CHAPTER 04

1143 Words
EMMERICH ACADEMY Bago kami lumabas ng kotse ni Kuya ay may inabot muna siya sa akin na isang papel. "Ito ang schedule mo at 3rd floor ang room mo ngayon. Wag kang makikipag away, naiintindihan mo naman ako diba?"seryosong sabi niya. "Oo kuya."sagot ko tsaka isang matamis na ngiti ang ibinato ko sa kanya. Bumaba na kami ng tuluyan sa kotse. Wow ang laki naman ng school na toh, pero mas malaki pa rin yung school na pinang-galingan ko sa California University. "Ito na ang gamit mo."sabi ni Kuya at ibinigay na yung bag ko, siya kasi yung nag buhat non kanina. "Light!?"biglang may tumawag kay Kuya kaya napa lingon ako. "Ohh Cobbie."sabi naman ni Kuya pabalik. Tumingin sa'kin yung lalaki. "Chicx mo pare?"tanong nung Cobbie. "Gago..kapatid ko yan."sabi niya. "May kapatid ka pala."sabi pa nito. "Hi Miss, Cobbie nga pala."pakilala nung Cobbie at nilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Summer."pakilala ko. "Ang ganda mo naman tapos ang puti mo pa."sabi pa niya. Ngumiti na lang ako bilang tugon "Sige Summer, una na kami. Yung sinabi ko sayo huh. Kita tayo mamaya sa Cafeteria."sabi ni Kuya, nag-nod na lang ako at umalis na sila. Hindi ko alam na ganito pala ang buhay ni Kuya dito sa Pilipinas. Hindi ko alam na pwede pa lang mabuhay ng normal ang mga tulad naming bampira... ^_______________^ Masaya akong naglakad dahil hahanapin ko pa ang room ko. "Ayy sino yung girl? Transferee?"biglang may narinig ako. Wag na kayong magtaka kasi kaya kong marinig ang mga usapan ng mga tao kahit malayo. "Ganda niya huh."girl2. "Pero yung Kulay niya, parang hindi na sisinagan ng araw."girl3. Hindi ko na lang sila pinansin Lakad Lakad Lakad . . BOOGGGSSSHHH Biglang may na bunggo ako nang paliko na ko sa may kanto dahilan para mapa upo sa ako sa floor. Araaaayy! Ang ulo ko pati bewang ko ang sakit. "f**k!!"sigaw nung nabunggo ko. "Tanga ka ba Miss??!!"sigaw na sabi nung lalaki. Tiningnan ko yung lalaki at napa tingin din siya sakin. DUG DUG DUG DUG DUG DUG Biglang naramdaman ko ang bilis nang t***k ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. *Kontrolin mo ang t***k ng puso mo.* *Pwedeng lumabas ang pangil mo pag nagpatuloy yang bilis niyan.* Naalala ko ang sinabi ni Kuya kaya hindi ko na lang pinansin yung lalaki at mablis akong tumayo at tumakbo paalis. Nahagip pa ng balikat ko ang balikat niya kaya nabunggo ko na naman yung lalaki sa sobrang pagmamadali ko. Bakit ang bilis ng puso ko? Natakot ba ko dun sa lalaki? Mabilis akong naghanap ng CR dahil pakiramdam ko ay lumalabas na ang pangil ko. Nang may makita ako ay agad akong pumasok doon. Humarap ako sa salamin, hindi pa rin nagbabago ang kulay ng mata ko dahil itim pa rin yun pero ang ngipin ko ay medyo umu-usbong na ang pangil. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko, ilang minuto ko yung ginawa hanggang sa bumalik na sa dati. Nang maramdaman ko na okay na talaga ako ay tsaka ako lumabas. Nabigla ako ng makita ko si Kuya na nakasandal sa pader. Nang makita niya kong nakalabas na ehh bigla siyang lumapit sakin. "Anong problema? Okay ka lang ba?? Narinig ko na bumilis ang t***k ng puso mo, anong nangyari?" nagaalalang tanong niya sa akin. "Ahmm wala Kuya, parang natakot lang ako kanina kasi may nabunggo ako. "Sabi ko kay Kuya. "Haayyss pinag-alala mo ko. Akala ko may nangyari ng hindi maganda sayo, dapat nag iingat ka."nag-aalalang sabi pa ni Kuya. "Sorry Kuya."sabi ko sa knya. "Tara.. Ihahatid na kita sa room mo."sabi niya.. Nag-nod na lang ako kay Kuya at sumunod. . . CHRIST's POV FUCK! Biglang may naka bungo sa'kin.. "f**k!! Tanga ka ba miss?!"galit na sabi ko dun sa babae. Napa upo lang siya sa sahig dahil na rin siguro sa lakas nang pagkakabangga namin sa isa't isa. Hindi ko makita ang itsura niya kasi naka tabon yung buhok niya sa mukha niya. Maya maya ay tumingin na siya sakin... Transfer? Mukang bago ang itsura niya sa paningin ko. Maganda siya, maamo ang mukha, at maputi. Papagalitan ko pa sana siya ng biglang nagmadali na siyang tumayo at tumakbo na paalis kaya lang binunggo na naman niya ako. Nilingon ko siya pero nawala na agad siya. Ang bilis naman nun. Napahawak ako sa balikat ko na binunggo na naman niya. Nanadya na ata yung babaeng yun ehh. -_- Dalawang beses na niya na akong binunggo. Tsk. Well mukang transferee nga siya kasi hindi niya ko kilala.. Aalis na sana ako ng may makita akong wallet sa sahig na pinagbagsakan nung babae, nalaglag niya at yun kanina. Sinimot ko naman yun. "Uyy, bro tara na male-late na tayo."sabi ni Raikko na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Tinago ko na muna yung wallet nung babae sa bulsa ko at sumunod na sa kanya. "Asan si Rence? si Luke??"tanong ko kay Raikko habang naglalakad kami. "Si Rence, mamayang 2nd class na natin papasok, mukhang puyat at dahil yun sayo."sabi ni Raikko at tumawa. "Ilan na naman ba yung kasama mong babae kagabi?"tanong niya. "Gago! Isa lang yun."sagot ko sa kanya. "Mahina ka ahhh."pabirong sabi niya. "Wala ako sa mood kagabi ehh. How about Luke? Nasan siya? "tanong ko pa. "Pinatawag ng Lolo niya, hndi ko alam pero urgent ata."sagot ni Raikko. "Ano? Bar tayo mamaya?"tanong ko pa. "Pass muna ako..baka dumating si Daddy mamaya.."sabi pa ni Raikko.. Di na lang ako nagsalita. . . LIGHT's POV Hinatid ko na si Summer sa klase niya ngayon. Biglang naalala ko ang sinabi ni Lolo noon sakin. "Hindi magtatagal ang panahon at magiging tagapag ligtas ka ng alas."sabi ni Lolo. At hindi ko ina-asahan na ang alas pala ay magiging kapatid ko. Hindi kami lumaki ng magkasama ni Summer, pero naiintindihan ko naman yun. Habang palapit nang palapit ang oras na lumilitaw ang tatak ni Summer, mas nagiging mapanganib ang bawat oras para sa kanya. Maraming bampira ang naghahanap sa kanya. Natatakot ako para sa kapatid ko pero walang dapat ikabahala, dahil siya ang pinaka malakas na bampira pagnakuha na niya ang tatak niya. Habang papunta na ko sa room ko ay biglang may na amoy ako... Teka . . . Amoy ni Summer??? Pero anong ginagawa ni Summer sa men's room??? Pumasok ako sa loob ng Cr at nakita ko si Christ dun. Hindi ko siya ka close pero isa siya sa ka- office mate ko bilang SSC. Siya ang VP at ako naman ang President kaya minsan nakaka usap at nakikita ko siya.. "Ohh Light. "Bati niya sa akin. "Christ."banggit ko sa pangalan niya. Bakit kaya may amoy si Christ na amoy ni Summer?? . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD