[ R E N N E I ' S P O V ]
17 years ago ...
Masaya naming in-envade ang dressing room ng bride para makigulo at para makita na rin namin ang itsura ng kaibigan namin sa napakaespesyal na araw na ito. Kapwa mga nakasuot kami ng mga gown na kulay black at white. Ito kasi ang napili ng ikakasal na kulay para sa motifs at iba pang detalye para sa kasal nila.
Pinalibutan namin si Alex na sa ngayon ay nakaupo sa harap ng napakalaking salamin. Wala kaming masabi. Bagay na bagay sa kanya ang wedding dress niya. "You're so pretty!" bigla naming narinig ang matinis na boses ng isang batang babae sa may pintuan.
Akala ko hindi na siya ulit makakabisita sa amin eh. Ako na ang lumapit kay Charlene at binuhat ko siya papalapit kay Alex na nakangiti na sa kanya at handa na siyang yakapin. Pagkabigay ko kay Charlene kay Alex, iniupo niya ito sa mga hita niya upang mas malapitan niya itong makita.
"And you look so cute!" sambit ni Alex habang pinipisil ng marahan ang pisngi ng bata.
"I'm not! Pero ikaw, you're so beautiful! I wish I can be as pretty as you when I grow up." tila nagtatampong hiling ng bata na siyang ikinangiti naming lahat. Sigurado namang lalaki siyang isang magandang dalaga. Nasa batang edad pa lang siya pero halata mo na ang mga features ng mukha niya na siyang kakaiba talaga.
"Siyempre naman. I bet you'll even be prettier than me when you grow up." this time inayos naman ng kaibigan ko ang flower pin na nakalagay sa buhok ni Charlene habang nakikipagkulitan dito.
Masaya lang namin silang pinagmasdan, hindi antala ang mga mangyayari sa mga susunod na taon. Tanging pinayo namin nina Dereen at Fiacre sa mga sarili namin ay ang kalimutan mo na ang bagay na iyon at magsaya lang. Kumilos ng parang walang masama na mangyayari at ngumiti ng wala kaakibat na pag-aalala at pagkalungkot. This is our bestfriend's wedding! Of course, we should be happy!
Mga ilang minuto ang dumaan at dumating na si Janice para ipaalam sa amin na ready na ang limousine na sasakyan namin at kailangan na namin bumaba para hindi kami mahuli sa schedule. Ibinaba na ni Alex si Charlene para i-check ang sarili niya. Dali daling tinulungan nina Courtney, Thelina, at Kia si Alex sa mahabang laylayan ng gown niya. Walang oras yata na hindi naging maingay ang kwarto nang dahil sa amin. Pati sa paglabas, rinig pa rin ang mga paalala ng mga babaeng heads kay Alex. Pinauna muna namin silang makalabas since ang pinakaimportante na mga tao sa araw na ito ay ang bride at groom. Si Janice naman na ang kumuha kay Charlene at katulad ng iba ay bumaba na rin sila.
Naiwan kaming tatlo sa silid. Tahimik ang paligid kung kaya't dinig ang pagbuntong hininga namin. "Any news?" Fiacre asked. Napapikit ako ng mariin. Simula ng malaman namin ang katotohanan mula sa kapatid ni Mr. Devroid ay never akong nagsayang ng oras para lang makahanap ng resolba sa problemang ito. God knows how much effort I exerted just to save my friend's life pero wala, wala akong magawa kundi ang umiling.
"Wala na bang ibang paraan para hindi siya mamatay?" malungkot na pahayag ni Dereen na ngayon ay tinutungo na ang pintuan papalabas. Nakatalikod siya sa amin. Patunay lang na ayaw niya ipakita sa amin na sobrang nahihirapan na rin siya. Sino nga naman ba ang hindi? Ah. Oo, 'yung mga hindi pa nakakaalam.
But we can't just tell them the issue here. It will really cause a huge chaos once we drop this bomb. Even if you say that they can help us on finding the cure, it's still useless. I guess it will be better if we just keep this within the three of us. How could we share this pain to our beloved friends on this wonderful day? Ngayon na okay na ang lahat, sisirain pa ba namin ang buong larawan? No, I don't want to.
We decided to go out as well since the time is running already. Sa pagbaba namin sa staircase ay inilalayan kami nina Keith, Kane, at Jake. Bakas din ang galak sa mga mukha nila dahil ikakasal na ang master nila. Iniwasan kong makita ang mga ngiti na iyon dahil parang mas nakakapagpalungkot iyon sa akin. Inalo nila kami papasok sa sasakyan. Pumwesto ako sa may passenger seat na dapat ay pwesto ni Dash. Nang papunta na nga siya sa side na ito ay napatigil siya nang makita ko pero hindi naman na siya nakaangal at nagtungo na lang sa iba pang pwesto na hindi okupado.
May dalawampung minuto bago namin marating ang simbahan. I didn't bother to join on their girls' conversation at the back. Instead, isinandal ko ang likod ko at ang ulo ko sa seat at tumingin na lang sa labas. Napapansin ko kasi nitong mga araw na parang hindi na ako 'to. Even before the 'ESCAPE' incident happened, I am a quiet mushroom. I always maintain a cold and straight face inside or outside of our house. I don't care if it's the president of the United States or a royalty from Europe, I won't bow down to anybody. I am like a rock who can't be shaken. It's quite amusing how I was able to smile a while ago.
"Hindi totoong dahil sa sumobra ang itinarak na ESCAPE kay Alex kaya siya mas malakas sa inyo. As Mr. Devroid's sister, I shall take the blame. Alexandria is contaminated by Onyx Blood Disease. It was a rare pathogen that was discovered by the most powerful council on the underground society. They ordered to modified it through genetic engineering so that they can create superhuman agents."
Superhuman agents?
"This disease can infect others through blood transfusion. Their modifications made it possible na sa mga babae lang tatalab ang epekto nito at hindi rin maipapasa sa mga magiging anak ng carrier. Lahat ng maaapektuhan nito ay kinukuha ng Onyx Council as one of their agents. Isang beses ko na silang nakita. Believe me, they're unhuman!"
If Alexandria is really infected by that disease, how come hindi pa namin nae-encounter ang mga alagad ng Onyx Council? I've never heard that name kina Sky, kuya Xander, o kahit kay Spade. I'm not familiar with all the things within the underground. I need to send some investigators as soon as possible. We don't have much time.
"The longest an infected individual has officially survived is 20 years after they were infected. The world doesn't know anything about this kaya tanging ang council lang ang nakakaalam ng mga detalye."
I won't let her die. Gagawin ko ang lahat makahanap lang ng lunas sa blood disease na 'yan.
"Young lady, please come out." bigla akong nawala sa malalim na pag-iisip nang tapikin ako sa balikat ng driver ng mga Cromello. I heard he's a former reaper of Alex's mom.
Napatango naman ako bilang sagot. Sumenyas na ako na lalabas ako kaya naman binuksan ng isa sa mga associates ng Mafia Dela Vega ang pintuan sa side ko. Lumabas na ako at sinundan ang mga kaibigan ko na papasok na sa simbahan. Bago makalapit ay may ilan pang mga baitang ang kailangan mo akyatin. Iniangat ko ng kaunti ang laylayan ng gown ko para hindi ako matisod. Hahakbang na sana ako nang may mahagip ako sa paningin ko.
Napatingin ako sa loob ng church, nagsisi-ayos na sila para sa paglakad ng bride sa aisle. I heaved a sigh at humakbang na para makapunta na rin sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Pagkapasok ko ay isinarado na ang malalaking pintuan ng simbahan para naman bigyan ng grand entrance ang bride mamaya when it's her turn to kill the red carpet.
Imbes na sumama sa linya ng mga bride's maids, pumuslit ako paakyat sa pangalawang palapag. Doon, nakita ko siyang prenteng nakasandal sa pader na gawa sa matitibay na bato at nakatitig sa kabuuan ng mga naririto.
Limitado lang ang mga inimbita ng pamilya sa kasal. Mga importanteng business partners, mafia leaders, our schoolmates who helped us on saving Alex, our close friends from other countries, relatives, ten heads, at sa tingin ko ang nagpadami lang sa mga taong nandito ay ang mga reapers, associates, capos, and soldiers. Actually, the whole area is surrounded by 150 soldiers. Kahit ang daan na papunta dito ay bantay sarado ng mga Valkyries at guards. Sinigurado talagang wala ng makakapigil pa sa kasal o di kaya'y iwasan na may mangyari pang masama.
"Why are you here?" I asked. I almost slap myself. Why did I ask him that? Of course, he would be here. It's his sister's wedding, afterall.
"Ano kaya ang pakiramdam na ihatid siya altar?" nakangiti niyang sambit habang sinusundan ng tingin ang ngayon ay nagsisimula ng prusisyon.
Hindi man niya sabihin, nakikita ko ang panghihinayang na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ng malaya, ng malapitan o di kaya'y ihatid sa altar ang kakambal niya. "I think you'll feel accomplished." Axel suddenly looks at me. "After all these years that you've been searching and protecting her, I guess you'll feel accomplished because once and for all, your work is done. That it is time for you to hand her to another man who will protect her with all his might." I explained. Medyo napayuko siya nang marinig ang sagot ko. Ibinaling niyang muli ang tingin niya sa baba. Nilapitan ko ang kinapepwestuhan niya upang samahan siyang manood.
Pinagmasdan ko kung gaano kasaya ang mga mukha ng mga tao sa baba habang ume-echo sa buong paligid ang tugtog mula sa pagpa-piano ni Skyzzer. Lahat sila nabibighani sa ganda ng babaeng naglalakad sa aisle. Oh well, sa tingin ko 'yung ibang babae nakatingin kay Alexander. Kakaiba talaga ang genes nila. Napailing na lang ako sa isip isip ko.
"Axel." I called out for his attention. He replied me with a 'hm?' and then I made up my mind to ask him about my worries. "By any chance, do you know the Onyx Council?" he is somewhat surprised when he heard me mentioning the last two words. Napaayos siya ng tayo at hinila ako sa mas madilim na parte ng palapag na ito.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko pinansin ang sakit at nakipagtagisan lang sa kanya ng tingin. Yeah, right. He has those genes too. He's as handsome and as intimidating as Alexander is. He may look somewhat gentle due to his protective brother side but he can emits killing aura as well.
"Rennei, paano mo nalaman ang tungkol sa Onyx Council?" Axel whispered at sumulyap sulyap pa siya sa ilang direksyon.
"Huh?" I frowned. Ano bang meron sa council na iyon at tila kinatatakutan sila ng lahat? Noong nakausap ko si Ms. Devroid, limang babae lang naman ang bumubuo sa council at wala ng iba.
"Hindi basta basta binabanggit ang pangalan ng council na iyon dahil lahat ay takot sa kaya nilang gawin."
"Bakit? Ano ba ang kaya nilang gawin?" paghahamon ko. Tell me, Axel. Bakit walang nagde-dare na banggitin ang Onyx Council?
"No matter how strong you are, no matter how brave you are, no matter how smart you are, no matter how resourceful or wise you are, they can take you down sa isang pitik lang nila."