bc

Blood and Redemption

book_age18+
191
FOLLOW
1.5K
READ
revenge
family
age gap
dominant
mafia
drama
like
intro-logo
Blurb

Eros has only one mission, ang makaganti sa mga dating kagrupong trumaydor sa kanya. He will sell his soul to the devil basta mapabagsak lang ang Blacksmith. Kaya naman nang may lumapit na bagong grupo ay agad siyang sumali sa mga ito. He is now the leader of the new group na sinusuportahan ng mga maimpluwensyang tao.

But bringing down a very powerful syndicate is not an easy job. Lalo pa at dati siyang kasapi ng grupong ito. They know his weaknesses at pwede nilang gamitin iyon laban sa kanya. Isa pa, going against the group means turning his back on his sister who is one of the Blacksmith's leaders. Ang nag-iisang anak na babae ng pamilyang kumupkop sa kanya. His first love. Paano nga ba niya makakalimutan na minsan niya ding ipinaglaban ang bawal na pag-ibig? Kaya niya nga bang gumanti kahit pa kapalit noon ay ang tuluyang pagkamuhi nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
MALUNGKOT NA PINAGMAMASDAN ni Jaime ang hawak na sanggol habang nakaupo sa lumang bahay kubo sa labas ng kanyang maliit na dampa. Tila ito isang anghel habang mahimbing na natutulog. Wala man lang kaalam-alam na pumanaw na ang inang nagsilang dito. “Mang Jaime.” Napalingon si Mang Jaime nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Nakaramdam siya ng galit. Hindi na ito dapat nagpakita pa. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala na ang kanyang anak. Pero kailangan ng bata ng amang mag-aaruga rito. “Nailibing na si Fatima, Sir Aries.” “Mang Jaime, patawarin niyo ako,” nagsusumamong hiling ng lalaki. Makisig ito at bakas sa mga kilos at pananamit na galing ito sa mayamang pamilya. “Hindi kita sinisisi sa nangyari sa anak ko. Alam niyang maaaring ikamatay niya ang pagbubuntis pero itinuloy niya pa rin. Mahal na mahal ka ng anak ko. Kahit duwag ka at hindi mo siya nagawang ipaglaban sa pamilya mo, hindi siya nagdalawang-isip na buhayin ang bata,” bakas ang pait sa boses ni Mang Jaime. Tahimik lang na tinanggap ni Aries ang masasakit na salita ni Mang Jaime. Alam niyang totoo ang mga sinabi nito. He’s already thirty pero hanggang ngayon ay hawak pa rin sa leeg ng mga magulang. Hindi nga siya nakatutol nang ipakasal siya ng mga ito sa ibang babae. “Narito ka ba para kunin si Maynard?” inilapit ni Mang Jaime ang sanggol kay Aries ngunit hindi man lang kumilos ang lalaki. “M-mang Jaime, hindi ko ho pwedeng kunin ang bata.” “Anong ibig mong sabihin?” galit na tanong ni Mang Jaime. “Anak mo si Maynard. Namatay si Fatima para lang maisilang ang anak mo. Anak mo, Aries!” Hindi nakasagot si Aries. “Umalis ka na. Bago ko makalimutan ang lahat ng naitulong ng pamilya mo sa amin.” “Hindi ako nanunumbat,” garalgal na ang boses ni Aries. “Nanilbihan kayo ni Fatima sa pamilya namin.” “Oo nga pala, katulong lang si Fatima,” mapait na napailing si Mang Jaime. “Kaya hindi kayang tanggapin ng pamilya mo ang bata. At ikaw, takot kang mawalan ng mana kaya katulad ni Fatima, tatalikuran mo ang sarili mong anak. ” “Hindi totoo ‘yan!” mabilis na tanggi ni Aries. “Mahal ko si Fatima at kaya kong magsikap para sa kanya.” “Mang Jaime, sana po maintindihan niyo ko.” Nagsusumamo ang mga mata ni Aries nang humawak ito sa balikat ng matanda. “Mahal ko si Fatima at ang anak ko. Sana maniwala kayo.” “Naniwala ako noon, Aries. Inintindi kita at hinayaan ko ang relasyon niyo ni Fatima kahit na may asawa ka dahil alam kong pinilit ka lang ng mga magulang mong magpakasal sa babaeng iyon. Akala ko ipaglalaban mo ang anak ko kapag nagkagipitan.” “Mang Jaime…” “Nawala na sa akin ang anak ko,” malumanay na ang boses ng matanda. “Kung hindi mo kayang alagaan si Maynard, iwan mo na lang siya sa akin. Hindi ako kasing yaman niyo pero sisikapin kong palakihin siya nang maayos. Sisiguraduhin kong mararamdaman niya kung paano mahalin ng isang ama.” Nakita ni Mang Jaime ang pamumula ng mata ni Aries. Marahil ay naalala nito si Fatima. Matagal na namayani ang katahimikan sa dalawa. Hindi na nakatiis ang matanda at itinaboy na ang lalaki. Iyon na sana ang huli nilang pagkikita. “Makakaalis ka na, Aries,” malamig na taboy ni Mang Jaime sa bisita. “Kailangan ko nang ipasok sa loob ng bahay si Maynard.” Bago pa makasagot si Aries ay isang magarang kotse ang pumarada sa harap ng barong-barong. Binuksan ng driver ang pinto ng kotse at isang pusturyosang babae ang umibis mula roon. Hindi ito lumapit sa dalawa at tahimik lang na nagmamasid mula sa malayo. “Aalis na ako, Mang Jaime,” nag-iba ang tono ng pananalita ni Aries. Isang envelope ang inilabas nito sa bulsa at aroganteng itinapon iyon sa ibabaw ng sanggol “Sapat na siguro iyan para hindi na kayo maghabol sa pamilya namin.” “Hindi ko kailangan ng pera mong hayop ka!” galit na galit na bulyaw ni Mang Jaime. “Wala kang pinagkaiba sa mga magulang mo! Magsama kayo sa impyerno ng pera mo!” Akmang ihahagis niya pabalik ang envelope nang pigilan siya ni Aries. Napansin niya ang kakaibang tingin ng lalaki. Takot ang nababasa niya roon. Tila may gusto itong sabihin pero hindi nito masabi. “Tanggapin niyo na ang pera,” pormal pa ring sabi nito. Pero hindi umaalis ang tingin sa kanya. “Kakailanganin niyo iyan.” Saglit na sinulyapan ni Aries ang sanggol na ngayon ay gising na at inosenteng nakatingin dito. Kitang-kita ni mang Jaime ang pananabik sa mga mata ni Aries. Pero bakit hindi man lang nito magawang lapitan ang anak? Tumalikod na si Aries at nakita niyang humalik ito sa babaeng kanina pa naghihintay. Ngumiti nang nakakaloko ang babae kay Mang Jaime bago pumasok sa loob ng kotse. Matagal nang nakaalis ang dalawa bago naisipang pumasok sa loob ng dampa si Mang Jaime at buksan ang envelope. Ganoon na lang ang kaba niya nang makita ang isang papel na nakaipit sa bungkos ng pera na puro tag-iisang libo. Nasa panganib ang buhay niyo. Gusto kayong ipapatay ng mga magulang ng asawa ko. Pakiusap, mang Jaime. Itakas niyo ang anak ko. Hindi dapat malaman ng kahit na sino ang tunay na pakatao ni Maynard. Lumuwas kayo ng Maynila at hanapin niyo ang taong ito. Lt. Eloquence Altamirano 09212780924 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K
bc

My Godfather My husband

read
269.7K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

CLOSER

read
141.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook