bc

Elesa

book_age16+
373
FOLLOW
1.2K
READ
aloof
journalists
comedy
sweet
bxg
highschool
office/work place
another world
school
like
intro-logo
Blurb

Patayin na yang t.v na iyan, log-out nyo na ang mga social medias ninyo at buksan na ang inyong mga radyo! Halina't pakinggan ang walang kwentang radio show host ng nag-iisang Dukesa ng Radyo (feeling lang). Tindera sa umaga, feelingera pag may tama. From amusin to gusgusin. Elesa to Kyria! Ang D.J ng mga kiri at paasa! Tune-in na!

chap-preview
Free preview
Prologue
“Kamusta naman ang hapon nyo mga listeners ko?! Yeah that’s right! Nandito na ulit ang Kaisaisang Youngest Royalty Ilusyunada Announcer sa radio nyo na mambubulahaw sa inyong tahimik na buhay, walang iba kundi si Duchess Jockey KYRIA at eto ang show na pinamagatang,  KYRI-AH ANG!” malakas na bati ko sa aking dear listeners. Plinay ko ang sound effect ng mga trumpetang nagtutunugan na parang may nadating na maharlika at isang malakas na kwelang tawanan sabay ayos sa aking headset at nilapit ang microphone sa aking lips at binuka ang aking bibig. “Kakalabas ko lang ng school at imbyerna na naman ang inyong Dukesa! Pero dahil doon, may topic na agad tayo ngayong pagabi!” masayang wika ko, “Our topic for today is... TAMANG PANGINGIRI! In English, THE RIGHT WAY TO FLIRT! At syempre ako ang magbibigay ng mga pointers para sa mga feeling flirt wannabe dyan out there! Pero bago yan, let’s play the song na utang ko kahapon kay Mr. Heterochromia. Here’s Remember Me by Miguel from the Disney Pixar Film Coco!” Pinindot ko ang icon ng kanta at nag-play na ang classic O.P.M song sa ere. Huminga ako ng malalim at ipinatong ko ang headset mula sa aking ulo sa lamesa at inayos ang aking sabog na buhok. Bumukas ang pinto ng radio booth at nakita ko si Karina a.k.a Princess Reyka na may hawak na isang tasang kape at cupcake, “Kain muna Elesa. Tyak na hindi ka pa nagmemeryenda,” sabi nito sabay patong sa harap ko ng dala nitong pagkain. “Uy, salamat Ate Karina, hindi pa nga ako naglalunch,” ungot ko sa kaibigan ko sabay higop ng kape. Hinatak naman ni Karina ang isang bakanteng silya sa sulok papunta sa katabi niyang pwesto at umupo dito, “Why, oh, why na naman Elesa? Gawa na naman ba ni Drayden? Ano na naman ba ang dalang gulo ng lalakeng iyon sa tahimik mong school life?” “Hay, as usual may key chain na namang kasama,” sagot ko sabay subo ng cupcake. Itinaas ni Karina ang kanan nitong kilay at umiling, “At ipinakilala na naman sa iyo? Aba’y patigilin mo na siya Elesa? Hindi best friend ang turing niya sa iyo! Baggage checker ka sa paningin!” “Sinabi ko nga na kung pwede siya na lang ang kumilatis sa mga bangaw na naaligid sa kanya at ako’y madaming ginagawa! Hirap na hirap na nga ako sa paghahanap ng mailalagay na mali sa essay na isusubmit ko kanina para hindi maperfect ang score ko tapos bigla na lang siyangdadating kasama si... si... Teres--- hindi Telm--- ahh.,... AWAN! Hindi ko tanda ang pangalan at wala akong balak pang alalahanin, ididispatsa din naman siya kinabukasan,” pagod na sagot ko sabay higop ng kape at isinuot sa aking ulo ang headset at huminga ng malalim. “At nagbabalik ang nagiisang Duchess Jockey sa radio, si DJ Kyria! Guess what my faithful listeners? Nakiki-sit-in dito sa booth ko ang pinakamahalimuyak na babaeng DJ sa bansa, walang iba kundi si Princess Reyka!” kinindatan niya si Karina na ngumisi naman at humarap na din sa microphone. “Yes people! Nandito ako para samahan si Duchess Kyria sa kanyang kagutuman! Isipin nyo! Hindi pa nag-lulunch ang ating Duchess! Ako pa ha? Ako pa ang nagkawanggawa na magdala ng makakain niya dito!” “Hay naku, ikaw talaga Princess, alam ko namang nakalista sa iyong listahan kung magkano ang kape at cupcake na ito! Kakatapos pa lang ng swelduhan ay may utang na agad ako!” “You know me too well Kyria. Well hindi ako nandito para maningil dahil next, next week pa ang payday, let’s get on to the topic of yours Duchess. Interesting ha?” “Syempre naman! Right Ways to Flirt! Hindi ba kayo naiinis na kadalasan sa mga malalandi ngayon sa ating henerasyon ay nawalan na ng dating? Wala nang substance at wala nang laman ang utak?” seryosong tanong ko. Napaisip naman si Karina, “Hmmm, now that you mention it Duchess, tama ka. Nasaan na ang beauty and brains ng mga flirt? Puro na lang beauty? Minsan pa nga kahit wala na ngang beauty ang kapal pang mag-flirt!” “I know right?! Like I said earlier, nawalan na ng substance ang mga flirt nowadays. Pag may nakitang gwapong guy sugod agad! Have you even asked yourself if carry ko bang lumandi? Mas lalo na kung may girlfriend na yung guy? Tumingin ka man lang ba sa salamin at tiningnan mo muna kung mas maganda ka do’n sa jowa ng yummy papa na crush mo?!”  “A big fat no Kyria! Parang magra-rally lang sa Mendiola kung makasugod ang mga kalahi natin ngayon! Aba’y itaas nyo naman ang puri nating mga Eba! Be seductive not destructive girl!” eksaheradang sagot ni Karina. Tumango-tango naman ako dito, “Tama Reyka! Kaya nga nandito ako, kasama si Princess para mag-abot ng tulong sa mga nagbabalak na mang-agaw dyan. Let’s start. Ang una among dapat tanungin sa sarili mo bago ka sumugod ay: Napakaganda ko ba? Kung napakaganda ko, mas maganda ba ako sa current jowa niya if meron na siyangapple of the eyes?” “Fitting for number one friend! Iyan ang isa, kundi may ay ang unang-unang nakakalimutang criteria ng mga kalahi natin these days!” sagot naman ni Karina. “Ipinaalala ko lamang na kung may reactions, suggestions, violent reactions o kundi man ay ‘wag naman sana ay legal actions ay tumawag kayo sa hotline namin na 892-1234, that’s 892-1234 mga listeners! Let your opinions be heard!” wala pang ten seconds ay nag-ring agad ang telepono. “Ay grabe, friend, caller agad! Answer it! Now na!” excited na utos ni Karina. Dinampot ko ang telepono at sinagot ito, “Hello! Good Evening!” “O.M.G! SI DUCHESS KYRIA!” tili ng babae sa kabilang linya. “Ako nga ate! At ikaw ay si..?” “Lanie! LANIE Buenafe!” malakas na sagot nito. “Tagasaan ka naman girl?” sambot na tanong ni Karina dito. “Davao City!”  Nanlaki ang mata nila Kyria at Karina. “Wow! Hanggang dyan pala ay may listeners ang K.O.R! Thanks girl!” masayang sagot ko. “Naku! Sikat na sikat kayo dito sa amin! May tanong lang ako about sa first criteria Duchess!” “Sure, go ahead Lanie.” “I agree completely pero I just wanna ask if counted ba sa ganda yung make-up at yung photogenic factor? Filter ganun?” “Well, for me hindi na. As long as natural kang maganda, it will show. Tsaka my definition of beauty is natural beauty through simplicity! Pano na lang kung pag-tanggal ng make-up mo, kamukha mo ung aswang sa Insidious?! Turn-off day! Turn-off!” sagot ko. “Oo nga, ano?! Wow salamat talaga Duchess Kyria! Ahh... pwede pabati?”  Si Karina na ang sumagot ng senyasan ito ko na iinom muna ng tubig. “Sure dear! Go ahead! Batiin mo ang mga kakilala mo! Living or dead!” biro ni Karina. “Binabati ko yung friend ko sa Bicol si Majoy! Si Rupert na nasa Palawan ngayon, pinsan pasalubong ko! Si Rissa na nasa Ilocos nagwowork! Hoy bruha musta na! And lastly, sa minamahal kong si Jayvee sa Lapu-Lapu, hon wag ka mag-alala hindi ako titingin sa iba! Thanks po talaga, Duchess Kyria and Princess Reyka! Bye po!” “Well, that’s Lanie from Davao City! Salamat sa pagtawag! Grabe nationwide talaga ang coverage ng radio natin ano Duchess? Lahat ng kakilala ni Lanie mula Luzon, Visayas at Mindanao ay nakikinig!” masayang wika ni Karina. “Na-touch naman ako. It means marami talagang nagtitiis sa aking butihing segment! Kaya naman pagbutihin natin at sabihin na agad natin ang pangalwa at pangatlong criteria!” sang-ayon ko dito, “Second criteria are brains!” seryosong sabi ko. Tumango agad si Karina, “Isang obvious na obvious na kailangan pero may mga may memory gap na nakakalimot dyan out there, diba Duchess?!” “Damn right Reyka! Literal na hipon ka sa paningin girl! May katawan pero ang ulo mo hangin ang laman! Tapos ang lakas ng loob mong mag-flirt?! Ugh! Get a grip please! I admit na may mga lalaking sa panlabas lang natingin, that much is true but para naman hindi ka mapabilang sa mga nakakaawang babaeng sugpo na katawan lang ang gusto tapon ulo ay siguraduhin mong may alam ka din! Am I right Princess?” tanong ko sa katabi ko na nakangisi. “Absolutely Kyria!” sagot agad ni Karina, “Hindi naman required na honors student ka at puro ka medalya pero if you are, tapos maganda ka pa ay plus ganda points na iyon! Pero ang pagiging brainy ay madami na ding category ngayon, diba Duchess?” “Yes Reyka! Hindi lang dapat matalino ka sa curricular aspects dapat pati sa mga sports at sa talent division ay wagi ka din girl! If you are blessed in at least one of these categories ay ikaw na nga ang pinuspusan ng grasya bruha! Maganda ka na, matalino pa!” plinay ko ang applause sound effects kasama ang trademark kong royal trumpets, “Beauty and brains talaga!” “Tama! This is Princess Reyka with the one and only Duchess Jockey Kyria in K.O.R For LIFE! Don’t forget to text your requests, comments and greetings! For Smart, Sun and Talk and Text subscribers it’s 09191234567 and for Globe and Touch Mobile users its 09177654321! Don’t turn off that darn radio! We will be back! Kapit lang mga bakla!” sabi ni Karina sabay play ng commercials. Nag-unat ang dalawa at nagngitian. Tyak na mataas na naman ang ratings ng show ko. Once in a while, ako naman ang nabisita sa sikat ding segment ni Karina na tungkol naman sa mga sikat na punch lines at jokes. Ang radio shows nila ang nangunguna sa ratings. Una lagi ang KYRI-AH ANG sa category na para sa mga teens at number one sa mga matatanda at bata ang kay Karina na Jokestar. Kahit ganoon ay hindi naiingit o nagagalit si Karina sa akin. Walang lamangan kumbaga. Pareho kaming number one sa aming respective categories. “Sure ka na ba talaga, Ate Karina?” biglang tanong ko sa nakakatandang mentor s***h co-worker s***h advisor s***h friend, “Baka naman pwedeng dito na lang kayo tumira ni Kent?” Malungkot na umiling si Karina at ngumiti sa akin na itinuring na niyang kaibigan at little sister, “Kung kami ang tatanungin ay dito talaga namin gustong manirahan pero ‘yung mga magulang ni Kent sa U.S ay bumili na ng bahay para sa amin. Solong anak kasi ang hubby ko at first na apo nila ang baby ko so gusto talaga nilang doon na kami tumira.” “Naman! Sino na lang ang makakausap ko dito?! Ikaw lang ang babaeng DJ dito at ang nakakaintindi sa akin! Resign na din kaya ako?!” maktol ko. Pinandilatan naman ni Karina ang dalaga at hinawan ang balikat habang niyuyugyog ito, “Wag na wag mong gagawin yan Elesa! Sayang ang opportunity mo! Look at yourself! Third year high school ka pa lang ay may pangalan ka na! Mas sikat ka panga kung tutuusin kesa sa mga teen stars sa A.B.S! Kaya nga ako makakaalis ng mapayapa ay alam ko na nandito ka at ipagpapatuloy mo ang propesyon ko!” “Hay, naku kung hindi lang ikaw ang nagpasok at nagtyagang magturo sa akin dito ay hihindi ako! Pero dahil ikaw ang tumayong nanay ko dito ay susundin kita. Pero yung padala mo monthly ha?”  Pabirong binatukan ako ni Karina ako habang nilalagay ko ang headset sa aking ulo, “Gaga ka talagang babae ka.” “Well, wala magagawa! Gaga for life ika nga. Ay ayan na malapit na mag-on air!” huminga na ako ng malalim at ngumiti. “Yes, we’re back girls and guys! Nakakalerkey! Oras natin guys Philippine Standard Time, fifteen minutes before seven ng gabi! Magandang-magandang gabi sa mga nanay dyan na nagluluto ng hapunan! Siguraduhing wag tatalsik ang laway sa niluluto inay habang nakikitawa sa amin ni Princess Reyka! Sa mga driver dyan na nakatutok sa aking show! Manong grabe dahan-dahan sa preno hah? Maawa sa mga matsatsansingan na pasahero! Babatiin ko na din ang mga listeners natin from Alaminos Pangasinan na si Lorena Molina na miss na miss na daw ang bf niyang si Rico na O.J.T sa Cavite! Paki-greet na din po sa tatay ko na si Romulo Buenavidez na nasa carinderia at nagluluto para sa mga call center agents na nakikinig sa KYRIA ANG lage! Pa-request na din po ng Martyr Nyebera thanks and I love you two DJ Kyria and Princess Reyka! Oh, we love you too Lorena! Isa ka sa mga avid listeners since nagsimula ang show ko! Isang hug na malupet para sa’yo!” Nagpatuloy ang pagbabasa ko ng mga requests at pagbati. After five minutes ay natapos na din ako at saktong balik naman ni Karina galing sa C.R. “Ayan nandito na muli ang aking sit-in partner na si Princess Reyka na humahalimuyak! Galing sa banyo at iniraos ang kanyang makamundong hangarin!” Tumawa nang malakas si Karina, “Success guys and girls! Success! Speaking of success Kyria, ano na ba ang third and final criteria natin para hindi lang ako ang success sa buhay para pati rin ang mga flirt-wannabes natin dyan out there mairaos ang kanilang hangaring wagi?” “The third and final criteria ay....” plinay ko ang drum roll effect, “Readiness!” “Readiness?! Bakit naman?! I’m expecting for something more, like pera perhaps? Or dapat mayaman ka! Bakit naman readiness? I don’t get it Duchess!” reklamo ni Karina na halatang wala talagang na-gets. “It’s simple my Reyka. Meron ka ngang ganda, meron ka ngang utak, ang tanong, ready ka ba sa consequences? Baka sugod ka ng sugod tapos pag napahiya ka, hindi ka naman pala handa na makatanggap ng pula at galit ng iba!” paliwanag ko. “Ahhh! I get it! So you mean na hindi sapat na may ganda at talino ka lang, dapat handa ka na tanggapin ang kahit anong sabihin ng iba?” Tumango naman ako, “That’s right! Iyan ang pinaka-importante sa lahat. Ipakita mo na may paninindigan ka at handa kang tanggapin ang sasabihin ng kahit sino sa iyo. Kung wala ka nito ay wag ka na lang sumugal girl, mapapahiya ka lang, masisira ang buhay mo at bababa ang tingin ng ibang tao pati ikaw sa sarili mo! Kung mangingiri ka siguraduhin mo na ready ka for everything at may confidence ka!” “I bet kakaunting babae ang may kayang gumawa n’yan friend!” “My point exactly! So if you’re not ready or prepared, nor you have the guts, beauty and brains ay wag ka nang magbalak mag flirt girl at hayaan mo nang manihimik si guy o pati na rin ang jowa niya at stay where you are! Do something more productive instead!”  Itinuro ni Karina ang orasan at nakita ko’ng magse-seven na ng gabi. “I hope you learned something from my show girls and guys! Ito po ang Kaisaisang Youngest Royalty Ilusyunada Announcer sa radio, Duchess Jockey Kyria with...” “Princess Reyka, ang babaeng yagit, maputi naman ang singit at armpit...” sangat ni Karina. “Nagsasabing, ang taong hindi tinitingnan ang dinadaanan, NAKAKATAPAK NG TAE! See you tomorrow for another one hour and a half tawanan dito lang sa K.O.R 101.9 For Life... ang...” Sabay na nilapit ko at Karina ang kanilang bibig at sumigaw, “KYRI-AH ANG!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
633.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My Husband's Mistress

read
298.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook