bc

S.M.S Book 1 -Salamat-

book_age16+
58
FOLLOW
1K
READ
family
aloof
inspirational
drama
comedy
sweet
bxg
office/work place
sisters
roommates
like
intro-logo
Blurb

Yung moment na trabaho ang pinasok mo pero sakit ng puso inabot ng haggard mong sarili. Ganyan ang nangyari kay Stellar nang matanggap na sya sa kanyang dream job sa mental hospital after four years of studying in college. Isa na syang ganap na psychologist pero mukhang siya ang mangangailangan ng counselor sa kanyang unang assignment. Tara at samahan natin ang ating bida kasama ang kanyang bibang kapatid na si Mystina at ang weird but petite and pretty friend of theirs na Sierra sa isang nakakawindang na istorya na puno ng tawanan, condiments, iyakan at makaubos ng dugo sa ilong na foreigners!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ate Stellar, kakain na daw tayo sabi ni Momtie!" malakas na katok ni Mystina sa kwarto ni Stellar, alas otso ng umaga. Bumangon siya ng mabilis at humikab. Isa na namang boring na araw sa kanyang buhay. Graduate sya ng B.S Psychology Major in Human Resource Management samantalang kanyang pinsang kapatid na si Mystina naman ay graduate ng B.S Hotel and Restaurant Management Major in Hotel Information isang linggo na ang nakakalipas. Nagpapakasarap pa sila sa kanilang buhay walang pasok sa pamamagitan ng paglalaro ng P.S.P, Nintendo D.S at kung anu-anu pang gadgets. "Daddy! Pa yapos dali na!" sigaw nya sa isang matangkad, payat at kulot na lalaking lumabas sa kwarto sa kaliwa nya. Nagulat ito ng niyakap nya ang likod nito at isinubsob ang mukha sabay buntong hininga. "Stellar, ano problema mo anak? May kailangan ka ba? May pupuntahan kayo ni Mystina? May masakit ba sa iyo?" alalang tanong nito sabay harap sa kanya at hinaplos ang kanyang mahabang buhok na kulot din gaya nito. Umiling sya at hinalikan ang pisngi nito, "Wag mo ako igaya sa ibang anak na naglalambing lang sa magulang pag may kailangan Daddy! Love na love lang talaga kita!" Nakita ni Stellar na biglang naluha ang kanyang Daddy at ngumiti ng konti. Agad nya itong pinunasan gamit ang kanyang kamay at hinalikan ang mata nito. "Kuya Steve, Stellar anak! Kakain na." tawag ng isang babae sa baba at magkayakap silang bumaba ng hagdan para saluhan sa umagahan ang kanyang Momtie at si Mystina na ngayon ay puno na ng pagkain ang maganda nitong pisngi. Umupo sya sa tabi ng Momtie nya at sa tabi naman ni Mystina tumabi si Daddy. Si Dennis Steven Maranan ang Daddy nya. Si Allyssa Mari Maranan naman ang Mommy at Auntie nya, Momtie in short. Sa kadahilanang wala syang ina ay ang tiyahin nya ang tumayong ina sa kanya samantalang ang Daddy nya ang tumayong ama para sa pinsan nyang si Mystina na wala namang ama. Kung tutuusin ay walang pinagiba sa ibang pamilya ang nakalakihan ni Mystina at Stellar. Yun nga lang mas cool. "Duncle, magaaply kami ni Ate Stellar sa Manila today pwede ba?" sabi ni Mystina pagkatapos nitong lunukin ang kinakain nitong hotdog. Napatingin sa kanya si Steve at napakamot sa ulo sabay tingin sa oras, "Aba'y pasado alas otso na ah? Tatanghaliin na kayo ng luwas nyan. Baka naman pwedeng bukas na lang?" Sumiksik si Mystina sa gilid ng Duncle nya at sumubo ng isa pang hotdog, "Dali na Duncle! Nandun parin naman ung mga companies mapatanghali o umaga kami dumating. Sige na! Please?!" Tumikhim si Allyssa at lumingon kay Stellar, "Anak, ok lang ba sa iyo? Mukhang tinamaan na naman ng sumpong itong kapatid mo!" Napaisip si Stellar. Kunsabagay maghapon na naman silang tutunganga. Why not go out and explore? "I think it's a great idea Momtie! Daddy, please payagan mo na kami ha?" "Sige na Duncle! Papasalubungan ka namin ng favorite mong chocolates!" Napakamot sa ulo ang ama nila sabay lingon sa kapatid, "Ikaw ba Lalay? Ayos lang ba?" Itinaas ng butihing ina ang kanyang dalawang kamay ng ibaling ng dalwa ang puppy look nila dito, "O sya, sige sige na kuya. Graduate na naman itong mga anak natin. Experience din yan. Ng makaranas hindi matangap sa trabaho!" "Sakit mo naman magsalita Mommy!" ungol ni Mystina. "Tama ang Mommy mo anak, ako nga e tatlong oras byumahe tapos 1 minute lang ako sinabihan na hindi ako tanggap!" iling ng kanyang Daddy. "O.k lang yun. Charge that to experience diba? Sige Daddy, Momtie, maliligo na ako... at Mystina?" sabi nya sabay lingon sa pinsan na tinutundos ng tinidor ang itlog na nilaga. Lumingon sa kanya ito at naningkit ang mata, "Di ako papayag!" "Mahuli maligo, may tae sa pwet!" sigaw ni Stellar sabay takbo sa taas ng bahay kasukasunod si Mystina na dala pa ang tinidor na may itlog. Makikinig na lamang ang tawanan ng magkapatid habang nag-uunahan ang kanikanilang mga anak sa pag-ligo. -0- "I'm sorry miss but you need to improve your communication skills first." Sabi ng babaeng interviewer sa kaniya. Bumuntong-hininga si Stellar ng lumabas sa room at dumeretso kung saan nakaupo ang kanyang pinsan na napakalapad ng ngiti sa kanya. "Ano? Tanggap ka daw?" tanong niya kay Mystina. "Syempre hinde! Improve my English daw!" mabilis na sagot nito sabay suklay. "E bat ang lapad-lapad ng ngiti mo? Daig mo pa si Mama Cyn noong nakatama sa jeuteng!" sabi nya sabay saksak ng folder na may lamang credentials nya sa backpack na dala. Ngumiti sa kanya ito lalo at kumindat, "Kasi ate ang lakas ng feeling ko na matatanggap tayo sa huling pag-aaplyan natin!" "Naku sinasabi ko sa iyo Tinay na hindi mo papangaraping magtrabaho don! Lalo na sa tulad mo na sensitibo ang pang-amoy!" sabi nya sabay tayo at lumabas sa bwisit na call center building. Panglima na nila itong call center agency na napuntahan at limang beses narin silang sinasabihan na magpaka-slang sa English o di kaya ay itama ang punto nilang Quezonanin. "Ate ayan may Mandaluyong na bus! Tara dali! Gorabels na!" sabi ni Mystina sa kanya sabay para sa bus na paparating. Nang makaupo sila at makapagbayad ay iiling iling na lang sya sa kanilang sarili. Mukhang uuwi ata silang luhaan ngayon. Nakakahiya sa kanyang Daddy at Momtie. "Ate alam mo kung bakit hindi tayo makakuha ng work? Kasi puro negative yang iniisip mo! Nakakasama ng aura! Dapat lagi mong iisipin tanggap tayo! Hays... pero I am sure na matatangap tayo sa Manda! I swear ang lakas ng pakjramdam ko na this is it pansit na talaga!" litanya nito sa akin habang binabagtas ng bus ang daan. Nang bumaba sila ng bus ay hindi makapaniwala si Stellar na babalik siyang muli sa kuta ng mga psychologists, psychiatrists at mga taong may sariling mundo sa Pilipinas. "Ate picturan mo ako sa tapat ni Sisa dali! Peace!" Utos ni Mystina sa kanya sabay bigay sa kanya ng digicam at nag peace-sign sa monumento ng mga baliw. "Ayan! O ikaw na ang makabagong Sisa ngayon! Tama na yang picturan at bilisan na nating pumunta sa H.R office! Ayaw kong gabihin. Alam mo naman si Daddy kung makapag-worry!" sabi nya kay Mystina. Tumango naman ito at dali-daling sumunod sa kanya papunta sa opisina. -0- "Gusto ko lang pong magkaroon ng experience sa psychiatric ward Ma'am." sabi nya sa babaeng may katandaan na nag-sisilbing interviewer nya. "Hindi pa ba sapat na nakapag-ojt ka dito Ms. Maranan for two months?" tanong nito sa kanya sabay tingin sa kanyang resume. Umiling si Stellar at ngumiti, "I believe Ma'am na mas magkakaron ako ng kaalaman sa aking profession kung mag-tatrabaho ako dito as an employee and not as a student for training. Gusto ko din pong makapag-handle ng patients if I can ng magamit ko po ang napag-aralan ko" "Kung sakaling matatangap ka dito Ms. Maranan. Anong specific type of patients ang gusto mong mahawakan?" "I want to handle people with traumatic experience Ma'am." Tumaas ang kilay nito na tila nagtataka, "Why is that Ms. Maranan?" "Gusto ko po kasing ibalik sa kanila ang dati nilang confidence sa sarili. Because I believe Ma'am na ang taong makakaovercome sa kanyang trauma or fears, ay magiging isang mas matatag at role model sa iba pang nakakaranas ng problema sa kanila. It's like my help will not only be for the patients themselves but also to their friends or love ones who are experiencing or will be experiencing the same trauma they have experienced." May pagka-malambing nitong sagot sabay naalala ni Stellar ang kanyang kaibigang na na trauma at gumaling na ito na mismo ang kusang tumutulong sa iba na nakakaranas ng napagdaanan nito. Tumango-tango ang interviewer at ngumiti ng matamis sa kanya, "I see Ms. Maranan. I guess there is no need to wait for our call then?" "Excuse me Ma'am?" nagtatakang tanong nya. Ganon ba kapangit ang interview session nya na kahit "We will call you later." ay wala? Tumayo ito at inilahad ang kamay nito sa kanya, "Ms. Stellar Maranan, you are hired. Tell that also to your sister outside the room. Welcome to the National Center for Mental Health." -0- "Berting! Ibalik nyo ako kay Berting! Mga hayop kayo! Bitawan nyo ako!" sigaw ng isang pasyente habang pinagtutulungan ng tatlong nurse na maibalik ito sa kwarto nito. Sila Stellar at Mystina naman ay nanananghalian sa pantry ng mga oras na iyon at napatingin na lang sila sa kawawang babae habang ipinapasok ito sa room nito. "Sayang siya ano ate? Ang ganda pa man din!" comment ni Mystina sabay subo ng kanin. Iiling-iling na lamang si Stellar ng biglang manahimik ang nagwawalang babae, "Ganyan talaga Mystina ang nagkakaron ng problema sa pag-ibig. Kaya kung ako sa'yo ay ititigiltigil ko na ang pagpapa-charming mo sa head nurse sa forensic ward!" "Hay naku ate! E ang gwapo naman nya e. So hot pa at ang kinis-kinis. Siguro ang puti din ng singit nun ano?" "Diyos ko pati singit pinagpapantasyahan mo?! Mag-hunus-dili ka dyan at bilisan mo na ang pagkain! Mag-aalauna na. May papakainin ka pang mga pasyente dito... Yes Ms. Formosa?" tanong ni Stellar sa nurse na dumating. May inabot ito sa kanyang folder at ngumiti, "Ma'am may new patient po kayo. Kayo pa po talaga ang ni-request ni Dra. Laydia para tumingin sa kanya." "I see. Pero bat parang ang lapad-lapad naman ang ngiti mo ngayon Sierra? Sinagot mo na si Dong?" puna ni Stellar sa nurse na hindi mapigilan ang pag-ngiti sabay tarak ang mata. Lumingon-lingon muna ito sa paligid at binabaan ang boses, "Naku Stellar! Buksan mo na kasi yang folder ng makita mo na bukod sa pinag-pala ka na sa face mo, pinag-pala ka pa ng Diyos sa pasyente mo! Grabe! Binigyan ka nya ng anghel!" "Akin na nga yan ano bang meron... OH MAY GAWD! TUBIG!!! KAILANGAN KO NG TUBIG!!! BERTING---este---BERNARDO!!! TUBIG!" sigaw ni Mystina pagkabukas nito ng folder na nag-lalaman ng personal files ng pasyente. Dali-dali namang binigyan sya ng kanyang kitchen staff ng tubig na mabilis naman nitong nilagok, "STELLAR MARANAN... IKAW NA NGA ANG BINIYAYAAN!!!" "O.A naman kayo masyado akin na nga yan Tinay... ng makita ang pinagkaka--- HUH?!" Pagkabukas ni Stellar ng folder ay hindi siya makapaniwala sa nakita. Isang binata, about nineteen years old, six feet two inches, may mala anghel na mukha, hindi na kailangan pang manghula kung half-filipino ba ito tulad nila Stellar at Mystina o hindi. Pure blooded European ang binata. Mala-sutlang balat na kulay perlas at may magandang pangangatawan. Yung bang napapanood ng mag-kapatid sa telebisyon na surfer guys type. Makatawag pansin ang baby-blue nitong mata at dark-yellow na buhok. Ang ngiti nito ay sapat nang one-year supply ng ulam para sa isang babaeng tulad nya. "Oh! Hindi ka makaimik dyan ate! Sabi sa iyo Sierra eh! Hindi tomboy si Ate Stellar ko!" sabi ni Mystina na gumising sa kanyang pag-iisip. Dali-daling tumayo si Stellar at bitbit ang folder ay mabilis syang pumunta sa office ng Head Psychologist at kinausap ang butihing doktora. "Ma'am, I humbly decline this assignment." Sabi niya sabay patong ng folder sa table nito. Mukha namang nag-panic ang matandang babae at umiling agad, "Ms. Stellar, ikaw na lang ang natitirang psychologist na hindi pa nasuko sa kanya! Don't you have a heart for the poor boy?" "Why don't you get someone from the other pavilions... I'm sure they will all be more than willing to accept him, especially the girls" wika ni Stellar dito. Napaupo na lang ang matanda at binuksan ang folder sabay iling habang hawak nito ang ulo na tila wala ng pag-asa, "Ms. Stellar, I've already done that. All of them failed. Walang makakuha ng tiwala ng batang ito. Nag-tatapon sya ng tantrums tuwing may gustong kumausap sa kanya. Nasasaktan pa nga nya ang mga psychologists at nurses natin dito!" "Even Ms. Melvar?" tanong niya. Si Aixel Melvar ang pinakamaganda s***h mabait s***h sexy s***h promising s***h matalinong psychologists na nakilala na ata nya sa buong buhay nya. Bumukas bigla ang pinto ng office. "Yes, Stellar. Even me." Napalingon siya at nakita nya si Aixel. Five feet eight inches, slim, sexy and confident. Kung ano ang ginanda nito, sya din namang ginanda ng ugali at tinalino ng utak nito. Nuknukan ng kabaitan at very down to earth. Ang yaman pa. "Then I guess there is no point of trying. May I suggest that we transfer him to other mental institution, St. Luke's perhaps?" suggest nya. Umiling ang dalwa nyang kausap na babae, "I believe we cannot do that. Hindi sya pwedeng ilabas ng Mental hanggat hindi sya magaling Stellar." sabi ni Aixel. "Let's put it this way Ms. Stellar. His case is a matter of national security. I'm not supposed to say this but he is a royalty from the other country. Pinagkatiwalaan tayo ng bansa nila. We have to meet their expectations and we must meet it or die trying!" desperadang wika ni Dra. Laydia habong sapo nito ang noo. Nanlaki ang mata ni Stellar. Nakaramdam ito ng kaba at takot. Parang pasan nya ang mundo ng lumabas sya ng opisina. "O ate? Ano nangyari sayo? Parang pasan mo ang kuba ni kampanerang kuba?" tanong ni Mystina sa kapatid na mukhang pinitpit na luya. "Triny ko na tanggihan yung assignment pero hindi daw pwede! Kahit si Aixel ay suko na din daw. Ano naman ang magagawa ko sa isang case na hindi kaya ni Aixel?!" walang pag-asang tanong ni Stellar sa pinsan sabay buntong hininga. "You know my dear colleague, there are infinite ways you can show how better you are than me... stop putting yourself down Stellar!" sabi ng boses sa likod nya. "Ayan! Buti dumating si Ate Aixel. Sya ate ikaw na muna mag pep-talk sa kapatid kong yan at madaming mababaliw pag hindi nakain ng mga fans ko ang luto ko!" paalam ni Mystina sabay pasok sa kitchen at nagsimulang mag-tadtad ng patatas habang nag-uutos sa iba pa nyang tauhan. Tahimik na tiningnan ni Stellar si Aixel na umupo sa harap niya. Ang ganda talaga nito. Kung naging lalaki lang sya ay malamang isa na rin sya sa nag-papakamatay humabol dito. Walang itulak kabigin ang mga assets ng morenang ito. Alam nila Stellar at Mystina na may ganda din sila pero isang kasalanan ata kung ikukumpara nila ang sarili nila kay Aixel. "Can we talk Stellar as friends and not as colleagues?" tahimik na tanong nito ng solo nalang sila pantry. Tumango si Stellar at huminga ng malalim. "Stellar, bakit mo piniling maging psychologists?" "Kasi, yun din ang course ni daddy e." sagot nito sa kausap. Ngumiti si Aixel ng matipid, "I know there is so much more than that." "Kasi... may friend ako na na depress. Hindi sya makakain, makatulog at iyak ng iyak lang siya. Later on malaman ko na lang nag-suicide na pala siya. I felt so useless back then... wala akong nagawa para sa kanya... hanggang sa mabasa ko ang letter nya. Sabi don... salamat daw sa lahat ng naitulong ko at pagmamahal na naibigay ko sa kanya. Sabi pa nya... sana madami pa akong matulungan... that's..." "That's why you decided to become a psychologist. What a loving and dedicated friend you are..." pagtatapos nito sa nasimulan kong salita. "I don't know Aixel... kung hindi mo nga nagawa... paano pa kaya ako?" tanong ni Stellar sabay yuko. Hinawakan ni Aixel ang kamay ng kaibigang at ngumiti, "Everybody here siguro dito tingin sa akin perpektong babae... Pero that's where they are wrong. Takot akong magkamali Stellar. Takot akong hindi ma-reach ang expectations ng iba. Kaya ginagalingan ko. Alam mo ba na gumuho ang pagkatao ko ng hindi ako pansinin ng cute na lalaking yun?" Nanlaki ang mata ni Stellar ng makitang napapaluha si Aixel sa harap nya. "It hurts when even you thought that kaya mong gawin yung inatas na work sa'yo pero in the end you failed. It crushed me... but then, I realized that baka na-reach ko na yung limitations ng abilities ko... Na may iba pang tao na mas magaling sa akin sa case na yun. I never accept it if someone will take-over the job I failed to accomplish... pero nung malaman ko na ikaw yung papalit, I felt relieved somehow..." "Bakit naman?" wika nya. Tumayo ito at tumalikod kay Stellar, "Nalaman ko kasi na may papalit na pala sa trono ko pag-alis ko dito. Isang maganda at desididong babae na mas magaling sa akin..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook