Chapter 2

2161 Words
Maaga akong gumising para makapaghanda sa aking pagpasok. Medyo kinakabahan ako pero alam ko sa sarili ko na kayang kaya ko ito. "Mag-ingat ka anak, ha! Galingan mo sa pag-aaral!" payo sa akin ni mama nang paalis na ako ng bahay. Nginitian ko na lang siya at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa sakayan. Pagdating ko dito sa harap ng napalaking gate, humugot ako ng malalim na hangin bago ako pumasok. May mga guards na nakatayo sa magkabila para tignan ang mga iilang estudyanteng pumapasok. Hinahanapan nila ako ng i.d kaya sinabi ko sa kanila na freshman pa lang ako kaya pinapasok nila ako kaagad. Pagpasok ko ay doon natulala dahil sa mga naglalakihang mga building! Hindi ko alam kung paaralan ba itong pinasukan ko o mga mall na magkakalapit! Ngayon lang ako nakapasok dito dahil noon exam at interview ay sa isang building malapit dito kami pinapunta. Kinuha ko ang mapa na ibinigay sa akin noong tinawagan ako ng mga interviewer para kunin ang aking white form na kung saan ko makikita ang aking mga subjects, rooms at kung saan building ako pupunta. Sabi din nila sa akin noon na huwag ko nang problemahin ang pag-enroll dahil automatic na raw akong nakaenroll kung full schoolar ka. Habang pinagmamasdan at inaaral ko ang mapa, nakita ko naman ang building kung saan ako pupunta. Naglakad ako papunta sa building na iyon habang nakatingin sa mapa. Nang makarating ako sa building, deretso ako sa bulleting board. Nandoon ang mapa ng building na iyon at mga rooms. Sa nakita ko, sa second floor ang room ko kaya agad din akong naglakad paakyat. Nang makita ko ang room ko, pumasok ako dito at wala pa kahit isang tao dito sa loob kaya umupo na muna ako sa pinakadulo at naghintay sa mga magiging classmates ko. Mga ilang minuto rin akong naghintay bago magsidatingan ang mga kaklase ko. Habang isa isang pumapasok ang mga ito, hindi ko maiwasan ang mapahanga dahil halatang halata ang kanilang mga pustora. Halata na mamahalin ang kanilang mga gamit at ang kanilang galaw ay may kaartehan. Ano pa nga ba ang inaasahan sa mga mayayaman. Napayuko na lang ako dahil kapag may pumapasok ay nababaling ang tingin nila sa akin na para bang may pandidiri. Hindi ko alam kung imagination ko lang iyon o talagang nandidiri sila dahil sa ayos ko. Sa pagkakaalam ko ay maayos naman ang suot ko. Nakaputing tshirt, pants at white shoes naman ako. Siguro ay nangliliit lang ako sa sarili ko kaya ganoon ang akala ko. Lumipas pa ang isang oras bago dumating ang aming guro. Nagpakilala siya sa amin at pagkatapos ay nagpakilala kaming mga estudyante isa-isa. Habang nagpapakilala ang mga kaklase ko, doon ako lalong nambaba sa aking sarili. Akalain mo na ang mga kaklase ko ay anak ng mga negosyante sa bansa at meron din anak ng mga pulitiko. "Mr at the back!!" nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ng aming guro. Napatingin ako sa kanya at doon ko napagtanto na ako ang tinatawag niya. Napatingin naman ako sa aking mga kaklase na nakatingin din sa akin kaya napalunok ako. Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo. Hindi ko dapat ibinababa ang aking sarili. Pare pareho lang naman kaming tao. Ang pinagkaiba lang ay sila ay may gintong kutsara pero hindi 'yon ang dahilan para ibaba ko ang aking sarili sa kanila. "Goodmorning,i' m Fransisco Tapang. You can call me Kiko for short. I live in Bagong Pag-asa. My mother is Labandera and my Father is Mangangalakal," matapos akong magpakilala ay napuno ng bulungan ang aming classroom. "Bagong Pag-asa? Hindi ba mga poor ang mga nandoon?" rinig kong sambit ng isang babae. "Yeah, you're right, girl and mga labandera  and mangangalakal lang ang parents niya?" may slang pa niyang pagsagot sa babae habang nakatingin sa akin na nginitian ko na lang. "And look at him, he's like a beggar!" "True, sis! Siguro ay puno ng germs and bacteria ang lalaking yan!" sabat pa ng isang bakla na kinailing ko na lang. Akala ko ay masyado lang exagerated ang mga nababasa kong mga kwento tungkol sa mga mayayaman, hindi pala dahil totoo ang lahat ng iyon. Akala mo naman mabango ang tae nila! Hindi ko na lang inintidi lahat ng mga panlalait na naririnig ko. Wala din naman silang mapapala sa mga pinagsasabi nila. Naapektuhan ako oo pero hindi yan dahilan para panghinaan ako ng loob! Pinalaki kaya ako ng mga magulang ko na matapang! Hindi magpapaapekto sa sasabihin ng iba basta wala akong ginagawang masama! Matapos ang dalawang klase na puro pakilala at introduction lang ng syllabus ang nangyari ay dumating din ang break. Isa isa kaming lumabas sa aming klassroom para magpunta sa canteen dito mismo sa building na ito! Habang naglalakad ako, may lumapit sa aking isang lalaki at nagpakilala. "Hi, Kiko, Right?" "Oo, Bakit?" sagot ko sa kanya. "Alfred," pakilala niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay na tinanggap ko naman. "Sabay na tayong magmeryenda?" anyayang tanong niya sa akin na pinaunlakan ko naman. Habang naglalakad kami ay nakilala ko siya. Siya si Alfred isa din palang schoolar na kagaya ko na hindi ko nahalata kasi pormal naman ang suot niya at parang mayaman. Napag-alaman ko na ang mga magulang niya ay may business na laundry shop at nag-iisa lang din siyang anak na kagaya ko. Pagdating namin dito sa Canteen, deretsyo kami sa pamilian ng pagkain. Nag order ako ng pansit at tubig at siya naman ay burger, fries at soda. Nang tanungin ko ang cashier kung magkanu ang babayaran ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Isang plato ng pansit at tubig? 200 pesos!!! Eh 150 lang ang budget ko ngayon!! "Ah miss, pwede bang itong tubig na lang bibilhin ko?" sabi ko na lang sa casier. "No, miss. Ako na ang magbabayad para sa kanya," sabi ni Alfred sa babae. "Naku, huwag na Alfred, nakakahiya!" pagtangi ko. "No, treat ko to sa iyo bilang bagong kakilala at bawal tumaggi sa grasya," nakangiti niyang sambit sa akin. Kaya wala na akong nagawa noong bayaran nga niya. Nagpasalamat na lang ako sa kanya. Sabay kaming naglakad papunta sa bakanteng upuan para kumain at nag-usap. Ok din naman siyang kausap, may humor din siya minsan kaya hindi nakakabagot makipag-usap sa kanya. Kung titignan siya, halos magkasing tangkad lang kami. Medyo payat siya pero maputi. May salamin siya na nababagay naman sa kanyang mga mata. Marami kaming napag-usapan at nakwento ko rin sa kanya kung anong klaseng buhay meron kami. Hindi ko siya nakitaan ng pandidiri o anuman bagkus ay ginagawa na lang naming katatawanan ang mga kwento ko. "Alam mo kasi Kiko, lahat ay nagsisimula sa hirap. Sabi nga nila, maswerte ang mga taong nakakaranas ng hirap papunta sa tagumpay sa buhay kaysa sa nagsimula sa karangyaan na nauuwi sa kangkungan," makahulugan niyang sambit sa akin. Tama nga naman siya. Kaming mga mahihirap ay sanay sa pakikibaka sa buhay. Kahit na ano ay kakayanin namin. Kahit na anong hirap ay malalampasan namin. Hindi gaya sa ilang mayayaman na dahil alam nilang may kayamanan sila, may pagkukunan ng pera kung saan saan kaya hindi na sila nagsisikap. Nakadepende sila sa kanilang mga magulang. Hindi na nila naiisip kung paano kung isang araw ay mawala ang lahat sa kanila, hindi ba? Matapos kaming kumain, bumalik kami sa aming classroom. Magkaiba ang aming upuan ni Alfred kaya mag-isa na naman ako. Lumipas ang mga oras at natapos lahat ng klase. Sabay kaming dalawa ni Alfred na naglalakad palabas ng building. Nang makalabas kami, natigilan kami dahil sa mga estudyanteng nagkukumpulan. Sumingit na lang kami sa mga eatudyante para makalabas pero hindi rin iyon nangyari dahil sa biglaang pagtili ng mga ito. Napatakip ako ng aking tainga dahil sa tili nila. Tumingin ako sa harapan para tignan kung ano ang nangyayari at doon nakita ko ang limang na kalalakihan na naglalakad na para bang mga hari sa daan! "Sino ba ang mga iyan? " nagtataka kong tanong sa aking sarili. "Ayon sa pagkakarinig ko, sila ang tinatawag nilang Mythic V," sagot sa akin ni Alfred. "Mythic V? Mobile Legend lang?" Napatawa si Alfred dahil sa aking sinabi. "Hindi sa ganoon, Kiko. Tinawag silang Mythic V dahil sila ang pinakamayamang estudyante dito sa Glennford," napatango na lang ako sa sinabi niya. "Tignan mo ang nasa gitna, siya si Raphael Koch," pakilala niya sa lalaking nasa gitna. "Koch?" Kilala ko ang pamilya Koch! Sino ba naman ang hindi dahil sila lang naman ang may-ari ng mga Five Star Hotels, mga malls at ang pinakasikat na Clothing Company hindi lang dito sa bansa kundi pati sa ibang nasyon! Pero hindi lang iyan ang mga negosyo nila dahil may iba't iba pang negosyo na pag-aari nila Ayon sa balita ngayon taon, sila ang nagunguna sa listahan ng Riches Family na may pinakamataas na net income! Kung pagmamasdan si Raphael, mapapansin mo agad kung gaano siya mayama. Mula sa kanyang mga suot na para bang pati alikabok ay mahihiyang dumapo hanggang sa pisikal niyang anyo. Napakaputi at mapakakinis ng kanyang balat na nababagay sa hindi malaki at hindi ring payat niyang katawan. Mas matangkad lang siya siguro sa akin, mga 5'9-5'10 siya, ang kanyang buhok ay nakaayos na para bang pinagtuonan talaga ito ng pansin ng mga magagaling na hairdresser! Pero sa kabila ng lahat ng magagandang katangian niya ay mapapansin din ang kanyang mukha na para bang hindi niya alam ang ngumiti. Maganda ang kanyang mga mata na merong pang makakapal na kilay na nababagay dito, ang labi ay mapula din. Perpekto, 'yan ang bagay na pwedeng ipagkumpara sa kanya. "Mukhang kilala mo ang mga Koch, ah!" tanong niya na kinatango ko. "Ang nasa tabi naman niya sa kaliwa ay si Felix Andriaga," napatingin ako sa lalaking sinabi ni Alfred. Medyo mahaba ang kanyang buhok, seryoso ang mukha pero maamo ito. Maputi din siya gaya ni Raphael sa katunayan ay maputi silang lahat. Nagkakaiba lang sila ng mga pisikal na katangian. " Si Felix ay anak ng may-ari ng pinakasikat na airlines dito sa Pilipinas. 'Yung katabi naman ni Felix ay si Jerry Lopez Gozon na anak ng pinakamalaking media dito sa ating bansa. Siguro, alam mo na naman ang tinutukoy ko na ABS-GMA, Di ba? At sa kanan naman ni Raphael ay ang kambal na sina Kean at Shane Salonga na may-ari ng mga sikat na restaurants na ayon sa pagkakarinig ko ay meron silang more than two hundred branches dito sa Pinas maliban pa sa mga branches nila sa ibang bansa! " pagpapatuloy ni Alfred. Napapalunok na lang ako dahil sa mga naririnig ko. Ang sweswerteng nilalang at pinanganak silang mayaman. Siguro sila na 'yong sinasabi nilang ipinanganak na mayaman at mamamatay ding mayaman. Hindi na sila makakatikim ng hirap kundi puro ginhawa na lamang. Nang malasakay silang lima sa kani-kanilang mga sasakyan ay doon din ang simula ng pag-uwi ng mga estudyante. Isa-isa silang nagsi-alisan at pumunta sa kani-kanilang mga sundo habang kami ni Alfred ay naglakad palabas ng paaralan. "Kita na lang tayo bukas, Kiko!" paalam sa akin ni Alfred nang makasakay siya ng taxi habang ako ay naghihintay pa ng jeep. Hindi nagtagal ay nakauwi na rin ako. Nagpahinga lang saglit at pagkatapos ay maghahanda na para pumasok sa aking trabaho. Makalipas ang ilang lingong pagpasok ko sa paaralan, masasabi kong naging maayos ang buhay ko. Si Alfred ay maituturing ko ng kaibigan dahil siya lang naman ang gustong makisama sa akin. Ang aming mga kaklase kasi ay para bang may Virus ako na nakakahawa kaya kahit lumapit man lang ay hindi nila magawa. Matapos ang klase namin sa hapon , magkasama kaming dalawa ni Alfred na palabas na sa aming building nang muling may mga estudyante na nakaharang. Halos araw-araw naman kapag hinihintay nilang maglakad ang Mythic V. Nakisilip na rin kami kung ano ang nagaganap at doon ay nakita namin ang isang lalaking nakahubad at tanging brief lang ang suot na nakaluhod na naglalakad! Sa likod naman ng lalaking iyon ay ang mga Mythic V. Kulang sila ng isa, wala si Felix! Napaningkit ako ng aking mga mata nang makita kong nagtatawanan ang tatlo habang ang lider nilang si Raphael ay masama ang tingin dito. "Kawawa naman ang lalaking 'yan! Ang balita ko ay nagkataon na magkapareho sila ng damit ni Raphael kaya hindi iyon matanggap ni Raphael dahil hindi pa iyong pinapalabas sa market tapos nalaman nila na peke pala ang damit ng lalaki kaya ayan,' yan ang parusa niya, " narinig kong pag-uusap sa aking harapan. Grabe naman! Ang liit na bagay ay ginaganyan na niya ang tao! " Hindi ba 'yan aaksyonan ng paaralan? " tanong ko sa aking sarili. " Mahirap mangyari 'yan, Kiko dahil ang pamilya ni Raphael ay may malaking investment dito," balita sa akin ni Alfred. Iba talaga ang nagahawa ng mayayaman! Kahit na pareho nilang tao ay kaya nilang paokutin sa kanilang kamay! "Alam mo, magaan pa 'yang ginagawa nila sa lalaki ngayon, Kiko. Kasi ayon sa aking mga narinig, may mga pinapabugbog sila, ibinibitin sa flagpole, at marami pang iba. Ang magiging parusa na ibibigay nila sa isang tao ay nakadepende kung gaano ito kabigat. Kaya kung ako sa'yo, iwasan na lang natin ang gulo kung gusto nating maging maganda ang buhay natin dito, " balita at paalala ni Alfred sa akin ma kinatango ko na lang. Dahil sa mga narinig ko, iiwas talaga ako!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD