Chapter 1

2494 Words
Markus's Point of View : "Langya ka talaga,Markus! Ang sama mo talaga sa mga babae! Nag-thank you ka pa talaga kay Jessica! " Napangisi na lang ako dahil sa sinabi ng isa kong kaibigan na nasa aking harapan. "Wala, eh! Gwapo na, magaling pa sa kama! " Pagmamayabang ko na nagpailing sa kanya. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa akin? Gwapo na, mayaman pa at higit sa lahat, ang pinakagusto ng mga babae ay mga mabulaklaking mga salita. Boses ko pa lang yata ay lupasay na sila sa akin eh paano pa kaya kung gamitin ko ang mala Jose Rizal kong pagkamakata? Eh 'di bukaka! "Naku,naku,Markus! Ingat ingat lang minsan at baka makarma ka rin! Sabi nga nila, digital at b*tch na ang karma ngayon." Napailing na lamang ako sa sinabi niya. "Eh 'di makarma! Wala namang katutuhanan yang mga yan,eh! Ang karma ay para sa mahihina at mga tanga lang. Ibahin mo ako dahil kahit kailan,hindi ako magpapatalo sa kahit na sinong karma na nandyan!" Sagot ko naman sa kanya. Napailing na lamang siya dahil sa aking sinabi. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng kwarto kung saan kami ngayon. Tumambad sa aming paningin ang isang lalaking nakasalamin. May hawak na mga libro na dumeretsyo sa sofa para magbasa. "Bakit hindi mo ako tuluran? Iisa lang ang babaeng kinakama at minamahal ko!" Sabi pa niya sa akin. Napangiwi na lamang ako sa kanyang sinabi. Tularan siya? Si Lover Boy, tutularan ko!? Walang excitement ang isang bagay kapag hindi mo nilalaro. Pag-ibig? Salitang ilusyon ng mga tao. Salitang pilit na hinahanap pero ang totoo ay wala naman talaga. Ano ba ang makukuha niyo sa pag-ibig? Kasiyahan? Eh pwede ka namang sumaya sa paglalaro ng pakiramdam ng iba eh. Pagmamahal? Naku, sabihin na nating meron nga yang salitang yan pero nagtatagal ba? Ang tao ay madaling magsawa diyan at sa huli ay hahanap ka rin ng iba. Masasaktan at iiyak sa sulok at iba nga diyan nagpapakamatay pa! "Hindi pwede, sayo na lang yang titulong "The Lover"! Sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa aking sinabi. Umalis na siya sa aking harapan at nagtungo sa mini-fridge na nasa sulok at kumuha ng tubig. "Ano na naman yang binabasa mo?" Pagbaling ko sa pumasok kanina. Napataas ako ng aking kilay dahil hindi man lang niya ako binigyan ng kahit isang tingin. "Hoy,genius! Ano yan? Siguro erotic novel yan no!?" Pangungulit ko sa kanya. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang librong binabasa at matalim na tumingin sa akin. Sa tingin pa lang niya ay alam ko na ang sinasabi niya. Nainis siya sa akin! Pinabayaan ko na lamang ang genius sa kanyang ginagawa dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa akin. "Alis na muna ako,Markus. Nagtext si Babyloves eh at nagyayaya ng lunch!" Paalam sa akin ng kausap ko kanina. Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi at nagmadali na siyang lumabas. Sa paglabas niya ay siya namang pagpasok pa ng isang lalaki na hindi maipinta ang mukha. "Mga walang silbing mga Officers!" Himutok niya nang makaupo siya. Napangisi na lamang ako sa kanya dahil sigiradong naiinis na naman siya sa mga members ng Supreme Council. Siya ang Leader ng aming paaralan, siya ang aming SC President na kung tutuusin naman wala naman siyang mapapala sa pagleader-leaderan niya! "Alis na muna ako kasi pinapatawag kami no coach." Tinignan lamang nila ako. Tumango si SC President habang si Genuis naman ay hindi na nag-abala pa. Lumabas ako ng kwarto at naglakad sa hallway patungo sa aming Volleyball court na kung saan ginaganap ang aming practice. Pagdating ko dito sa field ay nagulat ako ng may mga bagong recruite. Siguro ay sila na yung sinasabi ni coach noon na gustong pumasok bilang varsity player ng aming paaralan. Pumito ng malakas ang aming coach at aagad naman na nagsitakbo at lumapit ang mga manlalaro. Hinarap nila kami ni coach at naghintay kung ano ang sasabihin niya. "Ngayon, kikilitasin namin kayo sa inyong kakayahan sa volleyball. Kung sino man ang hindi mapipili ay bumalik na lamang sa susunod na taon habang yung mga mapipili naman ay ihanda niyo ang inyong mga sarili." Anunsyo ni coach sa kanila. Agad naman silang sunigaw ng pagsang-ayon kay coach. Ngayon ay hinahatibna niya lahat ng players at nagdagdag pa siya ng mga datingbplayers para sa magiging laro nila o magiging try-outs. Naghahanda na ako ng aking sarili nang pigilan ako ni coach. "Bakit coach? Hindi ba ako maglalaro?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Hindi na kailangan,Markus. Magiging isa ka ngayong scorer para sa laban nila." Nakangising sambit ni coach sa akin na kinagulat ko. "Pero coach, hindi natin malalaman kung ano ang kakayahan nila kung hindi natin sila susubukin." Pagtanggi ko sa sinabi niya. "Hindi magiging patas ang laban kung sasali ka,Markus. Alam ko ang iyong kakayahan sa paglalaro at baka walang panama yan mga bago." Paliwanag ni coach sa akin pero hindi ako kumbinsido. Pinilit ko si coach na maglaronpero parang desidido siyang hindi ako paglaruin. Sa akin lang naman ay kung hindi mahihirapan ang mga bago ay baka makakuha kami ng hindi deserving pumasok. May tiwala naman ako kay coach sa pagpili ng bagong manlalaro pero mas maganda pa rin sana na sa simula pa lang ay pahirapan na namin sila. Hindi yung literal na pahirapan kundi gusto ko lang ipakita sa kanila ang gusto nilang pasukin. Kung akala nila na madali lang ang laring Volleyball ay nagkakamali sila. Hindi lang ang basketball, soccer at iba pa ang mahirap laruin kundi pati ang volleyball. "Bakit hindi mo paglaruin ang star player,Coach? Hindi ba mas mapapadali ang pagpili niyo kung malalakas ang makakalaban ng mga bago?" Biglang may sumabat na isang lalaki sa usapan namin ni coach. Napatingin kaming dalawa ni coach sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking nakangisi. Mas matangkad ako sa kanya pero mas maputi siya. Mas astig ang mukha ko kaysa sa kanya. Halata rin na mas malaki ang katawan ko kumpara sa kanya. Singkit ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at makinis ang balat niya. Sigurado ba siyang manlalaro ito eh parang wala naman sa kanyang itsura! "Kung mararapatin mo coach ay paglaruin mo si Markus." Dagdag pa niya na kinangisi ko. Parang magugustuhan ko ang isang lalaking to ah! Parang ginaganahan ako! Napatingin ako kay coach at nanlumo ako sa kanyang sagot. Hindi pa rin niya ako pinayagan kahit may nagsalita na pero nagulat ako nang magbigay ng kondisyon ang lalaki. "Ganito na lang,coach. Kung mararapin niyo ay kakalabanin namin ang team ni Markus. Kung matatalo kami ay huwag na ninyo akong tanggapin pero pag nanalo kami ay lahat kami ay sasali sa team." Nakangisi niyang sabi kay coach. Napataas ako ng aking kilay dahil sa kanyang sinabi. Parang hinahanon niya ako sa isang dwelo. Isang dwelo na alam kong wala sipang panalo pero bilib ako sa tapan ng lalaking to. Si Markus,gusto niyang makalaban? Si Markus na hari ng Larong Volleyball ay gusto niyang subukan? "Kung ganun, sige pagbibigyan kita sa hiling mo." Nagulat ako sa sinabi ni coach. Bigla akong napatingin kay coach at bakas sa kanya ang pagngisi. Parang nagkakaroon siya ng interes sa lalaki dahil sa pinapakita niyang tapang na kalabanin ako. "Pero coach, ang nais ko lang sana ay huwag kayong makialam sa magiging laro namin. Ako ang magiging team captain sa team ko at si Markus naman ang team captain sa kabila para maging patas." Sabi pa niya na agad namang sinang-ayunan ni coach. "Sige ba kung yan ang gusto mo. Mukhang maganda ang magiging laro niyo! Siya nga pala, ano ang pangalan mo?" Pagsang-ayon ni coach sa sinabi ng lalaki. "Karl sir,  Karl Lyndon Buenaventura." Pakilala ng lalaki. "Sige,Karl. Pumunta ka na sa team mo at ikaw naman Markus ay pumunta na rin. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para magplano at pag-usapan ang magiging laro niyo. Uupo lang ako at magigong scorer sa laro." Utos sa amin ni coach. Nagharap kami ni Karl matapos sabihin iyon ni coach. Nagkatitigan kami. Nakangisi ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Nakakaramdam ako ng excitement sa tinginan namin. Dahil sa unang pagkakataon ay may naglakas loob na kalabanin ako sa larong eksperto na ako. Tignan lang natin kung hanggang kailang ang lalaking to! Tignan lang natin kung hindi niya pagsisihan ang paghamon niya sa akin. "Goodluck,Pare! Ibigay natin lahat sa larong ito!" Sabi niya sa akin na mas lalong nagpalaki ng aking init sa paglalaro. Nakita kong inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan. "Makakaasa ka, pare! Sinisigirado kong hihirap kayo ng mukha sa lupa!" Sagot ko naman sa kanya sabay tanggap ng kanyang kamay. Pagkatapos ay pumunta na kami sa aming team para magplano. Wala na naman akong maraming sinabi sa mga kateam ko dahil ako na ang bahala sa laro. Kaya ko silang talunin na ako lang mag-isa! Matapos ang limang minuto at pumito na ng malakas si coach, agad na pumunta ang anim nilang manlalaro sa kanilang court. Ako naman ang pumuli ng limang kasama ko at nagpunta na rin sa aming court. Dahil mga baguhan naman sila, sinabi ko na lang kay coach na sa kanila angbunang serve. Hindi naman tumanggi si coach at sila nga ang unang magseserve! Pumunta ang isang palyer ngbkalaban sa pwesto ng pagseserve. Pinatalbog niya ang hawak niyang bola at nang magsalita si coach ng "Love All!" at pumito ng malakas ay nagsimula na ang laro. Napailing na lamang ako ng makita ko ang porma ng magseserve. Halatang baguhan lamang siya dahil wala man lang kalakas lakas ang pagserve niya. Agad na nakuha ng kateam ko ang bolo at nagset siya na agad naman sinalo pa ng isa kong kateam. "Go! First attack!!" Sigaw ko at agad silang nagsikilos lahat. Tumakbo ako palapit sa net habang ang bola at malakas na sinet ng kateam ko. Napangisi ako dahil sakto lamang ang taas at lapit ng bola sa akin. Hinanda ko ang aking sarili at tumalon para sa magiging atake ko. Malakas kong pinalo ang bola at mabilis na tumama ito sa semento! Kami ang nakakuha ng unang puntos! Nagsilapitan kaming lahat at nag-apiran. Napatingin ako sa aming kalaban deretsyo sa lalaking nanghamon sa akin. Nakangisi lamang siya atbpara bang gindi siya tinablan ng kaba sa naging atake namin. Nagpunta ang isa kong kateam para magserve ng bola. Hindi gaya sa kabila, ang mga kateam ko ay may background na sa laro at malakas siyang nagserve. Nagulat na lamang kami nang makuha nila ang serve ng kakampi ko pero ok lang. Sigiradong puntos na naman namin ito. Napasunod kami sa bola, ipinasa niya sa isa pang kateam niya ang bola at sinet ito ng malakas. Nakita namin na may tumakbong isang lalaki at halatang aatake siya ng malakas. Mabilis kaming tumakbo ng kateam ko para iblock ang atake. Nang tumalon ang lalaki ay sinabayan din namin ng talon pero laking gulat ko na lamang nang may isa pang lalaki ang nasa gilid na tumalon at siya ang tumira sa bola. Napasunod kami sa bola at nakita kong walang nakabantay sa lugar na yun! Sh*t!! Peke!! Naghiyawan ang kabilang team dahil sa tagumpay nila. Nakaramdam ako ng inis dahil sa nasaksihan ko! Hindi ako makapaniwala na naisahan ako doon! May strategy pala silang alam at yun ang hindi ko pinaghandaan. Napapikit ako ng aking mga mata at bumuntong hininga. Relax ka lang,Msrkus. Walang binatbat ang mga yan sa galing mo! Si Karl ang magseserve ng bola ngayon. Sa kanyang porma, madali lang naming makukuha ang serve niya. Nang pumito si coach ay biglang nag-iba ang porma niya at mabilis siyang tumakbo at inangat ang bola. Sa bilis ng pangyayari, napasunod ako sa bolang tinira niya at papunta ito sa isa kong kateam na halata ang gulat sa kanyang mukha! "Kunin mo!!" Sigaw ko pero huli na ang lahat. Saka lang siya nagkatino nang tumama na ang bola sa semento at naka score na naman sila. Nagpatuloy ang laro at naging mainit ito. Mula nang magserve si Karl ay sunod sunod silang naka-score. Hindi ko alam kung sinasadya nila o ano pero parang nilalayo nila ang bola sa akin. Nakakascore din naman kami pero lamang sila. Kung makaka -score kami ng isa, katumbas sa kanila ay tatlo. Huli na nang mapagtanto ko ang strategy nila. Binibigay nila ang bola sa kateam kong alam nilang mahina. Magaling din silang magfake na sa unang tingin ay titirahin nila pero ang kinagugulat na lang namin ay biglang may susulpot na isa at siya ang titira. Magaling din silang magbigay ng illusion at mag-pleasing ng bola na kinaiinis ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayribpero parang nanggigigil ako! "Set!!" Sigaw ko na agad naman ginawa ng kateam ko. Tumalon ako at malakas kong pinlonang bola pabalik sa kanila at kami ang nakapuntos! "12-warning!" Sigaw ni coach. Tama kayo ng narinig, kung makaka-score sila ay sila na ang mananalo. Pero hindi ako papayag. Hahabol kami at gagamitin ko lahat ng lakas ko para mapatayan sila. Bumuntong hininga ako ng malalim at nang marinig ko ang pagpito ni coach ay inangat ko ang bola at malakas na pinalo ito papunta sa kabilang court. Nasangga naman nila ang bola at agad na binalik sa amin. "Set!!Set!!Set!!" Mga sigaw ko sa mga kateam ko. Napasunod ako sa bola at napangisi ako. Tamang tama lang para sa aking atake. Tumalon ako at kasabay din ng pagtalong ng tatlong kalaban na nasa harapan ko para iblock ang aking atake. Kumpyansa akong hindi nila mabloblock ang atake ko kaya malakas kong pinalo ang bola habang nasa ere ako! Nasangga nila ang bola pero tumalbog ito ng mataas. Napasunod ako sa bola at nakita kong papunta ito sa labas ng ring. Napangisi ako dahil sigurado ako na score na naman namin ito. Tumalikod na ako para magpunta sa sa labas ng court at maghanda sa pagserve pero napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang malakas na pagtama sa aking ulo. Napahawak ako sa aking batok at nakita ko ang bola na gumugulong na sa semento. Napatingin ako sa kabilang court at nakita ko si Karl na papalapag palang sa semento. Ibig sabihin ay natira pa nila ang bola at naibalik sa court namin!? Ibig bang sabihin nito ay natalo kami! Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla akong nahilo at napaluhod sa semento. Agad namang nagsilapitan ang aking mga kateam pero hindi ko nagawang iangat ang aking ulo. "Ok ka lang ba? Paensya na pare, hindi ko sinasadya." Sa narinig kong boses ay napaangat ako ng aking ulo. Nakita ko ang mukha ni Karl na sa aking paningin ay kakaiba. Parang ang liwanang ng kanyang mukha. "Ok lang ako. Nagulat lang siguro ako." Sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya sa aking sinabi. "Sa susunod kasi,pare ay huwag kang maging kampante sa laro. Kung akala mo ay panalo ka na, sa isang segundo ay maraming magbago at maari ka pang matalo." Nakangisi niyang pangaral sa akin na kinataas ng kilay ko. "Ano? Laro tayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD