Chapter 2

1666 Words
"Ano ba naman 'yang pinaggagawa mo sa buhay mo, Gwen! Sinisira mo na ang kinabukasan mo, eh!" nakikinig lang si Gwen sa kanyang mama na nagsasalita habang siya ay nagkakape at kumakain ng tinapay. "Isang buwan na ang nakakaraan noong mahuli mong may kalampungan ang ex-boyfriend mong si Lester. Anong plano mo? Magpapakamatay ka na lang ba? Sisirain mo ang buhay mo dahil sa mga nangyari?' dagdag pa ng kanyang mama. "Ma, masakit po ang ulo ko," mahina niyang sambit sa kanya para tumigil. "Iyang ang napapala mo sa kakainum mo! Kababae mong tao, laman ka ng bar sa gabi tapos uuwi ng lasing na lasing! Umayos ka, Gwyneth! Hindi nakakatuwa 'yang pinaggagawa mo!" pangaral niya sa kay Gwen. Napakamot na lang si Gwen ng kanyang ulo dahil sa mga sinasabi ng kanyang mama sa kanya. May tama naman lahat ng iyon ng kanyang ina pero wala siyang magagawa, iyon lang ang paraan para makalimutan niya sa langyang lalaking iyon! Ang boyfriend niya nang mahigit limang taon, si Lester. Hindi niya maiwasang maalala na naman ang nangyari noong nakaraang lingo. Naninikip na naman ang kanyang dibdib at alam niyang susunod na ang mga luha sa kanyang mga mata. "Pupunta lang ako sa aking kwarto, ma" paalam ni Gwen sa kanyang ina. "Ano? Magmumukmok ka na naman? Iiyak at mamayang gabi ay lalabas ka na naman?" mga tanong ng kanyang ina sa kanya. Hindi na lang pinansin ni Gwen lahat ng sinabi ng kanyang ina at tumayo at naglakad papunta sa kanyang kwarto. Humiga sa kama si Gwen. Nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto at doon ay unti-unti na namang lumabas ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Naaalala na naman niya ang mga nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang dating kasintahang si Lester. Nagkakilala silang dalawa ni Lester noong college pa lang sila. Kumukuha si Gwen noong ng Journalism habang si Lester naman ay Engineering. Noong una silang magkita ay pakiramdam ni Gwen ay iyon na ang pinakamagandang araw sa kanya. Iyon bang parang tumigil ang lahat sa kanyang paligid, iyong nagliliwanag si Lester sa kanyang paningin na may mga paru-paro pang nagliliparan? Ganoon ang naramdaman niya noong una niya itong makita. Noong malaman ni Gwen na gustong manligawan si Lester sa kanya ay sobrang saya niya pero hindi niya iyong pinahalata sa kanya. Syempre dapat ay pahirapan niya din si Lester at ipakita na hindi siya basta basta makukuha. Isang linggo ang nakakalipas simula noong manligaw si Lester kay Gwen ay sinagot na niya ito. Oh 'di ba pinahirapan niya si Lester? Sino ba naman kasi ang hindi mapapasagot kapag ang sabihin sa iyo ay "Sagutin mo ako ngayon at liligawan kita panghabang-buhay." Doon nagsimula ang mga masasayang araw ni Gwen kasama si Lester. Naging magaan at matiwasay ang kanilang relasyon. May mga naging problema sila pero agad din naman naayos. Halos araw-araw ay hindi lumiban si Lester para lang pakiligin si Gwen. Nandiyan ang binibigyan niya ito ng bulaklak kahit na nasa klase siya noon, ang mga monthsary nila na pinagtuonan niya ng pansin o pinaghandaan ng mabuti, ang Aniversary nila na para bang ikakasal na sila pero ang pinakaimportante sa lahat ay iyong pinaparamdam ni Lester kay Gwen na mahal na mahal niya ito. Naging opisiyal ang relasyon nilang dalawa sa kanilang pamilya. Kilala ni Gwen ang kanyang mga magulang at nakilala rin ni Lester ang mga magulang ni Gwen. Parehas na boto ang mga pamilya nila sa kanilang relasyon na siyang nagbigay ng sobrang kasiyahan sa dalawang magkasintahan at iyon na siguro ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ni Gwen, noong makilala niya si Lester. Ang akala ni Gwen na pang habangbuhay na ang kanyang kaligayahan ay nagkamali siya. Oo, Mahigit limang taon silang magkarelasyong dalawa pero hindi niya ibinigay sa kanya ang kanyang sarili. Alam niya sa sarili niya na mahal na mahal niya si Lester pero may paninindigan siyang saka niya lang ibibigay ang kanyang sarili sa kanya kapag kasal na silang dalawa. Maraming beses na inalok ni Lester si Gwen ng kasal at sa bawat alok niya ay kakaibang saya ang nararamdaman niya pero hindi siya pumayag sa mga alok ni Lester. Kinausap ni Gwen si Lester kung bakit siya tumatanggi sa kanyang alok na kasal. Gusto niya kasing makapag-ipon, makapagpatayo sila ng sariling bahay at gusto niya ay stable na silang dalawa. Naintindihan naman ni Lester ang lahat ng sinabi ni Gwen na pinagpasalamat niya, pero sadyang hindi lang talaga perpekto ang lahat. Nais sanang sorpresahin ni Gwen si Lester sa kanyang Condo. Dinala ni Gwen ang mga pagkain na kanyang linuto para sabay sana silang maghapunan. Pagdating niya sa Condo ni Lester, hindi na siya kumatok dahil may duplicate naman siya ng susi ng tinutuluyan niya. Pagpasok niya, dahan dahan siyang naglakad papunta sa kwarto ni Lester at doon niya narinig na nasa banyo siya na katabi lang ng kanyang kwarto at naliligo. Naglakad siyang pumunta sa kusina para maghanda ng kanyang mga linuto. Nagsindi pa siya ng kandila at naglagay ng mga bulaklak para mas maging romantic ang lahat pero noong lumabas si Lester ng banyo ay sobrang gulat ang kanyang mukha. Nilapitan siya ni Gwen. Nakatapis pa lang ng tuwalya sa kanyang katawan pero kahit na ganoong ay hinalikan ni Gwen si Lester sa kanyang labi. "Gwen?" nauutal at patanong niyang pagtawag sa kanyang pangalan. "Surprise, Dy!!' masiglang pagbati sa kanya ni Gwen. "Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Lester sa kanyang kasintahan. "Nagluto ako ng hapunan natin at gusto ko sanang..." hindi natuloy ni Gwen ang kanyang sasabihin nang biglang may lumabas na isang babae mula sa banyo. "Anong meron,By?" tanong ng babae sa boyfriend ni Gwen. "A-anong ibig sabihin nito?" nauutal na tanong ni Gwen sa kanyang kasintahan. Alam na ni Gwen kung ano ang nangyayari kaya lang hindi niya maiwasan ang tanungin ang kanyang boyfriend. Nakakaramdam na ito ng sakit sa dibdib, nanginginig ang mga paa at unti-unti nang lumalabas ang mga luha sa mga mata ni Gwen. "Magpapaliwanag ako,My," sabi sa kanya ni Lester. "Magpapaliwanag ka,By? Bakit sino ba itong babaeng ito?" sabat na tanong ng babaeng kasama ni Lester. Pilit na ngumiti si Gwen sa kanyang kasintahan, " Pinapadala pala ni ma'am ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa,sir. Enjoy po kayo sa inyong hapunan,sir," pagsisinungaling ni Gwen sa kanyang kasintahan. Tumalikod na ito sa kanila at maglalakad na sana nang hawakan ni Lester ang braso ni Gwen. "May kailangan pa ba kayo,sir? Naayos ko na po ang ang mga pagkaing pinadala ni ma'am kaya huwag na po kayong mag-alala," nakangiting tanong at sambit ni Gwen sa kanyang kasintahan. "Mag-usap na muna tayo, Gwen,Please," pagsusumamo ni Lester kay Gwen. "Naku, sir, may pupuntahan pa po ako sir at ipinasabay lang po ni ma'am iyang mga pagkain niyo," sabi ni Gwen kay Lester. Pinilit ni Gwen na makawala sa kamay ni Lester at dali-dali itong lumabas ng Condo. Nang makalabas si Gwen ay dito na lumabas ang emosyong kanina pa pinipigilan ni Gwen. Sakit. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman dahil sa isang sorpresa na kanyang nasaksihan. Hindi niya inaasahan na kayang gawin iyon ni Lester sa kanya dahil sa pagkakakilala ni Gwen sa kanyang kasintahan ay isa itong mabait, masipag at hindi manloloko pero nagkamali siya sa lahat ng kanyang pagkakilala sa kasintahan. Simula noong araw na iyon ay hindi na nagkita pa sina Gwen at Lester. Kahit na ganoon ay halos oras-oras na tumatawag o nagtetext si Lester kay Gwen pero hindi niya ito sinasagot. Minsan din ay pumupunta si Lester sa bahay nila Gwen pero hindi siya pinapapasok ng mga magulang ni Gwen dahil sa nagawang kasalanan ni Lester sa kanilang anak. Simula din noong araw na iyon, natuto si Gwen na abalahin ang kanyang sarili para makalimutan ang lahat ng nangyari sa kanilang relasyon ni Lester. Natuto siyang uminom ng alak dahil iyon ang tingin niyang makakatulong sa kanya. Araw-araw ay nasa bar siya at nagbabasakaling makalimutan na niya ang lahat pero hindi, nagkakamali siya dahil hindi basta-basta nawawala ang mga masasayang mga alala sa kanilang limang taong relasyon. Nasa ganoon siyang pagkakahiga nang makaramdam siya ng kakaiba. Agad siyang tumayo sa kanyang kama dahil pakiramdam niya ay nasusuka siya. Dumeretso si Gwen sa lababo ng kanyang Cr at dito na nagsimula siyang magsuka. Inisip na lang ni Gwen na ito ang dahilan ng kanyang pag-iinom kagabi.  Nang hina si Gwen dahil sa kanyang pagsusuka. Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos ay bumalik din siya sa kanyang kwarto.  Kinagabihan, Hindi maganda ang pakiramdam ni Gwen. Kahit na gusto niyang lumabas at magkalunod sa alak ay hindi niya nagawa.  Lumipas pa ang mga araw at marami siyang napapansin sa kanyang sarili. Nagkarron siya ng sensitibong pang-amoy, sumasakit minsan ang kanyang baywang, naninikip ang dibdib niya at ang pinagtataka niya ay naging matakaw siya. Palagi rin siyang naghahanap ng maasim na pagkain tulad na lang ng palagi niyang pinapabiling hinog na mangga sa kanyang ina.   Dahil sa araw-araw siyang nakakaramdam ng kakaiba ay nagdesisyong kumunsulta si Gwen sa doctor. Nag-aalala na siya sa kanyang sarili dahil sa nangyayari sa kanyang katawan.  "Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong sa kanya ng doctor.  Sinabi lahat ni Gwen kung ano ang mga nararamdaman niya, kung ano ang nangyayari sa kanya sa doctor. Dahil sa mga sinabi ni Gwen, sinabihan siya ng doctor na mag pregnancy test na kanyang kinagulat.  Walang nagawa si Gwen kundi ang sundin ang sinabi ng doctor sa kanya. Bumili siya ng Pregnancy kit at agad niya itong isinagawa. Hininty nila ang naging resulta sa loob ng kwarto ng doctor. Nang lumabas ang resulta ng prenancy test ay sobrang gulat ni GWen nang makita niyang may dalawang guhit na pula ito. Napabitaw si Gwen sa hawak niyang Pregancy kit.  Doon niya naalala ang nangyari noong isang gabi kung saan ay nagising siya sa isang kwarto ng hotel. Hindi na niya maalala pa kung sino ang lalaking nakasama niya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang buhok.  Lutang na lumabas si Gwen sa clinic ng doctor. Agad siyang umuwi sa kanilang bahay at dumeretso sa kanyang kwarto. Wala ang kanyang ina dahil may trabaho ito at sa hapon pa ang dating niya.  Ano kaya ang gagawin ni Gwen ngayong nalaman niyang buntis siya? Ano kaya ang magiging desisyon niya sa kinatatayuang kinalalagyan niya ngayon? ............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD