HER NAME IS MARBLE

1079 Words
Siya si Marble---hindi Marvel, hindi rin Marbel, kundi Marble as in Marble, period. Marble siya sa bahay nila. Pero sa school, kilala siya bilang si Jols, ang layo noh. Jols lang naman, pero ang totoo masaklap ang history ng nickname niya. Jolens ang laging itinutuksong pangalan ng mga kaklase sa kanya noon. Kaya nang masanay siya sa ganung tawag eh ginawa na lang niyang Jols para di halata na nakasanayan naman ng mga kaibigan niya. Kung tatanungin niyo siya kung maganda siya, never mind. Naging subdivision lang naman ng naglalakihang pimples ang kanyang mukha na simula nang datnan siya ng buwanang dalaw ay di na mawala-wala ang mga yun. Pero ang pinakamatindi ay ang kanyang dalawang mahahabang pangil na ngipin kaya minsan lang siyang ngumiti noon, ni tumawa. Pero ngayong gagraduate na siya ng high school, di na siya apektado kahit pinagtatawanan siya sa ganung itsura. Ang iba palang nickname sa kanya, "daylight vampire". Siya lang daw kasi ang bampirang kayang lumabas kahit tanghaling-tapat. Syempre masakit kasi alam niyang normal siyang tao pero anong magagawa niya. Life must go on. Ang mahalaga, masaya siya sa life niya, keber sa kanilang lahat. Proud siya sa sarili niya kasi kahit ganun siya, love na love siya ng kanyang mga magulang. Mahirap lang naman sila. Magbubuko lang ang kanyang tatay sa pinakiusapan nitong puwesto sa bayan at ang kanyang ina ay nasa bahay lang at inaalagaan ang dalawa pa niyang mga kapatid na kambal. Wala pang isang taon ang mga to. Ang tagal noh bago siya masundan. Ito ang kanyang istorya! "Boss Jols!" tawag sa kanya ng kanyang kaklase at katropa hindi pa man siya nakakapasok sa kanilang silid-aralan. Sa kanilang eskwelahan, kulilat ka kung walang kang gang at di ka kasali sa isang gang, bugbog sarado ka sa pambubully ng ibang mga mag-aaral na mayayabang at nagyayabang-yabangan. At dahil nasa top 1 siya sa mga binubully dati nung di pa siya lumalaban pero di naman to the point na nabubugbog siya dahil sa totoo lang walang may maglakas loob na gumawa nun sa kanya. Bakit kamo? Ilabas lang niya ang mga pangil niya, takot na silang lahat. Ibang klaseng pambubully ang ginagawa nila sa kanya. Yun nga, kung may gang ng mga magaganda at matatalino, aba, may gang din sila--"The approachables". May goals ang gang nila. Sila ang pumapangalawa sa guidance counselor, sila ang tagapayo sa mga estudyanteng nabubully, sila ang tagabugbog sa mga estudyanteng nambubully. Sila rin ang takbuhan ng walang mga pambili ng papel kapag may exam dahil may sarili silang pondo, nag-aambagan sila sa tuwing simula ng buwan para sa mga mas mahihirap pa sa kanila. Subalit sa gang nila, may isang requirement. Kailangang chaka ka bago ka tanggapin. In short, disqualified ang mga magaganda. At dahil siya ang pinakachaka sa kanilang grupo, siya ang pinakaleader. At kung itatanong niyo kung bakit Boss ang tawag sa kanya, boyish kasi siya, mukhang tomboy na bampira, maikli ang buhok at parang lalaki kung maglakad, but mind you, hindi siya tomboy, babae siya. Umasta lang siyang ganun para walang mambastos sa kanya. "O ano, nakapangulekta ka na?" tanong niya sa tumawag sa kanya. Kumamot sa ulo ang kausap. "Boss Jols, yun nga ang problema eh. Lima pa ang di nakakapaghulog. Wala daw talaga silang pera. Pano yan? Sa katapusan na ang graduation natin. Wala pa tayong pang-arkila ng toga," ani William. Yun kasing buwanan nilang ambag ay inilaan na nila para sa graduation nang di na sila nanghihingi sa mga magulang, manghingi man kunti na lang, kaya nang ibigay ng mga yun dahil maliit lang na halaga. "O siya magmeeting tayo mamayang hapon pagkatapos ng klase. Sampu tayong gagraduate di ba? So lima na ang nakapaghulog. Dumiskarte tayo sa Sabado't Linggo. Day off ni Tatay sa Linggo, tayo ang papalit magtinda ng buko juice para matapalan natin ang kulang sa pera. Sabihin mo sa mga katropang di pa nakapaghulog," utos niya sa kaklase. "Yes boss." "Bakla!" May tumawag na naman sa kanya, ang kanyang kapitbahay na si Ynalyn, yung anak ng ninang niyang si Yna. Magbestfriend ang mga magulang nila kaya magbestfriend din sila. Subalit dahil maganda ito, hindi chaka, kaya di ito napasali sa gang nila ngunit protektado ng kanilang grupo. Walang pwedeng makapambully rito at sila ang makakalaban ng mga yun. Ilang beses itong kumaway sa kanya. "Bakla halika ka rito, dali. May itsitsismis ako sayo." Salungat sa ina nito, matalino si Ynalyn, maganda. Katunayan ito ang kanilang muse sa eskwelahan. Andami na nitong sinalihang beauty contest at kadalasan ay ito ang nananalo. Kung yung iba'y nandidiri sa pagmumukha niya, ito nama'y sobrang lambing sa kanya na madalas pa silang napagkakamalang magjowa na hindi naman totoo dahil sa sobrang close nila sa isa't isa. Magkatabi sila ng kaibigan sa upuan. Pagkaupo lang niya'y agad itong pumulupot sa kanyang braso. "Bakla, nanligaw na sakin Si Aldrick!" kinikilig na bulong nito sa kanya. "Ah ganun ba? So kayo na?" kaswal niyang balik-tanong dito. Speaking of Aldrick. Ito lang naman ang pinakagwapo at pinakamatalinong estudyante sa kanilang paaralan at nasa kabilang section, fourth year high school din. Ito lang din naman ang kanyang crush kaso dahil bestfriend niya si Ynalyn at crush din nito si Aldrick, nagparaya na siya. Pero nang mga sandaling yun, ayaw niyang ipahalatang parang may sumuntok sa kanyang dibdib pagkarinig sa balita nito. Pinaikot nito ang mga mata saka umirap sa kanya. "Syempre hindi pa noh! Pahihirapan ko muna yun. Ano siya sinuswerte, porke crush ko siya eh bigay agad itong besty mo? No way! Maghintay siya hanggang makapagtapos akong pag-aaral bago ko siya sagutin." Napatawa siya sa sinabi ng kaibigan at natutuwa itong inakbayan. "Yan ang besty ko. Wag kang gagaya sa mga iba dyan na porke crush ang nanliligaw, bigay agad pati kaluluwa," aniya rito. Humagikhik naman ito't isinandig ang ulo sa kanyang balikat. Gusto na niyang maluha ng mga sandaling yun pero masaya na rin siya para sa kaibigan. Susuportahan na lang niya ito. "Besty, sinabi na ba sayo ni nanay mo na pag nakatapos ka raw ng pag-aaral ay ipapakuha ka sa kapatid niya para magtrabaho sa Manila?" tanong nito maya-maya. "Huh?" Umiling siya agad. "Wala namang sinasabi si nanay tungkol dun. Sino'ng may sabi sayo?" balik-tanong niyang nakakunut-noo. "Si nanay. Naikwento raw sa kanya ng nanay mo," sagot nito. "Mamaya, besty itanong ko kay nanay," aniya na lang. Tumahimik sila agad nang pumasok ang kanilang teacher sa English.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD