bc

CONSTANTINE LUCIFER'S WIFE

book_age18+
48
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
arrogant
badboy
kickass heroine
maid
mafia
cheating
wife
like
intro-logo
Blurb

PALIGSAHAN SA PAGSULAT SA YUGTO - Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi

Lies after lies after lies…

Constantine Lucifer is a man that is hard to love, but impossible to hate.

Pinasok ni Eleana ang impyernong buhay sa bahay ng mga Lucifer at sa unang araw niya pa lang ay nasaksihan niya na kung gaano kawalang puso ang lalaki. Constantine Lucifer killed someone in front of her! At sino siya para hindi mawalan ng malay, ‘di ba?

Nang magising siya ay agad na tumambad sa mata niya ang ulo ng baril ng lalaki na nakatutok sa kaniya. Akala niya ay papatayin na siya nito kaya halos malaglag ang panga niya dahil sa tanong nito. . .

“Are you still a virgin?”

Hanggang kailan niya kayang labanan ang binatang Lucifer kung sa bawat titig nito ay para na siyang hinuhubaran ng gwapong lalaki?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ELEANA’s POV Halos mabali ang leeg ko sa pagtingin sa karangyaan na nasa harapan ko. Hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan sa loob ng teritoryo ng mga Lucifer ay nagsusumigaw na ang kayamanan na nakikita ko kahit nasa gate pa lang kami. Para itong higante na ano mang oras ay dadakmain kaming mga bagong salta sa lugar. Napasinghap ang babaeng katabi ko. Ito ang unang beses na nakita ko siya kahit sa iisang agency lang kami galing. Sabagay, sino ba naman ang hindi mamangha kung ang gate pa nga lang na bente metro yata ang taas ay gold-plated na. Paano pa kaya kung sa mismong bahay na pagtatrabahuan namin ang makita namin? Hinawakan ko ang leeg ko at hinilot ito. Pakiramdam ko ay may naipit na ugat dahil sa ilang minuto kong pagtingala sa gate. Dumiretso muna ako ng tayo bago ko tiningnan kung ano ang nasa loob ng gate. Walang hanggan na kulay berde ang nakikita ko dahil sa tanim na bermuda grass, at mga halaman na iba’t iba ang hugis. Naisip ko tuloy kung gaano kaya kalayo ng mismong bahay dito sa labas ng gate kung saan naroon kami. Halos limang minuto na yata kaming nakatayong tatlo ni Mrs. Arsenia at itong isang babae dito sa labas ng gate ng magiging amo ko. Ang kotse na ginamit namin ay naka-park ilang hakbang mula sa amin sa likurang parte. May tinawagan na si Mrs. Arsenia sa loob kaya nagtataka ako kung bakit wala pa ring nagbubukas ng gate. Mabuti na nga lang at hindi gaanong mainit kaya hindi sumasakit ang ulo ko. At kahit nakatayo lang kami ay hindi mahirap lalo pa at wala kaming dalang kahit isang gamit. Ang mga Lucifer na raw ang magpo-provide ng mga kailangan namin kapag nasa loob na kami. “Dito kayo magtatrabaho, Miss Gomez at Miss Vargas.” Napatingin ako sa nagsalita, si Mrs. Arsenia. Siya ang naghatid sa amin dito sa bahay ng mga Lucifer. Ang agency nito ang tumatanggap ng katulad kong gustong magtrabaho sa pamilya ng mga Lucifer. In her late 50’s, masasabi kong malayo na ang narating niya. Sa bawat kumikinang na palamuti niya na nasa katawan ay halata mo na kaagad kung ano ang estado niya sa buhay. “Marami kayong nag-apply sa ahensiya bilang katulong ng mag-anak, pero kayo ang pinili ko, dahil sa tingin ko ay kayo ang mas nangangailangan ng pera. Lalo ka na, Eleana. Nag-imbestiga na ako tungkol sa iyo. Nalaman ko na nasa hospital ang lola mo. Masuwerte ka.” Ngumiti ako, na halos mauwi sa pagngiwi dahil sa sinabi niya. Masuwerte? Paano ako naging masuwerte, eh, hindi pa man nga ako nakakapasok sa loob ng gate ay may nakatutok nang mga baril sa gawi namin. “Ang mga dapat ninyong gawin ay nasabi ko na sa iyo. Ang mga ipinagbabawal sa loob ng bahay ay alam n’yo na rin. Bawal kayong magtanong tungkol sa bawat miyembro ng pamilya. Isang buwan kayong nag-training bilang isang magaling na katulong kaya dapat magawa n’yo nang tama ang ipinapagawa sa inyo.” Huminto ito sa pagsasalita para lang tumingin sa akin. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya. “At higit sa lahat—” “At higit sa lahat ay hindi kami puwedeng ma-in love sa bunso ng mga Lucifer,” pagpapatuloy ko sa sinabi niya. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. “Tama ka. Mas magiging magaan ang buhay ninyo kapag sinunod ninyo ang mga sinabi ko sa inyo.” “May mga na-in love na ba sa bunso nila galing sa agency mo, Ma’am?” Huli na para pigilan ng kasama ko ang bunganga niya. Nasabi niya na ang isang bagay na hindi niya dapat itanong. Isa iyon sa inilapag na batas na dapat sundin bago pa man kami pumunta sa lugar na ito. Nahagip pa ng mga mata ko ang pag-ihip ni Mrs. Arsenia sa usok na galing sa bunganga ng baril na hawak niya. Napapikit na lang ako nang matalsikan ang mukha ko ng dugo na galing sa babaeng katabi ko lang kanina. Ngayon ay nakahandusay na siya at wala nang buhay habang bumubulwak ang dugo sa noo niya kung saan ito natamaan ng bala. Napapikit ako, at pagmulat ng mga mata ko ay iniwasan ko na ang tingnan ang babae. “Istupida!” galit na ani ni Mrs. Arsenia. “Iyan ang nakukuha ng mga taong matigas ang ulo.” Matapos nito iyong sabihin ay dinuraan pa ang babae bago niya ito tadyakan sa mukha. “Ayusin mo ang sarili mo, Eleana, dahil bubukas na ang gate. Ayaw kong humarap ka sa pamilya na para bang kambing na katatapos pa lang painumin ng suka.” Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. At dahil bawal ang magdala ng kahit anong palamuti sa mukha ay nagkasya na lang ako na kagatin ang labi ko para lang maging pula ito. Inayos ko ang damit ko at pinunasan ang parte ng mukha ko na sa tingin ko ay natalsikan ng dugo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ko tinapunan ng huling tingin ang bangkay ng babaeng ngayon ay kinukuha ng dalawang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Pag-apak ko pa lang ng mga paa ko sa loob ng hekta-hektaryang lupain ay nilapitan na kaagad ako ng hindi baba sa sampung kulay itim na aso na halos mangalahati pa sa laki ko. Tila mga kawal ito na handang ipagtanggol ang kung sino man ang nasa loob ng palasyong binabantayan ng mga ito. “Walang sino man ang makalalabas sa bahay na ito nang walang pahintulot ng pamilya. Kaya kung magtatangka ka mang umalis sa bahay na ito ay huwag mo na lang gawin kung ayaw mong matulad sa madaldal na babae kanina.” Hindi ako sumagot. Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Napatingin sa akin nang nakangisi si Mrs. Arsenia. Mukhang sanay na itong makakita ng katulad ko na tumitiklop ang tuhod sa huling minuto, at umiiyak na para bang baka na papunta sa slaughter house. “Bago pa kayo nakapasa sa ikalimang pagsusuri ay pinaalalahanan ko na kayong delikado ang pumasok sa bahay ng mga Lucifer. Walang kasiguraduhan na makalalabas pa kayo nang buhay. At dahil sa malaking pera na kikitain ninyo sa loob ng isang buwan ay pumirma kayo ng kontrata. Pumirma ka, hindi ba?” Hindi ako sumagot. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko kaya ganito ang sinasabi niya. Nakayuko lang ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng lungkot na hindi ko maipaliwanag. Nasasaktan ako. Ito ang kauna-unahang beses na masaktan ako. Wala na bang pag-asa? tanong ko sa sarili ko. Wala na bang pag-asa na makita pa kita? Tinakpan ko ang bibig ko para hindi tuluyang kumawala ang hikbi ko. Kailangan kong tatagan ang loob ko. Dapat maging mas matapang pa ako. “Ayusin mo ang mga alaga mo, Tyron. Ayokong makakita na naman ng gutay-gutay na katawan ng tao dahil sa mga alaga mo.” Pagkarinig ko ng baritonong boses na iyon ay kusang huminto ang pag-iyak ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at tiningnan kung sino ang nagsasalita. Isang 6-footer na lalaki ang nasa harapan namin. Kulay bukayo ang balat na kumikinang sa tama ng araw. Nang tumingin sa gawi ko ang lalaki ay halos mangaligkig ako sa lamig na hatid ng kulay abo niyang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook