Chapter 2 - Disappointed

1446 Words
“MAMA…” Iyon agad ang bungad ko nang mapagbuksan ako ng pinto ng bahay. Napuno ng pagtataka ang mukha ng ina ko. Magsasalita pa lang siya nang sugurin ko na siya ng yakap. “Ma…” Parang bata akong nag-iiyak sa bisig niya. Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi. “Hector! Hector!” sunod-sunod na tawag ni Mama sa ama ko habang yakap-yakap pa rin ako. Ilang saglit pa ay namataan ko na ang ama ko na patungo sa pintuan. Natigilan lang siya nang makita ako. “Kirsten, what happened to you?” namimilog na mga mata niyang tanong. Malalaki ang hakbang niya nang tuluyang lumapit sa akin. Bumitiw ako mula sa pagkakayakap sa ina para ang ama naman ang yakapin. Gaya ng nangyari kay Mama, parang bata akong nag-iiyak sa harapan ng ama. Nagpatangay na rin ako nang magtungo siya sa salas ng aming bahay at maingat akong inupo sa sofa. “Kirsten, calm down. Tell us what happened.” Nang mapansin na sobra ko nang napag-aalala ang mga magulang ko, pinilit ko na ang sariling tumigil sa pag-iyak. Suminghap ako ng hangin para tuluyang maikalma ang sarili. “Ayos ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Mama. Napipilitan akong tumango para mabawasan ang pag-aalala niya. “Kung gano’n, sabihin mo na sa amin kung ano ang nangyari,” seryosong sabi naman ng ama ko na tila hindi na makapaghintay na malaman ang dahilan ng pagiging ganito ko. Nang maalala ang nangyari kanina ay muli na namang nagbagsakan ang mga luha ko. Kaagad na nataranta ang mga magulang ko at tila hindi malaman ang gagawin kung paano ako patatahanin. “Mama, Papa, I made mistake.” Itinakip ko ang palad sa mukha dala ng sobrang kahihiyan. Parang hindi ko kayang sabihin sa kanila ang nagawa kong kasalanan. “Kirsten, tell us. Masyado mo na kaming pinag-aalala ng ama mo.” Dahan-dahan kong inalis ang palad sa mukha at nakaramdam ng pagkakonsensiya sa inusal ng ina. Lumunok ako at pilit nang ginawang maayos ang sarili. “Sumira po ako sa pangako ko sa inyo,” panimula ko. Napuno ng pagtataka ang mukha nila. Nakagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi bago nagawang makapagpatuloy. “Naisuko ko na po ang sarili ko.” Pareho silang natigilan sa narinig. Mas naging masagana tuloy ang luha ko dala ng takot sa magiging reaksiyon nila. “Ang Tyler na ‘yon! Sumira siya sa usapan!” Namilog ang mga mata ko nang galit na tumayo ang ama ko mula sa kinauupuan nito. Mabilis kong hinuli ang braso niya para pigilan siya. Sa nakikita kong galit sa kanya ngayon, tila handa na niyang sugurin si Tyler na siyang fiancé ko. “Pa, nagkakamali ka.” Humigpit ang hawak ko sa kanya. “Hindi… hindi si Tyler.” Nanigas siya sa kinatatayuan. Ngayon ay pinaghalong gulat at pagkagulo na ang makikitang ekspresiyon sa mukha niya. “Ano bang pinagsasabi mo, Kirsten?” seryoso na niyang tanong na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Kinakain na ng takot ang buong sistema ko. Bumagsak ang ulo ko dala ng hiya at pagkadismaya sa sarili. “I’ve slept with someone that I just met last night,” pasasabi ko ng totoo. “Kirsten Vizartes, ano bang pinagsasabi mo?” Tumaas na ang boses ni Mama na mas lalo lang nagpatindi ng takot sa dibdib ko. “Ma, Pa, sorry. Hindi ko naman po sinasadya. Masyado po akong nalasing sa birthday party ni Eyah kagabi. Nang magising po ako, iyon na… nakita ko na lang na kasama ko na sa isang hotel room ang isa sa mga bisita ni Eyah sa party.” Nang iwanan ko kanina ang lalaking may kulay na asul na mga mata sa kwarto namin, napag-alaman kong nasa isang hotel kami na kaharap lang ng bar na pinagganapan ng party ni Eyah na kaibigan ko. “Sigurado ka ba sa sinasabi mong nakuha na niya?” naniniguradong tanong ni Mama. Umangat ang ulo ko sa kanya at sunod-sunod na tumango. Pareho silang natahimik ng ama ko. “Hindi ko naman po gustong mangyari ‘yon. I swear. Masyado lang po akong nalasing kagabi na labis ko nang pinagsisisihan ngayon,” paliwanag ko pa. Nanlalabo na ang mga mata ko sa luha habang pinagmamasdan ko ang mga magulang ko na hanggang ngayon ay wala pa rin imik. Hindi ko mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. I feel so disappointed at myself. Hindi lang sarili ko ang dinismaya ko, pati na rin ang mga magulang ko. Nangako ako sa kanila. Iyon pa naman ang matinding bilin nila sa akin simula nang magdalaga ako. Hindi sila nagkulang ng bilin sa akin na huwag ko agad-agad ibibigay ang sarili sa lalaking magiging nobyo ko. Ayon sa kanila, isusuko ko lang ang sarili sa lalaking magiging asawa ko. At maaari ko lang ‘yon gawin kapag ganap na kaming naikasal. Mula pagkabata ko ay naging istrikto sila sa akin. Ni pati ang pagnonobyo ay hindi nila ako pinahintulutan. Nakakuha lang ako ng permiso sa kanila nang grumaduate na ako sa college. Simula noon, ibinigay na nila ang buong tiwala nila sa akin na hindi ako sisira sa pangako ko sa kanila. Pero ngayon, anong ginawa ko? Sinira ko ang pangako sa kanila. Isa pa, nakagawa ako ng malaking kasalanan sa fiancé ko. Paano ko na lang sasabihin sa kanya ang nangyari? “Kilala mo ba ang lalaking ‘yon?” tanong ni Papa matapos ng matagal niyang pananahimik. Tumango ako kahit na naguguluhan sa naging tanong niya. Nagkatinginan sila ni Mama na tila sa pamamagitan nito ay roon sila nag-uusap. “Dalhin mo kami sa lalaking ‘yon,” seryosong sabi ng ama ko nang muli akong balingan ng tingin. Natigil ang pag-iyak ko at napuno ng pagkagulo ang mukha. “Ano po?” “Ang sabi ko, dalhin mo kami sa lalaking ‘yon! Kailangan ka niyang panagutan sa ginawa niya sa ‘yo!” Parang tumigil ang pagtakbo ng mundo ko nang marinig ang sinabi ng aking ama. Mababakasan na rin ng siya matinding galit, hindi tulad kanina na tila hindi malaman ang magiging reaksiyon sa nalaman. “Pa, anong sinasabi mong panagutan?” naguguluhan kong tanong. Mariin akong napalunok nang tumalim ang tingin niya sa akin. “Kailangan kang pakasalan ng lalaking ‘yon! Hindi ako papayag na matapos ng ginawa niya sa ‘yo ay hindi ka niya pananagutan!” Kulang na lang ay bumagsak ang panga ko sa sahig dala ng pagkabigla sa narinig na sinabi ng ama ko. “Pa! May fiancé ako!” paalala ko sa kanya. “Isa pa, hindi ko mahal ang lalaking ‘yon. Kaya bakit nyo ako ipapakasal sa kanya? ‘Yong nangyari sa amin, wala lang ‘yon. Lasing lang kami. Pareho naming hindi ginusto ‘yon.” “Kahit na!” sigaw na ng ama ko. Nagsisimula na siyang mamula sa galit. “Wala akong paki kung lasing lang ba kayo o pareho nyong hindi ‘yon gusto. Kailangan nyong panagutan ang ginawa nyo! Hindi biro ‘yon!” Hindi ko na napigilan ang sarili. Napatayo na ako sa kinauupuan para mapantayan ang ama ko kahit na mas matangkad pa rin siya sa akin. “Hindi niya ako kailangang panagutan, Pa. May fiancé ako!” “At sa tingin mo, matatanggap ng fiancé mo ang kasalanan mo?” Napako ako sa kinatatayuan at nawalan ng imik. Hindi ko magawang sagutin ang tanong na ‘yon ng ama ko dahil sa totoo lang ay iyon din ang ikinatatakot ko. “Kirsten, makinig ka na lang sa akin. Dalhin mo ako sa walang hiyang lalaking ‘yon para makausap—” “Hindi, Pa,” mahinahon kong pagputol sa ama ko at sunod-sunod na umiling. “Sasabihin ko kay Tyler ang kasalanan ko. Sigurado ako, maiintindihan niya ako. Hindi nyo ako kailangang ipakasal sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala o mahal nang dahil lang sa isang gabing pagkakamali namin.” Napalunok ako nang mapansing naging istrikto bigla ang mukha ni Papa. Sa puntong ito, alam ko nang seryoso na talaga siya. “Paano kung hindi niya matanggap ang kasalanan mo? Anong gagawin mo, ha?” tila nanghahamon niyang tanong. Napako ako sa kinatatayuan. Nang walang mahanap na tugon sa tanong niya, nagmamadali na lang akong iniwanan sila sa salas at tinungo ang kwarto ko. Hinding-hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari. Isa pa, may fiancé ako. Aaminin ko sa kanya ang nagawang kasalanan. Naniniwala akong matatanggap niya pa ako. Maiintindihan niya na hindi ko sinadya o ginustong mangyari ‘yon. At kung kinakailangan ko man na paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya, gagawin ko para lang mapatawad niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD