bc

Chasing My Boss Back (Boss Series #3)

book_age16+
4.3K
FOLLOW
19.9K
READ
revenge
possessive
family
escape while being pregnant
CEO
drama
office/work place
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Paano mabubuo ang pamilyang nasira dahil sa kasinungalingan? Maitatama ba ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali?

Isa lang naman ang gusto ni Angie, ang tuluyan na silang magkaayos ng dating kasintahan at ngayon ay kanyang boss na si Weigan. Pero mangyari pa kaya iyon kapag nalaman ng lalaki ang katotohanan?

Magkaayos pa kaya sila at mabuo ang dapat sana ay masayang pamilya kung nakatakda ng makasal sa iba si Weigan?

chap-preview
Free preview
BABY * 1 (SEDUCING SIR)
CHAPTER 1 NAGPAKAWALA nang marahas na pagbuga ng hangin si Angela bago siya tuluyang lumabas nang kinalululanang elevator at binaybay ang pasilyo kung saan ang tinutumbok na direksyon ay ang opisina ng CEO ng Algor Group of Companies, para mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na makakatapak siya sa kompanya ng lalaking pilit niyang iniwasan sa loob ng nakalipas na apat na taon. Funny how fate and destiny work at the same time, huh? Sinong mag-aakala na dito rin pala siya babagsak? Dito siya dadalhin ng panggigipit sa kanya ng tadhana? Hindi sana siya nakakaramdam nang ganoong nerbiyos kung hindi niya kilala ang nasabing CEO na siya niyang makakasama sa inaraw-araw ng buhay niya bilang isang empleyado, bilang isang sekretarya nito. She has just graduated from her bachelor's degree on Secretarial Administration after quiet some time, with the help of course, of the scholarship grant from the Stanfield family. Napakalaki ng utang na loob niya sa nasabing pamilya dahil sa kabaitan ng mga ito sa kanya at sa kanyang yumaong ina. Hindi na sila itinuring na iba ng mga ito, lalo na ang may bahay na si Ginang Wiliana. Buong puso siyang tinanggap at kinupkop ng mga ito noong maulila siya sa kanyang ina, matapos nitong pumanaw mula sa sakit nitong kanser, four years ago. Sobra-sobrang pasasalamat niya sa pamilyang Stanfield lalo na noong mga panahon na hindi niya alam ang gagawin at akala niya ay mag-isa na lamang niyang haharapin ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Ang mga ito ang naging sandalan niya at kinuhanan niya ng lakas ng loob para magpatuloy sa laban ng buhay. Para ipagpatuloy ang buhay na naatang sa kanya. 'Hi Gie! Goodluck on your first day! You can do it!' She smiled upon reading that message from her 'Nay Wiliana. It made her heart at ease. Nabawasan ang kabang nararamdaman niya dahil sa mensaheng iyon. Simula ng pumanaw ang kanyang ina ay ang ginang na ang tumayong pangalawa niyang ina kasama ang napakabait nitong asawa. Isang beses pa siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago siya dire-diretso nang naglakad patungo sa opisinang dapat niyang puntahan. Nang nasa tapat na siya ng office ng kanyang magiging boss ay naramdaman niya ulit ang kabang kani-kanina lamang ay nawala na sa kanya. Wala pa man, hindi pa man niya ito nakikita ay kumakabog na ang kanyang dibdib sa labis na antisipasyon sa muli nilang pagkikita. It's been almost four years since they last saw each other. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya? Does he still look the same, four years ago? Will he still have that same effect on her when he's near? Mapapansin kaya nito ang maraming pagbabago sa kanya? 'Go Angie! You can do it! Si Weigan lang 'yang haharapin mo. Just be nice to him and you'll be fine.' She silently cheered herself. Yes. Weigan Core Algor is her boss. Meaning to say, she'll be with him everyday. How nice is that? Iyong taong pilit niyang iniiwasan noon sa tuwing may salo-salo ang pamilya Stanfield kasama ang iba pa nitong mga kapamilya ay siyang makakasama niya ngayon sa araw-araw ng kanyang buhay bilang butihing sekretarya nito. Pakiramdam niya tuloy ay nasayang lamang ang apat na taon niyang pagtatago at pag-iwas dito. Funny how she kept on avoiding that guy when she know she's destined to be working with him in the near future. And that future is now. She heaved a deep sigh before knocking thrice on the door. Hindi kaagad siya pumasok. She's waiting for his approval that she can come in already. "Come in." And that's her cue. It doesn't change, even just for a bit. Sobrang lakas pa rin ng impact sa kanya ang dating ng baritonong boses ng lalaki. Nadadala pa rin siya sa ibang dimensyon ng kanyang pagkatao. May kung anong emosyon pa rin na binubuhay sa kanyang kaibuturan. Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo para alisin ang kung ano mang ibang iniisip. For pete's sake! She's not here for anything that is not related to her job! Marahan niyang binuksan ang pintuan ng opisina ni Weigan saka tahimik na pumasok doon. Kaagad niyang napansin kung gaano kalaki at kalawak ang naturang opisina nitong iyon. It was very well lit and the design is very minimalist yet so comfortable in the eyes. Isang malaking executive table ang siyang mabubungaran kapag binuksan ang pinto ng opisina. Sa likod ng table na iyon ay ang glass background na kitang-kita ang kalakihan ng Makati. Mga nagtataasang gusali ang naroroon sa background na natitiyak niyang kay gandang pagmasdan ng mga nagkikislapang ilaw sa gabi. Naglakad siya palapit sa napakalaki nitong executive table kung saan ito kasalukuyang naroroon sa kabilang panig niyon, nakaupo sa swivel chair at hinihintay siya. Wearing her most confident smile, she greeted him. "Good morning, sir. I am Angela Denise Cornejo, your new secretary. Nice to meet you, sir." Aniya saka bahagyang nagyuko ng ulo bilang pagbibigay galang rito. She avoided having eye contact with him because she's scared that she might stutter when she do so. Isa pa naman sa kahinaan niya pagdating kay Weigan ay ang mapang-akit at palaging nangungusap nitong mga mata. One look at his dark and alluring eyes and she's losing all her sanity away. At iyon ang iniiwasan niyang mangyari ngayon. Hindi na siya pwedeng magpadala pa sa kahinaan niyang iyon. Because the last time she did, it cause her trouble, heartache and a big responsibility. Katahimikan. Iyon ang namayani sa mga sumunod na segundo matapos niyang batiin ang kanyang ubod ng gwapong boss. At iyon din ang naging dahilan para mag-angat siya ng tingin dito. She was amazed to see him changed a lot! He looked very mature, but nevertheless, still handsome as ever. Mas nakadagdag pa sa taglay nitong gandang lalaki ang ang pinong balbas nito na bumabalot sa nakadepina nitong panga at baba. Maging ang pangangatawan nito ay nagmature rin at masasabi niyang naalagaang mabuti sa gym. Even in his executive suit, she can say that he has a tone and well built body. Jaw-dropping body and handsomeness. Iyon ang nababagay rito na papuri. That's how perfect he is on his physical features. "You're late." Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya ng sabihin ang dalawang katagang iyon. Hindi niya naiwasang mapataas ng kilay sa sinabi nito, bahagyang nagulat. What late is he talking about? Samantalang halos isang oras at kalahati pa nga siyang maaga sa oras na sadyang dapat ay pasok niya sa opisina. It's just 6:30 in the morning, for pete's sake! Their working time will start at 8:30 in the morning. Sinadya na nga niyang agahan para sa ganitong kaganapan. At para na rin makapag-adjust ang sistema niya sa pakiramdam na nasa paligid lamang niya ito. "Excuse me, sir? As far as I am concerned, I am not late. I am an early bird." 'Ni wala pa nga akong masyadong empleyadong nakita nang umakyat ako dito sa opisina mo.', she wanted to add but she did not do so. Boss niya ito kaya dapat lamang na ibigay niya lahat ng paggalang at pasensiyang mayroon siya para rito. Hindi ito kung sino lamang na tao. 'You mean, your ex-lover guy?', she rolled her eyes on that thought. He chuckled and that made her stilled for some second before looking alertly at him. Mahirap na. Iba ang dating sa kanya ng mga ganoong tawa nito. It's either he's thinking something naughty or he finds her funny in some way. Ganoon ito dati noong magkasintahan pa silang dalawa, na siya niyang ikinaiinis at ikinagagalit dito. Mahilig siyang pagkatuwaan ng binata kaya madalas ay nauuwi iyon sa pag-aaway nila. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nito kayang seryosohin at palagi na lamang siya nitong ginagawang katatawanan sa paningin nito. Childish, but that was one of the reason why they broke up. Para kasi sa kanya ay hindi naman talaga siya sineryoso ng binata. Natuwa lang ito sa kanya kaya siya ginawang girlfriend. Noong una, okay lang sa kanya na ganoon. Pero habang tumatagal ang kanilang relasyon, aminado siya na natutunan niya na itong mahalin sa kabila ng pagiging bata nila sa edad na dalawa. But the man doesn't seem to feel the same way about her. She thought and she feel that she's just one of his 'girls'. "I like the sound of it when you call me sir. Nakakaakit sa pandinig." Nakangising saad ni Weigan habang marahang tumatayo sa kinauupuan nitong swivel chair. She widened her eyes on him because of that. Hindi siya makapaniwala na maririnig niya iyon dito sa unang araw ng muli nilang pagkikita. "I-i am not seducing you! Ang kapal naman ng mukha mo, sir!" Pakiramdam niya ay namumula na ang kanyang mukha sa pinaghalong inis at hiya dahil sa sinabi nito. Humalakhak na ito sa tinuran niya. Tila ba tuwang-tuwa sa kanyang tinuran. She's becoming furious every passing minute na nakikipag-usap siya sa lalaki. Ito rin ang iniiwasan niya kaya ayaw niya na nagkakausap sila ni Weigan na sila lamang dalawa. They will just fight. And when they fight, they'll be throwing daggers of harsh words towards each other. "There. You said it again." He said in a matter-of-fact tone. Tinitigan niya ito ng masama. Gustong-gusto na niya itong hambalusin ng kaharap nitong ilang pile ng folder na nakapatong sa ibabaw ng mesa nito pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw naman niyang masesante sa mismong unang araw niya sa trabaho. Magtitimpi pa siya ng kaunti. Kaunting-kaunti lang. Wala siyang baong mahabang pasensya pagdating sa binata. Why? Because she's still mad at him on the fact that he just used her as a past time and a toy, and that he just made fun of her when they're still together. "Gago ka ba? Anong gusto mong itawag ko sayo? Boss kita kaya malamang tawagin kitang sir! Nakadrugs ka ba, sir? Anong gusto mong itawag ko sayo? Pare? Tropa? Paasa?", nanggagalaiti na niyang singhal dito habang pigil-pigil ang sarili na sugudin ito at sapakin. Weigan shrugged at her question. Nagsimula na rin itong maglakad palapit sa kinatatayuan niya. Siya naman sa kabilang banda ay mas naging alerto sa mga susunod pang maaring nitong gawin habang nararamdaman niya ang nagsisimulang pagsasal ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Suddenly, she felt like this spaciouos office of him became so small and she cannot breath normally because of the fact that Weigan is coming towards her. Parang bigla ay gusto na lamang niyang umatras, tumakbo at magtago ng pagkalayo-layo mula rito. He eyed her with that kind of stares she cannot fathom to avoid and escape. "I want you to call me baby. How 'bout that?" Ngayon naman ay nawala na ang mapaglarong ngisi sa labi ng binata at napalitan na ng kaseryosohan. Hindi na siya mapakali. Hindi na niya malaman ang gagawin. Ramdam niya ang pagwawala at pagwewelga ng kanyang puso sa ginagawa nitong paglapit sa kanya. How can she stop him from coming near? Bakit ba kailangan pa nitong lumapit sa kanya? Bakit ba kailangan pa niyang makaramdam ng kaba dahil sa ginagawa nitong iyon? She tried her very best to glare at him especially when he stopped only inches away from her. She can literally smell his manly and fragrant scent because of that closeness. Humahagod sa kanyang ilong ang napakabangong amoy-panlalaki nitong pabango. Muntik na rin niyang maipikit ang mga mata para namnamin ang pagsamyo sa nakahahalina nitong amoy. Mabuti na lamang at napagtagumpayan niyang pigilan ang sarili na gawin iyon. Hinding-hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaki na gawin na naman siya nitong katatawanan at bigyan ito ng katuwaan dahil sa mga reaksyon niya maging ng katawan niya rito. Kailangan niyang ipakita rito na hindi na siya naapektuhan ng presensiya nito. "Asa ka.", mahina pero punong-puno ng damdamin na asik niya rito. "Boss kita kaya sir lang ang dapat itatawag ko sayo. Wala akong ibang ipinunta dito kundi iyon lang." She stepped backward, once. "Stop playing around, Sir Algor. I am just your secretary and none other than that." Pigil na pigil niya ang sarili na pumiyok. Nanlalambot man ang mga tuhod dahil sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ni Weigan ng mga sandaling iyon pero pinaglabanan niyang lahat iyon para ipamukha at iparating dito ang nais niyang mangyari at ipaintindi. Tapos na siya sa pagpapauto dito. Tapos na siya sa pagpapadala sa mga mabulaklak nitong salita. At mas tapos na siyang maniwala at umasa na mamahalin din siya nito kagaya ng pagmamahal niya rito noon. "Let's be professional. Hindi na tayo mga bata para maglaro, sir." Aniya, binigyang-diin ang salitang 'sir' para ipaintindi dito na isa lamang siyang empleyado sa buhay nito at wala ng iba bukod pa doon. She's starting to accept the fact that she and Weigan cannot be together romantically. And besides, she's not here to get romantically involve with him again. She's here for another reason.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

That Night

read
1.1M
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook