bc

THE BLACK DAFFODIL

book_age18+
190
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
second chance
tragedy
twisted
heavy
mystery
scary
non-hunman lead
magical world
like
intro-logo
Blurb

**Comments for bonus!**

**Click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered 200 bonus!**

To celebrate the biggest success of his life, nagkaroon ng malaking party sa bulwagan ng mansyon ni Michael Angelo. Lahat ng kakilala niya ay naroon. 

Pero paano nga ba humantong sa malagim na gabi ang masayang kasiyahan? 

At ano ang papel ng isang itim na daffodil na galing pa sa lola ng binata? 

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Ano iyon? Tunog ng patak ng tubig? Hindi... Tunog iyon ng orasan. Paulit-ulit na pagtunog ng kamay ng orasan ang naririnig niya. Naririndi ang tainga niya dahil iyon lang ang tanging tunog na naririnig niya. Teka, nasaan ba ako? Nasaan na naman ba ako? tanong niya sa sarili kahit ang totoo ay ilang beses na siyang naligaw sa lugar na ito. “Michael...” Ha! Sino iyon?! Nagpalinga-linga ang binata sa paligid pero dahil sa walang hanggang kadiliman ay wala siyang makita. “S-sino iyan?!” malakas niyang sigaw dahilan para gumawa ng echo ang ginawa niya. “Malapit na, Michael, malapit na...” Umiling siya. “Hindi!” sigaw ni Michael. Kahit hindi sabihin ng nilalang na nagmamay-ari ng boses ay bakit tila alam niya kung ano ang ibig sabihin nito? Napakagulo ng isipan niya, oo. Natatakot siya, oo. Pero paano niya nga ba malalabanan ang tila sumpa na nakakabit sa mga lalaki ng pamilya niya? Napaupo ang binata at itinakip ang kamay sa tainga. Pero nagkamali siya— Isang pagkakamali ang pagpikit niya! Dahil nang maglapat ang talukap ng mga mata niya ay tila tubig sa talon na dumaloy ang mga tagpo na parati niyang nakikita kapag nakapikit siya sa panaginip niya. Sa panaginip niya ay ang mga mukha ng hindi pamilyar na mga kalalakihan. Ang bawat mukha na nakikita niya at puno ng paghihirap at pighati! Ang sakit na bumabalatay sa bawat pagpalo ng umaapoy na latigo sa katawan ng mga ito ay nakikita niya sa mga mukha ng mga kalalakihan. Gustong takpan ni Michael ang tainga dahil sa nakabibinging sigawan ng mga kalalakihan, pero kahit ang igalaw ang daliri niya ay hindi niya magawa. Paano siya makakaalis sa bangungot na ito?! Paano?! Lumingon sa kanya ang tila anino na may hawak na latigo. “Ikaw na, Michael... Ikaw na ang susunod sa kanila...” saad nito sa malalim na boses bago humalakhak nang nakakatakot. Hindi! Hindi! Gusto niyang isigaw ang bagay na iyon pero naumid na ang kanyang dila. Nang magtangkang lumapit sa kanya ang nilalang ay may humawak sa kamay niya. Lumingon siya rito, pero ganoon na lang ang sindak na naramdaman niya nang makita ang anyo ng nagmamay-ari ng kamay! This creature in front of him is like a mirage! It’s like a mirage cast by his troubled mind. It’s like an abstract art—beautiful but hard to explain!  “Young Master...” the creature said in a baritone voice. “Wake up...” utos nito kasabay ng pagtapik sa noo niya. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Michael nang magising siya. Habol niya ang kanyang hininga. Sa kabila ng lamig ng air-conditioning sa loob ng opisina niya ay tagaktak ang pawis niya. At kung may makakakita man sa kanya ay mahahalata niyon ang sindak sa buong mukha ng binata. Gamit ang dalawang kamay ay sinapo ni Michael ang mukha. Ilang minuto rin siyang nasa ganoong ayos hanggang sa kumalma ang kalooban niya. Ano ba ang nangyayari? Bakit paulit-ulit na lang na bangungot ang nangyayari sa akin? Sumandal si Michael sa upuan niya, pagkatapos ay inilibot ang paningin sa loob ng kinaroroonan niya. Nang dahil sa pagod nitong nakalipas na araw ay bumigay na ang katawan niya kaya nakatulog na siya sa opisina niya habang hinihintay ang order niya sa isang restaurant. Ilang minuto ba akong natulog? Para malaman ang sagot sa tanong niya ay tiningnan niya ang wristwatch niya. It’s 11:30 A.M. Hindi inabot ng kalahating oras ang tulog niya pero sa kung saan na umabot ang panaginip niya—mali, hindi iyon panaginip. Isang bangungot. Bangungot na nagsimula nang tumuntong ang petsa uno nitong buwan. Buwan ng November. Bago tumayo ay inabot ni Michael ang tubig na nasa lamesa niya at inisang lagok iyon. Nang humagod ang malamig na tubig sa lalamunan niya ay mas nakaramdam pa siya nang ginhawa. Pero ang kaba niya ay nanumbalik nang bigla na lang may sunod-sunod na kumatok sa pintuan ng opisina niya. Pailalim siyang napamura bago tumikhim at nagsalita. “Come in,” he said politely and stood up. Ang babae sa labas ng pinto ay napangiti nang marinig ang boses ng lalaki. Malalim, buo, at baritono ang boses ng binata. Ito ang katangian ng boses na gugustuhin mong bumubulong sa tainga mo habang nasa ibabaw kayo ng kama na dalawa. A bedroom voice indeed. Nag-init ang magkabilang pisngi ng dalaga dahil sa naisip. Ang totoo ay matagal na siya may gusto sa amo niya. Ang kaso, sa kabila ng alindog niya at kagandahan ay hindi man lang nag-aksaya ng panahon ang amo niya para pansinin siya. Pero wala siya roong pakialam, lalo pa at wala naman siyang nabalitaan na girlfriend ng lalaki. Ang sa kanya lang ay magkaroon siya ng pagkakataon na mapikot ang lalaki para naman magkaroon siya ng pagkakataon na makaahon sa lintik na kahirapan niya. Bago pumasok—kahit nahihirapan dahil sa mga dala niya—ay inayos na muna ng babae ang damit niyang kinulang sa tela. Mabuti na nga lang at hindi conservative si Michael kung kaya’t malaya niyang naipapangalandakan ang makinis at maputing balat. “Good afternoon, Sir. Dala ko na ang lunch mo.” Malaki ang pagkakangiti niya nang magtama ang paningin nilang dalawa ng binata. Pero ang ngiti niya ay biglang nabura nang makita ang isang mata ni Michael. Sindak ang pumalit sa malanding hitsura ng babae Anong—! Pa— Paanong nangyari na dalawa ang eyeballs ng isang mata ng amo niya?! Nagkaroon ng tunog ang pagbagsak ng aluminum na tray sa sahig. Nagkalat ang mga basag na parte ng plato at baso, maging ang ulam at kanin sa sahig. Napaatras ang babae nang humakbang pagawi sa kanya si Michael. “Ow, don’t tell me, you’re afraid of me? Bakit naman? Akala ko ba ay gusto mo akong makatabi sa kama?” Puno ng pangutngutya ang boses nito. Malayong-malayo sa sexy na boses nito. “Malandi ka, Ruby. Kung sino-sino na ang lalaki na tumikim sa iyo.” Itinakip ng babae ang kamay sa dalawang tainga niya. “T-tama n-na...” saad niya na para bang tinakasan na ng bait. “May sasabihin ako sa iyo, Ruby...” anang boses. “Eksaktong ala-una ay mamamatay ka...” “H-hindi!!!” malakas na sigaw niya kasabay ng pagtakbo palabas sa opisina ni Michael. Nakatakip pa rin ang dalawang kamay niya sa tainga dahil umalingawngaw pa rin ang tila demonyong tawa ng amo niya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook