bc

Back to You (Filipino BL)

book_age16+
346
FOLLOW
1.8K
READ
time-travel
fated
second chance
drama
bxb
heavy
campus
high-tech world
first love
like
intro-logo
Blurb

Isang sakit ang magtutulak kay Warren upang bumalik sa nakaraan upang baguhin ito. Nais niyang pigilan ang araw ng pagkikita nila ng kanyang pinakamamahal na si Christian.

Magagawa niya nga bang pigilan ang isang pagkakataong naitakda?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Isang pangkaraniwang araw ito para kay Christian. Pagkababa niya ng jeep ay napatingin siya sa malaking pangalan ng unibersidad na pinapasukan niya, Benguet State University. Halos tatlumpung minutong biyahe mula sa Baguio patungo rito. Abril na kaya naman medyo mainit na ang panahon. Dalian naman siyang pumasok ng gate. Malapit na naman siyag mahuli dahil sa traffic. Bago pumasok sa klase ay dumaan muna siya sa bilihan ng pagkain. Hindi na siya nakapag-almusal dahil sa kamamadali. Patungo siya ngayon sa College of Arts and Sciences para sa kanyang History subject. “I’ll appreciate if you come earlier next time, Mr. Collado,” ang komento naman ng propesor nang makapasok siya sa lecture room. “Yes, Ma’am,” ang tugon naman ni Christian bago pinagpatuloy ang pagpunta sa likuran at naupo. “Late ka na naman,” ang komento ng kaibigan at kaklase niyang si Mark. “Ang traffic kasi,” ang tugon naman ni Christian habang linalabas ang kanyang history manual. “Asus, late ka lang nagising,” ang komento naman ng kanyang kaibigan. “Nagawa mo ang assignment sa Literary Criticism?” Tumango lang naman si Christian at nagsimulang makinig sa nakakayamot na lecture. Pagkatapos ng klase ay kaagad silang lumabas ng silid-aralan. May ilang minute pa bago ang susunod nilang klase at nasa kabilang gusali pa ito. Maririnig ang ingay, at tawanan mula sa iba pang estyudante. Tinahak naman ng magkaibigan ang daan patungo sa susunod na gusali, ang College of Teacher Education. Hindi pa man sila nakakapasok ay isang ngiti na ang naipinta sa mga labi ni Christian. Isang ngiti na pilit niyang itatago mamaya-maya at aarteng walang pakialam. Nakita niya kasi si Jester, isang Physical Education Major, ang taong nagugustuhan niya ngayon. Isang matangkad na atao si Jester, bukod pa dun ay hindi maitatanggi na sa unang tingin pa lang ay mahuhumaling ka na sa kanyang itsura. Idagdag pa ang mga ngiti nitong mas maliwanag pa sa sikat ng araw. At isa nga si Christian sa mga taong nahumaling dito. Bafamat nagkakagusto siya rito ay wala sa mga balak ni Christian ang magtapat ng kanyang mga nararamdaman. Batid niyang isang suntok sa buwan ang mapansin siya nito. Sa dami ba naman ng mga taong nagkakagusto rito. Kaya naman… nananatili na lamang itong isang lihim. “Ang pogi niya talaga,” ang sabi niya sa kanyang isipan habang pinagmamasdan si Jester. Natigilan naman siya nang pinitik ni Mark ang kanyang noo. “Aray! Bakit?” “Ayan ka na naman, lumulutang na naman ang isip mo,” ang komento naman niya. “Dahil ba nakita mo na ang kokompleto sa araw mo?” Hindi na nga napigilan ni Christian na itago ang ngiting kanina pa gustong makawala. Natawa naman si Mark sa nagging reakyon ng kaibigan. “Pwede bang dito muna tayo?” ang tanong ni Christian. Hinawakan naman ni Mark ang kanyang tenga at piningot bago hinila. “Unahin muna nating magklase,” ang komento naman ni Mark. “Mapapagalitan tayo kung late tayong pumasok. Lalo na at Prof Ed class ang papasukan natin.” “A-aray naman,” ang pagpupumiglas ni Christian sabay hawi sa kamay ni Mark. “Hindi baa ko pwedeng humugot ng inspirasyon paminsan-minsan?” Natawa naman siya sa sinabi ko. “Ikaw talaga, nasa loob din ang kaharutan mo,” ang komento niya sabay hawak sa braso ni Christian at hinila paloob ng gusali. Dumeretso ang dalawa sa loob ng lecture room, kung saan naghihintay ang kanilang Propesor. Nakasuot ito ng pulang salamin, katulad ng kulay ng kanyang maikling buhok. Dati itong Dean ng kanilang koleyo kaya naman kinatatakutan ito ng maraming estudyante. Isa siya sa mga gurong dala ang makalumang pamamaraan ng pagtuturo sa modernong panahon; tradisyonal na pagtuturo at pagsasaulo ng mga pangalan at teorya. Pagsasaulo, ang kahinaan ni Christian, kaya naman isa ito sa mga asignatura na hindi niya gusto. Bukod pa dun ay inaasahan silang magsuot ng pormal na damit upang makita ang kanilang pagiging “guro”. Ilang beses na siyang nakatulog sa klase dahil sa pamamaraan ng kanyang propesor. Tatlong minuto pa lang ang nakakalipas ay sinimulan na ang kanilang klase. “PUPUNTA muna ako ng boarding house,” ang paalam ni Mark sa kanya. “Naiwan ko ang handbook ko.” Napatingin naman si Christian sa kanyang relo. Mahigit isang oras pa bago ang susunod nilang klase. “Sige,” ang pagpayag naman niya. “Pupunta na muna ako ng University Library. Maghahanap ng mga librong mababasa para sa isa pa nating assignment.” Naghiwalay naman ang dalawa. Nagtungo nga si Christian sa library. Kaagad siyang nagtungo sa General Reference Section at naghanap ng mauupuan nila Mark. Inilapag niya ang kanyang backpack sa mesa. Hindi pa man siya nakakalayo upang kumuha ng mga libro, may narinig siyang tumikhim mula sa kanyang likuran. “Akala ko ba—,” ang komento niya sabay lingon ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin  nang ibang tao ang kanyang nakita. Napakunot ang noo niya. “Sorry, hindi ko pa alam na okupado na pala ito.” Hindi naman umimik ang lalake, bagkus ay inilapag niya ang mga bitbit niyang libro sa mesa. Napatingin siya sa mga libro. Ito ang mga librong kailangan niyang hanapin para sa assignment na kailangan niyang gawin. “Ah, ka-major ko siya,” ang sabi ni Christian sa kanyang sarili. “Pero ngayon ko lang siya nakita. Baka transferee at napunta sa ibang block.” Dinampot niya ang kanyang bag at napatingin sa paligid upang maghanap ng iba pang mesa. Aalis na sana siya nang magsalita ang lalake, “Christian.” Kaagad naman siyang napatingin sa misteryosong lalakeng nakasuot ng puti mula ulo hanggang paa. “Magkakilala ba tayo?” ang tanong naman ni Christian sa kanya. Napangiti naman ang lalake. “Hindi pa,” ang tugon naman ng isa. “pero sa hinaharap, Oo.” “Hindi ko maintindihan,” ang tugon naman ni Christian sabay simangot. “Galing ako sa hinaharap,” ang paliwanag naman ng isa. Napakunot naman ng noo si Christian. “Ang tinong tignan pero may pagkabaliw.” “Ako ang magiging anak mo sa hinaharap,” ang pagpapakilala ng lalake sa kanyang sarili. “Sorry pero naka-drugs ka ba?” ang tanong naman ni Christian. Hindi siya makapaniwala na may taong bigla na lamang magpapakita at sasabihing nagmula siya sa hinaharap. Lalo na anak niya ito. “Dad, totoo ang sinasabi ko,” ang diin pa ng lalake. Sa pagtawa niyang Dad kay Christian ay tumayo ang balahibo ng binata. “Imposible yang sinasabi mo,” ang tugon naman ni Christian. “Beki ako. Hindi ako magkakaroon ng anak.” Tumawa naman ng mahina ang kanyang kausap. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Contract - Tagalog

read
754.6K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook