Chapter 2 : He Is A Ghost!

1801 Words
NABIGLA si Louise nang makita ang nakangiting mukha ni Beam. Nasa banyo niya ito! "Anong ginagawa mo rito? Sinong nagpapasok sa 'yo?" nagtatakang tanong niya. "Walang nagpapasok sa akin Louise. Kaya ako nandito dahil baka makita ako ng mga magulang mo," sabi nito. "Bakit ayaw mong magpakita sa kanila? Gusto ka nga nilang makilala kasi naikwento ko sa kanila na ikaw ang nagligtas sa akin eh," sabi naman niya na kalmado na. Pilit niyang pinapasok sa isip na iyong panaginip niya kanina ay isang malaking kalokohan lang. Dahil nandito ngayon sa harapan niya si Beam. At ang gwapo-gwapo pa rin nito kaya hindi pwedeng maging multo lang ang isang katulad nito. "No need, Louise. Baka kasi matakot lang sila sa akin kapag nakita nila ako." "Huh? At bakit naman sila matatakot? Hindi mo naman kamukha si Shrek!" nakatawang sabi niya dahil wala siyang nakikitang rason para matakot ang parents niya rito. Gwapo ito at disenteng tingnan. Sa totoo lang ay pinipigilan niya lang ding hindi kiligin sa harapan nito. Kung wala siguro ito sa harapan niya ay baka kanina pa siyang nagtitili sa kilig. Imagine? Iyong crush niya ay nasa kwarto njya? Pero paano nga kaya ito nakapasok sa bahay nila? "Ihh... Ano kasi eh..." Parang hindi nito malaman kung saan ito huhugot ng sasabihin. Hanggang sa bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya. "Pakiusap, Louise! Pwede bang dito na lang muna ako sa bahay ninyo? Please? Wala na kasi akong matutuluyan e! Wala akong sariling bahay at pagala-gala lang ako eh! Please, Louise, sige na!" pagmamakaawa nito na nakayuko pa na para siyang isang reyna na dapat luhuran. Hindi na niya na maitago ang kilig. Napapangiti na siya. Tutal hindi pa naman ito nakatingin ih. Hi-hi-hi... Wala raw sariling bahay si Beam. Halatang palusot lang nito iyon dahil gusto lang nito na makasama siya. Hindi siya makapaniwala na agresibo rin pala si Beam dahil mukha itong wholesome. Hi-hi-hi... Kung sa kanila titira si Beam ay para na rin silang nag-live-in. Siguradong mamamatay sa inggit ang mga kaklase niya kapag nakita ang mala-adonis na ka-gwapuhan ni Beam.Tinago niya ang ngiti nang mag-angat ito ng ulo bigla at pumormal naman siya. Tinaas ang noo. Dapat magpakadalagang pilipina siya. Hi-hi-hi... Tumayo na ito at tumitig sa kanya. "Ano? Payag ka na ba? I'll do whatever you want, Louise. Gusto mo gawin pa kitang prinsesa eh. Kahit ano, gagawin ko para sa 'yo..." Pinilit na naman niya ang sarili na hindi mapangiti. Ayaw niyang mahalata nito na kerengkeng siya. Pakiramdam niya ay para itong nagtatapat ng pag-ibig sa kanya kahit hindi naman. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Feel na feel niya. Hi-hi-hi... "Umm... Kung ako lang naman, ayos lang sana. Pero kasi dapat kausapin mo muna sina Mama at Papa," sabi niya na feeling namamanhikan na si Beam. "Tara, baba tayo? Andoon sila. Kausapin mo..." Akmang hihilahin na niya si Beam pero bigla siyang natigilan. Tumagos ang kamay niya sa siko nito! Sinubukan niya ulit hawakan si Beam sa pag-aakala na namamalik mata lang siya pero tumatagos talaga ang kamay niya sa katawan nito! Bawat tangka niyang hawakan ang kamay nito ay nakakaramdam siya ng parang hanging malamig na nakakapanindig ng balahibo niya. "I-Ikaw... Mu... Mu-multo ka?" nanginginig ang boses na tanong niya. Halos naninigas na ang katawan niya sa takot. Malungkot na tumango naman si Beam. "Ahh..." Ayaw lumabas ng tili sa lalamunan niya. Para bang may bumara roon! "Louise, makinig ka muna sa akin oh." Paglapit pa ni Beam pero paatras na siya ng paatras! Naalala niya iyong panaginip kanina. Parang nauulit lang ang nangyayari ngayon bukod lang sa wala silang dinner date. Hanggang sa magbalik sa isip niya ang pugot na ulo ni Beam sa panaginip niya. Iyong ngisi at halakhak nito na nagnanais na mahalikan ang mga labi niya! ----------------------------------------------------------------------------------------- "AHHHHH!!!!! Multoooo!!!!!!" Pagsigaw ni Louise mula sa kwarto nito. Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang sigaw ni Louise. Nabasag tuloy ang hawak na plato ni Aling Ericka mula sa baba dahil sa gulat nito sa tiling iyon. Natatarantang umakyat ang mag-asawa sa kwarto ni Louise. At nakita nga nila na takot na takot ito. Agad na sumugod ng yakap si Louise sa ina. "Anak! Ano bang nangyayari sa 'yo?" natatarantang tanong ni Ariel sa anak. Para nang binabad sa suka ang mukha ni Louise. "Papa! Mama! Hindi ninyo po ba nakikita si Beam? Ayan siya, nakatayo sa harapan natin! Tama 'yung nasa panaginip ko! Isa siyang multo!" Takot na takot pa rin si Louise na nagtatago sa dibdib ni Aling Ericka habang tinuturo siya ng kamay nito. Nanginginig at nanlalamig pa ang kamay ni Louise at alam niya iyon. NAGKATINGINAN naman ang mag-asawa dahil wala naman silang nakikita sa direksyon na tinuturo ni Louise. Ayaw man nilang isipin ay baka nababaliw na ang anak o nagda-drugs ito. Pero mabait na bata ang anak nila. Walang bisyo at matataas naman ang mga grades nito. "Huwag kang matakot sa akin, Louise! Hindi naman kita sasaktan eh!" natatarantang sabi ni Beam na unti-unting lumapit. ''Huwag kang lalapit! Multooo!!!!" Takot pa rin si Louise sa kanya pero hindi siya nakinig dahil sa pagnanais na mawala ang takot ni Louise sa kanya. Nang akmang hahawakan na niya si Louise ay bigla nang nahimatay ang babae! ----------------------------------------------------------------------------------------- NANG mahimasmasan at magkaron ng malay si Louise ay hinanap agad ng mga mata niya ang Mama at Papa niya. Pero wala ang mga ito sa kwarto niya. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang nangyari bago siya himatayin kanina. Si Beam! Nang hawakan niya ito kanina ay tumagos lang ito sa katawan niya! At inamin nito na talagang multo ito! Nag-umpisa na naman siyang pangalibutan. Natatakot siya na any time ay bigla na lang lumitaw si Beam sa kung saan. "Wooo!!!!" At bigla ay nasa harapan na niya si Beam! Malapit na malapit ang mukha sa kanya ng multo. Face to face sila! "A..." At muli ay hindi na naman niya mailabas ang sigaw niya. Naninigas na naman siya sa takot. "Huwag mong sabihin na mahihimatay ka na naman? Ang OA ah!" Parang walang anuman na umupo ito sa sofa palayo na sa kanya. Nalunok na lang niya ang isisigaw pa sana niya. Wala na siyang masabi. Bakit parang hindi naman multo si Beam kung kumilos? Para lang itong ordinaryong tao na nakaupo sa sofa niya at masiglang nakangiti! "Ikaw! Ano ka ba talaga!" Sa wakas ay natagpuan niya rin ang sariling tinig. "Multo." "Multo?! Kung gano'n, bakit nakakausap kita?!" nahihintakutang tanong niya. "Kahit ako nagtataka eh. Alam mo, sa dami ng taong kinausap ko ay ikaw lang ang nakakita sa normal kong anyo eh. Iyong ibang tao kapag nakikita ako, 'yong nakakatakot kong anyo no'ng namatay siguro ako ang nakikita nila. Pero ikaw, sabi mo gwapo ako sa paningin mo hindi ba? Kakaiba rin ang third eye mo. Gwapo lang yata ang kayang makita." Nagawa pa nitong humalakhak na sabi nito. "Kung multo ka talaga, pwede bang layuan mo na lang ako? Takot ako sa multo, utang na loob baka magkasakit ako sa puso!” pakiusap pa niya na natatakot na talaga. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sarili na nagagawa nga niyang makipag-usap sa isang tulad nito. Tumayo si Beam. Biglang sumeryoso. At lumapit sa kanya ulit kaya napaatras ang puwet niya sa kama. Napakapit siya sa kumot na nanginginig. Baka ipapakita na ni Beam ang tunay nitong anyo! Baka makita niya na lang bigla na pugot na talaga ang ulo nito katulad ng nasa panaginip niya! ----------------------------------------------------------------------------------------- "AYAW KO NGA!" Saka itong ngumiti na parang bata. Para bang napakainosente pa nito at hindi ito multo! “Sa lahat yata ng multo ay siya na yata ang pinaka-cute! Ah hindi— Hindi! Multo siya kaya dapat akong matakot sa kanya!” sabi ng isip niya. Pinigilan niya ang sarili na magpadala sa anyo nito na nakikita niya. Dahil alam niya naman talaga kung ano ang totoong hitsura nito. At iyon ay ang nasa panaginip niya! Iyong lalaking pugot ang ulo na pinagpipilitang maidikit man lang ang nguso nito sa luscious lips niya! "Alam mo, Louise. Sa totoo lang kasi, unang beses pa lang kitang nakita ay na-in love na ako sa 'yo eh. Ewan ko ba. Wala naman akong katawan pero gumagana pa rin ang isip ko at ikaw lang ang palaging tumatakbo rito. Wala akong ibang naiisip kundi puro ikaw lang. Gusto ko palagi kitang nakikita. Ayaw ko nang malayo pa sa 'yo, Louise... Gusto mo rin naman ako hindi ba? Narinig kaya kita. Sinabe mo iyon sa Papa at Mama mo. Sabi mo nga para akong action star no'ng niligtas kita e. He-He-he..." sabi pa nito na parang napakainosente! Kinalabutan siya. "Paano mong nalaman 'yun?!" Parang nanindig lalo ang balahibo niya. Mukhang matagal na itong nagmamasid sa kanya nang hindi niya alam! "Ang totoo kasi niyan, Louise, hindi na ako nakaalis no'ng gabi na iniligtas kita eh. Nagtago lang ako sa banyo at lumalabas lang kapag tulog ka na. Kaya narinig ko lahat ng sinasabi mo rito mula roon dahil bilang multo ay isa sa mga kakayahan ko ang malakas na pandinig kahit gaano pang kalayo ang distansya as long as we're in the place. Sorry ah? Pero gusto kita at gusto mo rin ako. Kaya hindi na lang ako aalis sa tabi mo habang buhay. Magsasama na tayo." Nag-umpisa nang mag-ilusyon si Beam. "Hindi! Ayaw ko na sa 'yo kaya umalis ka na! Ihhh!!!" Kinikilabutang sabi niya nang akmang hahawakan siya nito. "Pero, Louise, nasabi mo nang na-love at first sight ka sa akin eh! Ang sabi mo pa nga, ako ang destiny mo hindi ba?" "Hindi! Dati 'yun! Ayaw ko ng multo! Lumayo ka sa akin! Mama koooo!!!!!!" Nahihintakutan pa rin na nagtitili si Louise at hinagis ang lahat ng nadadampot nitong unan kay Beam. Pero tumatagos lang naman iyon lahat kay Beam. Doon na bumukas ulit ang pinto. Niluwa niyon ang Mama Ericka at Papa Ariel niya na nag-aalalang yumakap na naman sa kanya. Si Beam ay bigla na namang nawala. "Mama ko! Huwag ninyo akong iiwan dito! Si Beam, ayaw niya akong tigilan!" Tuluyan na siyang umiyak nang dahil sa takot. Kahit gwapo man ang anyo ni Beam ay nakatatak na sa utak niya na multo na lang ito! Patay na ito! Inalo naman siya ng Mama at Papa niya. ----------------------------------------------------------------------------------------- SI BEAM ay nasa itaas ng puno at lumipad papunta ro'n para magtago muna sa mga mata ni Louise. Nakatingin siya papunta sa bintana at tanaw niya ang takot na takot pa rin na si Louise. "Ayy, kaduwag naman ng Prinsesa ko. Ang gwapo-gwapo ko naman. Tsk. Tsk. Tsk..." pagkausap niya sa sarili pero maya-maya ay gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. "Pero hindi na tayo magkakahiwalay pa, Louise. You're mine..." Sa wakas. Nakita na rin niya ang taong makakasama niya. Hindi na siya malulungkot at mag-iisa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD