"Congrats, Mikoy!"
Ilang beses ko nang narinig ang pagbating iyon mula sa mga guro, kaklase, kaibigan, at mga kamag-anak ko sa araw na ito. Alam kong lubos ang saya nila na makitang may nakatapos na ako sa aking pag-aaral.
Galing ako sa mahirap na pamilya. Isang kahig, isang tuka kung tutuusin ngunit dahil sa pagsisikap ng aking mga magulang ay nakapagtapos ako sa aking pag-aaral. Sa tulong din ng konting talino na meron ako, pumasok ako bilang student assistant sa aming unibersidad at sa loob ng dalawang taon, nakatulong din iyon upang mabawasan ang binabayaran mo sa paaralan.
"Anak, pasensiya ka na kung pancit lang ang naihanda ni Inay, ha? Ito lang ang napagsumikapan kong ihanda para sa pagtatapos mo."
Ngumiti ako kay Inay at saka humakbang papalapit sa kanya. Buong pagmamahal kong niyakap ang aking ina. Sa kabila ng hirap at edad niya ay kababakasan pa rin siya ng ganda na siyang minana naming magkakapatid sa kanya.
"Inay, kailan ko naman ipagpapalit ang pancit ninyo sa litson? The best kaya ang luto ng maganda kong nanay!" pagbibiro ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.
"Uy, si Kuya! Naglalambing na naman kay Inay samantalang antanda-tanda na!" pangangantiyaw sa akin ng kapatid kong si Abegail.
Bumelat ako sa kanya.
"Inggit ang pango!" Pangangantiyaw ko sa kanya na ikinasimangot niya. Maganda rin siya ngunit iyon nga, pango ang kanyang ilong na minana niya sa aming Itay.
"Tay, si Kuya, oh! Inaasar na naman niya itong ilong nating maliit." pagsusumbong niya kay Itay na tatawa-tawa lamang na nanunuod sa amin.
"'Wag mo nang pansinin ang Kuya mo. Masyado kasing matalim ang ilong niya kaya naiinggit siya sa ilong nating kyut!" pakikisakay ni Itay sa pag-aasaran naming magkapatid.
Nagtatawanan kaming umupo sa hapag at pinagsaluhan ang hands kong pancit.
Habang sumusubo ay pinagmamasdan ko ang miyembro ng aming pamilya. Hindi kailan man naging isyu sa aming magkapatid na galing kami sa hirap. Bagkus nga ay naging instrumento iyon upang magsikap kami sa pag-aaral.
Pinagsikapan kaming itaguyod ng aming ama na namamasada ng jeep samantalang labandera naman ang aming ina. Dadalawa lang kaming naging supling nila dahil iyon lang daw ang kaya nilang buhayin ayon na rin kay Itay nang minsang mapag-usapan namin kung bakit dadalawa kaming magkapatid.
Malayo ang agwat ng aming edad ni Abegail na nasa ikawalang bilang pa lamang ng hayskul. Ngunit kahit ganon, malapit naman kami sa isa't isa.
Si Inay, si Itay at si Abegail ang mga inspirasyon ko sa aking pag-aaral at sa paghahanap ng magandang trabaho ngayong tapos na ako sa aking pag-aaral. Oportunidad ko na ang makatulong sa mga magulang ko.
"Saan mo ba balak maghanap ng trabaho ngayong nakapagtapos ka na, Mikoy? Balita ko ay may bakante sa munisipyo natin na pwede mong applyan bilang clerk."
Napatingin ako kay Itay.
"Balak ko po sanang sa siyudad maghanap ng trabaho, 'Tay. Maganda rin sanang dito lang sa malapit ako makahanap ng trabaho pero mas malaki po ang magiging suweldo ko kung sa isang kumpanya ako makakapasok."
Tumango-tango siya sa naging kasagutan ko.
"Ikaw, anak, kung saan mo mas gustong makapasok, susuporta kami sa'yo," saad naman ni Inay.
"Kailangan ko po kasing makapagsimula na sa pag-iipon. Nursing po kasi ang gustong kuning kurso ng bunso ninyo," may halong pangangantiyaw ang boses ko sabay lingon sa kapatid kong kauubos lang ang pancit sa plato niya.
Napangiti siya nang maluwag dahil sa sinabi ko.
"Talaga, Kuya? Pag-iipunan mo ang pagka-college ko?" masaya niyang tanong.
"Oo naman! Ganon kita kamahal kahit makulit ka. Gusto mong maging nurse at tutuparin natin iyon. Kaya wala munang boyfriend, boyfriend, ha? Pag-aaral muna ang pagkaabalahan mo."
"Oo naman, Kuya! Boyfriend lang naman ang bawal, 'di ba? Pero ang magkaroon ng crush ay pwede!"
Napasimangot ako sa kanya kaya napatawa silang tatlo sa akin.
"Kahit crush, bawal!"
Lalo silang naghagalpakan ng tawa dahil sa huling sinambit ko.
...
"Thank you, po."
Pilit ang ngiting pagpapaalam ko sa babaeng kausap ko bago ako tumalikod upang umalis na.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad palabas sa establisyementong pinag-aapplyan ko.
"We will just call you."
Ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon sa loob ng ilang linggo kong pag-aapply ng trabaho. Sa totoo niyan, sa tuwing naririnig ko ang mga katagang iyon ay nadaragdagan ang pagkadismaya ko sa aking sarili. Dahil sa wala pa akong anumang karanasan sa pagtratrabaho kaya eto, hindi ako matanggap-tanggap sa mga trabahong nais ko sanang pasukan.
Nakakadismaya at nakakapagod. Nakakahiya na rin sa mga magulang kong hinihingian ko ng panggastos sa tuwing naghahanap ako ng mapagtratrabahuan.
Wala sa loob na naglalakad ako sa kalsada nang isang magarang kotse ang tumigil sa gilid ko. Bago pa ako makapaglakad papalayo ay nakalabas na ang sakay niyon at sa isang iglap ay nasa harapan ko na.
"Sabi ko na nga ba, I'll find you here." May pagka-conyong sabi ng lalaking humawak sa isang siko ko.
"G-Gabriel..." bulong ko sa kanyang pangalan. Napatingin ako sa paligid, naghahanap ng isang lugar kung saan ako pwedeng tumalilis kapag nawala sa akin ang pansin ng lalaking nasa harapan ko.
"May bakante sa munisipyo, Mikoy. Pwede kong kausapin si Papa para maipasok ka roon na wala ng hirap. Hindi iyong pinapahirapan mo pa ang sarili mo sa paghahanap ng trabaho rito sa city." Kaagad akong umiling nang marinig ko ang sinabi niyang iyon.
"Ayoko, Gabriel! A-ayokong magtra---magtrabaho roon dahil...dahil..."
"Dahil sa akin, right? What's wrong with working there with me, Mikoy? Are you scared that you'll finally give up and give me your..."
"Hindi!" Maagap kong tanggi bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin. Nanlalamig ang buong katawan ko habang sobrang init na ng dalawang pisngi ko nang makitang nakangisi siyang nakatitig sa akin.
Si Gabriel ay anak ng municipal mayor namin. Dahil sa pagiging babaero nito ay naparusahan ng ama at sa aming eskuwelahan na pinapasok upang mabantayan ng mga magulang kesa naman daw magkaroon ito ng isang dosenang puro panganay na anak sa Maynila.
Gabriel is a happy go lucky guy. Marami itong naging kaibigan sa aming eskuwelahan at isa na ako roon. Labis naman ang tuwa ko nang maging malapit ako sa kanya dahil nga sikat siya sa aming paaralan. Ginagawan ko siya minsan ng projects niya bilang tulong ko sa kanya. Binabayaran naman niya iyon na noong una ay tinatanggihan ko ngunit dahil sa pagpupumilit niya ay tinanggap ko na rin kinalaunan. Sayang din iyong pambaon sa eskuwelahan.
Ngunit ang pagiging malapit ko sa kanya ay unti-unting nagkaroon ng ibang kulay nang minsang imbitahan niya ako sa kanilang tahanan upang pagtulungan naming gawin ang kanyang proyekto. Dahil halos ako ang gumawa niyon, makatulog ako sa kanyang kama dahil sa pagod. Nagising na lang akong may mga labing humahalik sa mga labi ko na walang iba kundi mga labi ni Gabriel.
Itinulak ko siya at saka dali-daling bumangon sa aking pagkakahiga. Nagmamadali naman siyang nagpaliwanag na isa siyang bisexual at may pagkakagusto siya sa akin. Itinanong niya sa akin noong araw na iyon kung gusto ko rin siya. Sinabi kong gusto ko siyang bilang kaibigan lamang, nagpaalam na ako at umalis.
Naging mahirap sa akin ang mga sumunod na araw sa eskuwelahan. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako kay Gabriel sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya. Ilang linggo ko ring ginawa iyon kahit na alam kong nakasunod siya palagi sa akin. Ipinagpapasalamat kong hindi niya ginamit ang impluwensiya niya upang pasunurin ako sa gusto niyang mangyari sa aming dalawa.
Ayokong masira ang pagkakaibigan namin at mauwi iyon sa wala kaya isang araw ay masinsinan ko siyang kinausap pagkatapos kong mag-ipon ng lakas ng loob para harapin siya.
Sinabi kong ayaw kong pasukin ang ganong klase ng relasyon. Ipinaliwanag kong hindi ako handa sa diskrimisayon at panghuhusga ng mga tao sa paligid ko. Mabuti sa kanya dahil mayroon siyang ama na iginagalang ng karamihan. Ngunit sa tulad mong mahirap lang at madaling apak-apakan, ikakasira ko ang mangyayari sa hinaharap at pati ang pamilya ko ay maaaring madamay.
Ngunit mapilit si Gabriel. Sinabi niyang hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang pag-ibig ko. Kaya sa pagdaan pa ng mga araw ng aming pag-aaral ay palihim siyang gumagawa ng paraan para manligaw sa akin sa paraang alam niya. Halos isang taon din iyon hanggang sa dumating ang araw na nainip na siya.
Nagpumilit siya isang hapon na ihatid ako. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa hindi ako pumapayag na sumama sa kanya. Aaminin ko na sa mga panahong ito ay may nararadaman na rin ako sa kanya. Hindi ko maitatangging unti-unti na ring lumalalim ang nararamdaman ko dahil sa pagsisikap niya. Ngunit takot pa rin ako. Takot na takot pa rin ako.
Dinala niya ako sa isang motel para raw may privacy kami sa gagawin naming pag-uusap. Ngunit ang simpleng pag-uusap ay nauwi sa pagtatalo. Ang pagtatalo ay nauwi sa ibabaw ng kama kung saan pinakawalan ko na ang nakatago kong damdamin para sa kanya.
Sinagot ko ang mga halik at ang mga yakap niya. Hindi ako nakatanggi nang hubarin niya ang aking suot na shirt at pagkatapos ay ang aking pantalon. Nang ibaba na niya ang aking panloob at ilagay ako sa loob ng bibig niya at halos mabaliw ako sa sensasyon at hinayaan siyang magpakasawa sa akin.
Ngunit nang damhin na ng mga daliri niya ang likuran ko ay nagising ako sa panlalabo ng aking utak. Nanlaban ako.
Laking pasasalamat ko nang hindi siya nagpumilit sa ikalawang pagkakataon. Ngunit ng araw na iyon ay nag-iwan siya sa akin ng babala. Huling pagpipigil na raw niya sa akin iyon. Sa susunod na magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na siya mapipigilan pa ng kahit na sino maging ako mismo.