Nuptial 2

2358 Words
Halos masilaw ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana sa aking kwarto. "Umaga na agad?" Inaantok ko pang sambit saka bumaling ng higa para tignan kung anong oras na ba. Napapikit pikit pa ako habang pilit tinitigan nang maiigi ang orasan. Hanggang sa makita ko kung saan nakatutok na numero ang mga kamay nito. 8:30 am Nanlaki ang mga mata ko at tila biglang nawala ang antok na nararamdaman ko lang kanina. Wait... 8:30? Bigla ako napabangon mula sa aking pagkakahiga. "Sh*t! late na ko." Natatarantang sambit ko. Kaninang 7 am pa nag-start ang klase ko. Mabilis akong umalis sa aking higaan kaso malakas na napasubsob ako sa sahig dahil sa nakabuhol ang kumot sa aking paa. Nang makabangon ay agad agad ako nagtungo ng banyo para magtoothbrush at maligo. Walang arte arte ko natapos ang mga iyon ng mga limang minuto. Nagbibihis na ako ng pumasok sa kwarto si mama na abot tenga ang ngiting binibigay sa akin. "Good morning, anak." Masayang bati niya. "Okay ka lang ba? Nakarinig ako ng kalabog kanina." "Ma! Late na ko!" Natataranta kong sabi habang nagbibihis ng uniporme na hindi ko maibutones sa sobrang pagkataranta. "Nakalimutan kong i-alarm ang phone ko." Naiiyak kong dagdag sa kapalpakan ko ngayong araw. Natatawang hinila ako pabalik ng kama ni mama. "Mamaya na ang debut mo kaya mag-beauty rest ka na lang, anak" Nakangiting sabi niya at pilit na pinaupi ako. "Bawal na bawal ka muna mastress ngayong araw. Dapat maganda ka mamaya dahil—" "Pero ma! May exam ako ngayon" Pagtutol ko habang umiling iling. "Hindi ako pwedeng lumiban ngayong araw sa aking klase." Bumukas muli ang pinto at sumilip naman roon si papa. "Huwag mong isipin iyon anak, pinagpaalam ka na namin." Natatawang sabi naman ni papa saka ako binigyan ng kindat "Magpahinga ka na lang para sa debut mo mamaya" Hindi ko talaga maitindihan kung anong meron sa birthday ko at nagkakaganito sina mama at papa. Idagdag niyo pa ang biglaang pag-uwi kagabi ng aking nakakatandang kapatid nasi Kuya Chiyu para raw sa birthday ko. Isang pagsukong buntong hininga ang pinakawalan ko at hindi na nagpumilit pang pumasok. "Sige anak. Alis muna kami para asikasuhin ang debut mo." Masayang sambit muli ni mama na binigyan ako mg halik sa noo bago umalis kasama si papa Bagot ako humiga muli sa aking kama at napatitig sa kisame ng aking kwarto. Bukas pa naman talaga ang birthday ko at gusto nila mamayang gabi na ganapin ito. Ito ay para salubungin ang araw ng birthday ko. I have this feeling... na may sikreto sila sa akin kaya napaka-big deal sa kanila ang debut ko. Dapat ba ako matakot kung ano iyon? *** Nang hapon ay tinawagan ako ni Lila para ipaalam ang mga homework namin. Halos umabot ng dalawang oras ang aming usapan dahil sa kanyang paghihimutok na hindi ako pumasok. Iniwan ko raw siya kasama si Harold. Napapailing ako napakamot ng batok dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin napapatawad si Harold sa kung anong kasalanan man iyon sa kanya. Napatingin ako sa orasan at ilang oras na lang ay gaganapin na ang aking debut. Hindi ko maiwasang kabahan sa mangyayari lalo na inimbitahan nila ang buong school. Hindi nagtagal ay dumating ang mga mag-aayos sa akin. Pinaupo nila ako harapan ng isang salamin. Kung anu anong kalorete ang pinahid at nilagay nila sa aking mukha. Pagkatapos ay buhok ko naman ang inayos nila. Naka-braid ito na mala-Elsa ng Frozen. Nilagyan pa nila ako ng maliit na tiara sa aking ulunan. "Is this neccessary?" Tukoy ko sa tiara Tumango ang baklang nagme-make-up sa akin. "Yes madam. Kabilin bilinan sa amin iyan ng iyong mama." Sagot niya Nilapag ng isang kasama niya ang gown na susuotin ko. Ngayong araw ko lang ito nakita dahil gusto nina mama isorpresa ako. "Wow sis. Gawa ni Harvey del Valle ang gown mo!" Manghang sabi muli ng bakla. "Ikaw na sis!" Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Wala akong kaide-ideya na nagpagawa sila ng gown sa isang sikat na designer. Parang nakakahiya naman na suotin ito ng tulad kong ordinaryong tao lamang. Ngunit regalo ito nina Tita Yani at Tito Greg kaya hindi ko maaaring tanggihan. Ipapanalangin ko na lang na hindi ako madapa sa haba ng dress kundi magiging kahiya hiya ako sa buong school na inimbitahan nina mama. Sinuot ko ang gown sa tulong na rin ng assistant na babae ng baklang nag-ayos sa akin. Isa itong baby pink tube dress na tamang tama lang ang pagka-fit sa aking katawan. May mahabang cut ito sa gitna habang pahaba naman sa likuran. Pinasuot rin sa akin ang isang two inch silver stiletto. Medyo mataas ito pero carry lang. Napanganga ako sa aking repleksyon dahil halos hindi ko makilala ang aking sarili. "oh my..." Tanging nasambit ko. "Ako ba iyan?" "sis! Sabi na eh maganda ka!" Tuwang tuwa sabi muli ng bakla na nag-aayos sa akin. "Hindi ka lang palaayos pero maganda ka!" 'Bakit? Mukha ba akong panget kanina?' Nginitian ko na lang siya at hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Baka papangitin pa niya ako kung barahin ko siya. Ayoko naman mangyari iyon. Pagkaayos ng suot kong gown ay nagpaalam na rin ang mga nag-aayos sa akin. Doon naman dumating ang aking kapatid. "Woah! Ang ganda natin ah!" Sabi ni Kuya Chiyu habang pinapaikot ako sa kanyang harapan Tinampal ko ang kamay niya dahil nahihilo ako sa ginagawa niya. "Salamat." Sabi ko sabay labas ng dila sa kanya na parang bata. "Iyon nga lang isip bata pa rin." Iiling iling at natatawang komento niya Napatingin ako sa suot niya at mukhang kahit siya ay ayos na ayos na rin. "Ikaw ba ang escort ko, Kuya?" Umaasang tanong ko sa kanya Biglang napawi ang ngiti niya at umiwas ng tingin na ikinakunot ng aking noo. "Sorry pero hindi eh" Seryosong sabi niya. "Ah..." 'Kung ganoon sino?' Kahit sa invitation na pinamigay nila ay walang nakalagay. Baka naman wala akong escort. Sabagay mas okay na rin iyon. Nagpicture picture muna kami nina Kuya, mama at papa habang nag-iintay sa oras ng debut ko. Ewan ko nga kay mama kung bakit may paiyak iyak pa siya. Debut lang naman ito hindi kasal. 'Ay ewan!' "Lakas trip niyo mama! Makayakap kayo parang ikakasal na ako" Biro ko pa kay mama na lalong ikinaiyak niya. Napailing na lang si papa sa akto ni mama at pinunasan ang mga luha ng kanyang asawa. "Sssh. Tama na iyan." Alo pa niya. Bumukas ang pinto at siya namang pagdating nina Lila at Harold. Mukha sila naman ang mangungulit sa akin habang nag-iintay ako. "Wow Sachi!" Manghang sambit ni Harold. "Ganda natin ngayon ah." Siniko naman siya ni Lila para matigil dahil na rin nandito si papa na masama ang tingin kay Harold. Nang mapansin iyon ni Harold ay umakto siya na nag-zi-zipper ng kanyang bibig. "Tara na ma, pa." Yaya ni Kuya Chiyu sa aming magulang. "Baka nandiyan na sina Tita Yani sa baba." Hinalikan ako sa pisngi ni papa bago sumunod kina mama na lumabas ng kwarto ko. "Wew! Anong ginawa ko at ayaw na ayaw sa akin ng papa mo." Hindi maipintang ang mukha ni Harold habang sinasabi iyon. "Because you're flirting with his daughter." Sambit naman ni Lila saka nagkibit balikat. "Ang landi landi mo kasi." "Eh... Iyon lang?" "So wala kang escort, Sachi?" Tanong muli ni Harold. "Gusto mo ako na lang?" Pinu-push pa rin pala ni Harold na sana siya na lang ang escort ko. Binatukan ni Lila si Harold. "Imposibleng walang escort si Sachi." Kontra ni Lila. "Sa engradeng debut niya, palagay mo wala siyang escort?" Umaktong napapaisip si Harold. "Sabagay..." Sang-ayon niya. "So sino ang escort mo?" Pang-uusisa ni Lila sa akin. Nagkibit balikat ako. "Sorry. Kahit ako walang ideya." Pag-amin ko. Nagkatinginan ang dalawa na tila hindi naniniwala sa akin. "Pero palagay niyo pupunta si Kaden ngayon?" Biglang tanong ni Harold. "Di ba allergic iyon sa party?" Tumango si Lila. "Isang himala kung pumunta siya ngayon." Sang-ayon niya. "Pero malay mo, magkaklase kaya sila ni Sachi since kindergarden." "Gusto mo pustahan tayo, Lila?" Nakangising sambit ni Harold. "Hindi iyon pupunta." Dagdag niya at akmang kukuha ng pera sa kanyang bulsa. Tila napaisip si Lila sa hamon ni Harold sa kanya. "Teka bakit tila dehado ako sa pustahan?" Kontra niya. May kumatok muli sa pintuan. "start na po" Sabi ng organizer sa amin Nagkatinginan kaming tatlo saka lumabas na rin ng kwarto. Humugot ako nang malalim na hininga habang pinapakinggan ang mga instruction ng organizer. Habang iniwan ako ng dalawa kong kaibigan para maunang pumunta sa venue. Pinapwesto ako sa may taas ng hagdanan kung saan ako bababa biglang entrance. Kinakabahan talaga ako. Paano kung matalapid ako habang nababa? Hindi pa naman maitatanggi na may pagka-clumsy ako. "Kalma lang, Sachi." Bulong ko sa aking sarili. "Kakayanin mo ito." Nagsimula ng tumugtog ang aking magiging entrance song. "Let's welcome the celebrant, Miss Sachia Hanazawa!" Tawag sa akin ng emcee. Rinig ko ang malakas na palakpakan ng mga nasa labas. Nagbigay senyas ang organizer na bumaba na ako. Doon, nagsimula na ako humakbang pababa na todo ngiti sa mga dumalo ng aking debut. Nang makita ko kung gaano sila karami ay tila nakaramdam ako hiya at takot. Hindi ko ineexpect na sobrang marami ang dadalo ngayon. "Go Sachi!" Rinig kong sigaw ni Lila kung nasaan man siya. Nanginginig na ang tuhod at hindi malaman ang gagawin sa oras na ito. Hanggang sa magkamali ako ng apak at dumulas ang suot kong stilleto sa hagdan. Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak ko sa ilalim ng hagdan. Hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa aking bewang na naging dahilan para hindi ako tuluyang mahulog. Dahan dahan ko minulat ang aking mga mata para tignan kung sino ang taong nagligtas sa akin. Ngunit bumungad ang taong hindi ko lubos akalain na pupunta ngayon. "What.The.Hell." Mabagal kong sambit dahil sa sobrang gulat. . . . . "...and her escort Kaden Steven Williams" Dugtong ng emcee sa kanyang intro na ikinatigil ng palakpakan. "What? Si Kaden?" "Nandito siya?" "Pumayag siyang maging escort?" "Anong ginawa niya para mapapayag si Kaden maging escort niya?" Napuno ng bulungan ang buong paligid. Inayos ni Kaden ang tayo ko at nilagay ang isang kamay ko sa braso niya. Nakatitig lamang ako sa kanya na tila hindi nagsi-sink in ang nangyayari. "Are you alright?" Bulong ni Kaden sa akin na nagpabalik ng aking diwa. Wait. Wait. Wait. Its freaking Kaden Steven Williams! Tinignan ko ang kinaroroonan nina mama. Sa lahat ng pwedeng kuning escort ay si Kaden pa. Gusto ba nila na mabully ako sa school sa ginawa nila? Bakit si Kaden ang escort ko? Napatingin ako sa paligid at masasama ang tingin sa akin ng mga schoolmate kong babae at beki. Kulang na lang ay sugurin nila ako sa kinatatayuan ko ngayon. 'promise! Wala akong alam rito!' Sigaw ko sa utak ko na tila gusto sabihin sa lahat iyon. "Sachi?" Tawag ni Kaden sa akin. "Ayos ka lang ba?" "How can I be alright?" Nanlulumo kong sambit. "Ikaw ang escort ko." Nagulat ako ng may magflash ng camera."Sige mga anak! Tuloy niyo lang" Kinikilig na sabi ni mama kasama si Tita Yani sa may baba ng hagdan. "Mom, stop it." Nahihiyang sambit ni Kaden kay Tita Yani. "You are making her uncomfortable." Napanganga ako sa nalaman. "Ikaw ang anak nina Tita Yani?" Gulat kong sabi. Iyon pala ang dahilan kaya napapayag siya maging escort ko. I know how can Tita be annoying. Saka ko na proproblemahin ang mangyayari sa akin sa school. Dapat hindi ko sayangin ang effort nina mama dito sa debut ko. Nagpatuloy ako saka humarap sa mga bisita habang nakahawak sa braso ni Kaden. Umupo ako sa upuan sa gitna ng event at may upuan rin para kay Kaden sa gitna. Buti napapayag nina mama si Kaden maging escort ko rito. Marami ang may gusto nun pero lahat iyon ay tinanggihan niya. Rinig ko ang bawat flash ng camera ni mama. Pilit lang ako ngumiti kahit hindi ako komportable sa nangyayari. "ito ang sinasabi ko kay mama" rinig kong sabi ni Kuya Chiyu Ginawa ang programa. Katulad ng 18 roses. Siyempre bilang si Kaden ang escort ko ay siya ang huli kong kasayaw. Awkward para sa akin ang nangyayari. Sa wakas ay natapos rin ang event. Inaantok na ako. Napahawak ako sa ulo at iniisip ang mga pwedeng mangyari sa akin pagkatapos nito. Hay... "inaantok ka na?" tanong ni Kaden Naiilang talaga ako sa kanya "m-m-medyo" sabi ko Kami na lang nina Kaden, mama, papa, Kuya Chiyu, Tita Yani at Tito Gregor ang naiwan. May sasabihin pa raw kasi sina mama sa akin. Bakit kasama si Kaden? "hindi ba pwede ipabukas iyang sasabihin niyo mama?" inaantok kong sabi "mamaya kasi anak lilipad kami ng papa mo papuntang Canada kasama ang kuya mo" sabi ni mama Nanlaki ang mga mata ko. Teka iiwanan nila ako rito? "a-a-anong sabi niyo?" pag-uulit ko sa sinabi nila "sasama sina mama at papa sa akin pabalik ng Canada" pag-uulit ni Kuya Chiyu Napakurap kurap ako. "eh paano ako?" nakanguso kong sabi Sa mismong birthday ko pa nila naisipan umalis. "don't worry princess, sa amin ka na titira from now on" nakangiting sabi ni Tita Yani Parang nakakahiya naman yata iyon. "may gusto pa nga pala kami sabihin bukod doon anak" sabi ni papa Napakunot ang noo ko. Meron pa? Ano iyon may utang sila na tatakasan kaya bigla bigla sila pupunta ng Canada? "spill it papa" naiinip kong sabi Tumingin siya kina Tita Yani tapos kay Kaden saka sa akin. May pa-intense pang nalalaman si papa. "asawa mo nga pala si Kaden" sabi ni papa Tss. Iyon lang pala. "okay" walang paki kong sabi "hindi ka galit anak?" gulat na gulat na sabi nina mama "akala ko magwawala ka kapag nalaman mo na ikinasal ka na kay Kaden mula ng ipinanganak kita" Ahhh.... O_____O "whaaat??!!!??" sabi ko ng magsink in ang sinabi nila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD