na ikinalaki ng mga mata ko. "Valdez." Ulit niya at umiling. Pinaglandas niya ang daliri niya sa pisngi ko na nagpakislat sa akin. May kuryente akong naramdaman na dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. "No my dear. You are already mine kaya hindi mo na gagamitin ang Valdez. You are now Mrs. Tres Del Fuego." Wika nito na nakapagpalaki ng mga mata ko. "W-What are you talking about?!" Tanong ko na hindi naitago ang galit at pagkalito. "We are married." Balewalang wika nito na bahagya akong inilayo sa kanya. "You look beautiful wife." Anito na ikinapula ng pisngi ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Its not the right time to blush. Damn it. At ano daw? Wife? "You are talking nonsense!" Galit na pahayag ko bago ko siya itulak. Kumalas naman siya sa pagkakahawak sa akin ngunit nananatili ang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Umatras ako. "Lets go." Wika niya. Mabilis kong piniksi ang kamay niya at lumayo dahil sa gulat. "Don't touch me!" Nagulat na wika ko.  May kuryente akong nararamdaman sa bawat dantay ng kamay niya sa balat ko. And it makes me uncomfortable. Iiwan ko na sana siya sa gitna ngunit hinawakan niya ang braso. Mahigpit. Sobrang higpit na palagay ko ay bumabaon na ang daliri niya sa balat ko. Pilit kong binabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "You're hurting me!" Sabi ko. "You bet." Anito at marahas akong hinapit sa bewang at pilit na pinasabay sa paglalakad niya patungo sa mga magulang ko. "Don't fight back sweetheart. Hindi mo ako kaya." "Bitawan mo ako! You are being rude!" "I know. At kung ayaw mong bitbitin kita sa harap ng maraming tao ay umayos ka." Aniya at bahagya pa akong nginisian. "Assh*le!" Wika ko at pilit na inignora ang kamay niya na tumataas baba sa bewang. Tumawa lang siya at mas lalo pa akong hinapit sa bewang. Mabuti na lamang at nakalapit na kami sa magulang ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. "Mom, Dad can you explain to me what's happening?" Hindi ko tinago ang inis na nasa mukha ko. "Let's go on the library." Wika ni Dad na mabilis na tumalikod kasabay ang mommy ko. Susunod na dapat ako ng marinig ko ang tinig ni Josh na nakapag pahinto sa akin. "Sam, whats going on?" Tanong niya na hinawakan pa ako sa braso. Kita sa mukha niya ang pag aalala. "Josh. I dont-" "You can ask without touching my wife." Putol ng lalaki sa sasabihin ko at mabilis akong hinila papunta sa kanya. Halata sa mukha ni Josh ang gulat sa sinabi ng lalaki. "What is wrong with you?! Hindi kita asawa. I never married anyone!" Asik ko sa kanya bago tumingin sa paligid ko. Thanks God at malakas ang tugtog at tila may kanya kanya na ulit na buhay ang mga bisita. "Sino ka ba?" Tanong ni Josh sa lalaki ng makabawi ito. Nagmukhang totoy si Josh sa harap ng lalaki. Matangkad din si josh pero mas matangkad ang lalaki at mas malaki ang pangangatawan. At kung ikukumpara ang dalawa ay lamang na lamang ang lalaking nakahawak sa braso ko ngayon. "Tres Del Fuego. So if you'll excuse us."  Anito at mabilis akong hinila patungo sa library. Gusto ko pa sanang kausapin si Josh at sabihing wag mag alala ang mga ito ngunit hindi ko na nagawa dahil hila na ako ni Tres. Pagdating namin ng library ay nakaupo na sa sofa si Mommy at umiiyak habang si Daddy naman ay nakayuko. "M-Mom, Dad." Wika ko at mabilis silang tinakbo. "What's happening? Ano ang sinasabi ng lalaking ito?" Turo ko sa lalaki na nakatayo lang. "I-Im sorry Princess. Its my fault." Paunang wika ni Daddy. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Ayokong marinig ang susunod niyang sasabihin ngunit hindi ko magawang takpan ang tenga ko. Bawat hinga at bawat buka ng bibig niya ay inaabangan ko. "You're already Married with Mr. Del Fuego." Wika nito na parang bombang sumabog sa harapan ko. Mabilis akong umatras. Tila nanghina ako sa sinabi nito. "T-Tell me you're joking Dad." Sabi ko habang unti unting naglalandas ang mga luha ko. "T-The documents that I asked you to sign earlier are the marriage contract. I'm sorry hija-" "No!" Sigaw ko. I felt betrayed. Sariling magulang ko pa. Of all the people bakit sila pa? Hindi ko napigilan ang pagkawala ng hikbi sa lalamunan ko. Niloko nila ako. Parang sinasakal ang puso ko sa sobrang sakit. "Nagkaroon ako ng mga maling desisyon noon kaya nagkaroon ako ng utang sa mga Del Fuego. Kung ibibigay ko ang lupa at bahay natin upang makabayad utang ay wala tayong masisilungan. Wala tayong ibang matitirahan at hindi mababayaran ang pagkakautang ko sa mga Del Fuego gamit lamang ang maliit na halagang mapupunta sa atin sa pagbebentahan ng bahay at-" "That's why you trade me. Ako kapalit ng utang niyo!" Akusa ko sa kanya. Nakita kong bumalatay ang sakit sa mukha niya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero mas nangingibabaw ang galit ko. "Hindi sa ganoon Sam." Salo ng Mommy ko na lalong ikinasingkit ng mga mata ko. "Then what?! Ano pa bang magandang tawag sa ginawa ninyo?!" Sigaw ko. "Its for your own good. Para sa kinabukasan mo kaya namin ginawa ito." "Its not for me! Its all for yourself!" Sigaw ko lalo. "I'm sorry Princess. Maiintindihan mo din ang lahat." Wika ni Daddy at tinanguan ang tahimik na si Tres na nasa tabi ng pinto. "Lets go." Wika nito na walang emosyong kakabakasan sa kanyang mukha. "Mom , Dad!" Sigaw ko dahil nakatingin lang sila. "Ikaw na ang bahala sa anak ko Tres. Take good care of her." Wika ni Daddy  habang lumapit naman sa akin si Mommy at niyakap ako. "Call me if you need anything. We love you honey."umiiyak na wika niya. "No please! " umiiyak na pakiusap ko. "Dont let me leave Daddy." Tawag ko sa kanya. "I'm sorry princess. I love you." Anito bago hinalikan ang noo ko. "No-" Shock and betrayal isama mo pa ang pagod at sakit sa puso na nararamdaman ko ay sapat na upang mawalan ako ng malay. Bago ko naisara ang mata ko ay naramdaman ko ang pagsalo sa akin ni Tres.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD