bc

The Sixth Girl Book 3

book_age16+
28
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
drama
comedy
bxg
humorous
genius
nerd
royal
childhood crush
friendship
like
intro-logo
Blurb

For the third part of The Sixth Girl Saga, we now follow Verna on her brand-new life at the Theocracy of Hyilla as she begins her new job as a customer service representative for an Akimrean company.

Life is hard, to say the least. Though her cost of living there is heavily subsidized by her company and the theocracy, she is still having a hard time adjusting to the culture, customs and work behavior. But thanks to newfound friends, she managed to power her way through the challenges she is facing in order to make not only herself but her country proud.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Nagkaroon po ng aberya ang bagon. Maari po sana na bumaba po tayo at lakarin na lamang po natin ang riles. Humihingi po ng paumanhin ang management ng MRT at salamat po sa pang-unawa".   Hindi ko napigilang mapataas ng kilay ng pag silip ko sa labas ng bintana ng bagon at nakita kong mas malala pa sa desyerto ng Almorica ang init sa labas. ‘Yong tipong nag hazy na ‘yong tingin mo sa labas.   Katakot takot na mura at angal ang nakinig ko sa ilang daang kasakay ko. Mas malulutong pa sa chicharon na salita ang pinakawalan, mapababae, lalaki, empleyado o estudyante. Maging mga nanay na may karay na pinamalangke at mga lolo na hawak ang tungkod ay hindi maipinta ang mukha.   As I stepped out of the train, halos matunaw ako sa init ng panahon.   Katanghaliang tapat ba naman at wala halos ulap sa kalangitan ng Maynila. Idagdag mo pa ang nakakasulasok na usok ng mga smoke belching na mga sasakyan sa ilalim namin.   "Well, we survived the war before, ito pa kaya?" sabi ng isa sa mga middle aged na nasa unahan ko sa katabi nito na halatang government employee base sa suot nitong uniporme. "Bagyo, baha, gutom, gyera. Aba Pilipinas pa din ito at Pinoy pa rin tayo. Kung meron mang mga nagbago sa Pinas, yumaman, gumanda ang lugar tumaas ang kita, dalawa lang ang hindi nagbabago!"   "Ang pagtirik ng MRT at ang mga pre-war era na mga jeep na mas matanda pa sa atin," nailing na sagot ng kasama nito na nagpatawa hindi lang sa kausap nito kundi pati sa aming katulad nilang naglalakad ngayon, pawis na pawis pero buhay na buhay paring mga commuter na nanunulay sa riles ng sintihing tren ng Maynila.   Walang ganito sa Versalia Island. Ang isla kung saan ako pinanganak at nagkamuwang.   Ang isla kung saan not more than four years ago ay ang tanging lugar inikutan ng mundo ng buhay ko.   It's not a stretch to call Manila the complete opposite ng isla.   Sobrang lala ng polusyon dito, dikit dikit mga buildings, ang daming mga siksikang jeep, ilang libong mga commuters na nagsisiksikan sa mga kabaong na bagon at mga jeepney ilang tadyak na lang ay mangangalas na.   Sobrang init. Pag nakaulan naman talagang literal na lalangoy ka pauwi.   Very chaotic, messy, loud and irritating.   Yet, as I walked the rails under the blistering heat of the sun while inhaling the fresh smoke from the passing jeep, I smiled.   Despite of all these flaws, hindi ko na ipagpapalit pa ang Maynila sa Versalia.   Maybe it's just me pero sa loob ng apat na taon, napatunayan ko kung gaano ka privileged at spoiled ang isang tulad ko na lumaki sa islang yun. Lahat halos ay dulot na sa iyo. Wala halos problema.   Kung meron man ay hindi mo maikukumpara sa ginawa kong paglalangoy pauwi dahil sa habagat. Ang pagtitiis ng pagkain ng kikiam at proven dahil naubos sa project ang allowance ko.   Mga bagay na hinding hindi ko mararanasan o naranasan man lang sa Versalia kung saan mula sa sabon hanggang sa pagkain at healthcare mo ay sagot ng Island State Government.   Federal na kasi ang Pilipinas. Bawat state o region ay kanya kanya ng rules at benefits. May mga estado gaya ng Versalia, Ilocos, Cebu, Palawan at Davao to name the few na maganda ang living standards base na din sa namamahala dito.   May mga katulad naman ng Manila na kahit pa sabihing capital ng bansa ay huli sa living standards ng ibang state ng Pilipinas. Isa na din sa dahilan ay halos kwadruple ang dami ang populasyon ng state na ito kumpara sa iba kaya imposible naman na mabigyan ng same benefits ang mga nakatira dito compared for example sa Versalia na wala pa sa one eight ng population ng Manila.   Pero as I neared the station at nakahinga ng maluwag hindi lang ako kundi na rin ang mga kasabay ko sa exodus ay napaisip pa din ako sa natutunan ko when I came here years ago.   Hindi ako makapaniwala na one fourth lang ng population ngayon ng capital state ang kabuuang population nito before war and before the Philippines became a federal country.   Dahil sa gyera na nagpababa ng populasyon ng bansa on the whole, simula ng nag shift din sa federalism ang gobyerno ay nabawasan na ang mga taga ibang parte ng Pilipinas ang lumuwas at tumira sa Maynila dahil umunlad na din ang kanikanilang mga probinsya o estado na hindi na kailangan pang pumunta ng Maynila makahanap lang ng trabaho like what happened even before I was born.   Kaya nga kahit may mga aberyang ganito ay nagpapasalamat pa rin ang karamihan sa mga matatandang nakakasalamuha ko at laging pinapaalalahan ng mga magulang ang mga kaedad kong henerasyon na wag masyadong magreklamo sa estado ng Maynila or the country in the whole kasi compared daw sa naabutan at nakalakihan nilang Pilipinas dati ay napakalaking ginanda ng standard of living ngayon.   Kung meron man daw mabuting binunga ang gyera sa mga Pilipino ay ito ang pagkawala ng pagiging ningas kugon ng mga Pinoy at ang pagbabago ng gobyerno in a little way ay halos malapit na sa level ng mga first world western country at kasabayan na ng Singapore ang bansa sa pag unlad.   There are problems.   There will always be problems.   Kurapsyon, baha, sirang MRT at mga uugod ugod nang mga jeep to name the few. But as the generation before us always remind us, we are lucky to be born when we did. Philippines is one hundred percent better now and that was something to be happy and thankful for.   Well, I try to be thankful pero napakahirap gawin lalo na sa kalagayan ko ngayon na basang basa na ang corporate attire at lusaw na ang pulbo sa mukha ng maka akyat ako sa platform ng station after more than twenty minutes nang lakaran sa nakakahimatay na init ng araw.   Pagtingin ko sa luma kong cellphone ay laking gulat ko na half an hour na lang eh late na ako sa appointment ko.   Kumaripas ako sa pagtakbo pababa ng stairs at hindi ko na sinubukang pumunta sa elevator dahil tiyak na napakahaba ng pila sa pagbaba.   Napakadaming taxi ang nakaparada at naghihintay ng pasahero.   I was about to hail one pero minabuti kong wag na lang ng makita ko ang isang nurse na tinanggihan ng driver dahil kesyo malayo daw o trapik daw sa pupuntahan or something.   I rolled my eyes. Kung kolehiyala pa lang ako ay game na game ako makipag away. Pero seeing na kakagraduate ko lang at may appointment ako ay may karapatan na siguro akong mag inarte.   Binuksan ko ang naghihingalo kong cellphone at pinindot ko ang app ng Grasp. Isang private cab company na parang taxi pero less hassle, madaling mahagilap at hindi kasing hirap kausap ng mga taxi driver dahil bago ka nila puntahan eh alam na nila kung saan ang destination at rate mo through the the info you input in the app.   First time kong susubukan ng solo ang pagsakay dito. Dati mga classmates o thesis mates ko ang gumagamit nito at nakikisabay lang ako. Nagpaturo ako bago grumaduate for times like this.   Wala pang ten minutes akong naghintay ay dumating agad ang isang Vias sa tapat ko at sinabi agad ng driver ang destination ko bilang confirmation.   Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay ako sa backseat at humarurot na paalis ang kotse.   What could've been fourty minutes plus almost two hundred pesos na parusa. Naging twelve minutes at eighty pesos lang ang nabawas sa kayamanan ko ng makarating ako sa wakas sa tapat ng building ng pinag aaplyan kong kumpanya.   -0-   Just. In. The. Nick. Of. Time   Buti umabot pa ako.   Buti talaga.   Dahil saktong tapak ko sa loob ng building ay saktong sarado ng gwardya ng pinto para sa mga aplikante.   Bumuntot ako sa dulo ng pila ng mga interviewees na ngayon ay naglalakad papunta sa receiving area.   Pinaupo kami ng H.R staff at sinabihan na tatawagin kami isa isa for one on one interview.   Baka nagtataka kayo ano ba itong napasukan kong kumpanya.   Call Center Company siya actually or BPO.   Yes, you can laugh.   Maybe you can laugh because you live in a different era than mine.   Pero as far as my story and era is concerned, mas mataas na ang tingin sa trabahong ito ngayon.   Yes, natanggap pa rin ng mga high school graduate, college undergrads and the like ang propesyon na ito. Yes, masasabi mong tapunan ito ng mga ‘di sigurado sa trabahong gusto nila buhay.   But now, mas appreciated na ang mga call center agents. Especially after war, isa ito kasama na ang mga OFW na nagpasok ng daang daang bilyong dolyar na pera sa Pilipinas.   With the factories, manufacturing sites and agriculture lands destroyed by the terrorists, wala nang mai-export ang bansang ito.   Well, nothing except the services of the outsourcing sectors and the man power of the OFWs. Nagboom ang serbisyo ng BPO at sa halip na mga dh ay ngayon ay sixty percent na ng mga OFWs ay mga business professionals na including the twenty five percent na mga exported call center professionals.   Yes, service sector pa din ang focus ng Pilipinas. But this time, minus the physical abuses, larger pays at easier jobs than domestic helpers. Ang mga dh ay mga nag aral ng basic business skills at kaunti na lang ang mga helpers sa ibang bansa.   The truth is, Bachelor of Arts in Customer Relations Management ang kinuha kong course and I graduated with flying colors. Not as a c*m Laude and the like, hindi naman ako "ganoong" katalino. But I earned my fair share of awards and medals na hindi naman ikakahiya ng Vasque Faction.   Nagtataka nga ako bakit ito ang course na kinuha ko. Considering the fact na never akong naging maboka o sociable sa ibang tao before I arrived in Manila after I graduate high school in Versalia University.   Actually nga, Library Science ang gusto kong kunin. More in line sa propesyon ng mga magulang ko back when they were alive.   I changed my mind nang makarating ako sa magulo at maingay na capital na ito. Kung lagi na lang akong nasa comfort zone ko ay hindi ko maeexperience ang ibang side ng tahimik kong buhay.   And no, hindi ako naging madaldal or something like that. I am still the quiet and forgettable Verna minus the book addiction and more on relying on experiencing things myself for a change. Ibang iba talaga pag ikaw na mismo ang nakakasubok ng mga baga kesa sa libro at imahinasyon ka lang naasa.   "Verna Ferta?"   Bumagsak sa earth ulit ang utak ko. This is one of the habbits that I cannot remove. ‘Yong lagi na lang nalipad ang utak ko sa pag iisip ng mga bagay bagay without having any care on what's happening around me.   Tumayo akong bigla at tinaas ang aking kamay sa nagtatawag na staff na ngumiti sa akin at itinuro ang isang room.   Pumunta agad ako bitbit ang brown folder at ang malaki kong shoulder bag.   Pagkabukas ko ng pinto ay may isang lalaki na nakaupo sa likod ng isang table at ngumiti agad siya sa akin.   "Good afternoon. Upo ka dito," masayang sabi niya sa akin sabay turo sa upuan sa harap niya.   "Good afternoon din po," magalang kong sagot sabay upo agad at pinatong ko ng walang kaabog abog sa sahig ang dala kong bag.   "I am Jeff and I will be your interviewer today. So saan ka mas kumportable? English o Taglish?"   Damn! Trick question!   Mala, tell me about yourself na dali!   Napaisip naman agad ako. Call Center ang papasukan ko. Malamang, more or less English ang medium language dito. Pero hindi ako bilib sa sarili kong English. Kung pipilitin kong mag English at sumegway ako ay tiyak bagsak ako.   Kung magtatagalog naman ako, tiyak wala na din ako pag-asa. Western Countries ang primary client ng Consitechland.   Naramdaman kong nanlamig ako even more kahit malakas ang aircon at pinawisan ako ng malagkit. God, how can I even be so ignorantly positive? Hindi ako papasa dito! Kahit pa sabihing natapos ko ang linya na ito.   Ang dami ko na agad naisip in a span of no less than ten seconds.   I looked at my smiling interviewer and I just exhaled and resigned myself.   Well, bagsak na din naman, wala namang nawala maliban sa oras at pamasahe. At least nalamigan ako at naka experience ma interview for the first time. Better take it to my advantage.   Bahala na.   "Tagalish po," sagot ko na nagpataas naman sa kilay nito.   Wala na, wala na talaga. Bakit kasi ang tanga ko? Have I degraded all my logic when I left Vasque?!   "Mabuti naman! A nice change of pace, finally," masaya nitong sabi sa akin na hindi ko naman na-gets, "So Verna, bakit tagalog ang napili mo? Knowing na more or less English ang common language sa field na ito, minus the local accounts?"   Napangiwi na lang ako. "Naisip ko kasi na hindi ganoon ka-competitive ang English ko. Nakakahiya naman na magpumilit ako knowing fully well na I will make fun of myself kaya Tagalog na lang para at least, less mistakes."   "May point ka. So, ayon submitted resume a week ago, tapos ka ng course ng B.S Relations Management last March lang, right?" tanong nito sa akin at tumango naman agad ako.   "Relevant ang field mo sa job description na target mo. Maliban dito, ano pa sa tingin mo ang edge mo compared the other applicants outside?"   "Well, unang-una po sa lahat, single ako, wala po akong pamilya. I am all alone in my life and I can be sure na one hundred percent focus ako sa aking magiging trabaho kung sakali. Another thing is I am willing to be relocated at wala akong problema sa pag-a-adjust sa lugar as you can see in my resume, I used to be from the State of Versalia Island until four years ago, I moved to the State of the National Capital Region to further my studies," kumpleto kong sagot.   Tumango tango si Jeff sa akin habang may sinusulat ito sa aking resume, "I see, I see. Well, one last question. As I reviewed your resume here, I was surprised na alumni ka ng Versalia University. Bakit ka lumipat sa Manila Federal University knowing full well na mas magandang mag-college sa Versalia University?"   "Nag-transfer ako kasi gusto kong ma-experience ang buhay sa labas ng isla. I want to see and feel for myself how to live elsewhere. ‘Yong mabuhay at maranasan ang mga bagay na never ko pang naranasan sa buhay ko while in the island," honest kong sagot.   Napangiti naman ito at ibinaba na ang resume ko, "And I can see na hindi mo pinagsisihan ang choice mo."   "Never."   "Well, Verna. That's it for your interview. I will be keeping your medical test results for reference as well as your resume. You may go out now and proceed to the room down the corridor. You will take some tests to see your proficiency in computer and vocal skills. I wish you luck."   Iyon lang at itinuro na nito ang pintuan sa likod ko.   Tumayo naman ako pagkadampot ko ng bag ko at nagpasalamat ulit bago lumabas at dumiretso sa testing room.   -0-   Halos matuyo na ang utak ko after almost four hours' worth of tests na pinagawa sa aming mga aplikante.   May typing tests, grammar, vocal, listening at kung ano-ano pang mga pinagawa.   Madilim na sa labas ng bintana at nakaupo ako ngayon sa receiving area kasama ang ibang mga aplikante na naghihintay ng resulta. Lahat sila excited pero ako kinakabahan talaga. Or more or less, wala nang pag asa because right at the start pa lang ng interview ko kanina ramdam ko na hindi agad ako pasa dahil pinili ko ang taglish.   I bet that choice sealed my fate.   "Attention! I have the results here. Your attention, please!"   Napakurap ako at bumalik na sa earth ang utak ko nang biglang sumulpot sa harap namin ang H.R Staff na may dalang folder.   Nagsitahimikan naman kaming lahat at hinintay ang kanyang sasabihin.   Binuklat nito ang hawak nitong folder at may binasa siya bago tumingala at nagsalita ulit.   "All of you here except Verna Ferta passed the interview for Consitechland Federal Republic of the Philippines Incorporated! Welcome to the company!" malakas na hiyaw nito sa amin at nagpalakpakan at sigawan naman ang mga kasamahan kong aplikante.   I can understand their joy. Ayon sa mga nakinig ko sa usapan nila kanina ay karamihan sa kanila ay kagaya kong fresh grads. Ang matanggap sa unang pinag-apply-an mo ay isang malaking biyaya.   I admit expected ko nang hindi ako papasa pero ang sakit pa din sa aking dibdib na sa lahat ng applicants ako lang ang hindi nakapasa. Ang bigat sa dibdib at halos nararamdaman ko na ang luha sa mga mata ko.   I never cried even once since I left Versalia Island years ago. Kahit anong hirap ng buhay ko sa Maynila. Kahit halos magutom na ako, mamroblema sa subjects, sa mga kaklase sa baha, hindi ako umiyak.   Pero ngayon, sa rejection na ito naiiyak na talaga ako. Ibang iba talaga ang buhay sa labas ng school. Ang sakit ng sampal ng katotohanan.   "Ay siya ‘yong hindi nakapasa ano?"   "Nakakaawa naman!"   "Ay malas!"   "Expected na ‘yan. Tingnan mo naman hitsura niya. Mukhang naglakad sa riles ng MRT!"   Sanay na sanay na ako sa mga panlalait. Sa college na pinasukan ko buong first year ko at first sem ng second year puro panloloko at pambubully nakuha ko dahil lang sa galing ako sa Versalia University at Versalia Island. Ni hindi ko pinansin ang mga ‘yon.   But right now, I don't know pero napaka hina ng puso at isipan ko ngayon.   All I can do is bow my head and pick my bag na nakasalampak sa sahig at isinaksak dito ang brown envelope na dala ko.   "All of you please quiet down as we process your contracts," paalala ng H.R Staff na nagpatahimik naman sa karamihan pero patuloy pa rin ang bulungan at sulyap nila sa akin.   "Verna Ferta?" malakas na tawag sa akin na automatic na nagpatayo at taas ng kamay sa akin na nagpatawa sa ibang mga aplikante.   Malungkot na ngumiti ito sa akin, "I am so sorry you failed to pass Consitechland Federal Republic of the Philippines Branch test," paumanhin nito sa akin.   Huminga ako ng malalim at tumango. I just wanted to get out of here at makauwi agad. Baka magsara pa ‘yong stand ng kikiam sa kanto. Wala akong ulam.   "But don't worry," masaya nitong sabi na nagpakunot ng noo ko. I bet sasabihin nito na makakapag-apply ulit ako after one month or something...   "You passed the test for Consitechland Theocracy of Hyilla Incorporated Branch!" nakangiting announce nito sa akin.   Huh?   Ano daw?   Hindi ma-process ng utak ko sinabi niya.   "It's our overseas branch in the Theocracy of Hyilla West Pacific Region! Let me be the first one to congratulate you! Only the best, the creams of the crop from thousands of applicants are chosen to be sent to our branch over there! Ikaw ang kaisa-isang pumasa sa standards nila for the past decade! Please, pumunta ka ulit sa room ni Sir Jeff. He is actually an overseas interviewer from Hyilla. He will brief you about the details of your special contract! Congratulations again!" excited na sabi utos nito sa akin bago muling pinatahimik ang kasamahan kong mga aplikante.   Overhwhelmed.   Sobrang overwhelmed.   Iyon lang ang naisip at naramdaman ko as I grabbed my bag at nilampasan ko ang mga nakangangang kasabayan ko papunta sa room si Jeff.   Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto at nakita kong nakangiti si Jeff sa akin na itinuro ang upuan sa tapat niya.   Umupo agad ako at huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nangyari. Hinintay ko lang siya magsalita.   "Don't be so surprised, Verna. The moment you chose to speak in Taglish at sa sinabi mong ready kang ma-experience ang mga bagong bagay at lugar sa buhay mo, I already know you are the perfect applicant for the job."   "I... I mean. Thank you. Salamat talaga. Akala ko talaga hindi ako nakapasa kanina."   "Hindi ka talaga nakapasa kanina," masaya nitong sabi sa akin. "Nakapasa for the Philippines Branch Test that is. Hinahanap talaga nila ang mga comfortable sa English at mga hindi willing ma-relocate elsewhere. Not us in Hyilla though. Kailangan namin ang magagaling sa Taglish since that is our national language believe it or not. Sa sinabi mo kanina, I am sure wala kang reklamo sa pag-a-abroad, am I right Verna?" tanong ni Jeff sa akin.   Heck, daig ko pa ang nag-abroad sa culture shock nang nag-relocate ako from Versalia Island to NCR. Kung same din pala ang language ng Pinas at Hyilla then why not? This is a brand-new adventure.   "Wala. Wala pong kaproble-problema. I am more than happy and willing to accept the opportunity to help the company and at the same time to travel outside the country and experience a completely new country!" excited kong sagot sa kanya with all honesty.   Lumapad ang ngiti ni Jeff sa akin sabay abot ng isang folder. Pagbukas ko nito ay nalaman kong kontrata ito.   "Perfect! Please read carefully the terms and agreements then sign posthaste!"   Tumango ako at binasa ko ang kontrata. Beeing a certified bookish once upon a time, wala na sa akin ang five-page contract na ito. Mabilis kong natapos at naintindihan ang nakasaad doon at pinirmahan ko agad ito at inabot kay Jeff na halatang halatang relieved at masaya.   "Thank you very much Verna. Honestly, thanks to you makakauwi na din ako sa wakas. Nakakuha na ako ng perfect Filipino for the job. Let me just clarify. Lahat ay libre. From board and lodgings to your transport and meals. Ang hindi lang libre ay ang extracurricular expenses mo na I'm sure, as you see sa contract ay covered na ng generous salary mo. Any questions"   "Actually, nakalagay sa kontrata as soon as possible ang deployment ko. How soon is soon?" curious kong tanong.   "I was actually waiting for you to ask that. Nasa akin na ang medical test results mo so give us more or less three days para ma-process ang visa and passport mo and on the fourth day nasa iyo na ang papers. On the fifth day, you will fly to my beloved homeland right away!" masaya nitong sagot sa akin.   Nagulat naman ako. "That fast?"   "Yes Verna! Our company and the government have a special agreement regarding overseas workers from this country. At obviously na solo kang nakapasa meaning madaling ma mapro-process ang papers mo. I suggest na mag-empake ka na as soon as you got home. You know our company. We are credible and certified by the Philippine Government. When we say you are hired, you are hired. So, congratulations again Verna and let me be the first to welcome you in our Hyilla Branch!"   Iyon lang at inabot na nito ang kamay niya sa akin na kinuha ko naman agad at shinake ko iyon.   This is it.   Maybe my parents are watching over me.   They know my wish to travel and experience all the things I'll never will in my books and imaginations.   Ang Diyos at sila ang dahilan kung bakit siguro ako natanggap sa trabaho. Much less right after I graduated.   Theocracy of Hyilla, Consitechland, here I come!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook