bc

Stanfield Scion Series 1: Taming my Greenie Boss

book_age18+
795
FOLLOW
3.8K
READ
revenge
family
confident
drama
sweet
bxg
female lead
betrayal
enimies to lovers
rejected
like
intro-logo
Blurb

Tamara Greenie proved to everyone that age is just a number especially when it comes to handling their business. Masasabi niya na nakuha na niya ang lahat ng pupwede niyang hilingin sa buhay—karangyaan,kasikatan, pagmamahal ng mga magulang, kapatid at kaibigan.

Siya ang patunay na pwedeng maging boss ang isang kagaya niya— a perfectionist and a sophisticated lady boss of an empire.

Pero nang dumating sa buhay niya ang lalaking kabaligtaran ng lahat ng mayroon siya, pinaramdam nito sa kanya na hindi lahat ay humahanga sa kung anong narating niya. So she takes him as a challenge. But little did she know, that challenge of her will also be her downfall.

chap-preview
Free preview
1
“Good morning, Ms. Tamara. The board is already inside the conference room. They are all waiting for you there. " Bahagya lamang nilingon ni Tamara Greenie ang kaniyang sekretarya na si Michael sa sinabi nito na iyon. Of course, she knew that already. Siya nga ang nagpatawag ng meeting na iyon, 'di ba? Walang imik niyang iniabot sa lalaki ang dala-dala niyang bag at ang suot niyang itim na Valentino double-breasted wool coat saka pasadlak na naupo sa kanyang executive swivel chair. Napasunod ang tingin niya kay Michael dahil sa halos hindi na ito magkandaugaga sa kung ano ang unang gagawin. Kung ibababa ba ang kaniyang bag o aasikasuhin ang kaniyang kape. She rolled her eyes on that. It's been three years since she hired him pero hindi pa rin nagbabago ang kilos ng binata. Naiinis pa rin siya sa sobrang pagka-nerbiyoso at pagka-clumsy nito. Pero hindi rin naman niya maipagkakaila na kahit sablay itong kumilos at palagi siyang naiinis sa mga maliliit nitong pagkakamali, she learned how to trust him. Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan niya sa kompanyang iyon dahil na rin sa ipinapakita nitong dedikasyon at pagmamahal sa trabaho, sa kabila ng pagiging perfectionist at istrikta niyang boss dito. She crossed her long and slender leg while eyeing her secretary. Ilang beses na niya itong napagsabihan na kumalma lamang ito at huwag palaging mataranta kapag nasa paligid siya para hindi ito nakakagawa ng anumang pagkakamali na siyang ikinaiinis niya pero wala pa ring epekto iyon. He doesn't change at all. Kaya palaging mainit ang ulo niya kay Michael at palagi siyang naksinghal dito. Most of the time, she's gonna scold him for being such a nuisance. Hindi niya nga lubos na mapaniwalaan na sa kabila ng malaki nitong pangangatawan at katangkaran ay ganoon ito ka-clumsy. Pero mayroon namang mga pagkakataon na nagagawa nitong kumilos at umakto ng kalmado sa harapan niya na minsan ay ikinagugulat niya rito. Para kasi itong ibang tao kapag ganoon. But then, minsan na minsan lamang ang mga pagkakataon na iyon. Kabaligtaran na kabaligtaran siya ng binata. She wanted everything perfect and in place. She's a composed kind of person. Ayaw na ayaw niya ng nagkakamali. Ayaw na ayaw niya na may nakikita siyang hindi maayos sa kanyang mga mata. At mas lalong ayaw niya ng may sakit ng ulo na nakapaligid sa kanya, lalo na pagdating sa trabaho. She's a perfectionist, she's admitting that and when she work, she put all her effort and sophistication to bring out the best outcome on her projects. Kaya na rin siguro maraming ilag sa kaniya sa kompanyang iyon ng kaniyang ama, na ngayon ay siya na ang namamahala at nagpapatakbo. It's been three and a half years already since she started managing Stanfield Corp., under her name and ruling. Her brothers has their own lives and businesses. At walang ibang aasahan sa pagpapatakbo at pamamahala ng kompanyang itinaguyod ng kanila pang namayapang Lolo Wilson bukod sa kaniya. She also felt like being the new CEO of their company was really her calling. As she grew up, she saw how dedicated and passionate their father was in bulding and making their company a more established and a well-known company not just inside the country but also overseas. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na susunod siya sa yapak ng ama at mas dodoblehin pa ang ginawa nitong pagsisikap dahil na rin sa gusto niya na maging mas proud ito sa kaniya at hindi siya makita bilang isang damsel-in-distress o 'di kaya ay bratinella na nakukuha lahat ng gusto dahil sa pangalan at kapangyarihang mayroon ang kanilang pamilya. “Michael...” she called his attention to stop him from hopping and almost running around like a grasshopper, “Did you already set the meeting for our foreign investors this afternoon? What did they say?" Mabilis na tumigil mula sa pagsasabit ng kaniyang coat sa coat rack na naroroon sa pinakagilid na bahagi ng kanyang opisina ang binata saka siya marahang hinarap. He licked his lower lip before meeting her eyes and adjusting his thick glasses that almost fell on the bridge of his nose, "A-about that, Miss. I-i wasn't able to set a meeting with them. N-naunahan tayo ng kalaban nating kompanya." Hindi niya napigilang mapakunot ang noo dahil sa tugon na iyon ng lalaking sekretarya. "You what? Come again?" tanong niya habang unti-unting umaangat ang likod mula sa pagkakasandal niya sa kaniyang kinauupuan. "And what the hell happened, Michael? Why didn't you make it to have a scheduled meeting with them? Noong isang linggo ko pa naulit sayo ang tungkol dyan, 'di ba?" She cannot help but to shout at him for his irresponsible act as her secretary. Kung hindi nga lamang siya kukwestiyunin ng kaniyang ama, baka matagal na niyang nasesante ang kausap. Peo dahil ang kaniyang ama ang nagpasok sa binata, wala siyang ibang magawa kundi ang pagtiyagaan ito at ang mga pagkakamali nito. Marahan itong nagbaba ng tingin, as if acknowledging his mistake, "I'm sorry, Miss Tamara. I tried my very best to set a meeting with them but I always ends up being rejected for I don't know reason." Huminga siya nang malalim doon. What else can she do? Nangyari na, eh. Kaysa singhalan at pagalitan niya ang binata, papalagpasin na lamang niya. Isa pa, hindi naman ganoon kalakihan ang foreign investment na iyon kaya magagawa niyang palagpasin ang pangyayaring ito. Napahilot siya sa kanyang sentido. Umagang-umaga pa lamang pero sumasakit na ang kanyang ulo. Huminga siya nang malalim saka iwinagayway ang kanang kamay, as if dismissing the man in front of her, "Sige na. Mauna ka na sa conference room. May kakausapin lang ako saglit." utos niya na at agad naman itong tumalima. Sinundan niya ito ng tingin at hindi naiwasang bahagyang mapailing dahil sa kamuntikan pa itong matalisod habang nagmamadaling isinasarado ang pinto sa kanyang opisina. 'Vien Michael Frasci Mendez, gwapo ka sana, lampa ka lang.' She uttered inside her mind as she pull her Iphone 12 ProMax out of her gray Hermes Birkin bag. She browsed through her contacts and immediately dialed her Kuya Gray's number. Hindi pa nakakailang ring ang tawag niyang iyon pero narinig na niya ang malalim na paghinga ng kaniyang kuya. His usual morning breath, as a sign that he just woke up from his deep sleep. "Hey, Berde, what's up?" he said while clearing his throat to ease that bedroom voice of him. She cannot help but to pucker her lips on that. She and her brothers used to call each other by the Tagalog translation of their names everytime they talk or when they want to piss one another. Pero sa kanilang apat na magkakapatid, siya ang pinakamalakas mang-asar sa mga ito. At dahil siya ang bunso at nag-iisang babae sa kanilang apat, walang magawa ang mga ito sa kaniya. She bully her brothers like they were her best friend. She love and adore her brothers so much as much as she love and enjoy pissing their guts out too. "Yuck, Kuya Abo! Kung hindi pa ako tumawag, hindi ka pa magigising? Isusumbong kita kay Mommy! Pustahan, nag-bar ka na naman kagabi, noh?" She said using her accusing and threatening voice. Her brother chuckled at her as she heard a rustling sound on the background. Sa kaniyang tantiya ay bumangon na ito mula sa pagkakahiga nito. "Sorry ka. Nagsabi ako kagabi kay Mommy na may night out ako kasama sina Kuya Asul." She rolled her eyes on that. Basta talaga usapang bar at chill gaming party, nagkakasundo-sundo ang mga kuya niya. At siya? Palagi siyang naiiwanan ng mga ito. Why? Kasi ang katwiran nila, she's a lady. At hindi bagay sa kaniya na nakikitang palaging kasa-kasama ng mga ito dahil na rin sa hindi makakapag-enjoy ang mga ito kapag nasa paligid siya. They will end up guarding her and shooing all of those boys who's trying to hit on her. "Yeah, whatever, Kuya," tumayo na siya at nagsimula nang maglakad palabas ng kanyang opisina habang nakadikit pa rin sa tenga ang cellphone, "I just called to remind you that we have a family dinner tonight. Baka makalimutan mo na naman kasi. Magtatampo na talaga kami ni Mommy sa'yo." Noong nakaraang linggo kasi ay hindi ito nakahabol sa family dinner nila dahil sa mas inuna nito ang pagba-bar at pagpa-party kasama naman ang mga kabarkada nito. Tradisyon na iyon sa kanilang pamilya. They need to clear all of their schedules no matter how important that is, para lamang makauwi sila sa kanilang bahay sa Batangas at makasama ang kanilang mga magulang para sa isang gabing dinner. Iyon lamang ang tanging hiling sa kanila ng mga ito simula nang isa-isa na nilang tahakin ang pamumuhay ng hindi nakadepende sa mga ito. Her Kuya Gray chuckled on that again, "Don't worry, bunso. I will come. You'll be surprised. Mas mauuna pa akong dumating doon kaysa sa inyo." She smiled on that. Hearing him assuring her makes her calm down and confident that he'll really come and join them for dinner later tonight. Iyon din ang gusto niya sa kaniyang mga kapatid. Kapag sinabi ng mga ito at kapag sinigurado na ng mga ito, tiyak na gagawin at mangyayari nga iyon. Nang matapos ang pag-uusap nilang iyon ay saka pa lamang siya pumasok sa conference room para muli nang harapin ang trabaho. She wasn't used of smiling and greeting back her employees because of the fact that she doesn't want to get attached to them. Ayaw niya na may makitang soft spot ang mga ito sa kaniya. All she wanted them to see is a Tamara Greenie Rios Stanfield that is full of authority and perfection. Gusto niyang patunayan sa lahat ng hindi naniwala at hindi pa rin naniniwala sa kakayahan niya na kaya niyang pamunuan at patakbuhin ang isang malaking kompanya kahit pa babae siya at kahit pa siya ang pinakabata sa pamilya nila. She just doesn't get it. Kung bakit mayroong mga taong napakagaling mang-discriminate. She doesn't know if it's because of crab mentality or gender and age discrimination. She wants to prove the society that she can lead and that she can be a great leader to thousands of people's lives, too. Not because she's a woman, she'll be disregarded to prove something. Hindi dapat kailanman maging basehan ang kasarian para maging pantay-pantay ang turing at pagtingin ng mga tao sa bawat isa. At mas lalong hindi dapat tingnan ang kakayahan ng isang tao na mamuno dahil lang sa kanyang edad. She want to cut that stigma. She want to start leading by proving everyone that she can do what men can do. She can lead just like what her grandfather and father did. She can and definitely, she will. She was riding the elevator that afternoon when her phone rang. Mabilis niyang iniaro ang kaniyang kamay sa tabi ni Michael para abutin ang kaniyang cellphone. The man immediately, with his shaking hands, lend it to her after getting it inside her bag. "Hi, saddy!" She greeted her father, which by the way, was her caller that moment, "I'm done with the office works today. Pauwi na po ako dyan," she informed him with a smile on her face and a jolly voice. Sa lahat ng empleyado sa kompanyang iyon, bukod tanging si Michael lamang ang nakakakita sa ngiti niyang iyon. At bukod tanging ito lamang ang hinahayaan niyang makalapit sa kaniya ng ganoon dahil na rin sa nature ng trabaho nito sa kaniya. "That's good, Princess. Ingat ka sa byahe pag-uwi. Magpa-drive ka na lang sa driver mo para hindi ka na mahirapan," anang kanyang ama na bakas ang pag-aalala sa boses. Kahit nasa tamang edad na siya, her father would always treat her as his baby princess. Him, being a protective dad over her is one of a kind. Kaya kung gaano siya protektahan nito ay ganoon din ang kanyang mga kapatid sa kaniya. Ganoon din naman siya sa mga ito. She value her family more than anything else in this world. She rolled her eyes on that, na siyang naging dahilan para mapasulyap siya sa repleksyon ng kaniyang sekretarya sa glass wall ng elevator. She saw him looking at her with a small smile on his face and a tender look on his eyes. "Don't worry, Daddy. I'll be fine. Isaasama ko po si Michael para hindi na kayo mag-alala dyan. Is that okay with you?" Her father gave out a heartily laugh on that as Michael looked at her, with awe and shock written on his face. She just grin at him and slightly raised her eyebrow at him. Well, did she mentioned already? She has a slight crush on her secretary eventhough he's a weird one.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook